Alam niya na sobrang lakas at makapangyarihan ang background ni Isaac. Alam niya rin na kaya niyang gawin ang kahit anong gusto niya. Kung gusto niya talagang paalisin siya at ang buong pamilya niya sa Aurous Hill, siguradong magagawa niya ito.Sa ganitong paraan, sa halip na maipagtanggol niya ang sarili niyang kasal, sisirain niya lang at sasaktan ang sarili niyang natal family.Sa una pa lang ay kaunti lang abilidad ng natal family niya. Ngayon, masasabi na medyo may kaya na sila sa lipunan. Kung pupuwersahin silang umalis hometown dahil sa kanya, siguradong masisira ang buhay nila.Kahit ano pa ito, hindi niya magagawang saktan ang sarili niya at ang natal family niya. Kung hindi, hindi ba’t susumpain at sisisihin siya ng buong pamilya niya para sa suliranin nila?Nang gagawa na siya ng masakit na desisyon na tanggapin ang alok ni Charlie, bigla niyang nakita si Magnolia na nakatayo sa tabi niya.Sa sandaling ito, mukhang nakita ni Lilian ang tagapagligtas niya, at nagmamadali
Nagulat si Magnolia sa pagiging disidido ni Charlie.Sa parehong oras, napagtanto niya rin na imposibleng bigyan siya ni Charlie ng ganito kalaking respeto.Kay,a tumingin lang siya kay Lilian na may humihingi ng tawad na ekspresyon sa kanyang mukha habang sinabi, “Patawarin mo ako, tita. Wala akong magagawa tungkol dito…”Hinding-hindi inaasahan ni Lilian na hindi siya matutulungan ng kanyang tagapagligtas. Kaya, lumingon siya at tumingin kay Draco bago siya umiyak at sinabi, “Draco, kailangan mong iligtas ang mama mo! Draco, alam mo na hindi madali para sa mama mo na palakihin ka, tama?”Sa totoo lang, sobrang hindi komportable ni Draco sa sandaling ito. Dahil, kahit ano pa ito, si Lilian pa rin ang ina niya. Ayaw niyang puwersahin ang mama niya na idivorce ang kanyang ama at pagkatapos ay palayasin sa Aurous Hill.Bukod dito, ayaw niyang ikasal ang ama niya at bigyan siya ng isang stepmother na halos kasing edad niya pagkatapos idivorce ang kanyang ina.Kaya, ibinaba niya na l
Yumuko nang nagmamadali si Zell at sinabi, “Don Albert, mangyaring maghintay ka ng ilang sandali. Kakausapin ko muna saglit ang aking anak. Tayo lang ang nag-uusap tungkol dito, kaya wala pa siyang alam tungkol dito…”Tumingin si Albert sa kanyang relo bago niya sinabi nang malamig, “Bibigyan kita ng tatlong minuto. Hindi kita pagbibigyan nang madali kung mahuhuli ka pa!”Sinabi rin nang matalas si Isaac, “Zell, binabalaan kita. Huwag kang mag-isip ng kahit anong pandaraya simula ngayon. Kapag hindi ko nakita ang marriage certificate sa pagitan ni Turk at ng anak mo, tapos ka na!”Tumango nang paulit-ulit si Zell. Pagkatapos, sinabi niya nang natataranta, “Charlie Cameron at Don Albert, hindi niya na kailangang mag-alala. Hinding-hindi ako mangangahas na mandaya.”Direkta siyang sinipa ni Albert bago niya siya pinagalitan pa, “Ano pang saysay ng pangangako mo sa amin? Pumunta ka at mangako ka kay Master Wade!”Nagmamadaling gumapang si Zell sa harap ni Charlie bago niya sinabi, “M
“Ano?!” Halos bumagsak na si Juliet at ang kanyang ina nang marinig ang mga sinabi niya.Galit na pinagalitan siya ng kanyang asawa, “Zell! Naging matandang tanga ka na ba?! Hindi ba’t sinabi mo na ikakasal si Juliet kay Draco mula sa pamilya Scotson? Bakit mo siya ikakasal sa ama ni Draco, kay Turk? Halos kasing tanda mo si Turk! Paano mo magagawang ikasal ang anak na babae natin sa kanya?”“Tama, pa!” Galit na sumingit din si Juliet, “Kahit na buntis ako, hindi ibig sabihin na kailangan kong pakasalan ang isang nakakadiring matandang lalaki, tama?!”Nahiya nang sobra si Zell habang tumingin siya sa kanyang asawa at anak. Sinampal niya nang paulit-ulit ang sarili niya bago siya umiyak at sinabi, “Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko ang lahat ng ito! Naguluhan ako at ginalit ko ang tao na hindi ko dapat ginalit. Ngayon, tinawagan ng kabila si Don Albert at Chairman Cameron para papuntahin dito. Binigyan nila akong dalawa ng isang solusyon, iyon ay hayaang ikasal si Juliet sa ama
Samantala, para pagbigyan siya ni Charlie, lumuhod si Lilian at nagkowtow sa sahig habang inuntog niya ang ulo niya sa sahig nang paulit-ulit hanggang sa namaga ito. Pero, hindi naniwala si Charlie dito.Alam ni Charlie kung anong uri ng tao siya.Isang malupit na tao lang siya! Mas masama at mas malupit pa siya sa kanyang biyenan na babae, kay Elaine.Kahit na gusto ni Elaine na pakasalan ng kanyang asawa, ni Claire, ang isang mayamang lalaki, kailanman ay hindi naisip ni Elaine na ikasal ang kanyang anak sa isang lalaking may anak na.Pero, handa talaga si Lilian na puwersahin ang anak niya na maging ama ng anak ng iba dahil lang sa limampung milyong dolyar na dowry. Wala siyang hiya at wala siyang integridad.Kaya, sigurado ni Charlie na hindi galing sa puso ang pagsisisi niya ngayon, nagsisisi lang siya dahil napipilitan siya sa sitwasyon niya ngayon.Kung bibigyan niya pa ng pagkakataon ang babaeng ito, siguradong mas masama ang gagawin niya kay Magnolia sa hinaharap.Kaya,
Nang makita niya na dadalhin na ni Albert ang grupo ng mga taong ito sa Civil Affairs Bureau, tinanong ni Isaac si Charlie, “Master Wade, dapat ba akong sumama at bantayan ang sitwasyon?”Kumaway si Charlie at sinabi nang mahina, “Hindi mo na kailangang pumunta doon. Maghintay ka na lang dito at dumalo sa wedding banquet kasama ako.”Kanina pa nakatayo si Claire sa tabi niya nang walang sinasabi. Nang makita niya na dinala na ang lahat, hindi niya maiwasang itanong, “Charlie, nandito talaga tayo para pumunta sa wedding banquet nina Magnolia at Draco. Hindi ba’t medyo hindi angkop ang sitwasyon nila ng kanyang ama?”Ngumiti si Charlie bago tinanong, “Mahal, ano sa tingin mo ang angkop, kung gano’n? Kung hindi ko sisiguraduhin na mapapaalis si Lilian sa pamilya Scotson ngayong araw, at kung hindi natin tuturuan ng leksyon ang pamilya Scotson, sa tingin mo ba ay magkakaroon ng maganda at masayang buhay sa hinaharap ang kaklase mo pagkatapos siyang ikasal sa pamilya Scotson?”Tahimik n
Nabulunan si Lilian at sinabi, “Ma’am, nasa bahay namin ang marriage certificate. Pwede bang ibigay mo muna sa amin ang divorce certificate? Pagkatapos, dadalhin na lang namin ang marriage certificate mamaya.”Sinabi ng staff, “Hindi ito ayon sa karaniwang pamamaraan namin. Dapat ay bumalik muna kayo at kunin niyo muna ang marriage certificate niyo.”Sumagot nang nagmamadali si Turk, “Hindi, masyado nang huli ang lahat sa oras na iyon, ma’am. Kailangan naming madivorce bago mag tanghali.”Sinubukan silang himukin ng staff member, “Kahit na wala na kayong nararamdaman para sa isa’t isa, hindi niyo naman kailangang mag divorce ngayon din, tama? Kahit na hindi kayo madivorce ngayong araw, pwede naman kayong bumalik dito at madivorce mamayang hapon!”Sa sandaling ito, sumingit si Albert, “Miss, maraming taon na silang kasal at matagal na nilang nawala ang marriage certificate nila. Kaya, maaari bang iproseso mo na ito?”Pagkatapos niyang magsalita, tinuro niya si Turk bago niya sinabi
Itinaas ni Jayden ang kanyang kamay habang naghahanda na siyang paalisin si Lilian.Umiyak nang mapait si Lilian habang sinabi, “Ikaw… kahit papaano, dapat hayaan mo muna akong umuwi at mag impake!”Sumagot nang malamig si Jayden, “Ikaw letseng matandang babae. Iniisip mo pa rin na umuwi ka at iimpake ang mga damit mo?! Binibigyang respeto na nga kita dahil hindi ko na tinanggal ang mga damit mo ngayon. Kung patuloy kang magsasabi ng mga kalokohan, tatanggalin ko ang mga damit mo bago kita papaalisin!”Nang marinig ito ni Lilian, hindi na siya naglakas-loob na magsalita. Sumunod na lang siya na parang aso habang hinatid siya palabas ni Jayden.Pagkatapos makita na pinaalis na si Lilian, tinuro ni Albert si Juliet at sinabi, “Ikaw, halika dito.”Ayaw na ayaw ito ni Juliet sa kailaliman ng puso niya. Pero, hindi siya nangahas na suwayin si Albert sa sandaling ito.Lumapit lang siya kay Albert habang sinabi sa nanginginig na boses, “Don… Don Albert…”Tumango si Albert bago niya tin
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si