Nanonood si Coach Zavier sa gilid. Nang makita niya na dumedepensa lang si Aurora at tuloy-tuloy na tinatalo, umirap siya.Para sa kanya, ang tactic ni Aurora ang pinaka mahina sa mga mahihina.Dahil mabilis ang atake ng kalaban sa lower body at mas mahina ang lakas niya sa upper body, dapat ay nag-focus na lang siya sa pag-atake sa upper body ng kalaban tulad ng kung paano siya inatake nang mabangis ng kalaban sa kanyang lower body.Sa ganitong paraan, marahil ay nakahanap siya ng pagkakataon at nabaliktad ang sitwasyon sa isang iglap. Ito rin ang tradisyonal na iniisip ng maraming coach.Pero, ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit napakaraming coach ang hindi kayang maging top coach, at kahit noong player pa sila, hindi sila naging top player.Sa pananaw ni Charlie, kahit na labang ito sa dalawang hukbo o dalawang tao, ang pinaka maganda at pinaka matatag na paraan ay tanggalin ang trump card ng kalaban.Tulad sa gera, kung natalo ang ace master ng kalaban, hindi lamang hi
Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang magsisi nang sobra.Papasok na si Aurora sa quarter-finals, pero nag-away sila.Sa ganitong paraan, kung magkakaroon siya ng magandang resulta sa laban, wala na siyang kinalaman sa kanya.Sa sandaling ito, iniba ni Aurora ang istilo ng pakikipaglaban niya. Hindi na siya ang dumedepensa at umaatras, ngunit maagap na siyang umaatake sa kalaban.Dahil may pinsala ang kanang binti ng kalaban, naapektuhan nang sobra ang kakayahan niya. Ngayong hinahabol siya at inaatake ni Aurora, ang bawat hakban niya ay nagsasanhi ng matalas na sakit sa kanang binti niya.Bukod dito, naging pabigat na ang kanang binti niya at hindi na ito makasabay sa buong katawan niya.Hindi lamang siya pinahirapan nang sobra nito na depensahan ang sarili niya at iwasan ang mga atake ni Aurora, ngunit nahirapan din siya nang sobra na mag kontra-atake.Tuloy-tuloy na tumama ang mga atake ni Aurora sa katawan ng kalaban.Ang Thai player na sobrang agresibo kanina lang ay haw
Dahil sa tagumpay ni Aurora, opisyal nang nakapasok ang maangas na young lady sa quarter finals ng International University Combat and Fighting Championship.Ito ang pinakamagandang score at performance ni Aurora sa International University Combat and Fighting Championship.Nang ginanap ang championship sa Canada noong nakaraang taon, pumunta pa talaga si Aurora doon para sumali sa championship. Pero, sa panahong iyon, nabigo siyang makapasok sa groups, at ang huling ranking niya ay 30th.Ngayon, hindi inaasahan na nakamit ni Aurora ang hindi inaasahang tagumpay.Pagkatapos i-anunsyo ng referee ang pagkapanalo niya, nakipagkamayan si Aurora sa Thai player. Pagkatapos, saglit na niyakap ng dalawang babae ang isa’t isa.Hindi matagal, tumalikod si Aurora at tumakbo nang nagmamadali papunta kay Charlie. Sa sandaling dumating siya kay Charlie, masaya siyang tumalon sa yakap niya.“Master Wade, maraming salamat!”Binalot ni Aurora ang mga braso niya sa leeg ni Charlie at patuloy siya
Binigyan siya ng thumbs up ni Adam bago niya siya pinuri, “Ate, ang galing mo talaga sa huling round! Nang makita ko na hindi ka lamang sa unang dalawang round, akala ko na siguradong matatalo ka!”Ngumiti rin si Graham at sinabi, “Tama, Aurora. Nagpawis din nang malamig ang papa mo dahil sa iyo kanina lang!”Sumagot nang nahihiya si Aurora, “Ang lahat ng ito ay dahil sa paalala ni Master Wade. Kung hindi, natalo talaga ako sa laban…”Habang nagsasalita siya, niyakap nang malambing ni Aurora ang braso ni Charlie habang sinabi, “Si Master Wade na rin ang magiging coach ko sa hinaharap!”“Ah?!” Nagulat si Graham nang marinig niya na si Master Wade na ang bagong coach ng kanyang anak na babae. Kahit na sabik na sabik siya, tinanong niya na may kinakabahang ekspresyon sa kanyang mukha, “Paano ka nakapagbiro nang ganyan? Sobrang daming mahalagang bagay ang ginagawa ni Master Wade araw-araw. Paano siya magkakaroon ng oras para makisali sa pambatang laro na ito kasama ka? Paano kung maant
Sa mga mata ni Aurora, ang posisyon ni Charlie ay pangalawa lamang sa kanyang ama, kay Graham.Pero, hindi ito alam ni Coach Zavier.Naramdaman niya lang na naloko ni Charlie si Aurora dahil sa swerte niya. Iyon ang dahilan kung bakit naniwala at nagtiwala si Aurora sa kanya.Kaya, suminghal siya at sinabi nang mapanghamak, “Aurora, huwag kang magpaloko sa ganitong uri ng bata at walang karanasan na binata. Kaya lang magsalita ng taong ito, pero wala siyang totoong abilidad o galing. Kung hahayaan mo talaga siya na maging coach mo, siguradong hindi ka magkakaroon ng kahit anong pagkakataon na manalo sa mga susunod na laban sa hinaharap!”Sinabi ni Aurora nang medyo naiinis, “Pinagbabawalan kitang sabihin ang mga iyan kay Master Wade! Ang lakas at kapangyarihan ni Master Wade ay lampas sa imahinasyon mo! Kung hindi dahil sa paalala ni Master Wade ngayong araw, kung nakinig talaga ako sa tactical arrangement mo, natalo na ako sa huling laban. Talagang imposible para sa akin na makara
Sumagot nang malamig si Graham, “Isa ka lang coach sa combat and fighting. Bakit ang dami mong sinasabi? Kahit na ako, si Graham Quinton, ay hindi kasama sa pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa Aurous Hill, may ilang abilidad at kapangyarihan pa rin ako. Hindi ako naniniwala na may abilidad kang harangan ang anak ko sa isang salita lang!”“Graham Quinton?!” Sinabi ni Hanson at tinanong nang kinakabahan, “Ikaw si Graham Quinton, ang pinuno ng pamilya Quinton?!”Sumagot nang malamig si Graham, “Oo, ako iyon. Bakit? May opinyon ka ba tungkol dito?”“Hindi, hindi ako mangangahas!” Sumagot nang nagmamadali si Hanson. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Mr. Quinton, pinahiya ko talaga ang sarili ko sa harap mo. Hindi ko inaasahan na ikaw ang ama ni Aurora. Sobrang tagal ko nang hinahangaan ng dakilang pangalan mo. Ikaw rin ang taong nag-donate at nag-sponsor sa combat and fighting hall sa Aurous University of Finance and Economics…”Nandidiri na nang sobra si Graham sa lala
Nang sinuntok ni Hanson si Charlie, puno siya ng panghahamak sa kanya.Ginamit niya ang buong enerhiya niya sa suntok na ito. Naniniwala rin siya na matatalo niya si Charlie sa harap ng lahat.Dapat sabihin na may lakas talaga si Hanson.Dahil, siya ang national Sanda champion. Walang laban sa kanya ang mga ordinaryong tao.Mabilis at brutal ang suntok niya. Kahit si Aurora na maraming taon nang nag-eensayo ng Sanda ay hindi nag-react, lalo na si Graham at Adam.Gayunpaman, ang bilis na ipinagmamalaki ni Hanson, ay mabagal na galaw lang na walang banta sa mga mata ni Charlie.Sa totoo lang, wala man lang masyadong lakas ang suntok ni Hanson para sa kanya.Kahit na manatil siyang nakatayo at hayaan siyang suntukin siya, hindi siya masasaktan kahit kaunti ng suntok na iyon.Kahit na hindi banta sa kanya ang suntok, hindi pa rin pwedeng hayaan ni Charlie na tamaan siya ng talunan na ito.Kaya, nang malapit nang tumama ang suntok ni Hanson sa kanyang mukha, biglang itinaas ni Char
Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi pa nagsisimula ang laban. Paano mo nalaman na hindi ka mananalo? Sigurado ako na matatalo mo si Joanna.”Nahiya si Aurora at sinabi, “Master Wade, malinaw sa akin ang sarili kong abilidad. Sobrang lakas ni Joanna. Siya lang ang Brazilian na Sanda player na may pambihirang talento sa buong women’s team at mas magaling nga siya kaysa sa akin. Halos imposibleng matalo ko siya…”Bahagyang lumapit si Charlie sa kanyang taing nang malgod at binulong, “Huwag mong kalimutan ang mahiwagang gamot na binigay ko sa iyo dati. Sa ngayon, maganda ang kalagayan ng katawan mo pero kumpara sa mga top players, malaki pa rin ang puwang. Kapag ginamit mo ang mahiwagang gamot, malaki ang ilalakas at ibibilis ng reaksyon mo. Naniniwala ako na malaki rin ang itataas ng abilidada mo. Hindi problema ang pagtalo sa Brazilian, kay Joanna!”Pagkatapos, naalala ni Aurora ang mahiwagang gamot na binigay ni Charlie.Sa sandaling iyon, hinanap niya si Master Wade para sa kanyang
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl