Pagkatapos umalis ng bahay ni Charlie at ng kanyang biyenan na lalaki, si Jacob, tumawa ang kanyang biyenan na lalaki habang nagmamaneho at sinabi, “Oh! Sobrang tagal ko nang naghihintay! Sa wakas, magkakaroon na ng exchange and interaction ang Senior University sa Calligraphy and Painting Association namin!”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Kinausap mo na ba si Tita Hall?”“Hindi pa.” Ngumiti si Jacob at sinabi, “Balak ko siyang sorpresahin. Dahil, sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita.”Tumango si Charlie bago sinabi, “Pero pa, mag-ingat ka dapat nang kaunti. Hindi mo dapat hayaang malaman ni mama na nakabalik na sa Oskia si Tita Hall, lalo na ang ipaalam sa kanya na nakipagkita ka kay Tita Hall. Kung hindi, magkakaroon talaga ng malaking gulo sa pamilya natin.”Naiintindihan nang sobra ni Charlie ang pagkatao ni Elaine. May ilang bagay na madaling magpapagalit kay Elaine sa buhay na ito. Una ay pera, at pangalawa ay si Matilda.Kahit na galit na galit si Elaine na gusto siy
Tumango si Charlie bago siya pumasok sa stadium kasama si Graham.Malaking lugar ang Aurous Stadium. Hindi lang mayroon itong indoor swimming pool, ngunit may standar na indoor track and field din ito pati na rin ang lugar para sa badminton, table tennis, at basketball na kompetisyon.Sa sandaling ito, maliban sa swimming pool, ang buong stadium ay nireserba para sa combat ang fighting championship.Ang buong eksena ay nahahati sa napakaraming hugis parisukat, at may ring sa bawat parisukat.Tinuro ni Graham ang mga ring bago niya ipinaliwanag kay Charlie, “Master Wade, may walong ring sa stadium na ito, at ang walong ring na ito ay tumutugma sa walong iba’t ibang grupo. Ang walong grupo na ito ay matatapos sa lahat ng preliminary match sa loob ng walong ring na ito. Ang taong mananalo sa lahat ng match sa mga ring na ito ang magiging top eight na kalahok sa buong match.”Pagkatapos, tinuro niya ang ikalimang ring bago sinabi, “Master Wade, palaging nakikipaglaban si Aurora sa ika
Habang dumating ang boses ni Adam, nakita agad ni Charlie si Aurora, na pumasok mula sa entrance!Ngayong araw, may suot na sports bra at isang pares ng shorts si Aurora. Nakikita ang napakagandang katawan niya. Ang hindi inaasahan ni Charlie ay ang nakamamanghang muscle line ni Aurora, at may nakikita pang vest line sa gitna ng baywang niya.Ang ganitong uri ng katawan ay walang kapares sa mga babae!Bukod dito, ang balat ni Aurora ay kasing puti ng niyebe at wala itong kapintasan. Talagang perpekto ang ganito kaganda na katawan.Ang mahabang buhok ni Aurora ay nakatali sa isang malinis na ponytail. Habang may suot na isang pares ng malaking kulay pulang boxing gloves, mukha siyang magiting na may malakas na tindig.Isang dalaga na may dark brown na kulay ng balat ang lumabas kasama ni Aurora.Sabik na ipinaliwanag ito ni Adam kay Charlie, “Master Wade, isang Thai player ang kalaban ng ate ko ngayong araw. Narinig ko na may malakas na pundasyon siya sa Muay Thai at isa siyang se
Nakikita ni Charlie na may napakabilis na mga suntok ang babaeng Thai boxer na ito. Bukod dito, mas maliit siya nang 10cm kaysa kay Charlie. Gamit ang kanyang maliksing katawan at medyo payat na istruktura ng katawan, mas matatag ang lower body niya.Bukod dito, sobrang talino ng babaeng Thai boxer na ito. Hindi niya lang alam na lamang siya sa lower body, ngunit nakikita niya rin na ang lamang ni Aurora ay ang itaas na bahagi ng katawan. Kaya, madalas siyang umaatake gamit ang kanyang lower body.Dahil nakaisip agad at umaatake nang mabilis ang kalaban, naka-focus lang si Aurora sa pagdepensa ng mga atake, at medyo nakakahiya ang buong pangyayaring ito.Sa unang round, mas maraming epektibong atake ang kalaban kumpara kay Aurora. Pagkatapos ng isang round, malaki na ang lamang ng kanyang kalaban.Sa kalagitnaan ng maikling pahinga, nagmamadaling nagbigay ng ilang taktikal na gabay ang coach ni Aurora.Pagkatapos ng maikling pahinga na ilang minuto, agad pumasok sa pangalawang rou
Pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Charlie, tumingin si Aurora nang masaya sa kanya at emosyonal na sinigaw, “Master Wade!”Pagkatapos niyang magsalita, patuloy niyang sinabi nang nahihiya, “Master Wade, pasensya na’t ipinakita ko sa iyo ang isang kalokohang laban!”Pinagaan ni Charlie ang kalooban niya at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Normal lang na hindi mo mahanap ang ritmo mo sa simula. Kung maingat mong pag-aaralan ang lakas at kahinaan ng kalaban mo at gagamit ka ng angkop na estratehiya, makakabawi ka at mananalo ka sa huli.”Tumango si Aurora at sinabi nang tapat, “Alam ko, Master Wade. Salamat sa gabay mo!” Sa sandaling yon, tumingin nang hindi nasisiyahan ang coach na nasa tabi ni Aurora at sinabi, “Anong pinagsasabi mo sa kanya nang walang katuturan? Alam mo man lang ba ang Sanda? Nasa pinaka kritikal na sandali si Aurora ngayon! Kung hindi siya makakabawi sa pangatlong round na ito, malaki ang posibilidad na matatalo siya! Binibigyan mo pa siya ng masamang ideya sa
Tumango si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka naniniwala sa akin, maghintay ka lang at tingnan mo.”“Mabuti!” Umirap si Coach Zavier at sumagot, “Tingnan natin. Maghihintay ako dito para makita kung paano matatalo si Aurora ngayon!”Pagkatapos magsalita, pumunta siya sa audience seat, nakahanap ng bakanteng upuan, at umupo. Habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa kanyang dibdib at nakatingin, alam niya ang mangyayari kay Aurora sa puso niya. Siguradong matatalo siya sa laban na ito.Hindi siya pinansin ni Charlie at sinabi nang malambot kay Aurora, “Huwag kang kabahan mamaya. Sundan mo lang ang sinabi ko. Naniniwala ako na matatalo mo ang kalaban na ito.”Tumango si Aurora. Habang may nakakaawang hitsura, nanaghoy siya, “Master Wade, umalis na si Coach Zavier. Wala na akong coach. Kung mananalo ako ngayon, marahil ay kailangan kong lumaban sa ilang match pa. Pwede ba kitang maging coach?”Nang walang pag-aatubili, sinabi ni Charlie, “Walang problema. Simula ngayon, ako na ang c
Nanonood si Coach Zavier sa gilid. Nang makita niya na dumedepensa lang si Aurora at tuloy-tuloy na tinatalo, umirap siya.Para sa kanya, ang tactic ni Aurora ang pinaka mahina sa mga mahihina.Dahil mabilis ang atake ng kalaban sa lower body at mas mahina ang lakas niya sa upper body, dapat ay nag-focus na lang siya sa pag-atake sa upper body ng kalaban tulad ng kung paano siya inatake nang mabangis ng kalaban sa kanyang lower body.Sa ganitong paraan, marahil ay nakahanap siya ng pagkakataon at nabaliktad ang sitwasyon sa isang iglap. Ito rin ang tradisyonal na iniisip ng maraming coach.Pero, ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit napakaraming coach ang hindi kayang maging top coach, at kahit noong player pa sila, hindi sila naging top player.Sa pananaw ni Charlie, kahit na labang ito sa dalawang hukbo o dalawang tao, ang pinaka maganda at pinaka matatag na paraan ay tanggalin ang trump card ng kalaban.Tulad sa gera, kung natalo ang ace master ng kalaban, hindi lamang hi
Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang magsisi nang sobra.Papasok na si Aurora sa quarter-finals, pero nag-away sila.Sa ganitong paraan, kung magkakaroon siya ng magandang resulta sa laban, wala na siyang kinalaman sa kanya.Sa sandaling ito, iniba ni Aurora ang istilo ng pakikipaglaban niya. Hindi na siya ang dumedepensa at umaatras, ngunit maagap na siyang umaatake sa kalaban.Dahil may pinsala ang kanang binti ng kalaban, naapektuhan nang sobra ang kakayahan niya. Ngayong hinahabol siya at inaatake ni Aurora, ang bawat hakban niya ay nagsasanhi ng matalas na sakit sa kanang binti niya.Bukod dito, naging pabigat na ang kanang binti niya at hindi na ito makasabay sa buong katawan niya.Hindi lamang siya pinahirapan nang sobra nito na depensahan ang sarili niya at iwasan ang mga atake ni Aurora, ngunit nahirapan din siya nang sobra na mag kontra-atake.Tuloy-tuloy na tumama ang mga atake ni Aurora sa katawan ng kalaban.Ang Thai player na sobrang agresibo kanina lang ay haw
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi