Pinigilan ni Axis ang matawa nang makita ang hitsura ni Abigail habang naglalakad sila pauwi. Nakita niya na pilit pinapalakas ng dalaga ang tuhod nito. Pero halatang titiklop na iyon at parang mahihiga na ito sa dinadaanan nila. Mukhang nahihiya itong ipakita sa mga kasama nila na para na itong pagong dahil sa pagod. Kaya naman pinipilit nitong sabayan pa rin ang mabilis na paglalakad nila Andrea na hindi man lang kababakasan ng pagod. Namumula na rin ang pisngi nito at tumutulo ang pawis mula sa noo padausdos sa leeg nito. At sa tuwina ay ginagamit nito ang likod ng kamay nito para punasan iyon.Naliligo na ito sa pawis. Ultimo buhok nito ay parang katatapos lamang nitong naligo dahil basang basa iyon.Nang maramdaman nito ang tingin niya ay lumingon ito at pinandilatan siya. Nang ngitian niya ito ay umismid ito at nagbawi na ng tingin. Kung silang dalawa lang siguro ang naglalakad ngayon ay baka nakiusap na ito na magpahinga sila. Pero sa nakikita niya ay ayaw nitong gawin iyon dah
Lumipas ang isang linggo ay halos tapos na rin ang pagtatanim nila ng palay. At si Abigail na nangakong hindi na muli sasama sa kaniya ay pumunta pa rin at nag-enjoy pa na matutunan ang mga itinuturo nina Andrea dito. Kahit na animo pagong ito kung kumilos at palaging naiiwan ay nagtiyatiyaga pa rin ito na maubos ang binhi na hawak nito. Isa pa ay hindi ito kinantiyawan nina Blessy kaya hindi ito nahiyang ipakita na hindi ito marunong. Natatawa pa ito kung napapaupo dahil hindi nito maihakbang ang paa. Pero ngayong araw ay hindi sila pumunta sa bukid. Gusto niyang ipasyal ito sa Bontoc para naman hindi ito magsawa na ang bukid at bahay lang ang natatanaw nito. Kahit na hindi nito sinasabi ay alam niyang gusto rin nitong lumabas paminsan-minsan. Tapos market day pa roon ngayong araw kaya marami itong makikita na pwede nitong bilhin.Baka may magustuhan ito roon na gusto nitong bilhin para sa sarili."Can I drive?" umaasam na tanong nito at sinulyapan ang susi na hawak niya. Pinagsalik
Pagkatapos nilang kumain ay nagdisisyon silang maglakad-lakad para bumaba ang kinain nila. Lalo na si Abigail na hindi huminto sa paghaplos sa tiyan nito. At kahit naglalakad sila ay panay ang dighay nito. At kapag may mapapatingin dito ay tataasan nito ng kilay at iirapan. Natatawa na lamang siya sa dalaga. The first time she came here, akala niya ay maarte ito. Pero habang tumatagal ay nakikita niya na mas shameless pa yata ito kaysa sa kaniya. One time, she farted in front of him and then smirked. Kahit pa ang baho 'nun ay hindi man lang ito nahiya sa kaniya. Ang sabi nito ay normal iyon na sinang-ayunan niya.Pagdating nila sa plaza ay huminto ito at napahawak sa puson. Mabuti na lamang at silang dalawa lang ang nakatayo rito dahil umutot na naman ito. Pagkatapos ay ngumiwi."Pakiramdam ko ay masama ang tiyan ko," saad nito. "Naiihi ako!""Ang dami mo naman kasing iniinom na tubig," hayag niya at napahilot sa sentido bago niya ito hinawakan sa siko at bumalik sila ng market. May
Nang gumising si Abigail ng umagang 'yun ay wala na sa kaniyang tabi si Axis. Pero hindi agad siya bumangon at niyakap ang unan ng binata sabay amoy 'nun. Napangiti siya at pumikit nang mapuno ang kaniyang baga ng mabangong amoy nito. Sa una palang na lumapit si Axis sa kaniya noon ay ang natural na bango nito ang agad na nakaagaw ng kaniyang pansin. Kahit na pawisan kasi ito ay wala siyang maamoy na masangsang dito. Para itong gumamit ng pabango pero alam niyang hindi ito gumagamit. At napatunayan niya iyon simula nang matulog siya sa kuwarto nito. Walang kahit na pabango sa kuwarto at kahir pa nga deodorant ay wala siyang nakita.Sumubsob siya sa unan at kinikilig na humagikgik. Everything they did last night, she vividly remembers it. His kisses and touch, parang nararamdaman pa rin niya iyon hanggang ngayon. Na paulit-ulit niyang babalikan sa kaniyang isip kung gusto niyang mag-reminisce ng matatamis na sandali nilang dalawa. Ang mga ungol at anas nito na kumikiliti sa buong pagka
Axis stared at Abigail who was busy peeling the potato. Isasahog nila ito sa iluluto nilang ulam at ito ang nagpresenta na balatan iyon gamit ang peeler na binili niya sa junction. Simula nang makita niya ang emosyon sa mata nito kaninang tanghali ay napansin na niya lahat ng mga tingin nito sa kaniya. Sa tuwing akala nito ay hindi siya aware ay sumusulyap ito sa kaniya.At sa sulok ng kaniyang mata ay nakikita niya ang init at paghanga sa mga tingin nito. Kahit pilit nitong itinatago ay nakikita pa rin niya iyon. He's old enough to understand that look. Dahil nakikita niya ang emosyon na 'yun sa mata ng mga magulang niya. Na kahit matanda na sila ay hindi pa rin kumupas ang pag-ibig na palaging naka-ukit sa mata ng dalawa."Oo nga pala, nabanggit sa'kin ni Mia na may ilog dito. Hindi mo naman siguro ako pagbabawalan kung sasabihin ko na gusto kong lumangoy doon," hayag nito at nagtaas ng tingin. Pasimpleng nag-iwas siya ng tingin at itinuloy ang paghihiwa sa sibuyas. Baka 'pag nahuli
"Letse!!" hiyaw ni Abigail nang bunutin niya ang damo sa likod bahay. Naihaigs pa niya ang damo sa malayo dahil sa gulat. Mahahaba na ang damo ng paligid ng tinaniman ni Axis ng talong kaya nagdisisyon siyang alisin ang mga ito. Hindi naman kasi siya makakatulong dito kung sasama rin siya sa kamalig. Hindi niya mabubuhat ang mga sako ng palay.Pero ito at ginulat siya ng malaking klase ng uod sa dahon ng damong nabunot niya. Marami pa iyong balahibo at kapag nahawakan ay makati sa balat."Mga higad kayo! Balak niyo pang sirain ang mga tanim namin!" asik niya sa isa pang uod at kinuha ang bato para durugin iyon. Nang maibunton niya ang inis ay nagpatuloy na siya sa pagbubunot ng damot. At kung may makikita siyang iba pang klase ng uod ay pinapatay niya. Hindi pa niya napapangalahati na linisin ang garden ay may narinig siyang nagsalita.Paglingon niya ay nakita niya si Odette na nakatayo sa may gilid. Tumayo siya at pinagpag ang mga lupa sa kamay niya at lumapit sa dalaga. Nakangiti it
Pagpasok nila ng bahay ay galit na sinipa ni Axis ang upuan. Nagngangalit ang bagangat nakakuyom ang kamao nito. His heart raced with madness. Kung nahuli lang siya ng ilang minuto ay baka may nangyari na kay Abigail."Fvck!!" Napasabunot sita sa buhok. Kita na ang malalaking ugat sa kaniyang sentido at leeg. Namimingig pa ang mga ito na halata talaga ang pagkayamot niya. "Holy sh*t!"Galit siya sa kaniyang sarili kung bakit hinayaan niyang sumama ito kay Odette nang hindi siya kasama. Nagtiwala siya na may pagdiriwang sa pupuntahan ng dalawang babae kaya walang mangyayaring masama. Ngunit nagkamali siya dahil ito pa rin at nakursunadahan sila ng mga lasing na pumunta roon. Abigail is a beauty, at hindi maiiwasan na may mahuhumaling dito.Ang dahilan kung bakit hindi siya sumama ay dahil ayaw niyang isipin ng dalaga na binabantayan niya ito. Baka masakal ito kung lahat na lamang ay pinagbabawal niya. Gusto niyang mag-enjoy ito at magsaya roon na hindi iniisip kung magseselos ba siya o
Bumuntong hininga si Axis nang makita niyang nakasubsob sa kaniyang palad si Abigail. Hinayaan niya itong uminom ng rice wine sa sala habang nanonood ng palabas. Siya naman ay nagpaalam na may gagawin siya sa kuwarto. Pero sa totoo lang ay may trabaho siyang tatapusin. Dalawang oras lamang na iniwan niya ito at pagkalabas niya ng kuwarto ay ito at lasing na ito. Katulad noong nakaraan ay knockdown ito.Pinatay niya ang nakabukas pa rin na tv bago nilapitan ang dalaga. Tumunghay muna siya sa nakapikit na dalaga at napailing. Namumula ang pisngi nito at bahagya pang nakaawang ang labi nito. At kung hindi siya nagkakamali ay laway ang kumikislap sa may mesa. Kumilos siya at hinawakan iyon at hindi nga siya nagkamali dahil basa ang mesa.'Messy!' anang maliit na tinig sa ulo niya.Akmang bubuhatin niya ito para dalhin sa kuwarto nang biglang nagmulat ito at namumungay ang mata na tinignan siya nito. Nakangiti pa ito ng matamis sa kaniya. Wala itong pakialam kahit na basa ang pisngi nito.