Nabulunan si Lilian at sinabi, “Ma’am, nasa bahay namin ang marriage certificate. Pwede bang ibigay mo muna sa amin ang divorce certificate? Pagkatapos, dadalhin na lang namin ang marriage certificate mamaya.”Sinabi ng staff, “Hindi ito ayon sa karaniwang pamamaraan namin. Dapat ay bumalik muna kayo at kunin niyo muna ang marriage certificate niyo.”Sumagot nang nagmamadali si Turk, “Hindi, masyado nang huli ang lahat sa oras na iyon, ma’am. Kailangan naming madivorce bago mag tanghali.”Sinubukan silang himukin ng staff member, “Kahit na wala na kayong nararamdaman para sa isa’t isa, hindi niyo naman kailangang mag divorce ngayon din, tama? Kahit na hindi kayo madivorce ngayong araw, pwede naman kayong bumalik dito at madivorce mamayang hapon!”Sa sandaling ito, sumingit si Albert, “Miss, maraming taon na silang kasal at matagal na nilang nawala ang marriage certificate nila. Kaya, maaari bang iproseso mo na ito?”Pagkatapos niyang magsalita, tinuro niya si Turk bago niya sinabi
Itinaas ni Jayden ang kanyang kamay habang naghahanda na siyang paalisin si Lilian.Umiyak nang mapait si Lilian habang sinabi, “Ikaw… kahit papaano, dapat hayaan mo muna akong umuwi at mag impake!”Sumagot nang malamig si Jayden, “Ikaw letseng matandang babae. Iniisip mo pa rin na umuwi ka at iimpake ang mga damit mo?! Binibigyang respeto na nga kita dahil hindi ko na tinanggal ang mga damit mo ngayon. Kung patuloy kang magsasabi ng mga kalokohan, tatanggalin ko ang mga damit mo bago kita papaalisin!”Nang marinig ito ni Lilian, hindi na siya naglakas-loob na magsalita. Sumunod na lang siya na parang aso habang hinatid siya palabas ni Jayden.Pagkatapos makita na pinaalis na si Lilian, tinuro ni Albert si Juliet at sinabi, “Ikaw, halika dito.”Ayaw na ayaw ito ni Juliet sa kailaliman ng puso niya. Pero, hindi siya nangahas na suwayin si Albert sa sandaling ito.Lumapit lang siya kay Albert habang sinabi sa nanginginig na boses, “Don… Don Albert…”Tumango si Albert bago niya tin
“Mabuti!” Sa wakas ay lumuwag na ang pakiramdam ni Turk nang marinig ito.Sa sandaling ito, tinawag silang dalawa ng staff sa counter para mag-apply sa kanilang marriage certificate.Twenty-six years old na si Juliet ngayong taon, habang si Turk ay fifty-two na. Eksaktong doble ang pagitan ng edad nila.Binigay ng dalaga ang marriage certificate sa kanilang dalawa habang nagngangalit siya sa galit.Pagkatapos mabigay ng marriage certificate, bahagyang ngumiti si Albert bago sinabi, “Okay, dahil nakuha na ng dalawang mag-asawa ang kanilang marriage certificate ngayong araw, bilisan na natin at bumalik na tayo sa hotel. Naghihintay pa rin si Master Wade na dumalo sa wedding banquet niyo.”Kaya, sinundan na lang nilang apat si Albert habang bumalik sila sa Hilton hotel.Sa sandaling ito, ang banquet hall sa Hilton ay napuno na ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Scotson.Dinala ni Charlie ang kanyang asawa, si Claire, habang umupo sila sa lamesa na pinakamalapit sa stage.Nak
Sa sandaling sumigaw nang malakas si Albert, biglang bumalik sa diwa ang pamilya Scotson, at pumalakpak sila sa sandaling ito kahit ayaw nila.Sa totoo lang, hindi rin sila masaya dahil sa kasal na ito. Dahil mawawalan talaga ng dangal ang pamilya Scotson dahil dito.Pero, dahil nandito na ito, wala nang magagawa ang kahit sino na baguhin ito.Sa sandaling ito, si Juliet, na may suot na wedding dress at may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, at si Turk, na nagpapakitang disente at matino siya habang may suot siya ns uit, ay umakyat sa entablado nang magkasama.Pagkatapos, ngumiti ang emcee at sinabi, “Sunod, salubungin natin ang pangalawang mag-asawa, ang groom, si Draco Scotson, at ang bride, si Magnolia Zevell!”Sa totoo lang, ayaw na ayaw din ng pamilya Scotson na palakpakan ang mag-asawang ito.Hindi lamang sina Lilian at Turk ang may ayaw kay Magnolia, ngunit ang lahat ng pamilya Scotson ay kinamumuhian at minamaliit din ang napakahirap na babaeng ito.Pero, ayon sa le
Ngumiti ang emcee at sinabi, “Oh! Hindi ko talaga inaasahan na maaantig nang sobra si Miss Morningstar. Siguradong matagal na siyang naghihintay para sa kasal na ito. Isa talaga itong perpekto at pares na ginawa ng langit! Hilingin natin ng maligayang kasal ang mag-asawang ito, habang buhay na pag-ibig, at isang maliwanag at payapang buhay gamit ang isang malakas na palakpakan!”Nang marinig ito ni Juliet, naramdaman niya na tila ba babagsak na siya. Napaupo siya sa sahig habang binaon niya ang kanyang mukha sa mga kamay niya at patuloy siyang umiyak nang miserable.Nakita ng emcee ang kanyang emosyon at patuloy na sinabi, “Mukhang sobrang emosyonal ng bride natin ngayon. Kausapin natin ang ating groom. Maaari ko bang itanong Mr. Turk Scotson, ano ang nararamdaman mo ngayon, dahil mapapakasalan mo ang isang bata at magandang asawa?”Bahagyang humagikgik si Turk habang sinabi, “Sobrang sabik ng nararamdaman ko…”Ngumiti ang emcee at tinanong, “Kung gano’n, Mr. Turk Scotson, may hili
Syempre, hindi masaya si Turk na kailangan niyang mag-kowtow sa harap ng napakaraming tao ngayong araw.Mahigit limampung taon na siya. Medyo nakakahiya ito nang sobra para sa kanya.Gayunpaman, sa sandaling ito, sinabi ng emcee, “Groom, ngayong araw ang mahalagang kasal mo. Ang dalawang pamilya ay magiging isang pamilya. Hindi ka lang magkakaroon ng bata at magandang asawa ngayong araw, ngunit magkakaroon ka rin ng mga magulang na mamahalin ka at aalagaan ka sa hinaharap. Tayong mga Oskian ang may pinaka tapat na ugali simula pa noong sinaunang panahon. Nararapat lang sa atin na lumuhod at mag-kowtow sa harap ng ating mga magulang. Kaya, bakit nag-aalangan ka pa rin? At saka, ang tradisyon ng ating Oskian para sa kasal ay mag-kowtow sa harap ng dalawang magulang at alukin sila ng isang tasa ng tsaa.”Napaiyak agad ang asawa ni Zell pagkatapos itong marinig.Totoo na ang dalawang pamilya ay magiging isang pamilya. Pero, ayaw niya talaga na magsimula ng pamilya ang anak na babae niy
Hinawakan ni Draco ang kamay ni Magnolia habang sabay silang umakyat sa entablado.Pagkatapos ng karaniwang proseso, nagsabi ng ilang papuri ang emcee bago siya nagpatuloy sa parte kung saan magpapalitan na sila ng panata ng kasal.Mahal na mahal nina Draco at Magnolia ang isa’t isa, kaya, sobrang saya nila at naantig nang sobra dahil sa wakas ay ikakasal na sila.Kaya, nakakapit nang mahigpit ang kamay ni Magnolia sa kamay ni Draco habang nakatayo sila sa entablado, at hindi nila mapigilang maiyak sa sabik.Mas komplikado ang damdamin ni Draco sa sandaling ito. Dahil kanina niya lang naranasan ang divorce ng kanyang mga magulang bago makita ang pangalawang kasal ng kanyang ama. Magkahalo ang nararamdaman niya tungkol dito.Pagkatapos magpalitan ng wedding ring ng bride at groom, ngumiti ang emcee at sinabi, “Sunod, imbitahin natin ang mga magulang ng groom, ni Draco, na bagong kasal din sa itaas ng entablado!”Sina Turk at Juliet, na kabababa lang, ay napilitang bumalik sa entab
Pagkatapos ipahayag ni Turk ang kanyang posisyon, sinabi ni Charlie sa pagkakuntento, “Sa hinaharap, sasabihan ko si Chairman Cameron na bantayan ang ugali niya pagkatapos niyang ikasal. Kung hindi niyo babaguhin ang supladong ugali niya na kampihan ang mga mayaman habang kinamumuhian ang mga mahihirap pagkatapos niyong ikasal at kung hindi mo tatratuhin nang mabuti ang bago mong asawa, manugang na babae, at magiging anak mo sa hinaharap, sasabihan ko si Chairman Cameron na baliin ang dalawang binti mo. Naiintindihan mo ba ako?”Tumango nang paulit-ulit si Turk at sinabi nang matatag, “Naiintindihan ko, Master Wade…”Kumaway si Charlie at sinabi, “Okay. Nagmaneho ako papunta dito ngayong araw kaya hindi ko iinumin ang wine na inalok mo sa akin. Batiin mo na ang ibang bisita. Napakaraming bisita dito ngayong araw. Siguraduhin mo na mag-aalok ka ng toast sa lahat at huwag kang mag-iiwan ng kahit isang tao. Naririnig mo ba ako?”“Narinig kita! Pupunta na ako at mag-aalok ng toast sa la
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa