Pagkatapos sabihin ito, humarap si Jasmine para itutok ang tapat na tingin niya kay Charlie, umiiyak habang sinabi nang emosyonal, “Master Wade, kung kaya mo akong tanggapin, ibibigay ko sayo ang lahat—ang sarili ko, ang pamilya Moore, lahat ito. Simula sa sandaling iyon, ang pamilya Moore ay magiging pamilya Wade at ikaw ang magiging nag-iisang patriarch ng pamilya. Ayoko ng ibang bagay sa buhay ko, ang gusto ko lang ay maging asawa mo at manatili sa tabi mo sa buong buhay natin. Kung gusto mong maglakbay, susukuan ko ang buong pamilya Moore at sasamahan ka kahit saan ka pumunta. Kung gusto mong magkaanak, bibigyan kita ng anak at ipapanganak kung gaano karaming anak ang gusto mo. Basta’t masaya ka, handa akong gawin ang lahat…”Hindi maiwasang maantig ni Charlie sa mga sinabi niya.Kahit paano mo ito tingnan, sobrang ganda ni Jasmine at hindi ito makikita sa isang milyong tao.Hindi lang maganda ang hitsura niya, ngunit sobrang ganda rin ng pagkatao niya. Bukod dito, lumaki siya n
Naramdaman ni Charlie na wala siyang magawa at nalulungkot pagdating kay Jasmine.Hindi niya inaasahan na sobrang masigasig siya sa kanya, pero sa parehong oras, nasorpresa siya na matigas ang ulo niya.Hindi niya balak pukawin ang nararamdaman niya pero nangyari pa rin ang mga bagay kapag hindi niya inaasahan ito.Medyo responsable rin siya sa malalim na pagkugusto ni Jasmine sa kanya, pero alam niya na imposibleng malutas ito sa loob ng isang gabi, kaya sinabi niya na lang, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung bibigyan natin ng oras ang isa’t isa, pag-usapan natin ito sa susunod.”Sumulyap nang balisa si Jasmine sa kanya at tinanong sa malambot na boses, “Hindi mo na ba ako papansinin simula ngayon? Lalayo ka ba sa akin at ilalayo mo na ang damdamin mo sa akin?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit ko gagawin iyon? Imposibleng iwasan kita at hindi pansinin dahil lang nagtapat ka ng nararamdaman sa akin. Hindi ako gano’ng klase ng tao.”Huminga nang maluwag si Jasmine at sinabi, “Sa
Pagkatapos umalis sa kotse, nanatiling nakatayo si Charlie habang pinapanood niyang magmaneho palayos si Jasmine, pagkatapos ay nanatiling nakatayo nang mahigit sampung segundo bago siya tumalikod at naglakad papasok sa gate ng Thompson First.Nang makauwi siya sa bahay niya, katatapos lang ng night shower ni Claire at nakahiga siya sa kama, nagbabasa ng libro.Ngumiti siya nang makita si Charlie at tinanong, “Kamusta ang birthday party ng kaibigan mo?”Medyo hindi mapalagay si Charlie at sumagot sa hindi mapalagay na tono, “Ah, ang party, maganda ito…”Hindi alam ni Claire na kaarawan talaga ito ni Jasmine dahil hindi ito sinabi ni Charlie sa kanya dahil ayaw niyang isipin nang sobra ni Claire ang buong bagay na ito.Si Claire naman, sa kabilang dako, ay hindi nakapansin ng kaibahan kay Charlie. Sa halip, ibinaba niya ang libro, tumingin kay Charlie, at sinabi sa medyo nahihiyang boses, “Mahal, pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo, please?”Sinabi ni Charlie, “Hindi mo na kail
Samantala, kababalik lang ni Jasmine sa mansyon ng pamilya Moore.Sa daan pauwi, namumula siya sa hiya at tumitibok nang masigla ang puso niya nang maalala niya ang matapang na halik na ibinigay niya kay Charlie.Sa totoo lang, si Jasmine ay hindi ang uri ng babae na magkukusa sa isang relasyon.Marami na siyang manliligaw simula pa noong bata siya, pero kailanman ay wala siyang nagustuhan sa mga manliligaw na ito.Sa totoo lang, wala pa siyang nagugustuhan na kahit sino bago niya makilala si Charlie.Kahit siya, hindi niya inaasahan na mawawalan siya ng kontrol pagkatapos mahulog kay Charlie.Bilang young lady ng numero unong pamilya sa Aurous Hill, kung kakalat ang balita tungkol sa halik, magiging katawa-tawa siya sa buong siyudad.Dahil, sa opinyon ng publiko, kinasusuklaman nila ang ideya ng isang babae na naghahabol sa isang lalaki.Bukod dito, ito ang unang halik niya na tinago niya ng dalawampu’t anim na taon at ibinigay niya ito kay Charlie.Gayunpaman, walang pinagsi
Bukod dito, hindi nila alam ang gagawin nila pagkatapos gumaling ni Lord Moore sa kanyang terminal illness at ngayon ay kasing lusog na ng di gaano katandang lalaki. Ang ibig sabihin ay mabubuhay pa siya ng sampu o dalawampung taon.Marahil ay baguhan at kaunti pa lang ang karanasan ni Jasmine ngayon, pero sa dedikasyon at pag-asa na inilagay ni Lord Moore sa kanya, pati na rin ang kanyang proteksyon at seguridad, walang duda na maitatatag ni Jasmine ang sarili niya bilang maaasahang pinuno sa loob ng ilang taon.Sa sandaling iyon, mahihirapan sila nang sobra na pabagsakin siya.Kilalang-kilala sa kasaysayan na kapag ang mga maharlikang dinastiya ay naglalaban para makuha ang trono, ang pinakamagandang oras ng paghihimagsik ay kapag mahina pa ang pundasyon ng lakas ng bagong emperor.Halimbawa, si Zhu Di ng Ming Dynasty ay naghimagsik laban sa kanyang pamangkin, ang Jianwen Emperor, na kakaangat pa lang sa trono, at tagumpay niyang napabagsak ang bagong halal na emperor.Gayunpama
Sa sandaling ito, sa hatinggabi sa Eastcliff International Airport, dumating ang private jet sa airport kung saan nakasakay si Dylan Koch.Sa buong paglipad, hindi mapakali si Dylan pagkatapos lunukin ang ruby necklace.Natatakot siya na magsasanhi ng intestinal obstruction ang kwintas sa digestive system niya at malalagay siya sa panganib. Buti na lang, nakarating siya nang ligtas sa Eastcliff.Sa sandaling dumating ang eroplano, bumaba agad ito sa runway papunta sa hangar kung saan may naghihintay na na ambulansya.Sobrang makapangyarihan at mayaman ang pamilya Koch sa Eastcliff na may net worth na limang daang bilyong dolyar sa pinakamababa. Hindi lamang na mayroon silang sariling medical doctors at specialist, ngunit may sarili rin silang private hospital.Ang ambulansya na sumundo sa kanya sa airport ay galing sa hospital ng pamilya Koch.Nasa ambulansya ang vice president ng hospital at maraming gastroenterologists.Ang mga ekspertong ito ay medyo kinakabahan nang marinig
Napukaw si Dylan sa tanong ng doktor!Lumitaw nanaman sa isipan niya ang mayabang na mukha ni Charlie at hindi siya makapaghintay na tanggalin ang pangit na ngiti sa mukha niya pati na rin ang patayin siya ngayon!At si Isaac din na iyon!Sobrang bastos at walang awa siya sa punto na nag-record pa siya ng video para i-blackmail at bantaan siya na lunukin ang ruby necklace!Kung hindi dahil sa banta na ito, hindi niya nilunok ang kwintas!Sa tingin ba talaga ng g*go na iyon na siya ang may-ari ng mundo dahil nasa likod niya ang pamilya Wade? Nakakainis!Tumingin nang masama si Dylan sa doktor at sinabi nang galit, “Huwag kang makialam! Kung may lalabas ulit na pang-bobong salita sa bibig mo, papatayin kita!”Tinikom nang mabilis ng doktor ang kanyang bibig. Kahit na hindi si Dylan ang pinakamalakas sa pamilya Koch bilang pangatlong anak sa pamilya, hindi siya isang tao na dapat maging kaaway.Nagmadaling pumunta ang ambulansya sa hospital at pagdating sa hospital, pinasok agad s
Alam ng mga doktor at nurse na nagtatrabaho sa hospital ng pamilya Koch kung gaano sila kayaman, kaya kukunin nila ang kahit anong pagkakataon na kaya nila para kumuha ng pabor sa mga miyembro ng pamilya.Lampas sa pinakamabangis na panaginip ng nurse na maaakit ang pangatlong young master ng pamilya Koch sa kanya, para bang isa itong Cinderella na nagkatotoo.Kahit ang isang one-night stand ay igagarantiya ang kanyang komportableng buhay tulad ng pangako ni Mr. Koch, pero paano kung mabuntis siya pagkatapos nilang magtalik? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay magiging bayani agad siya mula sa wala kapag nagkaroon siya ng sanggol sa kanyang tiyan?Ito rin ang dahilan kung bakit maraming artista, sa kahit anong paraan, ay pipiliing maging kabit ng isang mayamang tycoon o magkaroon pa ng anak sa isang tycoon! Dahil gusto lang nilang magkaroon ng sariling version ng mula mahirap papunta sa mayaman na kwento.Nang marinig ang kanyang mapang-akit na alok, tumango agad ang nurse nang walang p
Sa sandaling ito, pumunta ang security guard sa gitna ng kalsada at pinigilan ang kotse ni Charlie, sinasabi, “Iho, bakit ka bumalik ulit? Hindi ba’t sinabi ko na sayo kanina na kailangan mo munang gumawa ng appointment sa group?”Nasorpresa si Jeevan nang makita niya na nilapitan ng security guard ang mga bisita at sinabi na pumunta na sila dito kanina.Mabilis siyang lumapit sa security guard at hinila siya sa tabi, pagkatapos ay tinanong si Charlie, “Hello, Sir, ikaw ba ang eksperto na pinadala ng Schulz Group?”Tinuro ni Charlie si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi nang nakangiti, “Hindi ako ang eksperto. Ang babaeng ito ang totoong eksperto.”Mukhang nalito ang security guard at sinabi, “Iho, kailan kayo naging eksperto?”Sinabi nang nagmamadali ni Jeevan, “Mr. Dmitri, bakit mo kinakausap nang ganito ang mga bisita? Ang mga marangal na bisita na ito ay nandito para gabayan at suriin ang trabaho natin. Hindi ka dapat makialam. Bilis, buksan mo ang gate!”Kahit na nasorpresa
Kahit na walang masyadong alam si Charlie sa mga dahon ng tsaa, nararamdaman niya pa rin ang espesyal na pagpapahalaga ni Vera sa Mother of Pu’er Tea. Para sa kanya, ang Mother of Pu’er Tea ay isang uri ng ispiritwal na alalay para aky Vera, na umabot ng tatlong siglo.Dahil dito, naiintindihan niya kung bakit gusto ni Vera na gayahin ang lasa ng Mother of Pu’er Tea balang araw.Kaya, sinabi niya kay Vera, “Sa sandaling nakumpleto ang paglilipat ng may-ari ng Mount Twin, pwede mong ituring ang lugar na ito bilang taniman mo. Magagamit mo ang karanasan mo at makikita kung makakagawa ka ng mas masarap na tsaa.”Tumango si Vera at sinabi, “Komplikadong bagay ang pagtatanim at pagsasaka ng tsaa. Hindi ko talaga naiintindihan ang siyentipikong paraan, pero gamit ang tradisyonal na paraan, marahil ay abutin ng sampung taon o higit pa para makakita ng mga resulta.”Sinigurado siya ni Charlie, “Ayos lang ito. Kung magagawa mo ito, isang biyaya ito para sa lahat ng tao na mahilig sa tsaa, p
Kaya, kahit na kapapasok pa lang niya sa sasakyan at naghahanda nang umuwi mula sa trabaho, ibinaba niya ang tawag ni Gideon at agad na pumunta sa main gate ng base para maghintay.Sa parehong oras, nakatanggap din si Charlie ng tawag mula kay Sophie. Pagkasagot niya, magalang na sinabi ni Sophie, “Mr. Wade, natanggap na ng Violet Group ang deposito ko, at natapos na ang acquisition. Ang huling presyo ay 700 million dollars. Nasabihan ko na rin ang taong namamahala sa base at sinabi ko sa kanya ang plate number ng iyong sasakyan. Maaari ka nang dumiretso doon. Naghihintay na siya sa gate at susundin niya ang lahat ng utos mo.”Nagulat si Charlie sa bilis ng kilos ni Sophie. Sa tingin niya, bihira sa isang babae na gawin ang mga bagay-bagay nang napakabilis.Dahil dito, sinabi niya kay Sophie, “Salamat sa pagsisikap mo, Miss Schulz. Ituring mo ang pera na ito na utang ako sa iyo. Pero dahil espesyal ang sitwasyon ngayon, hindi ko muna ito maipapadala sa iyo. Kapag natapos ko na ang m
Biglang pinagpawisan nang malamig si Gideon sa sinabi ni Sophie. Wala siyang dahilan para pagdudahan ang katunayan ng ng mga sinabi ni Sophie dahil sa totoo lang, hindi niya maisip kung anong espesyal na halaga ang maaaring mayroon ang Violet Group para kay Sophie.Sa tingin niya, kung palalampasin niya ang pagkakataong ito, baka magtrabaho pa siya hanggang magpitumpung taong gulang bago ipamana ang negosyo sa kanyang anak.Kahit siya mismo, hindi niya alam kung ano ang magiging itsura ng kumpanya pagdating ng panahong iyon. Walang kasiguraduhan kung lalaki o liliit ang saklaw ng buong grupo at ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa loob ng ilang taon.Pero, sigurado siya sa isang bagay na kung ibebenta niya ang kumpanya ngayon at makakuha ng 700 million dollars na salapi, pagkatapos ng equity transfer at pagbawas ng 20% na buwis, may matitira pa rin na 560 million dollars sa kanya.Ang 560 million dollars na ito ay higit pa sa sapat para siguiraduhin na mabubuhay siya at ang kanyan
Naintindihan ni Gideon na ang halaga, impluwensya, background, at kumpiyansa ng kabila ay lampas nang sobra sa kanya. Kaya, kahit na medyo nagsisisi siya, walang negatibong emosyon na masasabi.Pero, naging mausisa pa rin siya at tinanong, “Miss Schulz, bakit interesado ang isang malaking kumpanya tulad ng Schulz Group na kunin ang isang maliit na kumpanya tulad namin?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Mr. Levatt, hindi mo kailangan maliitin ang sarili mo. Ang laki ng isang kumpanya ay hindi lang masusukat sa halaga nito. Para naman sa kung bakit gustong kunin ng Schulz Group ang Violet Group, sa totoo lang, ito ay dahil mahilig ang lolo ko sa Pu’er tea. Dahil sa madalas na problema sa kaligtasan sa industriya ng pagkain ngayon, bilang apong babae niya, gusto kong kunin ang isang source company para siguraduhin na maiinom niya ang mga pinakaligtas na Pu’er tea. At saka, kaunting pera lang ito, kaya ito ay para lang talaga maging payapa ang isipan ko.”Natulala si Gideon pagkatapos iton
Sigurado rin si Gideon na tunay ang kabila. Ayon sa kilos at tono ng pananalita ng kabila, hindi ito peke. Medyo natuwa at nabalisa siya, at hindi siya napakali.Nang makita ng sekretarya ni Sophie, si Shenny, na nanahimik siya saglit, tinanong niya siya, “Mr. Levatt, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?”Doon lang natauhan si Gideon at sinabi nang mabilis, “Oo, oo! Ikaw si Miss Coop, tama? Hello, nagagalak akong makilala ka!”Tumango nang marahan si Shenny at sinabi nang nakangiti, “Mr. Levatt, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang dahilan kung bakit ka namin tinawagan ngayon ay dahil interesado ang chairman namin na kunin ang Violet Group. Kaya, gusto kitang tanungin kung may intensyon ka bang ibenta ang negosyo mo, Mr. Levatt. Kung oo, pwede na nating pag-usapan nang direkta ang tungkol sa acquisition.”Matagal nang umaasa si Gideon na may kukuha sa nahihirapang negosyo niya para makapag-cash out siya at makapag-retiro nang payapa. Hinding-hindi niya inaakala na gustong kunin
Nakaisip ng magandang ideya ang sekretarya at sinabi, “Chairman, dahil masama ang kalooban mo, bakit hindi mo gawin ang video conference sa kanila para mapaglitan mo sila at malabas mo ang galit mo?”Si Gideon, na nagsasawa na, ay ngumisi at sinabi, “Okay! Ayusin mo ang video conference, kung ganon! Pangako na tuturuan ko ng leksyon ang mga scammer na iyon ngayong araw!”Sumagot agad ang sekretarya, “Mangyaring maghintay ka saglit, Chairman. Tatawagan ko agad sila!”Pagkasabi nito, nilabas niya ang kanyang cellphone at lumabas.Nag-unat nang tamad si Wind at binulong, “Matagal ko nang alam ang mga taktika ng mga scammer na iyon sa Myanmar. Lolokohin ka nila na sumali sa isang Tencent o NetEase meeting at kokontrolin sa malayo ang computer mo, o susubukan ka nilang kumbinsihin na buksan ang ilang online financial platform, at palihim silang kukuha ng pera at ipapadala agad ito. Pa, tandaan mo ang sinasabi ko, siguradong isa ito sa mga plano na ito.”Suminghal nang malamig si Gideon
Nagulantang si Gideon at ang kanyang anak, si Wind, sa mga sinabi ng sekretarya.Narinig na nila ang reputasyon ng Schulz Group. Dahil, ang pamilya Schulz ay isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa Oskia, at talagang isa sila sa mga may pinakamalakas na presensya sa bansa.Sa kabaliktaran, kahit na tinatawag silang group, ang Violet Group ay wala man lang sa Growth Enterprise Market. Kahit hindi na banggitin na nalista sila sa Yorkshire Hill, halos maituturing lang sila na medyo kilalang enterprise sa Pu’er City.Kahit sa pinakamabangis na panaginip nila, hindi nila maiisip na makukuha sila ng isang napakataas na pamilya tulad ng Schulz Group. Dahil, masyadong malawak ang pagkakaiba ng katayuan nila. Ang mga asset ng Schulz Group ay isang libong beses na mas mataas sa Violet Group.Kaya, may hindi makapaniwalang ekspresyon si Gideon habang tinanong niya ang sekretarya, “Niloloko mo ba ako? Gustong makipag-usap sa atin ng Schulz Group tungkol sa acquisition?”Mukhang naagrabyado ang
Si Gideon, na naiinis, ay nagmura, “Sa mga salita niyong kabataan, sobrang gulo ng Pu’er tea market ngayong taon!”Huminto saglit si Gideon bago nagpatuloy, “Letse! Hindi lang na desperadong binababaan ng mga tea company ang mga presyo para pabagsakin ang market, ngunit kahit ang mga bagong brand ay gumagamit din ng taktika sa marketing at presyuhan para patuloy na atakahin ang lugar ng mga tradisyonal na tea company sa market. Sinasabi niyo na masarap ang tsaa niyo, sinasabi nila na ang presyo ng parehong tsaa sa kabila ay kalahati lang ng presyo namin. Pinapatikim niyo sa kanila ang parehong tsaa, sinasabi nila na walang pagkakaiba sa lasa. Paano natin sila matatalo?!”Nainis din nang sobra si Wind habang sinabi, “Mas marami na ang mga taong umiinom ng tsaa ngayon, pero kaunti lang talaga ang may talagang nakakaintindi sa tsaa. Sumusunod lang sila sa uso. Hindi nila mapapansin ang pagkakaiba sa tsaa na 100 dollars kada kilo o 10 thousand dollars kada kilo.”Tumango si Gideon sa pa