Tumawa nang bahagya si Charlie. Mukhang nag-aalala nang sobra si Jacob na malalaman ni Elaine na bumalik na si Matilda sa Oskia.Gayunpaman, kahit na matago niya nang saglit ang tungkol dito, hindi niya ito matatago habang buhay.Nakadepende na sa swerte ng matandang lalaking ito kung gaano katagal niya matatago ang katotohanan na ito kay Elaine.***Magaan matulog si Lady Wilson. Nang marinig niya ang ingay sa labas, bumangon siya sa kama at naglakad papunta sa balkonahe.Nang tumingin siya doon, napagtanto niya na sobrang liwanag ng bahay ni Charlie. Pagkatapos tumingin nang mabuti, nakita niya na maraming trabahador ang nagtatanim ng mga prutas at gulay na halaman para sa kanila!Ano ito?Hindi ba’t dapat magtanim muna sila ng buto kung gusto nilang magtanim ng mga gulay?Para bang naglipat lang si Charlie ng isang malaking vegetable plot sa courtyard niya.Ang isang taga-bukid ay palaging magiging tagabukid. Sobrang ganda ng villa niya pero sinira niya talaga ito dahil nag
Sa wakas ay nagising na si Claire ng alas siyete ng umaga. Mas komportable ang tulog niya ngayon kaysa dati. Hindi siya nanaginip, at hindi man lang siya nagising sa buong gabi. Mukhang mahimbing ang tulog niya sa buong gabi. Kaya, puno siya ng enerhiya ngayong araw.Hindi niya nakita si Charlie pagkatapos niyang gumising, pero hindi nasorpresa si Claire. Dahil mas maagang nagigising si Charlie sa kanya araw-araw.Dahil alam niya na ilalabas siya ni Charlie para pumitas ng mga prutas at gulay ngayong araw, sobrang ganda ng kalooban ni Claire. Sabik na talaga siya para dito.Pagkatapos niyang maglinis ng katawan, nagpalit si Claire sa isang sports attire bago siya bumaba.Akala niya na naghahanda na ng almusal si Charlie sa oras na ito. Inaasahan niya na aalis sila pagkatapos nilang mag-almusal. Pero, hindi niya inaasahan na hinihintay na siya ni Charlie sa sala.Nang makita ni Charlie na bumaba na si Claire, binati niya siya agad habang ngumiti siya at sinabi, “Mahal ko! Tara na a
Pagkatapos, tumingin siya kay Charlie na nakatayo sa tabi niya na may gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha.“Ito… hindi… hindi ako nananaginip, tama, Charlie? Bakit may hardin ng prutas at gulay sa bahay natin?!”Tumingin nang mapagmahal si Charlie sa kanya bago siya ngumiti at sinabi, “Mapagbiro kong asawa. Syempre, hindi ka nananaginip. Hindi ba’t mahilig kang pumitas ng mga prutas at gulay? Pinahanap ko sa kakilala ko ang mga pinakamagandang halaman ng prutas at gulay para sa’yo. Aalagaan ko rin ang hardin na ito para sa iyo sa hinaharap at sisiguraduhin ko na magbubunga ito ng maraming prutas at gulay para makapitas ka ng mga prutas at gulay sa apat na panahon sa isang taon!”Naantig nang sobra si Claire at namula ang mga mata niya!Hinding-hindi niya inaakala na maghahanda talaga ang asawa niya ng isang napakalaking sorpresa para sa kanya!Noong bata pa siya, palagi siyang umaasa na magpalaki ng mga prutas at gulay sa kanyang bakuran. Kuntento na siya kah
Ngayong umaga, naramdaman ni Claire na para bang siya ang pinakamasayang babae sa buong mundo.Sa kabilang dako, may babaeng nakakaramdam na siya ang pinakamalas na babae sa buong mundo.Ang babaeng ito ay si Hannah, na nasa Silverwing Hospital.Nasa gynecology department siya hinihintay ang pila. Mayroong sobrang habang pila sa harap niya bago pa siya nakapasok.Pagkatapos pumasok sa kwarto, sinimulan ng doktor ang routine checkup, pero kahit ang dalubhasang doktor ay napasinghap sa pagkagulantang nang makita niya ang kondisyon ni Hannah at tinanong, “Anong nangyari? Bakit ginawa mo ito sa sarili mo? Wala ka bang pakialam sa personal hygiene mo?”Kahit na babaeng doktor ang tumingin sa kanya, naging pangit na pula ang mukha ni Hannah sa mga sinabi niya, at hiniling niya na mawala na lang siya sa kwarto na ito.Tinakpan niya ang kanyang mukha sa hiya at sinabi, “Doc, sa totoo lang, dahil ito sa lalaki ko. Wala siyang masyadong pakialam sa kalinisan…”Nagreklamo ang doktor, kasam
Nahilo si Hannah at nataranta nang makita niya ang mga resulta!Hindi lang siya nagkaroon ng gonorrhea, ngunit may syphilis din siya?!Ang put*nginang supervisor na iyon ay hari ng mga STD!Talagang siya ang sanhi ng lahat ng ito!Nanlambot ang mga binti ni Hannah, kaya nagmamadali siyang sumandal sa pader at umupo sa sahig. Habang pinunasan niya ang mga luha niya, tiningnan niya ang pangatlong pahina ng report habang nanginginig ang mga kamay niya.Sinabi ng pangtalong report: AIDS antibody HIV, the measured value is 0.11, followed by the reference value indicating
Ilang sandaling nagulantang sa pagkaluray si Hannah. Sa sandaling bumalik ang diwa niya, ang una niyang naisip ay alisin ang sanggol sa lalong madaling panahon. Humarap siya nang balisa sa doktor at tinanong ,”Doc, kailan ang pinakamaagang appointment para sa abortion surgery?”:Kung gusto mo, kaya kong ayusin ito para sa’yo sa susunod na linggo, ang pinakamaagang araw ay Lunes.”Nabigla si Hannah at nataranta nang marinig niya na kailangan niyang maghintay hanggang sa Lunes, at tinanong niya nang balisa, “Bakit kailangan ko pang maghintay ng Lunes? Kung tungkol ito sa pera, kaya kong magbayad ng doble o sampung beses na mas mataas sa presyo!”Sobrang seryoso ng sitwasyon ngayon, ang ibig sabihin ng isang araw na antala ay mas malaking posibilidad na malalaman ang pagkabuntis niya. Hindi niya maiwasang mabalisa.Umiling ang doktor at sinabi, “Hindi ito tungkol sa pera, pero weekend lang pwede ang mga clinic visit, walang mga naka-schedule na operasyon. Kung gusto mong ipalaglag ang
Sinabi ni Christopher, “Sinabihan ka ni Mama na pumunta sa pamilihan, bumili ka ng ilang karne sa daan mo pauwi, at magluto ka ng tanghalian pag-uwi mo.”Nabalisa nang kaunti si Hannah, pero sumagot siya nang kalmado, “Okay, dadaan ako sa pamilihan at uuwi na ako.”***Nasa hardin sina Charlie at Claire nang buong umaga, pumipitas ng mga gulay.Sobrang saya ni Claire at masigla siya na parang isang 18 taong gulang na dalaga. Masaya niyang pinipitas ang mga gulay, inaayos ang mga lupa, at dinidiligan nang seryoso ang mga halaman.Hinihintay pa rin ni Elaine na kunin ang mga litrato niya para i-upload sa kanyang social media. Natataranta na siya sa sabik dahil sobrang tagal bago lumabas sa hardin ang mag-asawa.Nang pumasok na sina Charlie at Claire sa bahay dala-dala ang malaking basket ng mga gulay, nagmadali siyang bumaba, nilabas ang kanyang cellphone, at nag-selfie sa hardin sa bawat anggulo na posible.Pagkatapos tumayo sa ilalim ng tirik ng araw at kumuha ng napakaraming li
Nang marinig niya na ang lola niya ang nagnakaw ng mga gulay sa kanilang bakuran, nagbuntong hininga si Claire at sinabi, “Ma, kung si lola ito, hayaan mo na lang siya. Hayaan mo siyang pumili kung ano ang gusto niya, gulay lang naman ito.”Sinabi ni Elaine nang nanghahamak, “Aba hindi, hindi mo pwedeng sabihin ito. Ano bang binigay sa atin ng lola mo? Nakalimutan mo na ba kung paano niya tayo tinrato? Huh, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, may kapangahasan siyang magnakaw ng mga gulay sa bakuran natin?! Hindi, hindi ko pwedeng hayaan siya!”Umiling nang malungkot si Claire, Ma, huwag mo na itong masyadong pag-isipan, okay? Gusto rin ni Lola ng gulay dahil nakita niya kung gaano kasariwa at kalaki ang mga gulay natin, huwag kang maging madamot.”Binulong ni Elaine sa inis, “Traydor ka, hmph!” Pagkatapos, tumalikod siya at galit na umakyat sa hagdan at bumalik sa kanyang kwarto.Gayunpaman, sa tuwing iniisip ito ni Elaine, mas lalo niyang nararamdaman na natatalo siya. Mayroon sil
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl