“Wow!”Tiningnan nang maigi ni Darryl si Ford habang kinakabisado ang bawat galaw nito.At pagkatapos na magturo ni Ford ay tamad na tamad na itong humiga para matulog.Habang hinahawakan naman ni Darryl ang kaniyang Blood Drinking Sword para simulan ang pagkopya sa technique ni Ford, dito na niya ikinaway ang hawak niyang espada sa ere.…Mabilis na lumipas ang oras at hindi nagtagal ay lumipas na rin ang kalahating buwan.Sa gitna ng kalahating buwan na ito nagawang ituro ni Ford ang buong Celestial Swordmanship kay Darryl.Hindi naman siya dinismaya ni Darryl dahil nagawa na nitong imaster ang pitong mga techniques na bumubuo sa Celestial Swordsmanship ni Ford.Napakaraming beses na niya nagawang sanayin ang buong Celestial Swordmanship!At ang paghihirap na ito ni Darryl sa kaniyang pagsasanay ay napalitan ng pagtaas sa level ng kaniyang lakas.Level Three Master Saint!Hindi rin siyempre nagpahinga si Jewel sa kalahating buwan na ito dahil maliban sa pagaalaga kay Darr
Slam!Nagalit si Darryl nang marinig niya ito kaya agad niyang sinuntok at nadurog ang bato sa kaniyang harapan.Namula ang mga mata ni Darryl habang sinasabi na, “Master, sumama ka na po sa amin paalis sa lugar na ito at sabay nating wawasakin ang parehong Sword at Elixir Sect.”Magagawa niyang maipaghiganti ang kaniyang Master dahil kinakailangan niya ring dumaan sa Sword Sect para makarating sa Mysterious Canyon.Sigh!Nagbuntong hininga si Ford at umiling habang sinasabi na, “Hayaan mo na.”Ano?Nagulat dito si Darryl.Tumawa si Ford at kalmadoing sinabi na, “Noong una ay hindi ako tumigil kakaisip tungkol sa paghihiganti sa bawat araw na nananatili ako sa lugar na ito. Pero kinalaunan ay narealize ko rin kung gaano pa ako kabata at kung gaano rin kaiksi ang aking pasensya noon. Gusto kong makarating sa tuktok ng mundo dahil naramdaman ko na walang katulad ang aking mga sword technique. Kaya ko nagawang talunin ang mga sect master ng Sword at Elixir Sect na nagudyok sa mga
“Master, babalikan kita rito para bisitahin. Mauuna na po ako sa inyo.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Darryl habang nilalayo ang kaniyang tingin kay Ford at nagpapatuloy sa paglundag at pagakyat sa tuktok ng bangin.Hindi niya alam kung gaano katagal na silang lumilipad pero naramdaman ni Darryl ang pagkawala ng internal energy sa kaniyang katawan. Nakarating na rin sila sa tuktok nang bundok noong malapit nang maubos ang kaniyang internal energy.Hay!Nagbuntong hininga si Darryl habang nakatayo sa tuktok ng bundok. Nasabik siya nang husto habang nakatingin sa malawak na lupain at naramdaman na para bang nasa loob na siya ng langit.Grabe! Nagawa niyang makilala si Master Ford at matutunan ang kaniyang mga sword techniques. Siguradong matatrap na sila roon ni Jewel kung hindi nangyari ang bagay na ito.“Nakabalik na rin tayo sa itaas, Master.” Masayang sigaw ni Jewel.Tumango naman si Darryl at tumingin sa loobang bahagi ng bulubundukin. “Halika na.”Dahan dahan siyang naglakad
Tumingin ang mga bandido sa isa’t isa bago sumimangot ang kanilang bandido ng, “Ano ang ibig mong sabihin?”“Ang ibig kong sabihin ay iwanan niyo ang lahat ng mahahalagang gamit na dala ninyo at umalis sa lugar na ito,” Nanlalamig na sinabi ni Darryl, hindi na niya ito ipinaliwanag pa.Dito na sumigaw ang galit na lider ng, “Nahihibang ka ba? Ang lakas ng loob mong sagutin ako nang ganiyan! Kayo na ang bahala sa kaniya mga kapatid.”Nang matapos ito sa pagsasalita, pinamunuan niya ang kaniyang mga kasama na agad namang sinundan ng mga kasama niyang bandido.Nagbuntong hininga na lang si Darryl habang nagiisip ng, “Huwag niyo akong sisisihin ngayong naghahanap kayo ng ikamamatay ninyo.”Agad na hinugot ni Darryl sa mga sandaling ito ang kaniyang Blood Drinking Sword habang itinutulak pabukas ang pintuan ng sasakyan gamit ang espada niyang sumasayaw sa ere.Tsk, tsk!Isang nakakatakot na aura ng espada ang agad na sumabog at bumalot sa mga bandido.“Ah!”Hindi na nakapagreact pa
“Lily, bumaba na tayo para maghanap ng lugar na pagpapahingahan ngayong gabi,” Nakangiting sinabi ni Justin bago tumalon pababa sa bangka.“Tulungan na kita,” sabi nito habang inaabot ang kaniyang kamay kay Lily na kasalukuyan pa ring nakasakay sa bangka.“Hmm,” Mahinhing sagot ni Lily habang hinahawakan ang kamay ni Justin at bumababa sa bangka.Inalagaan na siya nang husto ni Justin nitong mga nakaraang araw noong magsimula ang kanilang paglalayag papunta sa New World.Pareho silang tumingin sa kanilang paligid nang makaapak sila sa lupa, dito na napansin ni Justin ang pagtingin ng mga mangingisdang nakatira sa lugar na ito.Nakasuot ang mga mangingisda ng sinauna at tradisyunal na damit na siya ring nagbigay sa simple at plain nilang mga itsura.Napakaganda at walang kahit na anong polusyon sa lugar na ito. Hindi rin ito maituturing na isang abala at modernong pier kundi isang payapa at simpleng fishing village.Hindi na makapaghintay pa si Lily nang tingnan niya si Justin at
Tumakbo palayo ang mga mangingisda nang makita siya ng mga ito, kaya paano niya magagawang bumili sa kanila? Hindi rin nila magagamit ang perang mayroon siya sa lugar na ito.Mahinang tumawa rito si Lily. “Huwag mo na ulit gagawin ang bagay na iyon.” Kahit na nagnakaw si Justine para sa kaniya, isa pa rin itong immoral na bagay para gawin ng kahit na sino.Muling ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang paglalakbay. Maganda ngayon ang mood ni Lily kahit na wala silang masakyan na kahit ano paputa sa pinakaunang bayan o lungsod na kanilang makikita.Dalawang oras silang naglakad bago makarating sa isang maliit at mataong bayan.Hindi ganoon kalaki ang bayan na iyon pero marami ang nagpupuntang mga tao rito. Nagmukha ito na isa sa mga abalang kalye sa World Universe dahil sa dami ng mga food stalls na nagbebenta ng mga candy at manikang clay sa tabi ng mga bangketa ng bayan na ito.Parehong nakaramdam ng gutom ang dalawa matapos maglakad ng dalawang oras. Hinawakan ni Justin ang kaniyan
Hinabol ni Justin ang binatilyo papunta sa kakahuyang bahagi ng bayang iyon. Dito na biglang huminto ang binatilyo habang nagpapakita ang ilan pang mga binata mula sa loobang bahagi ng kakahuyan.Nakasuot lang ng ordinaryong damit ang mga ito, pero malinaw na makikita ang nakakatakot na itsura ng mga ito sa kanilang mga mukha. Kaya mahahalata na ang tatlong ito ay mga kilalang magananakaw sa lugar na iyon.“Pre, nagawa mo pa ring humabol sa amin para lang sa kakaramput na isang daang tanso?” Tumingin kay Justin ang binatang nagnakaw sa kaniya para suminghal at dahan dahang naglakad palapit dito.Si Adrian Lamar ang pinakakilalang magnanakaw sa bayang ito. Nasa tabi niya naman ang kaniyang mga kasabwat sa ilang pagnanakaw.Nagpanic si Justin pero nagkunwari pa rin siyang tigasin nang makita niya ang mga kasama ni Adrian. “Kung alam niyo pa ang mga ginagawa ninyo, mas maiging ibalik niyo na sa akin ang pera ko! Dahil kung hindi ay sisiguruhin ko na magiging mahirap ang araw na ito pa
Hinubad ni Justin ang basa niyang jacket, pinunasan ang dugo sa kaniyang katawan at bumalik sa bayan para hanapin si Lily.…Sa Kabilang banda ng World Universe.Sa Donghai City First Hospital.Kasalukuyang nakahiga sa isang kama ng patient ward si Chester na nabalot ng mga bandage na sumipsip sa dugong lumalabas sa kaniyang katawan.Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng matinding sagupaan ang Eternal Life Palace at Emei Sect na umabot ng isang araw at isang gabi!Kahit na maraming tagaEmeil ang nasugatan nang husto sa labang iyon, mas matindi pa rin ang tinamong pinsala rito ng Eternal Life Palace. Hindi rin nakatulong ang mas maraming bilang ng mga taga Eternal Life Palace dahil sa tindi ng lakas na tinatanglay ng Sect Master ng Emei na si Aurora Hensen.Dito na siya ipinadala sa Donghai City First Hospital na may advanced na kakayahan pagdating sa madisina. Kahit na hindi nila magagawang gumamot ng internal injuries, bihasa naman ang mga ito sa paggamot ng mga external in