DUMATING ang unang araw ng pasukan, may halong excitement kay Dhalia.Isinuot niya ang pinakamagandang damit, mababait at halos okay naman ang lahat ng mga magiging classmate niya.Iyon nga lang kailangan niyang pumasok ng gabi, dahil importanteng matake niya ang subject na iyon— isa sa mga major subject niya.Pagkarating ng dorm ay agad na siyang nagshower, mamaya kasi ay magdadatingan na ang mga kasama niya sa kuwarto tiyak mahihirapan siyang makasingit upang makaligo.Nasa loob na siya ng cr ng makaramdam siya ng agam-agam. Patuloy siyang nakiramdam, paglaon minabuti na niyang ituloy ang naudlot na paliligo.Mayamaya'y narinig niyang nagbukas ang pinto, kasabay ng pagsasara din niyon."Ikaw ba 'yan Maica? Wait lang huh, mabilis lang ako,"sagot niya ng mapansin niyang gumalaw-galaw ang door knob ng cr.Ngunit nanatiling gumagalaw iyon, nainis na siya dahil kakaumpisa pa lamang niya.
Last Updated : 2021-07-30 Read more