Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi pa nagsisimula ang laban. Paano mo nalaman na hindi ka mananalo? Sigurado ako na matatalo mo si Joanna.”Nahiya si Aurora at sinabi, “Master Wade, malinaw sa akin ang sarili kong abilidad. Sobrang lakas ni Joanna. Siya lang ang Brazilian na Sanda player na may pambihirang talento sa buong women’s team at mas magaling nga siya kaysa sa akin. Halos imposibleng matalo ko siya…”Bahagyang lumapit si Charlie sa kanyang taing nang malgod at binulong, “Huwag mong kalimutan ang mahiwagang gamot na binigay ko sa iyo dati. Sa ngayon, maganda ang kalagayan ng katawan mo pero kumpara sa mga top players, malaki pa rin ang puwang. Kapag ginamit mo ang mahiwagang gamot, malaki ang ilalakas at ibibilis ng reaksyon mo. Naniniwala ako na malaki rin ang itataas ng abilidada mo. Hindi problema ang pagtalo sa Brazilian, kay Joanna!”Pagkatapos, naalala ni Aurora ang mahiwagang gamot na binigay ni Charlie.Sa sandaling iyon, hinanap niya si Master Wade para sa kanyang
Nang makita na pupunta si Charlie sa bahay nila para mananghalian bilang bisita sa tanghali, masayang pumunta si Aurora sa changing room para magpalit ng damit. Bago siya pumunta, sinabi niya kay Charlie, “Master Wade, mangyaring hintayin mo ako nang ilang sandali, kailangan kong maligo. Pero huwag kang mag-alala, mabilis lang ito.”Tumango si Charlie at sumagot nang nakangiti, “Hindi mo kailangang magmadali. Ayusin mo muna ang lahat.”Sinabi ni Graham na nakatayo sa gilid, “Master Wade, medyo magulo dito. Magpahinga muna ba tayo sa kotse? Sasabihan ko ang mga tauhan ko na imaneho ang caravan papunta dito.”Habang may marahan na ngiti, sumagot si Charlie, “Sige. Maghintay tayo sa kotse.”Sumagot agad nang sabik si Adam, “Master Wade, dito po ang daan!”Habang paalis sila Charlie, Graham, at Quinton sa stadium, si Hanson, na nadurog ang kamao kanina lang, ay pumasok sa athlete’s lounge sa galit.May Japanese flag sa entrance ng lounge na ito. Ang mga salitang ito ang nakasulat sa
Tinanong niya, “Sobrang presko pa ng sugat mo, hindi pa nga namumuo ang dugo. Marahil ay nangyari yan sa nakaraang kalahating oras, tama?”“Tama.” Sinabi ni Hans, “Gumamit lang ng isang suntok ang taong sinabi ko para baliin ang kanang kamay ko. Ang ganitong uri ng lakas—hindi mo ito kaya, tama?”Sa sandaling sinabi niya ito, naging seryoso si Yamamoto Kazuki.Isa rin siyang practitioner. Pero, alam niya na may limitasyon ang katawan at alamn ng tao. Sa totoo lang, sobrang baba lang ng limitasyon na ito.Ang mga kamao ng tao ay gawa sa apat na mahalagang elemento, iyon ay laman, buto, muscle, at balat. Lahat sila ay laman at dugo. Para pagsuntok sa tiyan, mukha at ibang malambot na bahagi ng katawan ng kalaban ay para protektahan ang sarili na masaktan. Pero, para gumamit ng kamao para suntukin ang kamao ay isang pamantayan na malaki.Pero, ang isang kamao na sa sobrang lakas, ay kayang suntukin at baliin ang kamao ng iba? Nang maisip niya ito, tinanong niya agad, “Pagkatapos sunt
Pagkatapos umalis ni Hanson, humarap si Nanako kay Yamamoto Kazuki at tinanong, “Master, kahit na mas mahina nang sobra ang lakas ni Hanson kumpara sayo, sa larangan ng Sanda, masasabing nasa upper middle ito. Sinabi ni Hanson na kaya siyang saktan ng binata nang gano’n nang walang tinatamong sugat ang binata. Mukhang sobrang lakas niya!”Tinanong nang mausisa ni Yamamoto Kazuki, “Nanako, paano mo nalaman na maganda ang abilidad ng Hanson na ito?”Tumawa si Nanako Ito at sumagot, “Master, pinanood ko ang lahat ng video ng laban mo at sinuri ko nang mabuti ang bawat laban. Nakita ko rin ang buong proseso sa laban ninyo ni Hanson. Nasa 70% ng lakas mo ang lakas niya.”“Kaya pala!”Sinabi ni Yamamoto Kazuki at sinabi nang sumasang-ayon, “Nanako, ito ang dahilan kung bakit kita tinanggap bilang disipulo ko!”“Sobrang sipag mo at nagsusumikap ka. Sa lakas ng pamilya mo, hindi mo man lang kailangang magsikap nang sobra para sa isang maliit na ranking!”“Sapat na ang galing ng pamilya I
Nang makita niya na mauubos na ni Charlie ang tsaa, mabilis na nilagyan ulit nang magalang ni Adam ang tasa at tinanong nang sabik, “Master Wade, ayos lang ba ang tsaa?”Tumango si Charlie at sumagot habang nakangiti, “Ayos lang, Adam. Sinadya mo bang aralin ang kasanayan na ito? Hinding-hindi ko inaasahan na ang isang tao na may pagkatao mo ay magkakaroon ng interes na magsaliksik sa pagtitimpla ng tsaa.”Ang dating Adam ay galing sa isang mayamang pamilya. Kaya, walang kwentang mayaman na bata siya.Hindi lang na walang alam siya, maarte rin siya. Mula umaga hanggang gabi, bumibili siya ng mga walang kwentang bagay sa antique street, itinuturing na kayamanan ang mga walang kwentang bagay na iyon.Noong pumunta si Jack sa Aurous para sumali sa auction, sumunod siya sa kanya at sumipsip siya sa kanya, at ginawa niya siyang kalaban.Medyo matagal nang hindi nakikita ni Charlie ang bata na ito. Kailanman ay hindi niya inaasahan na magbabago nang sobra ang batang ito. Mas makatwiran
Hindi inaasahan ni Charlie na may sariling speedboat si Aurora dito.Nang makita niya na sabik si Aurora, ngumiti siya at sinabi, “Okay, tumingin tayo nang magkasama. Pero paano naman ang driving skill mo? Hindi naman ako matatapon sa lawa, tama?”Namula si Aurora at sinabi nang nahihiya, “Hindi, Master Wade. Makasisiguro ka na may matatag na kakayahan ako dito! Kahit na mahulog ka sa lawa, sasagipin din kita.”Sinabi nang nagmamadali ni Adam na nakatayo sa gilid, “Ate, sama ako, gusto ko rin sumama…”Si Adam ay hindi biyolohikal na kapatid ni Aurora, magpinsan sila na may parehong lola. Kaya, hindi nakataria si Adam sa villa na ito, paminsan-minsan lang siya bumibisita.Kaya, nang marinig niya ang layunin ni Aurora na maglakbay gamit ang bangka, hindi niya maiwasang masabik.Tinitigan siya ni Aurora at sinabi nang mapagbiro, “Bakit sasama ka? Bakit ka rin pumupunta sa pupuntahan namin?”Ngumuso nang naagrabyado si Adam at magsasalita na sana siya nang sinabi sa kanya ni Graham,
Ngumiti si Aurora at sinabi, “Master Wade, magtiwala ka sana sa galing ko!”Tumango si Charlie bago siya sumakay sa speedboat at umupo sa tabi ni Aurora.Sa sandaling ito, pinindot ni Aurora ang start button. Dumagundong nang malakas ang apat na magkakatabing V8 marine engines. Mas malakas pa ang tunog kumpara sa pakiramdam ng isang supercar.Mabagal na nilabas ni Aurora ang speedboat mula sa daungan. Pagkatapos, ngumiti siya nang tuso kay Charlie at sinabi, “Master Wade, kumapit ka nang mahigpit!”Pagkatapos niyang magsalita, bigla niyang tinaasan ang accelerator sa maximum power nito!Bumugso paharap ang buong speedboat habang nagmadali itong umabante.Kahit na naghanda na si Charlie para dito, nagulat pa rin siya sa lakas ng speedboat na ito.Sobrang lawak ng lawa. Kaya, ang pagmamaneho ng speedboat na ito ay hindi katulad sa lupa kung saan palagi mong kailangan magbigay atensyon sa daan.Sa lawa, ayos lang kahit na pumikit ka nang ilang sandali bago ka dumilat ulit. Kaya, a
Sa sandaling ito, sa Aurous International Hotel, dinala ni Ito Nanako ang kanyang assistant at ilang katulong mula sa pamilya niya habang bumalik siya sa kanyang hotel room pagkatapos umalis sa stadium.Nag-book ang pamilya Ito ng dalawang presidential suite noon pa man sa Aurous International Hotel dahil pupunta si Nanako sa Aurous Hill.Sa dalawang presidential suite, kay Nanako lang ang isang buong presidential suite. Habang ang kanyang coach, assistant, at mga kasama ay nasa kabilang presidential suite.Nagpadala rin ang pamilya Ito ng isang tao kalahating buwan na ang lumipas, sa Aurous Hill para ayusin ang isa sa mga kwarto sa presidential suite kung saan ginawang exclusive na training room ni Nanako.Sinasabi na ang renovation fee pa lang ay nasa ilang milyong dolyar na. Kung isasama ang pangmatagalang renta sa dalawang presidential suite, gumastos na ang pamilya Ito ng tatlo o apat na milyong dolyar para sumali si Nanako sa championship sa Aurous Hill.Ang dahilan para sa
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro