Papayag na si Charlie sa imbitasyon ni Paul, pero biglang lumitaw ang magandang Jasmine sa harap nila, at habang namumula sa hiya ang mukha niya, sinabi niya, “Paul, hindi na kailangang abalahin ka. Ako na ang maghahatid kay Master Wade.”Matalinong tao si Paul. Alam niya na sa kailaliman ng puso ni Jasmine, siguradong mahal na mahal niya si Charlie.Siya, bilang birthday girl, ay hindi dapat nag-aalok na siya ang maghahatid sa mga bisita. Hindi ngayong gabi.Dahil, kaarawan niya ngayong gabi at ito ang unang araw niya bilang tagapagmana ng pamilya Moore, pero nagkusa siyang sabihin na ihahatid nia si Charlie pagkatapos ng handaan.Bukod dito, maraming marangal na bisita dito ngayong araw, pero sa mga bisitang ito, si Charlie lang ang gusto niyang ihatid pauwi. Sapat na ito para makita kung gaano niya pinahahalagahan at minamahal si Charlie.Nilinis ni Paul ang kanyang lalamunan at sinabi habang may tusong ngiti, “Ah oo, bigla kong naalala na may kailangan akong gawin at hindi ko
Nasabik si Harvey na makita si Charlie at tumakbo siya sa kanya nang sabik. Gayunpaman, bago pa niya mabati si Charlie, bigla niyang napagtanto na siya na ang driver ni travis at maituturing na bastos at hindi matatanggap ang ganitong ugali. Kaya, nagmamadali niyang tinanggal ang pagkasabik sa kanyang mukha at sinabi nang magalang, “Hello, Mr. Lane!”Tinapik siya sa balikat ni Travis at sinabi nang nakangiti, “Harvey, ibaba mo na ang paggalang. Ikaw ang kaibigan ni Master Wade, ang ibig sabihin ay kaibigan na rin kita. Kahit na mas matanda ako sayo nang mga sampung taon, pwede tayong maging mabuting magkaibigan!”Tumango nang mabilis si Harvey, nasorpresa at nalugod.Sa sandaling ito, lumapit si Charlie sa kanya, ngumiti nang mabait, at tinanong, “Hey, Harv, kamusta ang lahat? Kamusta ka? Kamusta ang bagong trabaho mo?”Sumagot nang nagpapasalamat si Harvey, “Charlie, mabuti kong kaibigan, hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan! Kung wala ka, wala ako! Ikaw ang tagapagligtas
Sinabi nang malambot ni Jasmine sa sandaling ito, “Master Wade, umalis na rin tayo.”“Okay.”***Habang minamaneho ang kanyang pulang Bentley, nagmaneho si Jasmine at inilabas si Charlie sa mansyon ng pamilya Moore.Tumitibok nang marahas ang puso ni Jasmine. Hindi pa siya kinakabahan nang sobra sa harap ni Charlie tulad ngayon.Habang bianbalot ng nakakahiyang katahimikan ang kotse, nilinis ni Jasmine ang kanyang lalamunan, desperadong naghahanap ng paksang pag-uusapan, at sinabi, “Master Wade, maraming salamat ngayong araw. Hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng Rejuvenating Pill. Sobrang mahal na regalo ito! Malaki ang utang ko sayo.”Ngumiti nang marahan si Charlie at sinabi, “Ah, sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ko ibinigay sayo ang Rejuvenating Pill ay para alukin mo ng pabor ang lolo mo para sa akin. Gamit ang pill, aabot ng 100 years old si Lord Moore, walang duda, kaya siguradong gusto niyang makuha nang sobra ang pill na ibinigay ko sayo. Gayunpaman, sobrang tapa
Ngumisi si Jasmine na parang isang bata na nakakuha ng kanyang paboritong candy nang marinig niya na gusto siyang gawan ng talisman ni Charlie.Hindi niya alam kung ano ang hitsura ng talisman o kung paano ito gagana, pero masaya na siya na malaman na gagawan siya ni Charlie ng talisman para lang sa sarili niya. Sapat na ang rason na ito para pasayahin siya nang sobra.Namula ang mga mata niya sa luha, at nagpasalamat siya, “Master Wade, sobrang bait mo sa akin, hindi ko alam kung paano kita mababayaran!”Habang sinasabi niya ito, umaalingawngaw ang panloob na sinasabi niya, ‘Kung posible, sana ay mailaan ko ang buhay ko sayo para bayaran ang kabaitan mo sa akin. Sana ay masamahan kita sa buong buhay natin at mapunta sa tabi mo habang buhay.’Gayunpaman, paano niya, isang proud na young mistress sa isang malaking pamilya, masasabi ito nang malakas!Walang pakialam si Charlie dito dahil isa siyang tao na pinapahalagahan ang pagkakaibigan, katarungan, at pasasalamat.Hindi niya tag
Tumango si Charlie at sinabi, “Okay, pero medyo matarik ang hagdan, kaya mag-ingat ka bago ka bumaba.”Nahihiyang itinaas ni Jasmine ang kanyang malambot na kamay kay Charlie at sinabi nang malambot, “Master Wade, maaari mo bang hawakan ang kamay ko, please? Natatakot ako na mahuhulog ako…”Sa totoo lang, hindi siya takot na mahuhulog siya. Sa halip, gusto niya lang gamitin ang pagkakataon na ito para mapalapit kay Charlie.Sumulyap si Charlie sa batong hagdan. Medyo mahaba at matarik nga ito habang papunta ito sa tabing-ilog. Babae si Jasmine, at may suot siyang masikip na dress kaya limitado ang kilos niya. Pangit kung madudulas siya at madadapa, kaya hinawakan niya ang maselan na kamay niya at inalalayan siya pababa sa hagdan.Sa sandaling ito, silang dalawa lang sa tabing-ilog. Paminsan-minsan, ilang barko ang dumadaan sa ilog, sobrang lakas ng tunog ng mga makina nito at maingay, pero hindi ito gumawa ng kahit anong noise pollution sa walang laman na tabing-ilog.Binitawan ni
Nang maalala ni Charlie kung paano niya nakilala si ?Jasmine, naramdaman niya rin na medyo kamangha-mangha at kakaibang karanasan ito.Sa sandaling iyon, kung hindi siya pumunta sa Vintage Deluxe kasama ang biyenan na lalaki niya, hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makuha ang Apocalyptic Book.Nang walang libro, sa pinakamataas, Mr. Wade lang siya sa halip na Master Wade.Kung ikukumpara, mas gusto niya pa rin ang tituong Master Wade dahil sumasalamin ito sa kanyang lakas at abilidad. Para naman sa Mr. Wade, tawag lang ito sa apelyido niya. Sa likod ng Mr. Wade, wala itong bakas ng kanyang sariling abilidad, ngunit ang pamilya lang.Kaya, naramdaman niya na may dahilan ang lahat ng nangyari, at tadhanang mangyari ito.Nakatadhana siyang makilala si Jasmine, at nakatadhana rin siyang makuha ang Apocalyptic Book.Humarap siya kay Jasmine at sinabi nang atapat, “Sa totoo lang, kapag nakilala ng isang tao ang isang tao, nakatadhana ito. Marahil, maraming bagay na ang nakatadhan
Nang hinawakan ni Charlie ang kamay niya, talagang naging masaya siya.Dahil sa matarik na batong hagdan, kusang itinaas ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Mas mabuti kung hahawakan ko ang kamay mo habang paakyat tayo.”Napuno ng labis-labis na hiya at sabik ang puso ni Jasmine, isang dalagang nasa puppy love. Inabot niya nang masaya ang kanyang kamay at hinayaan siyang hawakan siya.Sumunod siya sa likod niya na parang isang nahihiyang tupa habang umaakyat, bawat hakbang.Nang pumasok sila sa kotse, namumula pa rin ang mukha ni Jasmine, mas mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba at hiya.Balisa niyang sinimulan ang kotse at sinabi, “Master Wade, ihahatid na kita pauwi ngayon.”Tumango si Charlie, at nagmaneho si Jasmine pabalik sa main road.Tumawid sa tulay ang kotse at dumating sa entrance ng villa area ng Thompson First.Nang tumigil nang tuluyan ang kotse, sinabi ni Charlie, “Salamat sa sakay.”Sinabi nang mabilis ni Jasmine, “Ah, sobrang walang anuman, Master
Dumating nang hindi inaasahan ang halik ni Jasmine at nagulat nang sobra si Charlie. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Charlie na hahalikan siya ni Jasmine.Sa totoo lang, kahit na siya ang young master ng pamilya Wade at ang Master Wade na nirerespeto ng lahat sa Aurous Hill, wala siyang masyadong karanasan sa mga babae.Bago ito, ang pinakamalapit na pagdikit niya lang sa babae ay sa kanyang asawa, kay Claire, at magaan na halik lang ito sa labi.Sa kabaliktaran, mas makatotohanan ang halik ni Jasmine at nararamdaman niya talaga ang lambot na ibinigay ng halik sa kanya.Medyo nataranta si Charlie at hindi niya alam kung ano ang gagawin o kung paano kikilos.Marahil ay dahil nakakapagod ang posisyon na ginawa niya dahil kailangan niyang tumalikod at humarap sa gitna para halikan niya pero hindi na kinaya ni Jasmine, umupo na siya pabalik sa driver seat. Namula nang sobra ang mukha niya sa punto na malapit nang tumulo ang dugo sa mukha niya.Sa totoo lang, kahit ang mga tai
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta