NANGINGINIG na niyakap ko ang aking sarili habang naka-upo. Pasimpleng pinahid ko ang mga luha sa pisngi.Hindi ko alam kung paano ako lalabas dito na ganito ang aking hitsura?Punit ang pang-itaas na bahagi ng suot kong gown. Ano ang idadahilan ko kay Shane?Ano ba ang problema ng Hade na iyon at basta na lang ako sinugod. Hindi ko talaga mahulaan ang takbo ng utak ng lalaki. Nagugulo pa lalo ang utak ko ng dahil sa ginawa nito.Nang mahimasmasan ay pinilit kong ibalik ang kompiyansa sa sarili. May naririnig akong mga yapag papalapit sa kinaroroonan ko. Napahalukipkip ako sa isang sulok ayaw ko na may makakita sa akin ng ganito ang ayos.Makalipas ang ilang segundo ay lantad sa aking paningin ang paa ng isang panauhin na nakatayuo sa aking harapan.Nang tiningala ko ang may-ari ng bulto nagulat ako sa imaheng bumungad sa aking mga mata."C-christian!" sambit ko, bakas sa mukha ko ang pagkagulat."Amella." Nilahad ng binata ang kanang palad sa harapan ko. His eyes travelled all over m
Isang katok ang pumukaw sa diwa ni Hade mula sa malalim na pag-iisip. "Come in." Bumungad sa kanya si Franklin nang bumukas ang pinto ng kanyang office. Inangat niya ang paningin sa kanyang assistant."Boss heto na po ang mga files na hinihingi mo akin nu'n isang araw," lahad nito sa ibabaw ng mesa niya. "Thank you." "You're welcome Boss." Tumalikod na ito at lumabas ng silid. Kinuha ang folder at binuksan. Tumambad sa kanyang paningin ang isang larawan ng babae, kasunod ay ang mga personal records nito. "Amella Mondragon, that is her name." Binasa pa niya ang ibang pang record nito. Nalukot ang kanyang noo. "This is odd?" Nagsalubong ang kilay ni Hade na ini-isa isa ang mga dokumento. The woman suffered from Dissociative Amnesia 2 years ago. She got it from a car accident. Kasal ito kay Attorney Velez ngunit naghiwalay rin. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasang impormasyon. Sana alam niya ito noon pa. How come he was so fool? Now, nakadama siya ng awa matapos mabasa ang
MATAMAN kong sinuyod ang aking repleksiyon sa harap ng eleganteng salamin sa loob ng silid. Nanginginig na inangat ko ang mga daliri at inabot ang sarili kong hitsura. Bawat linya at detalye ay pilit kong inaalala. Pilit kong kinalap sa aking diwa. May maganda akong hugis ng mata na sinamahan ng malalantik na pilikmata. Ang aking ilong ay may katamtamang tangos at labi na katamtamang pouty at sadyang natural na mapupula. Mikinis din ang aking pisngi at kutis porcelana. Malaperpekto ang taglay kong ganda ngunit kahit anong piga ko ng aking utak ay sawi kong mahanap ang sarili. Hindi ko kilala ang babae sa salamin. Ni munting parte ng hitsura nito ay hindi ako pamilyar. Walang bahagi nito na nagpa-alala sa'kin sa nakaraan. Kuyom ang palad ay mariin kong naipikit ang mga mata. Naninibughong napabuga ako ng hininga. Hindi ko namamalayan ang munting butil ng luha na kumawala sa gilid ng aking mga mata. Lihim akong napatanong sa aking sarili. Sino ba talaga ako?
"AMELLA, 'san ka pupunta, anak?" blankong tanong ni Mommy Patricia sa akin habang pababa ito ng hagdanan mula sa ikalawang palapag ng aming bahay.Si Patricia Mondragon, the woman who showered me love. "Somewhere," matipid kong sagot at hindi inabala ang inang tingnan sa mukha. Sa halip pinagpatuloy ko ang pagtirintas ng sintas sa sapatos ko. "Somewhere?" Nakataas ang kilay nitong ulit sa sagot ko. "Please Amella, sabihin mo kung saan ang punta mo, anak?" mahinahong giit nito na halatang nag-alala."H'wag kang mag-alala mommy. Okey lang ako. May kailangan lang akong puntahan," sagot ko na hindi pa rin tumingin sa mukha nito.Umungol si Patricia na halatang hindi kumbinsido ngunit sumuko din ito. "Kahit anong gawin ko'y hindi kita mapipigilan diyan sa gagawin mo. Basta mag-ingat ka, Amella." Bakas ang pag-alala ang sa mukha nito pagkatapos ay isang
HINDI ako nakatulog ng gabing iyon at paulit-ulit na sumagi sa utak ko ang lalaking nakatagpo ko sa bukid. Bumalik-balik sa diwa ko iyon hindi dahil sa kagwapohan na taglay nito kundi ang kalungkutan na nasilayan ko sa mga mata ng lalaki.Pabali-baling lang ako sa kama halos hindi ako dinalaw ng antok. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero palagi na lang lumilitaw ang imahe ng lalaking estranghero sa balintataw ko.Who is that man, anyway? As if kilala ko 'yon. Konta-gustong bumangon ako at bumaba ng kusina. Nagsalin ako ng gatas sa baso. Kailangan ko ng matulog at maaga pa ako bukas para sa tindahan ko. Akmang itutungga ko ang baso nang tumunog ang hawak kong cellphone. Nakita ko ang pangalan ng aking ina sa screen."Oh, thank goodness you answered my call, Amella," dinig ko si Mommy Patricia sa kabilang linya."Mom."Nanghingi ito ng pabor dahil naaberya ang sasakyan nito at ni-maski taxi ay walang dumadaan sa kinaroroonan nito.Agad akong nagbihis ng maong highwaist short an
"SAAN, ba tayo pupunta ha?" Kunot noong tanong ko kay Shane ang pinsan ko. Anak ito ng kapatid ng Mommy ko. "H'wag ka nang magtanong at sumama ka na lang." Nakataas ang kilay sabay irap ang mga mata ni Shane. Inayos nito ang iba naming mga bagahe."Whatever," nagkibit balikat na lang ako. Kontra gustong kinarga ko ang iba naming gamit sa compartment ng sasakyang dala ni Shane. Minsan hindi ko talaga ma-spelling 'tong pinsan ko. Travel blogger kasi ito kaya minsan kung saan-saan ako dinadala. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng kotse. Napasimangot akong bigla nang maalala ko ang aking kotse. Mag-iisang buwan nang nakaratay sa talyer. Pinapa-repaint ko pa kasi. Sobrang nasira ang bumper. Walang hiyang lalaki! "Pagnakita ko ulit ang mayabang na lalaking 'yon puputolan ko talaga iyon ng leeg," kikibot kong bulong sa aking sarili. "Anong problema mo?" salubong ang kilay na tanong ni Shane nang mapansin nito ang pagkalukot ng mukha ko. "Nuh?" ismid kong sinandal ang likod sa backrest
NAKASIMANGOT kong binuksan ang ref. Walang kabuhay-buhay kong kinuha ang isang petsil ng tubig, pagkatapos pabagsak ko iyong muling sinara. "Easy Amella, nagkataon lang," paliwanag ni Shane na naka-upo sa harap ng counter island ng kusina. "Yeah I know, but why of all the places we've been through and why of all people, that guy pa talaga ang nagkataong may ari nitong villa and a friend of yours to be exact!" bahagyang diniinan ko ang huling kataga. Nakangusong nagsalin ako ng tubig sa basong nasa ibabaw ng mesa, kasunod ay naupo na rin ako sa kabilang upoan. "Relax, baka ito na ang matagal na sagot sa katigangan mo, baka you both destined to be together," tuksong sabi nito sabay subo ng green salad na kanina pa nito pinagdiskitaan."Together?" Pinandilatan ko itong nilagok ang tubig sa baso. Yes. Mahigit isang taon nang naghiwalay kami ni Christian at wala sa bukabularyo kong maghanap ng lalaki."I mean to be together as a good friend," pagtatama ni Shane sa sinabi dahil alam nit
"WINONA," dinig kong anas ng lalaki sabay dampi ng labi nito sa leeg ko.Pagkarinig ko sa pangalang iyon bigla na lang akong natauhan. Mabilis kong kinalas ang sarili mula sa mga bisig nito. Pakiramdam ko ay parang binuhusan ako ng isang baldeng yelo sa sandaling ito.Hindi ko napigilan ang emosiyon at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaliwang pisngi ng lalaki.Nagulat ito sa ginawa ko at napaatras biglang naging pormal ang mukha nito. "I am sorry. Hindi ko sinasadya, isa iyong pagkakamali," pahayag nito sa pagmumukha ko. Ang tinutukoy nito ay ang halikan na naganap."Oo, isa iyong pagkakamali," ani kong diniinan ang huling kataga. Pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko. Gumuhit sa aking labi ang isang pekeng ngiti."I am sorry!" muling paghingi nito ng paumanhin."No! Hindi mo kailangan na humingi ng despensa," ani kong dagling tumalikod. Paraan ko na rin iyon upang ikubli ang mga butil ng luha na namumuo sa gilid ng aking mga mata. Hinakbang ko ang paa pabalik sa restho
Isang katok ang pumukaw sa diwa ni Hade mula sa malalim na pag-iisip. "Come in." Bumungad sa kanya si Franklin nang bumukas ang pinto ng kanyang office. Inangat niya ang paningin sa kanyang assistant."Boss heto na po ang mga files na hinihingi mo akin nu'n isang araw," lahad nito sa ibabaw ng mesa niya. "Thank you." "You're welcome Boss." Tumalikod na ito at lumabas ng silid. Kinuha ang folder at binuksan. Tumambad sa kanyang paningin ang isang larawan ng babae, kasunod ay ang mga personal records nito. "Amella Mondragon, that is her name." Binasa pa niya ang ibang pang record nito. Nalukot ang kanyang noo. "This is odd?" Nagsalubong ang kilay ni Hade na ini-isa isa ang mga dokumento. The woman suffered from Dissociative Amnesia 2 years ago. She got it from a car accident. Kasal ito kay Attorney Velez ngunit naghiwalay rin. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasang impormasyon. Sana alam niya ito noon pa. How come he was so fool? Now, nakadama siya ng awa matapos mabasa ang
NANGINGINIG na niyakap ko ang aking sarili habang naka-upo. Pasimpleng pinahid ko ang mga luha sa pisngi.Hindi ko alam kung paano ako lalabas dito na ganito ang aking hitsura?Punit ang pang-itaas na bahagi ng suot kong gown. Ano ang idadahilan ko kay Shane?Ano ba ang problema ng Hade na iyon at basta na lang ako sinugod. Hindi ko talaga mahulaan ang takbo ng utak ng lalaki. Nagugulo pa lalo ang utak ko ng dahil sa ginawa nito.Nang mahimasmasan ay pinilit kong ibalik ang kompiyansa sa sarili. May naririnig akong mga yapag papalapit sa kinaroroonan ko. Napahalukipkip ako sa isang sulok ayaw ko na may makakita sa akin ng ganito ang ayos.Makalipas ang ilang segundo ay lantad sa aking paningin ang paa ng isang panauhin na nakatayuo sa aking harapan.Nang tiningala ko ang may-ari ng bulto nagulat ako sa imaheng bumungad sa aking mga mata."C-christian!" sambit ko, bakas sa mukha ko ang pagkagulat."Amella." Nilahad ng binata ang kanang palad sa harapan ko. His eyes travelled all over m
MATAMAN akong nakamasid sa madla mula sa isang sulok na hindi abot ng liwanag mula sa ilaw ng bulwagan. Hawak ang isang kopita ng wine ay paminsa-minsa'y sinisimsim ko iyon.There, nakita ko si Shane na masayang nakihalubilo sa mga kakilala sa isang pagtitipon. Kasal ng isa sa kaklase nito noon at sinama ako ng pinsan upang magpalipas ng kabagutan.Nakasuot ako ng isang eleganteng puting gown na may simpleng tabas. Hindi masyadong nakakaagaw ng mata. Lahat ng mga panauhin ay magagara at bigatin.Masaya ang mga bisita na sumasayaw at sumasabay sa malamyang musika na pumainlang sa buong paligid. Madaming mga tao ngunit ni-isa do'n ay wala akong kakilala. Isa akong estranghero sa pagtitipon na dinaluhan ko.. Naninibughong muli kong sinimsim ang alak sa kopita. Napangiwi ako ng kaunti nang malasahan ang pait niyon. Dama ko ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa bibig ko pababa sa aking lalamunan.Panay buntong hininga ko na lang dahil wala naman akong makaka-usap. Lihim ko lang na sinu
ANG pagsara ng pinto ang pumukaw sa aking katinuan. Blangkong titig ang pinukol ko doon.Hindi ko namamalayan ang kusang pagbalong ng mga luha ko sa mga mata kung bakit ay hindi ko alam. Dapat makadama ako ng hiya at pandidiri sa sarili ko dahil sa pag-ayaw ni Hade sa nais ko sanang mangyari ngunit taliwas ang naramdaman ko ngayon. I felt disappointed. Napayakap ako sa sarili saka malaya kong pinakawalan ang mga luha. Hindi ko malaman kung bakit nakadama ako ng kahungkagan sa pagkakataon ito. Mas lalo akong napahikbi nang marinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan na papalayo nang papalayo. He left after all.Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. At sino naman ako para pagtuonan ng pansin ng lalaki? Nahihibang ka ba Amella?Wala naman kaming kaugnayan sa isa't isa. Hindi ko rin malaman kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan kong may mangyari sa amin kanina na kung tutuusin sa mismong dati kong asawa na si Christian ay hindi ko maipa-ubaya ang sarili, kay Hade pa talaga
"AMELLA!" Naging mabilis ang kilos ni Hade na sinalo ang babae. Saka do'n din niya napagtantong nag-aapoy ng lagnat si Amella. Sobrang ingat niya itong sinandal sa kanyang balikat habang ang kanang braso niya ay nakasuporta sa likod nito. Walang puas pa rin ang pagpatak ng ulan at mahigit isang oras na silang nanatili sa munting silungan. Kung mananatili pa sila ng ilang minuto hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa babae.Hindi man niya maamin sa sarili pero may kaunting pag-alala siyang nadarama para dito. Maingat niyang pinangko ang babae. Plano niyang lisanin ang lugar. The woman needs help. Hindi nagdadalawang isip ay sinulong ni Hade ang maulan na kalangitan. Karga karga ang babae ay patakbo niyang nilisan ang shed. Halos isang kilometro pa ang kanyang lalakarin patungo sa antigong bahay. Hindi na alintana ng binata ang butil ng ulan o kapwa mababasa silang pareho, ang mahalaga ay mabigyan niya ang babae ng pangunahing lunas. While holding her in his arms, hindi maintid
NILIBOT ni Hade sa kanyang paningin sa walang katapusang ektarya ng lupain na punong puno ng mga iba't ibang klase at makulay na mga bulaklak. The fragrance of the flowers invaded all over the place. Napasarap at nakakalma sa pakiramdam ang halimuyak ng bulaklak lalo na ang Camelia. Ang lugar na ito ay isa sa pinakamahalaga sa kanya. Ang lugar ay nagpapa-alala sa kanya sa dating niyang nobya. Hindi niya man ito naibigay sa kanya noong buhay pa ang babae pero isa ito sa dahilan kung bakit nagpatuloy siya sa buhay. Ang lugar na ito ay puno ng kanilang alaala. Mga halakhak at tawanan animo'y malinaw pa rin sa kanyang diwa at puso. Sa tuwing magagawi siya rito pakiramdam niya ay nandito lang ang babaeng mahal niya at kasama niya. Ang mga bulaklak sa farm na ito ang nagsisilbing daan upang madama niya pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. She once said to him that her favorite flower is Camelia—which means longing for your loved one. Heto nga at pinuno niya ang farm ng Camelia kung saan
Present. . . PUNGAS-PUNGAS na bumangon ako mula sa aking mahimbing na pagkatulog. Gaya ng mga nagdaang gabi ay dinalaw na naman ako ng kakaiba kong panaginip. And there is this certain diamond ring na palaging laman ng panaginip ko. Ang singsing ay sobrang pamilyar sa 'kin na parang nakita ko na ngunit hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko nakita iyon. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko malaman pero netong nagdaang mga araw ay sunod-sunod ang pagpapakita sa aking ng mesteryosong lalaki sa aking panaginip. Hindi ko maiintindihan at maipaliwanag at mas lalong hindi ko matagpi-tagpi ang mga pangyayari. Matamlay na bumangon ako mula sa kama at saka binaling ang aking paningin sa maliit na orasan na nakapatong sa bedside table na nakahelera sa tabi. 8:00 A.M. Tumalima agad ako upang magshower nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto ng aking silid. "Inday Amella, handa na po ang agahan," si Manang Norma tagaluto namin. "Opo, manang susunod na
ISANG malalim na hininga ang aking pinakawalan. Naupo ako sa harapan ng eleganteng salamin sa loob ng aming silid. Hinanda ko ang sarili upang matulog. Upon seeing my own reflection on the mirror I felt so strange. Pakiramdam ko hindi ko kilala ang babae sa salamin. Hindi ako pamilyar sa kanya. Kahit na pagmamay-ari ko ang mukhang ito bagaman parang hindi ako ang panauhin na nakikita ko sa harapan. Mahigit isang taon na ang nakalipas simula na mangyari ang aksidente pero hanggang ngayon wala pa rin akong maalala sa mga pangyayari sa nakaraan ko. Nang magising ako mula sa coma ay may mga tao na nagpakilala sa akin. Sila daw ang aking pamilya. Hanggang sa kalaunan ay natutunan ko din silang pakisamahan at mahalin lalo na si mommy Patricia ang aking ina na nagbigay sa akin ng lakas araw-araw. And here is Christian. He is my husband, a loving husband. Nang magising ako mula sa matagal na pagkakahimlay bukod kay mommy Patricia ay siya ang unang tao na nasilayan ng mga mata ko. Pakilal
2 years ago "Take it easy, let's take it slowly..dahan dahan lang," dinig kong pahayag ng isang boses babae habang may mga kamay na dahan dahang tumanggal sa bandahe na nakataping sa buo kong mukha. Hindi ako gumalaw nanatili akong naka-upo sa ibabaw ng malambot na espasyo. Wala akong mahagilap na mga imahe. Pawang dilim ang aking nakikita. Hinintay kong matapos ang pagtanggal ng bandahe. Hindi ko alam kung buhay pa ba ako o nasa kabilang mundo."Malapit na, kaunti na lang," anito.Unti unti akong nakadama ng malamig na hangin na tumama sa aking batok at panga. Sanhi iyon ng unti unting pagkatanggal sa nakabuhol na bandahe.Ilang saglit ang nakalipas ay malaya na ang aking mukha. Dama ko ang kalayaan na halos apat na buwang nakatago sa ilalim ng kadiliman. Hindi ako nangahas na buksan ang aking mga mata. Takot ako na makita ang malupit na realidad. Nanginginig ang aking mga kalamnan. Malakas ang bundol ng aking dibdib kung bakit ay wala akong mahanap ang rason. "Dalhin n;yo ang sal