Nagsuot si Charlie ng isang apron bago siya pumunta sa kusina para maghanda ng almusal.Sa sandaling iyon, tumunog ulit ang kanyang cellphone.Sa hindi inaasahan, pagkatapos niyang tumingin sa pangalan na nasa caller ID, napagtanto niya na ang tumatawag ay walang iba kundi si Aurora, ang maangas na young lady ng pamilya Quinton.Hindi maiwasang masorpresa nang kaunti ni Charlie nang makita niya ito.‘Hindi ako madalas tawagan ng maangas na young lady na ito. Maaari bang may problema ulit siya ngayong araw?’Nang maisip niya ito, nagmamadaling sinagot ni Charlie ang tawag bago tinanong, “Aurora, bakit mo ako hinahanap?”Sumagot nang nahihiya si Aurora, “Master Wade, naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo dati na sasali ako sa International University Combat and Fighting Championship?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre naalala ko. Hindi ba’t nangako ako na pupunta ako doon para suportahan ka at i-cheer ka? Siya nga pala, hindi mo sinabi sa akin kung kailan ito gaganapin.”N
Sumagot nang nahihiya si Aurora, “Hindi ako maangas na young lady…”Ngumiti si Charlie bago tinanong, “Kung gano’n, ano ka?”Sumagot si Aurora, “Ako… Ako… Ako ay isang magandang dalaga! Isang munting cutie!”Pagkatapos niyang magsalita, binaba nang nahihiya ni Aurora ang tawag bago pa makasagot si Charlie.Nang marinig ni Charlie ang biglang pag-beep na tunog sa kabilang dulo ng linya, hindi niya maiwansag tumawa habang umiling siya. Cute nga talaga ang maangas na young lady na ito.***Pumunta si Claire sa kanyang studio pagkatapos niyang mag-almusal.Kailan lang, lumaki ang lawak ng kanyang studio kumpara dati. Kaya, kumuha siya ng ilang empleyado. Ilang renovation project din ang isinasagawa sa parehong oras, at masasabi na lumalago ang negosyo ni Claire.Nilulong din ni Jacob ang kanyang sarili sa Calligraphy and Painting Association araw-araw, at sobrang abala siya.Sobrang balisa siyang pumunta sa Calligraphy and Painting Association pagkatapos mag-almusal ngayong araw,
Pagkatapos umalis ng bahay ni Charlie at ng kanyang biyenan na lalaki, si Jacob, tumawa ang kanyang biyenan na lalaki habang nagmamaneho at sinabi, “Oh! Sobrang tagal ko nang naghihintay! Sa wakas, magkakaroon na ng exchange and interaction ang Senior University sa Calligraphy and Painting Association namin!”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Kinausap mo na ba si Tita Hall?”“Hindi pa.” Ngumiti si Jacob at sinabi, “Balak ko siyang sorpresahin. Dahil, sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita.”Tumango si Charlie bago sinabi, “Pero pa, mag-ingat ka dapat nang kaunti. Hindi mo dapat hayaang malaman ni mama na nakabalik na sa Oskia si Tita Hall, lalo na ang ipaalam sa kanya na nakipagkita ka kay Tita Hall. Kung hindi, magkakaroon talaga ng malaking gulo sa pamilya natin.”Naiintindihan nang sobra ni Charlie ang pagkatao ni Elaine. May ilang bagay na madaling magpapagalit kay Elaine sa buhay na ito. Una ay pera, at pangalawa ay si Matilda.Kahit na galit na galit si Elaine na gusto siy
Tumango si Charlie bago siya pumasok sa stadium kasama si Graham.Malaking lugar ang Aurous Stadium. Hindi lang mayroon itong indoor swimming pool, ngunit may standar na indoor track and field din ito pati na rin ang lugar para sa badminton, table tennis, at basketball na kompetisyon.Sa sandaling ito, maliban sa swimming pool, ang buong stadium ay nireserba para sa combat ang fighting championship.Ang buong eksena ay nahahati sa napakaraming hugis parisukat, at may ring sa bawat parisukat.Tinuro ni Graham ang mga ring bago niya ipinaliwanag kay Charlie, “Master Wade, may walong ring sa stadium na ito, at ang walong ring na ito ay tumutugma sa walong iba’t ibang grupo. Ang walong grupo na ito ay matatapos sa lahat ng preliminary match sa loob ng walong ring na ito. Ang taong mananalo sa lahat ng match sa mga ring na ito ang magiging top eight na kalahok sa buong match.”Pagkatapos, tinuro niya ang ikalimang ring bago sinabi, “Master Wade, palaging nakikipaglaban si Aurora sa ika
Habang dumating ang boses ni Adam, nakita agad ni Charlie si Aurora, na pumasok mula sa entrance!Ngayong araw, may suot na sports bra at isang pares ng shorts si Aurora. Nakikita ang napakagandang katawan niya. Ang hindi inaasahan ni Charlie ay ang nakamamanghang muscle line ni Aurora, at may nakikita pang vest line sa gitna ng baywang niya.Ang ganitong uri ng katawan ay walang kapares sa mga babae!Bukod dito, ang balat ni Aurora ay kasing puti ng niyebe at wala itong kapintasan. Talagang perpekto ang ganito kaganda na katawan.Ang mahabang buhok ni Aurora ay nakatali sa isang malinis na ponytail. Habang may suot na isang pares ng malaking kulay pulang boxing gloves, mukha siyang magiting na may malakas na tindig.Isang dalaga na may dark brown na kulay ng balat ang lumabas kasama ni Aurora.Sabik na ipinaliwanag ito ni Adam kay Charlie, “Master Wade, isang Thai player ang kalaban ng ate ko ngayong araw. Narinig ko na may malakas na pundasyon siya sa Muay Thai at isa siyang se
Nakikita ni Charlie na may napakabilis na mga suntok ang babaeng Thai boxer na ito. Bukod dito, mas maliit siya nang 10cm kaysa kay Charlie. Gamit ang kanyang maliksing katawan at medyo payat na istruktura ng katawan, mas matatag ang lower body niya.Bukod dito, sobrang talino ng babaeng Thai boxer na ito. Hindi niya lang alam na lamang siya sa lower body, ngunit nakikita niya rin na ang lamang ni Aurora ay ang itaas na bahagi ng katawan. Kaya, madalas siyang umaatake gamit ang kanyang lower body.Dahil nakaisip agad at umaatake nang mabilis ang kalaban, naka-focus lang si Aurora sa pagdepensa ng mga atake, at medyo nakakahiya ang buong pangyayaring ito.Sa unang round, mas maraming epektibong atake ang kalaban kumpara kay Aurora. Pagkatapos ng isang round, malaki na ang lamang ng kanyang kalaban.Sa kalagitnaan ng maikling pahinga, nagmamadaling nagbigay ng ilang taktikal na gabay ang coach ni Aurora.Pagkatapos ng maikling pahinga na ilang minuto, agad pumasok sa pangalawang rou
Pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Charlie, tumingin si Aurora nang masaya sa kanya at emosyonal na sinigaw, “Master Wade!”Pagkatapos niyang magsalita, patuloy niyang sinabi nang nahihiya, “Master Wade, pasensya na’t ipinakita ko sa iyo ang isang kalokohang laban!”Pinagaan ni Charlie ang kalooban niya at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Normal lang na hindi mo mahanap ang ritmo mo sa simula. Kung maingat mong pag-aaralan ang lakas at kahinaan ng kalaban mo at gagamit ka ng angkop na estratehiya, makakabawi ka at mananalo ka sa huli.”Tumango si Aurora at sinabi nang tapat, “Alam ko, Master Wade. Salamat sa gabay mo!” Sa sandaling yon, tumingin nang hindi nasisiyahan ang coach na nasa tabi ni Aurora at sinabi, “Anong pinagsasabi mo sa kanya nang walang katuturan? Alam mo man lang ba ang Sanda? Nasa pinaka kritikal na sandali si Aurora ngayon! Kung hindi siya makakabawi sa pangatlong round na ito, malaki ang posibilidad na matatalo siya! Binibigyan mo pa siya ng masamang ideya sa
Tumango si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka naniniwala sa akin, maghintay ka lang at tingnan mo.”“Mabuti!” Umirap si Coach Zavier at sumagot, “Tingnan natin. Maghihintay ako dito para makita kung paano matatalo si Aurora ngayon!”Pagkatapos magsalita, pumunta siya sa audience seat, nakahanap ng bakanteng upuan, at umupo. Habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa kanyang dibdib at nakatingin, alam niya ang mangyayari kay Aurora sa puso niya. Siguradong matatalo siya sa laban na ito.Hindi siya pinansin ni Charlie at sinabi nang malambot kay Aurora, “Huwag kang kabahan mamaya. Sundan mo lang ang sinabi ko. Naniniwala ako na matatalo mo ang kalaban na ito.”Tumango si Aurora. Habang may nakakaawang hitsura, nanaghoy siya, “Master Wade, umalis na si Coach Zavier. Wala na akong coach. Kung mananalo ako ngayon, marahil ay kailangan kong lumaban sa ilang match pa. Pwede ba kitang maging coach?”Nang walang pag-aatubili, sinabi ni Charlie, “Walang problema. Simula ngayon, ako na ang c
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago