NAPALAPIT sa may pinto si Ezekiel. Muli niyang binalikan ng tingin ang suot na rolex ng mga sandaling iyon. Halos pinagpawisan siya pag-akyat sa naturang gusali.
Init na init na siya at halos manlimahid na siya sa pawis.
“Bakit isinakto pa kasi ngayong araw ang paag-aayos ng pesting elevator na iyan!”Gigil na asik ni Ezekiel. Unang araw pa lamang kasi ng plano niya upang mapalapit kay Desiree ay pinapahirapan na siya!
Napilitang ngumiti si Ezekiel ng marinig niyang magbukas at iluwa ng pinto mula sa loob si Desiree.
“Pasok ka Doc…”pormal na saad ni Desiree. Hindi pa nakakasagot ang binata ay tuluyan na siyang naglakad papasok.
Pinalis niya
INIS na inis siya sa sarili! “Ah.. I see, sige na Ezekiel baka matraffic ka pa pauwi sa inyo.”pagtataboy na niya sa lalaki. “S-sige, okay lang ba na iwanan na kita ditong mag-isa o I shall have to wait your husband… “suhestyon ni Ezekiel na napatingin pa sa relos na suot. Mag-a-alas-singko pa lang naman. Sa ganitong oras ay matraffic na rin. “Sige ayos lang Ezekiel, maybe pauwi na rin iyon… See baka siya na nga iyan,”tuloy-tuloy na sabi ni Desiree matapos niyang madinig ang pagpihit ng seradura ng pinto.Tama naman na si Guiller ang pumasok. Bakas na bakas dito ang pagod. “Grabe, sobrang traffic at napakainit pa.”himutok ni
AFTER fifteen minutes ay natapos na siya. Pagkalabas pa lamang niya ng pinto ng banyo ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na pagkatok sa may pinto sa labas."S-sino kaya 'yun?"Pagtatanong ni Desiree sa sarili. Kumuha muna ng maisusuot ito, minadali na niya ang pagbibihis."Sandali..."sagot niya ng muling naulit ang pagkatok.Nakasimangot tuloy siyang binuksan iyon. Inayos niya ang itsura ng makitang isang babae iyon. Ngayon lang niya ito nakita, pero pakiramdam niya ay kilala siya nito."H-hello s-sino po sila?"Tanong ni Desiree na tutok na tutok sa magandang mukha ng babae. Sa tingin niya'y kaedad lamang ito ng mama niya."So ikaw ang
UNTI UNTI nga niyang iminulat ang magkabilang mata, ngayon ay titig na titig na siya sa gwapong mukha ni Ezekiel."Muli may itatanong ako sa'yo Des, sana ay sagutin mo ng maayos...""Sige,"tugon niya pinagsalikop pa niya ang dalawang palad sa kandungan niya."Madalas ka pa bang dinadalaw ng mga nightmare mo sweetheart?"Tanong ni Ezekiel na nanatiling sa notepad nito nakatingin."Hindi na Kiel, maayos na rin kasi akong nakakatulog tuwing gabi. Para ngang gumaan ang pakiramdam ko sa tuwing ginagawa ko ang mga rational routine na ipinayo mo...""Good to hear, sana magtuloy-tuloy na iyan. Huwag ka lang mag-iisip ng nega okay, if yo
ONE YEAR LATER...AGADnagbeso-beso si Jaime at Desiree. Matagal-tagal din ng huling nabisita ng una ito dahil sa pagkakalipat nito sa Cebu dahil sa trabaho."Kumusta na mare? Oh! Wow! malalaki na sila huh!"Galak na usal ni Jaime habang pinaglipat-lipat nito sa kambal na lalaki na anak ni Desiree na pawang nakaupo sa baby chair."Sinabi mo pa ngayon three months old na sila,"nakangiting pagmamalaki nito."Nakakatuwa naman kamukhang-kamukha mo sila mare!"Saka nito pinanggigilan ang pisngi ng dalawang bata na sabay pang napahagikhik."So ikaw kailan mo balak magpakasal? Nasaan pala si June, ba't parang hindi mo siya
TULUYANGbumaba ng taxi si Desiree. Agad siyang nagbayad sa driver ng pamasahe niya, humigit isang oras din ang ibiniyahe niya sa pagpunta sa bahay ng Lolo't Lola niya. Excited na siyang ibigay ang mga pinamiling regalo sa anak na si Zedrick na kaka-anim na taon pa lamang ngayon. Nakita niya ang ilang kapit-bahay at kamag-anakan nila na naroroon. "Kumusta apo, mabuti naman at nakaluwas ka ngayon galing Maynila. Tiyak matutuwa si Zeki na nakarating ka..."ani ni Lola Devina na sumalubong sa kanya sa may tarangkahan ng bungalow nitong bahay. Iginala niya ang paningin, ibang-iba talaga ang buhay-probinsya kaysa sa Maynila na kung saan siya nagdalaga. "Oo nga po, mabuti at pumayag si Mama na maiwan sa
Maya-maya mariin niyang binura ang nasa isip. Dapat magfocus siya. Pinanitili niyang nakasimangot ang mukha. Ngunit, halos lumukso palabas ang puso niya ng bigla na lamang hawakan siya sa kamay ni Ezekiel."Sorry naman, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Nang malaman kong may anak nga tayo ay agad akong nag-hire ng imbestigador."Paliwanag nito.Nagtataka siya kung bakit nito alam ang lahat."Ang Mama ni Guiller, s-siya ang nagsabi ng tungkol sa pagkakaroon natin ng anak..."biglang sabi nito. Marahil ay nabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya.Ano ba kasing laban niya. Psychiatrist ito, malabong may maitago siya rito. Dahil tila basang-basa nito ang nasa utak niya.
HINDIaakalain ni Desiree na aabot ng tatlong araw ang bagyo sa lugar nila. Nang lumabas siya ng bahay ay kitang-kita niya ang grabeng naging dulot nito. Naroon ang ilang nagsintumbaan ng mga punong kahoy. Ilang naputol na wire ng kuryenti kaya upang sa tatlong araw na nakaraan na walang elektrisidad."Mukhang bukas ka pa makaluluwas pa Maynila?"Ang biglang pag-imik ni Ezekiel mula sa tabi niya."Sinabi mo pa, nakakatakot naman bumiyahe na sanga-sanga pa ang kalat sa highway."explain ng babae.Bumalik na ito sa lamesa upang ipagpatuloy ang almusal, buhat sa pagkakasilip sa may pinto.Sa mga lumipas na tatlong araw ay natuwa naman si Desiree kay Ezekiel. Wala siyang masabi rito, ito kasi an
Agad niyang iniiwas ang pansin, ngunit muli iyon ibinaling ni Ezekiel gamit ang sariling kamay nito."Please answer my question or else...""Ano? Anong gagawen mo? Pwedi ba kung laro lang sa'yo ito tama na dahil ayaw ko na maging kumplikado—".Ngunit hindi na natapos ni Desiree ang mga sasabihin dahil tuluyan ng sinakop ng labi ni Ezekiel ang bibig niya.Imbes na itulak palayo ni Desiree ito ay tila tuluyan naglaho ang lahat ng katinuan sa utak ni Desiree.Sa totoo lang sobrang inasam ng dalaga na mahalikan siyang muli ng binata."OoooHhh Des, I miss this..."anas ni Ezekiel na patuloy lang sa paghali
SApamamagitan ng helicopter na dala ay mas napadali niyon ang pag-ahon sa sasakiyan kung saan naroon si Ezekiel.Dali-daling binuksan iyon, punong-puno iyon ng tubig kaya upang madaming tumagas mula sa loob ng sasakiyan.Halos takbuhin ni Desiree ang kinaroroonan niyon ng ilabas mula roon ang binata.Kahit pinipigilan siya ng mga medical crew ay hindi nagpapigil si Desiree."No! a-ayos lang ako, u-unahin niyo siya, please... please help him! My God Kiel!"pakiusap ni Desiree na agad naman tinugon ng mga ito. Hinigpitan na ni Desiree ang pagkakabuhol ng blanket na inbingay sa kanya ng isang medics.Tuluyan inilagay sa stretcher si Ezekiel at ipinas
MAYA-MAYA'Y kita ni Desiree nang ipasok ng dalawang lalaki si Ezekiel. Halos lupaypay na ang ulo ng binata. Agad ibinagsak sa paanan ni Badette ang binata. Isang saboy sa mukha nito ng hawak na champagne, upang tuluyan magkamalay si Ezekiel. Unti-unti naman itinaas ng binata ang mukha, kahit sobrang sakit na ang katawan nito ay pinilit niyang tignan si Badette na ngising-ngisi sa harap niya. "Walang-hiya ka!"Akmang aabutin ni Ezekiel si Badette ng hawakan siya ni Gregorio. Agad na itinayo ito sa harap ng babae. "Grabe... pinabugbog na nga kita nakakaya mo pa rin tumayo." "M-magbabyad ka sa mga pinaggagawa mo sa amin. Oras na makawala ako ri
HINDI pa siya nakakabawi sa pagkakatumba ng tuluyan siyang sabunutan ni Badette."Aray ko Tita! Ang buhok ko!"atungal ni Desiree na humawak pa sa kamay ni Badette."Huwag ka ngang mag-inarte, sige lakad! Nababasa na tuloy ako! Napakaarte mo!"bulyaw pa nito kay Desiree na nag-iiyak na."Maawa na po kayo sa akin, a-akala ko po ba okay na tayo?"pagmamakaawa ni Desiree."Sana... kung naging masunurin ka lang sana Des. Kaso inuna mo pa ang paglalandi mo! Mag-iiba tuloy ako ng plano. Ang inaakala ko kasi ay matagumpay ko ng nasira ang pagsasama niyo ng lintek na si Ezekiel. Pero mukhang walang silbi ang ipinagawa ko sa pamangkin kong si Gale. Dahil gusto mo pa rin makipagbalikan sa lalaking iy
SAikatlong araw bago ang kasal nila ay isang balita ang gumimbal sa lahat. Lalong-lalo na kay Desiree..."Ano ang sinasabi ng babaeng iyan!"galit na galit na sabi nito habang matalim na nakatingin sa direksyon ni Ezekiel."H-hindi ko alam sweetheart and I don't know her!"matatag na balik-sigaw ni Ezekiel."I-de-deny mo pa ako Zeck, hindi mo ba naalala ang gabing iyon sa America. Porke't nagkabalikan na kayo ng babaeng ito na wala naman ginawa kung 'di ang saktan ka ay ma-i-itsapuwera na lang ako sa buhay mo!"tuloy-tuloy na sabi ni Gale."W-what pwedi ba miss kong may problema ka. Huwag mo na akong isali sa kalokohan mo!"sa sandaling iyon ay nagtitimpi si Ezekiel. Ramdam niya a
SINAGng pang-umagang araw ang nagpaggising kay Ezekiel.Sa isip ng binata'y dahil sa kalasingan ay nakalimutan niyang isarado ang blind curtain ng sariling silid niya.Napabalikwas siya ng bangon ng tuluyan mapagmasdan niya ng maigi ang silid na kinaroroonan niya."T-teka n-nasaan ba ako?"takang-pagtatanong mula sa sarili lamang ni Ezekiel.Pinagmasdan niya ang sarili dahil, iba na ng suot niyang kasuotan. Dahil naalala niya na hindi siya nakapagbihis dahil ang alam niya ay dumiretso na siyang nahiga at natulog .Pero, ibang kama pala ang hinigaan niya.Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Ezekiel
KINAUMAGAHANay maagang nagising si Desiree. Mabigat man ang pakiramdam ay kinakailangan niyang bumangon.Nakasanayan na niyang maligo bago lumabas ng silid niya. Halos lahat ng mga kasama niya sa mansyon ay nasa hapag-kainan na.Habang ang tatlong bata naman ay nahihimbing pa rin na natutulog sa silid ng mga ito. Bantay ng mga yaya."Morning po sa lahat,"pagbati ni Desiree sa lahat."Magandang umaga iha, nakatulog ka ba kagabi?"ani ng Donya."H-hindi ho, eh!"usal ni Desiree na agad kinuha ang isang bread loaf para magawan nito ang sarili ng sandwich."Gusto mo bang samahan kitang
MATAGALbago nakaimik si Guiller tila pinag-iisapan nito ang kasunod nitong sasabihin."Pwedi ba Zeck, k-kapag namatay na ako. K-kapag wala na ako sa mundong ito, maari bang ikaw na ang pumalit sa pwestong maiiwan ko. Alagaan at pangalagaan mo ang pamilya ko. Sa ikalawang pagkakataon pinsan, buong puso kong ipagpapasalamat na ikaw ang taong magbibigay ng pagmamahal at proteksyon sa pamilya ko."Hindi inaasahan ni Ezekiel ang bilin ni Guiller. Naroon na nasisiyahan siya dahil kahit paano ay natupad at nabigyan niya ng kasiyahan ito. Pero mas lamang ang kalungkutan sa nalalapit na sandali, kung saan tuluyan ng mamaalam si Guiller."Ipinapangako ko Guiller, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti nina Desiree. Hindi ko sila papabayaan,"wika ni Ezekie
ISANGmasuyong halik ang ginawa ni Guiller sa noo ni Desiree. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa maganda nitong mukha."Honey, hanggang pa rin ngayon ay hindi ka pa nasasanay,"tugon ni Guiller na pinisil pa ang ilong ng babae.Totoo ang sinasabi nito, isang linggo na ang nakararaan magmula ng muli silang magkasama ng asawa.Talagang seneryuso nito ang sinabi nitong babawi ito sa kanya at sa mga bata."Eh, kasi... ah basta! Hmmm k-kumusta ang pakiramdam mo? sumasakit pa ba ang tyan at likuran mo?"sunod-sunod na tanong ni Desiree habang nakayakap sa may likuran niya ang asawa."Hindi na masyado honey, basta lagi kayong nandiyan ng mga b
NAKATITIYAKsiyang sasabog ito sa galit oras na malaman nito iyon kaya inilihim na lang niya."S-sige Des, para sa mga bata sa inyo gagawin ko basta gumaling lang ako,"tugon ni Guiller.Hindi na napigilan ni Desiree ang sarili kusa na niyang niyakap ito na mahigpit naman tinanggap ni Guiller.Parehas silang napalingon sa pinto ng magbukas iyon at makita nilang pumasok si Badette.Sinulyapan lamang nito si Desiree at hindi inimikan. Dire-diretso ito kay Guiller.Naramdaman niya ang pasimpleng pagtabig ng Ginang sa kanya na ipinagkibit na lamang ng balikat ni Desiree."Lalabas muna ako Guiller, punta