Nahihiya nang sobra si Hannah sa resulta, kaya, gusto niyang pasayahin si Lady Wilson at ang asawa niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobra sa kanila. Nakakuha siya ng dagdag na pera sa pagbenta ng coffee machine, kaya, ginamit niya ang pera para bumili ng mga ribs at pork belly para magluto ng isang masarap na pagkain para sa kanyang pamilya.Kumunot ang noo ni Lady Wilson sa pagkabalisa nang malaman niya na bumili ng mga gulay si Hannah, at sinumbat niya sa pagkayamot, “Jusko, bakit nagsayang ka ng pera sa mga gulay?”Tinanong ni Hannah sa sorpresa, “Ma, hindi pwede na karne lang ang kakainin natin! Kailangan natin ng balanseng pagkain para sa lahat ng bitamina at nutrients na kailangan ng katawan natin.”Hinila siya ni Lady Wilson sa kusina at tinuro niya ang basket ng mga gulay na ninakaw niya at sinabi, “Kita mo iyan? Ninakaw ko ang lahat ng sariwang gulay na iyan sa bakod ni Charlie. May malaking vegetable garden sila sa bakod nila at pwede tayong pumitas kung aabutin lang n
Pagkatapos mag tanghalian, inayos na ni Zeke na magpadala ng isang truck ng mga daffodils sa bahay ni Charlie.Matataas ang kalidad at sobrang lago at berde ng mga daffodil na ipinadala niya, at walang may bulaklak sa lahat tulad ng hiling ni Charlie.Kamukha ng Daffodils ang mga chive lalo na kapag hindi pa ito namumulaklak.Hindi makikilala nang malinaw ng mga tao sa siyudad ang mga halaman. At saka, madalas sa mga taong kumakain ng mga chive ay nakakakita pa lang ng mga chive na nakatali sa isang bundle, pero hindi pa nila nakikitang tumubo sa lupa ang mga chive, kaya hindi nila malalaman ang pagkakaiba sa mga chive at daffodils sa isang tingin at madalas silang malilito sa pagkakatulad nito.Ang chive ay isang gulay na kinahihiligan ng maraming tao. Isa itong napakagandang sangkap pagdating sa prito, sabaw, paggawa ng pie, o dumplings.Gayunpaman, hindi pwedeng kainin ang mga daffodils.Bakit? Dahil may narcissus ang mga daffodil.Ang narcissus ay isang toxic alkaloid.Nang
Nagmamadaling tinanong ni Hannah sa matamis na tono, “Ma, bakit kailangan mo ng mga itlog at harina?”Sumagot si Lady Wilson, “Gusto kong gumawa ng eggs and chives dumplings para sa hapunan!”Tumili si Harold sa sorpresa, “Lola, dumplings ba ang hapunan natin ngayong gabi?”“Oo!” Sinabi ni Lady Wilson, sobrang laki ng ngiti niya, “Gusto mo ba ng mga chive at itlog?”Humagikgik si Harold. “Syempre! Ah, mahal na mahal ko ito! Sobrang tagal ko nang hindi nakakain ng eggs and chive dumplings! Naglalaway na ko kapag sinasabi mo ito!”Ngumiti rin si Christopher at sinabi, “Ma, bakit bigla mo gustong gumawa ng eggs and chives dumplings? Matagal mo na itong hindi ginagawa.”Tumawa si Lady Wilson at sinabi, “Masaya ako ngayong araw! Sobrang saya ko sa punto na mapupuno ko ang sarili ko ng eggs and chives dumplings!”“Mabuti!” Naglabas ng isang buntong hininga si Christopher, “Matagal na akong hindi nakakakain ng dumplings. Sa wakas ay mapapawi ko na ang pananabik ko!”Tinanong ni Hannah
Halos sumabog na sa galit si Elaine sa sobrang galit niya.Kabibigay niya lang ng babala kay Charlie na mag-ingat sa matandang babae kaninang umaga, pero sa halip na seryosohin siya, bumili pa siya ng maraming chives!Magaling, ngayon parang isang charity center na sila para sa matandang babae at sa pamilya niya.Kung dati pa ito, pinagalitan na niya si Charlie, pero wala siyang tapang na gawin ito ngayon.Sa sandaling ito, tinanong ni Calire si Charlie sa kwarto, “Mahal, anong gusto mo para sa hapunan?”Ngumiti nang tuso si Charlie at tinanong, “Karaniwan ay wala kang pakialam sa mga ganitong bagay, anong mayroon sa biglang pagbabago mo? Bakit gusto mong malaman kung ano ang gusto kong kainin ngayong gabi?”Naglabas ng isang parang bata na ngiti si Claire at sinabi, “Gusto kong pumitas ng mga gulay sa hardin. Sabihin mo kung anong gusto mong kainin, pipitasin ko ito sa hardin. Ano sa tingin mo? Magandang ideya ba ito?”Tumango si Charlie at sinabi na may mabait na ngiti, “Pumun
Umingit nang nahihiya si Christopher, “Okay, okay, tama ka, Ma. Makikinig ako sa’yo, okay?”“Tumingin nang masama si Lady Wilson sa kanya at sinabi, “Magsikap ka pa, gilingin mo nang mabuti ang karne at gawin mo itong malambot!”“Opo, Ma’am…” Sumagot nang tuyot si Christopher.Pagdating ng gabi, tapos na ang giniling, naprito na ang mga itlog, at malaking basket na ng mga ‘chive’ ang nahugasan. Lahat ng sangkap ay nasa cutting board na.Si Lady Wilson mismo ang gumawa ng palaman ng dumpling. Una, pinaghalo niya ang mga pritong itlog at chive sa seasoning para sa eggs and chives dumplings. Pagkatapos, naghalo siya ng isa pang mangkok na puno ng laman ng baboy at chive.Naglaway na ang ibang miyembro ng pamilya Wilson habang pinapanood nilang ginagawa ni Lady Wilson ang palaman. Dahil, ang dami na nilang pinagdaanan na problema at kamalasan. Bihira lang talaga para sa kanila na magkaroon ng masarap at gawang bahay na mga dumpling.Pagkatapos haluin ang mga palaman, tinuruan ni Lady
Naghanda ng dalawang klase ng dumpling ang pamilya Wilson, at marami silang ginawang ganito. Ayon sa dami ng dumpling na ginawa nila, sapat na ito para pakainin ang sampung tao, pero naubos ng pamilya Wilson ang lahat ng dumpling.Busog na busog sila pagkatapos kumain sa punto na hindi man lang sila makaupo nang diretso.Habang nakatitig sa 20 o 30 tirang dumpling sa lamesa, inudyok sila ni Lady Wilson habang sumesenyas, “Hoy, kahit sino, bilisan niyo at ubusin niyo na ang mga dumpling. Huwag niyong sayangin ito!”Hawak-hawak ang kanyang bilog na tiyan, umungol nang walang magawa si Christopher, “Jusko, hindi ko na kayang kumain, kahit isa.”Umiling din si Hannah at sinabi, “Ma, hindi ko na kayang kumain, busog na busog na ako ngayon.”Busog na busog na rin si Wendy sa punto na wala na siyang lakas na magsalita. Sa halip, umupo siya sa sofa at kumaway, ipinapahiwatig ang pagtanggi niya.Sinabi ni Harold, “Lola, bakit hindi natin sila itago sa ref? Pwede nating iprito ito at gumaw
Sobrang sakit na ng nararamdaman ni Harold sa sandaling ito. “Hindi ko na alam ang nangyayari, sobrang sakit ng tiyan ko…”Sa puntong ito, nakaramdam si Harold na may mas malakas na enerhiya na naiipon ulit sa katawan niya, at ilang beses na mas malakas ito kaysa sa dati, sobrang bilis nitong bumaba.Pagkatapos, agad narinig ang isang malakas na ihip, at isang mas mabahong amoy ang biglang kumalat sa sala.Tumingin nang hindi nag-iisip si Christopher sa puwetan ni Harold at nalaman niya na may kumalat na kulay kayumanggi na malagkit na likido.Tumili siya nang malakas, “Letse, Harold, tumae ka sa pantalon mo!”“Ano?!” Humarap nang sabay-sabay ang lahat kay Harold.Halata ito!May nakakadiring bagay na lumalabas sa puwet ni Harold!Galit na sumigaw si Lady Wilson, “Letse, g*go ka, galing pa sa Italy ang sofa na ito!”Nagulantang din si Harold. Sinabi niya nang inosente, “Hin… hin… hindi ko alam ang nangyari! Sumasakit ang tiyan ko, at sobrang saik nito, at gusto kong umutot, pero
Sa sandaling ito, walang ideya ang pamilya Wilson kung bakit sobrang sakit ng mga tiyan nila at ano ang sanhi ng malalang diarrhea na kasunod nito.Sobrang lakas na lason ng narcissus daffodils. Kunating puridong narcissus ay nakamamatay sa tao.Pero, kahit na kaunti lang ang laman na alkaloid sa daffodils, ang pagkain ng marami ay magreersulta sa malaking sintomas ng food poisoning, pero hindi ito nakamamatay kung hindi ito masyadong madami.Kahit ano pa, ang sakit sa food poisoning ay hindi kayang tiisin ng isang ordinaryong tao.Hindi lamang nito inuudyok ang pagsusuka at diarrhea, ngunit lagnat, pagkibot, at mga sakit din sa nervous system.Kung kumain ka nang marami, marahil ay magsanhi pa ito ng shock at mamatay ka.Medyo mapanganib nga ito sa lahat sa pamilya Wilson dahil napakaraming narcissus ang kinain nila. Kahit si Charlie ay hindi inaasahan na sobrang dami ng kakainin nila nang inaayos niya ang plano niya.Madalas inuulat sa balita na dinadala sa hospital ang ilang
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag