Share

Kabanata 1225

Penulis: Lord Leaf
Naramdaman ni Charlie na wala siyang magawa at nalulungkot pagdating kay Jasmine.

Hindi niya inaasahan na sobrang masigasig siya sa kanya, pero sa parehong oras, nasorpresa siya na matigas ang ulo niya.

Hindi niya balak pukawin ang nararamdaman niya pero nangyari pa rin ang mga bagay kapag hindi niya inaasahan ito.

Medyo responsable rin siya sa malalim na pagkugusto ni Jasmine sa kanya, pero alam niya na imposibleng malutas ito sa loob ng isang gabi, kaya sinabi niya na lang, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung bibigyan natin ng oras ang isa’t isa, pag-usapan natin ito sa susunod.”

Sumulyap nang balisa si Jasmine sa kanya at tinanong sa malambot na boses, “Hindi mo na ba ako papansinin simula ngayon? Lalayo ka ba sa akin at ilalayo mo na ang damdamin mo sa akin?”

Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit ko gagawin iyon? Imposibleng iwasan kita at hindi pansinin dahil lang nagtapat ka ng nararamdaman sa akin. Hindi ako gano’ng klase ng tao.”

Huminga nang maluwag si Jasmine at sinabi, “Sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1226

    Pagkatapos umalis sa kotse, nanatiling nakatayo si Charlie habang pinapanood niyang magmaneho palayos si Jasmine, pagkatapos ay nanatiling nakatayo nang mahigit sampung segundo bago siya tumalikod at naglakad papasok sa gate ng Thompson First.Nang makauwi siya sa bahay niya, katatapos lang ng night shower ni Claire at nakahiga siya sa kama, nagbabasa ng libro.Ngumiti siya nang makita si Charlie at tinanong, “Kamusta ang birthday party ng kaibigan mo?”Medyo hindi mapalagay si Charlie at sumagot sa hindi mapalagay na tono, “Ah, ang party, maganda ito…”Hindi alam ni Claire na kaarawan talaga ito ni Jasmine dahil hindi ito sinabi ni Charlie sa kanya dahil ayaw niyang isipin nang sobra ni Claire ang buong bagay na ito.Si Claire naman, sa kabilang dako, ay hindi nakapansin ng kaibahan kay Charlie. Sa halip, ibinaba niya ang libro, tumingin kay Charlie, at sinabi sa medyo nahihiyang boses, “Mahal, pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo, please?”Sinabi ni Charlie, “Hindi mo na kail

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1227

    Samantala, kababalik lang ni Jasmine sa mansyon ng pamilya Moore.Sa daan pauwi, namumula siya sa hiya at tumitibok nang masigla ang puso niya nang maalala niya ang matapang na halik na ibinigay niya kay Charlie.Sa totoo lang, si Jasmine ay hindi ang uri ng babae na magkukusa sa isang relasyon.Marami na siyang manliligaw simula pa noong bata siya, pero kailanman ay wala siyang nagustuhan sa mga manliligaw na ito.Sa totoo lang, wala pa siyang nagugustuhan na kahit sino bago niya makilala si Charlie.Kahit siya, hindi niya inaasahan na mawawalan siya ng kontrol pagkatapos mahulog kay Charlie.Bilang young lady ng numero unong pamilya sa Aurous Hill, kung kakalat ang balita tungkol sa halik, magiging katawa-tawa siya sa buong siyudad.Dahil, sa opinyon ng publiko, kinasusuklaman nila ang ideya ng isang babae na naghahabol sa isang lalaki.Bukod dito, ito ang unang halik niya na tinago niya ng dalawampu’t anim na taon at ibinigay niya ito kay Charlie.Gayunpaman, walang pinagsi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1228

    Bukod dito, hindi nila alam ang gagawin nila pagkatapos gumaling ni Lord Moore sa kanyang terminal illness at ngayon ay kasing lusog na ng di gaano katandang lalaki. Ang ibig sabihin ay mabubuhay pa siya ng sampu o dalawampung taon.Marahil ay baguhan at kaunti pa lang ang karanasan ni Jasmine ngayon, pero sa dedikasyon at pag-asa na inilagay ni Lord Moore sa kanya, pati na rin ang kanyang proteksyon at seguridad, walang duda na maitatatag ni Jasmine ang sarili niya bilang maaasahang pinuno sa loob ng ilang taon.Sa sandaling iyon, mahihirapan sila nang sobra na pabagsakin siya.Kilalang-kilala sa kasaysayan na kapag ang mga maharlikang dinastiya ay naglalaban para makuha ang trono, ang pinakamagandang oras ng paghihimagsik ay kapag mahina pa ang pundasyon ng lakas ng bagong emperor.Halimbawa, si Zhu Di ng Ming Dynasty ay naghimagsik laban sa kanyang pamangkin, ang Jianwen Emperor, na kakaangat pa lang sa trono, at tagumpay niyang napabagsak ang bagong halal na emperor.Gayunpama

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1229

    Sa sandaling ito, sa hatinggabi sa Eastcliff International Airport, dumating ang private jet sa airport kung saan nakasakay si Dylan Koch.Sa buong paglipad, hindi mapakali si Dylan pagkatapos lunukin ang ruby necklace.Natatakot siya na magsasanhi ng intestinal obstruction ang kwintas sa digestive system niya at malalagay siya sa panganib. Buti na lang, nakarating siya nang ligtas sa Eastcliff.Sa sandaling dumating ang eroplano, bumaba agad ito sa runway papunta sa hangar kung saan may naghihintay na na ambulansya.Sobrang makapangyarihan at mayaman ang pamilya Koch sa Eastcliff na may net worth na limang daang bilyong dolyar sa pinakamababa. Hindi lamang na mayroon silang sariling medical doctors at specialist, ngunit may sarili rin silang private hospital.Ang ambulansya na sumundo sa kanya sa airport ay galing sa hospital ng pamilya Koch.Nasa ambulansya ang vice president ng hospital at maraming gastroenterologists.Ang mga ekspertong ito ay medyo kinakabahan nang marinig

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1230

    Napukaw si Dylan sa tanong ng doktor!Lumitaw nanaman sa isipan niya ang mayabang na mukha ni Charlie at hindi siya makapaghintay na tanggalin ang pangit na ngiti sa mukha niya pati na rin ang patayin siya ngayon!At si Isaac din na iyon!Sobrang bastos at walang awa siya sa punto na nag-record pa siya ng video para i-blackmail at bantaan siya na lunukin ang ruby necklace!Kung hindi dahil sa banta na ito, hindi niya nilunok ang kwintas!Sa tingin ba talaga ng g*go na iyon na siya ang may-ari ng mundo dahil nasa likod niya ang pamilya Wade? Nakakainis!Tumingin nang masama si Dylan sa doktor at sinabi nang galit, “Huwag kang makialam! Kung may lalabas ulit na pang-bobong salita sa bibig mo, papatayin kita!”Tinikom nang mabilis ng doktor ang kanyang bibig. Kahit na hindi si Dylan ang pinakamalakas sa pamilya Koch bilang pangatlong anak sa pamilya, hindi siya isang tao na dapat maging kaaway.Nagmadaling pumunta ang ambulansya sa hospital at pagdating sa hospital, pinasok agad s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1231

    Alam ng mga doktor at nurse na nagtatrabaho sa hospital ng pamilya Koch kung gaano sila kayaman, kaya kukunin nila ang kahit anong pagkakataon na kaya nila para kumuha ng pabor sa mga miyembro ng pamilya.Lampas sa pinakamabangis na panaginip ng nurse na maaakit ang pangatlong young master ng pamilya Koch sa kanya, para bang isa itong Cinderella na nagkatotoo.Kahit ang isang one-night stand ay igagarantiya ang kanyang komportableng buhay tulad ng pangako ni Mr. Koch, pero paano kung mabuntis siya pagkatapos nilang magtalik? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay magiging bayani agad siya mula sa wala kapag nagkaroon siya ng sanggol sa kanyang tiyan?Ito rin ang dahilan kung bakit maraming artista, sa kahit anong paraan, ay pipiliing maging kabit ng isang mayamang tycoon o magkaroon pa ng anak sa isang tycoon! Dahil gusto lang nilang magkaroon ng sariling version ng mula mahirap papunta sa mayaman na kwento.Nang marinig ang kanyang mapang-akit na alok, tumango agad ang nurse nang walang p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1232

    Kumuha ang nurse ng isang unan para takpan ang kanyang katawan at sinabi sa naagrabyadong tono, “Mr. Koch, huwag mo akong gawing masama. Kung hindi dahil sayo, bakit ko pagtataksilan ang boyfriend ko? Sobrang lapit ng relasyon namin ng boyfriend ko…”Sinabi nang galit ni Dylan. “May boyfriend ka?”Iniyak ng nurse, “Opo, ilang taon na kami ng boyfriend ko at balak pa naming magpakasal ngayong taon. Kung malalaman niya ang tungkol dito, katapusan ko na…”Nagngalit si Dylan sa pagkabalisa habang nakatingin nang masama si Leonard sa nurse gamit ang madilim na hitsura niya at sinabi, “Bibigyan kita ng limang milyon, umalis ka na sa kwartong ito at sa hospital na ito ngayon din.”Nang marinig ng nurse na makakakuha siya ng limang milyon, tumango siya nang paulit-ulit, mabilis na sinunggaban ang kanyang uniform at sinuot ito, at tumakbo palabas habang may ngisi sa kanyang mukha.Sa sandaling ito, pumasok ang mga doktor para alagaan ang lola ni Dylan na bumagsak sa sahig, at tinangay siya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1233

    Pinagsisihan ni Dylan ang ginawa niya at tumango nang mabilis nang sinabihan siya ng ina niya na pumunta sa kanyang lola.Tumalikod si Sylvia at sinabi, “Magbihis ka na, bilis!”Mabilis na sinunggaban ni Dylan ang mga damit niya at sinuot ito.Tinanong ni Sylvia, “Siya nga pala, anong ginawa mo sa Aurous Hill? Bakit ang bilis mong bumalik? At narinig ko na lumunok ng isang ruby necklace, totoo ba ito? Ito ba ang pinili ko para sayo upang ibigay kay Miss Moore? Anong nangyayari?”Nagbuntong hininga nang malungkot si Dylan habang binomba siya ng sunod-sunod na tanong mula sa kanyang ina at sinabi, “Ma, pwede bang pakitigil ang mga tanong mo? Sa maikling salita, nang pumunta ako sa birthday party ni Jasmine sa Aurous Hill, isang talunan na may apelyidong Wade ang lumitaw at nakipagpustahan ako sa kanya. Napilitan akong lunukin ang ruby necklace nang matalo ako sa pusta.”Sumimangot si Sylvia sa sinabi niya at sinabi, “Paano mo nakalaban ang isang tao na galing sa pamilya Wade? Galing

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5823

    “Kung hindi sila magiging public, walang magagawa si Gideon kundi patuloy na hawakan ang negosyo na ito at ang taunang kita na sampu-sampung milyong dolyar. Ang nakukuha niya lang talaga ay nasa sampu-sampung milyon. Mukhang walang pag-asa ang pangarap niya na maging public at makuha ang ilang daang milyon.”Nasorpresa si Charlie sa kung gaano kabilis nabuod ni Sophie ang napakaraming impormasyon sa loob lang ng sampung minuto. Pinapahalagahan niya talaga ang kanyang galing, desisyon, at kasanayan sa negosyo.Tinanong niya si Sophie, “Miss Schulz, sa pananaw mo, gaano kalaki ang dapat nating i-alok para tagumpay na makuha ang kumpanya na ito?”Sumagot si Sophie, “Mr. Wade, ayon sa impormasyon na nakuha ko, si Gideon, ang boss nila, ay may 57.6% na shares, pero kung isasama ang ibang equity structure at option holdings, ang kabuuang pag-aari niya siguro ay nasa 78.5%, kaya walang duda na siya ang major shareholder. Para tagumpay na makuha ang Violet Group, basta’t makukuha natin ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5822

    Ang Violet Group ay isang kilalang kumpanya sa Yorkshire Hill, pero dahil nakatuon sila sa industriya ng tsaa, hindi sila masyadong kilala sa labas ng industriyang ito.Hindi pa naririnig ni Sophie ang pangalan na Violet Group dati. Gayunpaman, palagi siyang mabilis at direkta, kaya agad siyang kumuha ng panulat at papel mula sa kanyang mesa at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Ano ang gusto mong gawin ko sa aking panig?”Sinabi ni Charlie, “Gusto kong ikaw ang makipag-usap sa may-ari nila bilang kinatawan ng Schulz Group. Kung magtataka sila kung bakit ang isang prominenteng dalaga mula sa pamilya Schulz ay interesado sa isang kumpanya ng tsaa tulad nila, sabihin mo lang na mahilig ang lolo mo sa Madagascar sa tsaa nila, kaya gusto mong bilhin ang kumpanya. Sa madaling salita, magpakita ka ng tono ng isang mayaman at pabago-bago ang isip na tao.”Sumang-ayon nang walang pag-aalinlangan si Sophie at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Bigyan mo ako ng sampung minuto. Aalamin ko muna ang pangunahing imp

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5821

    Sa ganitong sitwasyon, hindi madaling makapasok nang lantaran, at hindi rin magiging madali ang makapasok nang palihim. Dahil, marami ng mga guwardiya at surveillance camera na walang butas.Kahit na makalusot siya, marahil ay mahuli siya. Hindi naman siya pwedeng pumasok gamit ang dahas, tama?Napansin ng guwardiya na mukhang wala namang masamang intensyon si Charlie kaya sinabi niya, “Iho, sinasabi ko sayo, ang lugar na ito ay isang tea plantation lang at may simpleng proseso kami ng paggawa ng tsaa dito. Wala rito ang mga totoong namumunoi. Kung gusto mo talagang makipag-usap tungkol sa isang kolaborasyon, pumunta ka sa downtown area ng Pu’er. May gusali roon na tinatawag na Violet Tower, iyon ang headquarters namin. Kailangan mong magpa-appointment muna doon. Kung papayagan ka nila na bumisita dito, sila mismo ang magpapaalam sa amin.”Medyo nalungkot si Vera at marahan na hinila ang manggas ni Charlie, at sinabi, “Bakit hindi na lang muna tayo pumunta sa Pu’er at kausapin ang g

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5820

    Nagpatuloy siya, “Hindi ko lang alam kung nandoon pa rin ang puno ng Pu'er tea. Kung wala na ito, baka mahirapan tayong hanapin ang eksaktong lugar.”Sinabi ni Charlie, “Ayos lang, sasamahan kita hanggang sa mahanap natin ito.”Tumango si Vera nang may pasasalamat at sinabi kay Charlie, “Kung buhay pa ang punong iyon ng Pu'er tea, dapat ay mahigit isang libong taon na ito. Siguradong ito ang pinakamalaki at pinaka masaganang puno ng tsaa dito.”Hindi niya napigilang mapabuntong-hininga at sabihin, “Pero kahit ganoon, hindi pa rin ito maikukumpara sa mother Pu'er tea tree sa Heavenly Lake na sampung libong taon ang edad.”Napangiti si Charlie, “Napakalaki ng agwat ng isang libong taon sa sampung libong taon.”Habang papalapit sila, mas naging malinaw ang mga detalye ng Mount Twint.Itinuro ni Vera nang sabik ang isang napakalago at matayog na puno ng tsaa malapit sa tuktok ng bundok at sinabi kay Charlie, “Kung hindi ako nagkakamali, sa ilalim ng punong iyon nakalibing ang abo ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5819

    Habang lalo pang bumubuti ang kalagayan ni Jimmy, nakarating na sina Charlie at Vera sa Pu’er sa Yorkshire Hill.Ang lungsod na ito, na ipinangalan sa tsaa, ay may kasaysayang mahigit isang libong taon. Hindi lang ito naging bahagi ng sinaunang Mass Tea Street, kundi isa rin sa pinakamahalagang lugar ng produksyon ng Pu'er tea sa kasalukuyan.Noong umalis si Vera sa Diggero maraming taon na ang nakalipas, dinala niya ang abo ng kanyang mga magulang at inilibing ito sa Pu’er. Mahigit tatlong daang taon na ang lumipas mula noong huli siyang bumalik dito, kaya’t halos hindi na niya matandaan kung ano ang hitsura ng lungsod noon.Ayon kay Vera, ang tanging dinala niya mula sa Diggero ay ang mga urn ng kanyang mga magulang. Nang inilibing sila sa Pu’er, palihim siyang pumili ng isang lugar na ayon sa Feng Shui ay may pambihirang enerhiya. Wala siyang ginawang kabaong, at hindi rin siya nagtayo ng libingan o lapida.Ang paghahanap sa dalawang urn na inilibing mahigit tatlong daang taon n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5818

    Nagulat si Jameson at tinanong, “Talaga bang ganito kahigpit ang proseso ng pagbibigay ng gamot?”Tumango ang doktor at sinabi, “Sa ngayon, maraming tao sa black market ang handang magbayad ng napakalaking halaga para sa mga Apothecary Restoration Pill. Ang presyo ng isang piraso ay lampas na sa ilang milyong dolyar. Kaya, para masigurado na maiinom ng mga pasyente ang gamot, kailangan naming itala nang maingat ang bawat piraso ng Apothecary Restoration Pill. Simula ngayon hanggang sa ma-discharge ang pasyente, sa tuwing iinom sila ng gamot, isang espesyalista ang personal na magdadala at magbabantay habang iniinom ito ng pasyente.”Bigla itong naunawaan ni Jameson. Ang Apothecary Restoration Pill lang siguro ang gamot sa merkado na kayang ganap na gamutin ang anumang uri ng cancer. At dahil wala pang suplay nito sa merkado, siguradong handang magbayad ng malaking halaga ang mga mayayamang may sakit para dito. Kung walang mahigpit na kontrol sa mga gamot na ito, maaaring may isang ta

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5817

    Lubos na nagulat si Jameson nang malaman niyang hindi lang pala si Charlie ang boss ng Apothecary Pharmaceutical kundi siya rin ang taong nagbigay ng pagkakataong maligtas ang kanyang anak sa panahong pinaka nangangailangan sila ng tulong.Nagsisi siya sa kamangmangan niya dati, at sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pasasalamat para kay Charlie.Ngumiti si Liam at sinabi, “Mr. Smith, wala kang dapat ipag-alala. Sinabi sa akin ni Mr. Wade na wala siya sa siyudad ngayon, kaya sa mga susunod na araw, mas mabuting ituon mo ang pansin mo sa pagsama sa paggamot ng anak mo. Kapag medyo bumuti na ang kalagayan ng anak mo at bumalik na si Mr. Wade sa Aurous Hill, siya na mismo ang mag-aayos ng inyong pagkikita.”Taos-pusong nagpasalamat si Jameson, “Kung ganoon, pakisabi kay Mr. Wade ang aming taos-pusong pasasalamat. Sobrang nagpapasalamat ang buong pamilya ko sa kabutihang-loob at pagiging mapagbigay niya!”Tumango si Liam habang pinagmamasdan ang kasalukuyang estado ni Jameso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5816

    Pagkasabi nito, dinugtungan ng doktor, “Kinuha na namin ang blood sample bago uminom ng gamot ang anak mo. Dadalhin na namin siya sa radiology department para bigyan ng contrast agent, tapos magsisimula na tayo sa full-body PET-CT scan. Pagkatapos ng CT scan, agad naming ibibigay sa kanya ang dalawang Apothecary Restoration Pills.”Nagulat si Jameson at nagtanong, “Dalawang pills agad?”Tumango ang doktor. “Oo. Dahil sa kritikal na kondisyon ni Jimmy, plano naming bigyan siya ng five-day rapid consolidation period. Sa loob ng limang araw na ito, bibigyan namin siya ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw para mapabilis ang paggaling niya. Pagkalipas ng limang araw, papasok tayo sa stabilization period, at isang pill na lang ang ibibigay natin sa kanya araw-araw hanggang sa ma-discharge siya.”Bumuntong hininga nang maluwag si Jameson. Ang pag-inom ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw sa loob ng limang araw ay siguradong malaking tulong para sa kanyang anak.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5815

    Mabilis na inayos ni Liam ang mga bagay-bagay para sa kanilang tatlo.Nilagay sina Leni at Shermaine sa adult ward, habang si Jimmy ay nilagay sa children’s ward. Si James, na ginabayan ng staff, ay nakumpleto na rin ang mga proseso ng pagpapa-ospital para sa kanyang anak, at pakiramdam niya na nananaginip siya sa buong oras.Akala niya na nawalan na ng pagkakataon ang anak niya na sumali sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical. Kanina lang, kausap niya ang kanyang asawa kung ibabalik ba nila ang kanilang anak sa United States para alagaan siya hanggang sa dulo.Sa hindi inaasahan, nagbago nang sobra ang lahat sa isang iglap.Dahil may ilang kaalaman na siya sa Apothecary Restoration Pill, ang naisip na lang ni Jameson sa sandaling ito ay maliligtas na talaga ang buhay ng anak niya.Hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang nasa likod ng biglaang pagbabago na ito. Si Mr. Lavor ba ito, na nagkataon na nakilala ni Leni? May ganito kalaking impluwensya ba talaga siya?Haban

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status