Nang makita niya na mauubos na ni Charlie ang tsaa, mabilis na nilagyan ulit nang magalang ni Adam ang tasa at tinanong nang sabik, “Master Wade, ayos lang ba ang tsaa?”Tumango si Charlie at sumagot habang nakangiti, “Ayos lang, Adam. Sinadya mo bang aralin ang kasanayan na ito? Hinding-hindi ko inaasahan na ang isang tao na may pagkatao mo ay magkakaroon ng interes na magsaliksik sa pagtitimpla ng tsaa.”Ang dating Adam ay galing sa isang mayamang pamilya. Kaya, walang kwentang mayaman na bata siya.Hindi lang na walang alam siya, maarte rin siya. Mula umaga hanggang gabi, bumibili siya ng mga walang kwentang bagay sa antique street, itinuturing na kayamanan ang mga walang kwentang bagay na iyon.Noong pumunta si Jack sa Aurous para sumali sa auction, sumunod siya sa kanya at sumipsip siya sa kanya, at ginawa niya siyang kalaban.Medyo matagal nang hindi nakikita ni Charlie ang bata na ito. Kailanman ay hindi niya inaasahan na magbabago nang sobra ang batang ito. Mas makatwiran
Hindi inaasahan ni Charlie na may sariling speedboat si Aurora dito.Nang makita niya na sabik si Aurora, ngumiti siya at sinabi, “Okay, tumingin tayo nang magkasama. Pero paano naman ang driving skill mo? Hindi naman ako matatapon sa lawa, tama?”Namula si Aurora at sinabi nang nahihiya, “Hindi, Master Wade. Makasisiguro ka na may matatag na kakayahan ako dito! Kahit na mahulog ka sa lawa, sasagipin din kita.”Sinabi nang nagmamadali ni Adam na nakatayo sa gilid, “Ate, sama ako, gusto ko rin sumama…”Si Adam ay hindi biyolohikal na kapatid ni Aurora, magpinsan sila na may parehong lola. Kaya, hindi nakataria si Adam sa villa na ito, paminsan-minsan lang siya bumibisita.Kaya, nang marinig niya ang layunin ni Aurora na maglakbay gamit ang bangka, hindi niya maiwasang masabik.Tinitigan siya ni Aurora at sinabi nang mapagbiro, “Bakit sasama ka? Bakit ka rin pumupunta sa pupuntahan namin?”Ngumuso nang naagrabyado si Adam at magsasalita na sana siya nang sinabi sa kanya ni Graham,
Ngumiti si Aurora at sinabi, “Master Wade, magtiwala ka sana sa galing ko!”Tumango si Charlie bago siya sumakay sa speedboat at umupo sa tabi ni Aurora.Sa sandaling ito, pinindot ni Aurora ang start button. Dumagundong nang malakas ang apat na magkakatabing V8 marine engines. Mas malakas pa ang tunog kumpara sa pakiramdam ng isang supercar.Mabagal na nilabas ni Aurora ang speedboat mula sa daungan. Pagkatapos, ngumiti siya nang tuso kay Charlie at sinabi, “Master Wade, kumapit ka nang mahigpit!”Pagkatapos niyang magsalita, bigla niyang tinaasan ang accelerator sa maximum power nito!Bumugso paharap ang buong speedboat habang nagmadali itong umabante.Kahit na naghanda na si Charlie para dito, nagulat pa rin siya sa lakas ng speedboat na ito.Sobrang lawak ng lawa. Kaya, ang pagmamaneho ng speedboat na ito ay hindi katulad sa lupa kung saan palagi mong kailangan magbigay atensyon sa daan.Sa lawa, ayos lang kahit na pumikit ka nang ilang sandali bago ka dumilat ulit. Kaya, a
Sa sandaling ito, sa Aurous International Hotel, dinala ni Ito Nanako ang kanyang assistant at ilang katulong mula sa pamilya niya habang bumalik siya sa kanyang hotel room pagkatapos umalis sa stadium.Nag-book ang pamilya Ito ng dalawang presidential suite noon pa man sa Aurous International Hotel dahil pupunta si Nanako sa Aurous Hill.Sa dalawang presidential suite, kay Nanako lang ang isang buong presidential suite. Habang ang kanyang coach, assistant, at mga kasama ay nasa kabilang presidential suite.Nagpadala rin ang pamilya Ito ng isang tao kalahating buwan na ang lumipas, sa Aurous Hill para ayusin ang isa sa mga kwarto sa presidential suite kung saan ginawang exclusive na training room ni Nanako.Sinasabi na ang renovation fee pa lang ay nasa ilang milyong dolyar na. Kung isasama ang pangmatagalang renta sa dalawang presidential suite, gumastos na ang pamilya Ito ng tatlo o apat na milyong dolyar para sumali si Nanako sa championship sa Aurous Hill.Ang dahilan para sa
Sumagot nang nahihiya si Hiroshi, “Miss, pinapahalagahan talaga nang sobra ng chairman ang kolaborasyon nila ng Kobayashi Pharma. Kaya, huwag ka po sanang maging makulit at matigas ang ulo…”Sumagot nang magaan si Nanako, “Pasensya na, Tanaka-san. Gusto ko nang ipagpatuloy ang pag-eensayo ko.””Pagkatapos, ibinaba nang direkta ni Nanako ang tawag.Twenty-two years old na si Nanako ngayong taon at isa siyang senior sa University of Tokyo, ang top university sa Japan. Sobrang simple at inosenteng tao siya, at nagdala rin ng kaunting lamig at kawalan ng pakialam ang marahan at tahimik na ugali at pagkatao niya.Siya ang pinakamagandang babae sa apat na sunod-sunod na taon sa University of Tokyo. Bukod dito, maraming top family sa Japan ang naglalaban para maging manugang nila si Nanako dahil siya ang pinakamagandang kandidato. Pero, isang simple at inosenteng babae lang si Nanako na mahal ang combat and fighting.Hindi niya naiintindihan ang relasyon sa pagitan ng lalaki at babae, at
Sa sandaling narinig ito ni Hiroshi, sinabi niya nang nagmamadali, “Chairman, makasisiguro ka na hinding-hindi ko sasabihin sa kahit sino ang sasabihin mo sa akin.”Sumagot nang kuntento si Yahiko, “May ginagawa ang Kobayashi Pharma na isang uri ng stomach powder na may magandang epekto at sobrang ganda ng benta ng gamot na ito. Bukod dito, patuloy itong kumakalat sa global market. Sa panahon ngayon, kadalasan ay may stomach upset ang mga tao. Kaya, sobrang lawak ng market para sa ganitong gamot. Sa sandaling nilabas ang gamot na ito sa buong mundo, siguradong aabot sa sampu-sampung bilyong dolyar ang taunang kita nito.”Sinabi ni Hiroshi, “May sobrang laking market para lang sa stomach medicine?”Sumagot si Yahiko, “Ito pa lang ang preliminary estimation. Tinanong ko na ang pharmaceutical laboratory sa University of Tokyo para suriin at ikumpara ang stomach powder ng Kobayashi Pharma sa stomach medicine na ginagawa ng ibang kumpanya sa merkado. Ang konklusyon nila ay, ang Kobayashi
“Magaling!” Sumagot nang sumasang-ayon si Yahiko. “Tulad ng inaasahan sa isang anak ng pamilya Ito. Hindi ka mayabang o mapagmataas at hindi mo nakalimutan ang orihinal na layunin mo!”Kahit na nakikipag-usap si Nanako sa kanyang ama sa cellphone, yumuko siya nang kaunti nang hindi nag-iisip sa silangan habang sinabi nang magalang, “Maraming salamat sa papuri mo, Marangal kong Ama! Patuloy akong magsisikap!”Humuni si Yahiko bago sinabi, “Siya nga pala, Nanako, pumunta ba ang chairman ng Kobayashi Pharma, si Kobayashi Jiro, diyaan at hiniling na makipagkita sayo?”Opo, Marangal kong Ama!”Sumagot si Yahiko, “Hindi ka na bata. Dapat ay hindi ka na lumalayo palagi sa magkaibang kasarian. Nakipagkita na ako sa binatang ito, kay Jiro, dati. Dalawang taon lang siya na mas matanda sa iyo at maaasahan siyang binata. Hindi masamang ideya na makipag-ugnayan ka sa kanya sa hinaharap.”Sumagot nang nagmamadali si Nanako, “Marangal kong Ama, wala pa akong hangarin tungkol sa relasyon sa pagit
Nang marinig ni Yahiiko ang pangako ni Nanako, bahagyang nanlambot ang boses niya habang tinanong, “Nanako, nag tanghalian ka na ba?”Sumagot nang tapat si Nanako, ‘Marangal kong Ama, patuloy akong mag-ensayo pagkabalik ko mula sa stadium kaya hindi pa ako nag tanghalian.”Humuni si Yahiko habang sinabi, “Mabuti. Dahil tanghali na rin ngayon, sa tingin ko ay yayain mo na rin si Jiro na manatili at mag tanghalian kasama mo. Sa ganitong paraan, ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo para pagsilbihan at aliwin siya sa sa ngalan ng ama mo.”“Yayain siyang mag tanghalian?”Hindi maiwasang mag-alangan nang kaunti ni Nanako.Noon pa man ay malamig na ang pagkatao. Noong tinuturuan siyang pamilya nia ng feminine etiquette, palagi siyang sinasabihan na magpanatili ng sapat na distansya sa mga lalaki sa labas. Bukod dito, maraming taon nang nahuhumaling si Nanako sa combat and fighting. Kaya, wala siyang masyadong karanasan sa mga lalaki.Bukod sa mga miyembro ng pamilya niya, hindi pa kuma
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang