Hinubad ni Justin ang basa niyang jacket, pinunasan ang dugo sa kaniyang katawan at bumalik sa bayan para hanapin si Lily.…Sa Kabilang banda ng World Universe.Sa Donghai City First Hospital.Kasalukuyang nakahiga sa isang kama ng patient ward si Chester na nabalot ng mga bandage na sumipsip sa dugong lumalabas sa kaniyang katawan.Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng matinding sagupaan ang Eternal Life Palace at Emei Sect na umabot ng isang araw at isang gabi!Kahit na maraming tagaEmeil ang nasugatan nang husto sa labang iyon, mas matindi pa rin ang tinamong pinsala rito ng Eternal Life Palace. Hindi rin nakatulong ang mas maraming bilang ng mga taga Eternal Life Palace dahil sa tindi ng lakas na tinatanglay ng Sect Master ng Emei na si Aurora Hensen.Dito na siya ipinadala sa Donghai City First Hospital na may advanced na kakayahan pagdating sa madisina. Kahit na hindi nila magagawang gumamot ng internal injuries, bihasa naman ang mga ito sa paggamot ng mga external in
“Itinuturing mo pa rin ba akong kapatid mo, Chester?!” Sigaw ng namamaos na si Dax habang patulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na pinamunuan mo ang buong Eternal Life Palace Sect para atakihin ang Emei Sect? Hindi ko pa malalaman ang tungkol dito kung hindi lang nagreport sa akin ang mga tauhan ko! Akala ko ba ay nagkasundo tayo na sasaluhin ng lahat ang problema ng isa!”Nakarating kay Dax ang balita ng pakikipaglaban ni Chester sa Emei Sect na kung saan ay natalo sila nang mga taga Emei. At dahil din dito ay nasugatan siya nang husto kaya napilitan siyang dalhin ng kaniyang mga tauhan sa Donghai City First Hospital. Nagulat at nagalit si Dax nang matanggap niya ang balitang ito, kaya agad siyang nagpunta rito noong matanggap niya ang balita.Hindi na niya napigilan pa ang nararamdaman niyang frustration nang pumasok siya sa ward at makita ang sugatang katawan ni Chester na nakabalot sa bandage na parang isang dumpling.Namaga ang ilong ni Chester da
Palapit na sila nang palapit sa isang malaking siyudad na nasa kanilang harapan. Makikita naman mula sa malayo ang nagagandahang mga bulaklak na may iba’t ibang mga kulay sa magkabilang gilid ng gate papasok sa city.“Nandito na tayo sa Hibiscus City.” Nasasabik na sinabi ni Jewel nang makita niya ang gate ng city.“Hibiscus City?” Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili.Tumawa naman si Jewel at sinabing, “Ang pangalan ng Hibiscus City ay nagmula sa iba’t ibang species ng hibiscus na tumutubo sa paligid ng city. Ang mga main altar ng Jade Sect at Hundred Tower Valley ay makikita sa layong ilang kilometro mula sa Hibiscus City. Tanging mga babaeng disipulo lang ang tinatanggap ng mga sektang ito.”Tumawa naman si Darryl at sumagot ng, “Magpalipas tayo ng gabi sa Hibiscus City kung ganoon. Bukas na natin ipagpatuloy ang ating paglalakbay.”“Sige po!” Sigaw ng tuwang tuwa na si Jewel.Nagpunta noon si Jewel sa Hibiscus City bilang isang pagala galang pulubi. Pero ngayon ay magagawa na
“Lily, wala namang mali ang pagbuhat ko sa iyo ngayong nakikita ko na hindi mo na kaya pang maglakad.” Nasasabik na sinabi ni Justin.“O… Ok lang ako. Kaya ko pang maglakad.” Bahagyang ngumiti si Lily bago maglakad nang mabagal paabante.Isang lalaki lang ang tatanggapin niya sa buong buhay niya at iyon ay walang iba kundi si Darryl. Kaya paano niya hahayaang buhatin siya ni Justin?Nagbuntong hininga si Justin bago siya nito habulin.Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na rin sila sa inn. Habang nasa entrance ay agad na humawak si Justin sa isang saber na nakasukbit sa kaniyang baiwang. Narealize niya sa nangyaring pambubugbog sa kaniya ng mga magnanakaw kahapon na, “Maaapi ka ng mga ito sa sandaling mapansin nila na wala kang kalaban laban.” Kaya gumastos siya ng 20 pirasong tanso para mabili ang isang saber at magkunwari na isang taong may napakatinding lakas, dito niya lang magagawang palayuin ang mga magnanakaw na makakakita sa kanila.Habang nasa entrance, tiningnan ni
“Haha!”“Grabe, Kuya. Sinusuwerte ka talaga ngayong araw!”Tukso ng ilang mga lalaki na nasa tabi ni Odin, natural lang ang ganitong asal para sa kanilang mga bandido na sanay sa paggawa ng masama.Nagalit at nanginig dito si Lily, pero mahigpit ang ginagawang pagkakahawak sa kaniya ni Odin. Mangiyak ngiyak na siya nang sabihin niyang. “Pa… Pakawalan mo ako.”Agad namang nagpanic si Justin dito kaya mabilis niyang nilapitan si Odin bago sabihin na, “Ano ang ginagawa mo? Huwag mo siyang hawakan!”Dito na niya binunot ang sukbit niyang saber at sinabing, “Hayaan mong sabihin ko sa iyo na isa ako sa mga tagasunod ng Hall of Swords. Kaya huwag na huwag mo akong babanggain.”Sa mga sandaling ito, ninerbiyos nang husto si Justin dahil isa lang kasinungalingan ang pagiging miyembro niya ng Hall of Swords para takutin ang mga ito.Hall of Swords? Natigilan si Odin bago magsimulang mangasar ng, “Anong Hall of Swords? Ilang taon na akong nagpapaikot ikot pero hindi ko pa naririnig ang pan
“Lumayo ka nga sa akin! Huwag mo akong istorbohin!” Dito na sinipa palayo ni Odin si Justin.“Nagmamakaawa ako sa iyo, Kuya. Nagmamakaawa po talaga ako sa iyo, pakiusap…” punong puno na ng dugo ang mukha ni Justin habang sumisigaw nang malakas. “Hindi niya sinasadyang bumangga sa inyo. Suntukin mo na lang ako kung galit ka pa rin sa amin. Huwag mo lang po siyang hahawakan.”Naantig naman si Lily sa mga binanggit na salita ni Justin at kasalukuyang hindi na rin mapakali matapos makita kung gaano katindi ang bugbog na tinamo nito.“Tsk, tsk.” Nakangiting tumingin si Odin kay Justin at sinabing, “Hindi ko naman alam na may kakayahan palang magmahal nang todo ang isang talunan na kagaya mo. Haha! Sige, hindi ko siya hahawakan kung magagawa mong gumapang papunta rito.”Dito na itinaas ni Odin ang isa sa kaniyang mga paa at ipinatong ito sa katabi niyang upuan. At pagkatapos ay itinuro niya ang puwang na nasa pagitan ng kaniyang mga binti.“Haha! Napakagandang palabas nito!”“Gumapang
Sinasabi sa mga alamat na bihasa si Matteo Hanson sa larangan ng Martial Arts at nagkaroon ng hugis crescent moon na marka sa kaniyang noo mula pagkapanganak.Pareho rin siyang tapat at masama na may rebellious at hindi mapipigilang pasensya. Wala rin siyang ipinapakita na kahit kaunting awa kaya ang sinumang bumangga sa kaniya ay siguradong hindi na sisikatan ng araw.Mayroong usap usapan na hindi raw sinasadyang mabastos ng Sect Master ng White Cloud si Matteo na bumali sa braso ng 8,000 mga disipulo ng White Cloud Sect. Agad na nagulat sa balitang ito ang buong larangan ng Martial Arts.Tinatawag siya ng mga tao sa New World bilang Evil Samaritan.Sinasabi rin sa mga alamat na mas pinipili raw ni Matteo na maglibot sa mga bundok at ilog nang maigsa. Pero walang sinuman ang nagakala na makikita nila ito rito!Agad na natakot para sa kanilang buhay sina Odin at ang kaniyang mga tauhan. Malakas na tumulo ang pawis sa kanilang mga ulo.“Ang lahat ng umistorbo sa akin… ay hindi ko
“Gusto mo akong kilalanin bilang iyong master?”Naningkit ang mga mata ni Matteo habang tinitingnan nang husto si Justin. At pagkatapos ay naiinis itong ngumisi bago muling tumalikod at umalis.Inisip nito na, “Kahit na sinong Tom, Dick at Harry ay walang pagaalinlangan nang sumasamba sa akin para maging disipulo ko ngayon.”“Sir, sir!” Sigaw ni Justin habang nagmamakaawa nang walang tigil.Pero mukhang hindi siya narinig dito ni Matteo na naglalakad palayo sa inn.Dito na lumapit si Lily para tulungang tumayo si Justin. “Bakit ba gustong gusto mo na maging disipulo niya, Justin?”Pinunasan ni Justin ang kaunting dugo sa kaniyang mukha at sinabing, “Wala tayo sa World Universe, Lily. Kaya magiging mahirap ang gagawin nating paghahanap kay Darryl kung walang malakas na poprotekta sa iyo.”Dito na mabilis na tumayo si Justin para habulin si Matteo habang humihinga naman nang malalim si Lily bago sundan ang mga ito.Ano na nga ba ang cultivation level ni Matteo? Naglakad siya ng i