“Haha!”“Grabe, Kuya. Sinusuwerte ka talaga ngayong araw!”Tukso ng ilang mga lalaki na nasa tabi ni Odin, natural lang ang ganitong asal para sa kanilang mga bandido na sanay sa paggawa ng masama.Nagalit at nanginig dito si Lily, pero mahigpit ang ginagawang pagkakahawak sa kaniya ni Odin. Mangiyak ngiyak na siya nang sabihin niyang. “Pa… Pakawalan mo ako.”Agad namang nagpanic si Justin dito kaya mabilis niyang nilapitan si Odin bago sabihin na, “Ano ang ginagawa mo? Huwag mo siyang hawakan!”Dito na niya binunot ang sukbit niyang saber at sinabing, “Hayaan mong sabihin ko sa iyo na isa ako sa mga tagasunod ng Hall of Swords. Kaya huwag na huwag mo akong babanggain.”Sa mga sandaling ito, ninerbiyos nang husto si Justin dahil isa lang kasinungalingan ang pagiging miyembro niya ng Hall of Swords para takutin ang mga ito.Hall of Swords? Natigilan si Odin bago magsimulang mangasar ng, “Anong Hall of Swords? Ilang taon na akong nagpapaikot ikot pero hindi ko pa naririnig ang pan
“Lumayo ka nga sa akin! Huwag mo akong istorbohin!” Dito na sinipa palayo ni Odin si Justin.“Nagmamakaawa ako sa iyo, Kuya. Nagmamakaawa po talaga ako sa iyo, pakiusap…” punong puno na ng dugo ang mukha ni Justin habang sumisigaw nang malakas. “Hindi niya sinasadyang bumangga sa inyo. Suntukin mo na lang ako kung galit ka pa rin sa amin. Huwag mo lang po siyang hahawakan.”Naantig naman si Lily sa mga binanggit na salita ni Justin at kasalukuyang hindi na rin mapakali matapos makita kung gaano katindi ang bugbog na tinamo nito.“Tsk, tsk.” Nakangiting tumingin si Odin kay Justin at sinabing, “Hindi ko naman alam na may kakayahan palang magmahal nang todo ang isang talunan na kagaya mo. Haha! Sige, hindi ko siya hahawakan kung magagawa mong gumapang papunta rito.”Dito na itinaas ni Odin ang isa sa kaniyang mga paa at ipinatong ito sa katabi niyang upuan. At pagkatapos ay itinuro niya ang puwang na nasa pagitan ng kaniyang mga binti.“Haha! Napakagandang palabas nito!”“Gumapang
Sinasabi sa mga alamat na bihasa si Matteo Hanson sa larangan ng Martial Arts at nagkaroon ng hugis crescent moon na marka sa kaniyang noo mula pagkapanganak.Pareho rin siyang tapat at masama na may rebellious at hindi mapipigilang pasensya. Wala rin siyang ipinapakita na kahit kaunting awa kaya ang sinumang bumangga sa kaniya ay siguradong hindi na sisikatan ng araw.Mayroong usap usapan na hindi raw sinasadyang mabastos ng Sect Master ng White Cloud si Matteo na bumali sa braso ng 8,000 mga disipulo ng White Cloud Sect. Agad na nagulat sa balitang ito ang buong larangan ng Martial Arts.Tinatawag siya ng mga tao sa New World bilang Evil Samaritan.Sinasabi rin sa mga alamat na mas pinipili raw ni Matteo na maglibot sa mga bundok at ilog nang maigsa. Pero walang sinuman ang nagakala na makikita nila ito rito!Agad na natakot para sa kanilang buhay sina Odin at ang kaniyang mga tauhan. Malakas na tumulo ang pawis sa kanilang mga ulo.“Ang lahat ng umistorbo sa akin… ay hindi ko
“Gusto mo akong kilalanin bilang iyong master?”Naningkit ang mga mata ni Matteo habang tinitingnan nang husto si Justin. At pagkatapos ay naiinis itong ngumisi bago muling tumalikod at umalis.Inisip nito na, “Kahit na sinong Tom, Dick at Harry ay walang pagaalinlangan nang sumasamba sa akin para maging disipulo ko ngayon.”“Sir, sir!” Sigaw ni Justin habang nagmamakaawa nang walang tigil.Pero mukhang hindi siya narinig dito ni Matteo na naglalakad palayo sa inn.Dito na lumapit si Lily para tulungang tumayo si Justin. “Bakit ba gustong gusto mo na maging disipulo niya, Justin?”Pinunasan ni Justin ang kaunting dugo sa kaniyang mukha at sinabing, “Wala tayo sa World Universe, Lily. Kaya magiging mahirap ang gagawin nating paghahanap kay Darryl kung walang malakas na poprotekta sa iyo.”Dito na mabilis na tumayo si Justin para habulin si Matteo habang humihinga naman nang malalim si Lily bago sundan ang mga ito.Ano na nga ba ang cultivation level ni Matteo? Naglakad siya ng i
Dito na isinara ni Lily ang pinto.“Good night,” Sagot ng may mapait sa pusong si Justin. Pero hindi siya bumalik sa kaniyang kuwarto at sa halip ay uniiyak na tumalikod para umalis sa inn.“Argh!” Umiyak ng abot langit si Justin sa mga sandaling ito sa labas ng inn para mailabas ang naipong sakit sa kaniyang dibdib.Nadismaya siya nang husto at hindi na rin niya malaman kung ano ang kaniyang iisipin dahil naririto siya para protektahan si Lily at tulungan itong hanapin si Darryl.Kung ganoon ay bakit hindi pa rin siya natutuwa rito?Tinanggap niya ang pinakamatinding kahihiyan sa buo niyang buhay sa paglalakbay na ito para lang makatanggap ng ‘Salamat’ mula sa kaniyang diyosa.Worth it ba ito? Worth it ba ang lahat ng kaniyang ginawa.“Hehe.” Nasisirang tawa ni Justin habang naglalakad sa mga kalye.Hindi niya alam kung gaano kalayo na siyang naglakakad hanggang sa makarinig siya ng tunog ng yapak sa kaniyang likuran, lumingon siya rito at nagulat sa kaniyang nakita.Dito niy
Tumakbo si Justin palabas ng inn sa sobrang hinanakit at agad na na nakarating sa isang bar.“Bigyan niyo ako ng alak!” Sigaw niya sa mayari nang may kasamang hinanakit dahil hindi na niya ito matiis pa! Nasaktan siya nang husto habang naiisip ang ginagawang pagsasamantala ni Matteo kay Lily.Sabagay, ilang taon niya rin itong naging diyosa!Lumaklak si Justin ng napakaraming alak dahil sa pamamagitan lang ng pagkalasing niya makakalimutan ang kaniyang mga problema.…Sa loob ng isang kuwarto sa inn.Nang magkaroon ng malay si Lily at marealize na nasa loob siya ng tub, tumitig siya kay Matteo habang humihiling na mapatay ito!“Ikaw… Ikaw!” Nawala na sa kaniyang sarili si Lily matapos hindi makapaniwala na hindi na siya puro.Isa itong bangungot. Siguradong isa itong bangungot.Sinuot ni Matteo ang kaniyang mga damit habang nilalapitan si Lily at nakangiting sinabi na. “Magandang binibini, dapat lang na matuwa ka ngayong ikaw na ang babae ko. Bakit ka umiiyak?”Siya ang Deput
Narinig sa paligid ang malakas at malutong na tunog ng mga sampal ni Matteo.…Sa kabilang banda ng Great East Hibiscus City.Kasalukuyang natutulog sina Darryl at Jewel sa loob ng isang inn nang marinig nila ang tunog ng mga gong at drum na nagmumula sa labas.Agad na nagising si Darryl at nagpagulong gulong sa sahig bago takpan ng kumot ang kaniyang sarili habang naririnig ang komosyon sa labas.Dahil natutulog sa iisang kuwarto sina Darryl at Jewel, si Jewel siyempre ang matutulog sa kama habang si Darryl naman ang matutulog sa sahig.“Bakit ba napakaingay sa labas?” Tanong ni Jewel bago agad na magpunta sa bintana para tumingin sa labas.“Darryl, halika rito dali!” Dito na biglang nawala ang antok sa mukha ng bagong gising na si Jewel at naging kasing sabik ng isang maliit na bata.Abalang abala ang mga kalye sa kanilang ibaba na kasalukuyang puno ng maraming tao.Sumisigaw ang mga tindero at tindera sa magkabilang gilid ng kalye. Ang ilan ay nagbebenta ng candy habang ang
Sinabi ng magandang babae na nasa stage gamit ang hawak niyang mic na, “Ladies ang Gentlemen, ako nga pala si Penny at ako ang magiging host ng Poetry League ngayong tao. Magbibigay na ako ngayon ng isang tema na pagbabasehan ng lahat sa paggawa ng kanilang mga poem. At ang sinumang makagawa ng pinakamagandang poem ay makakatanggap ng titulong Gifted Hibiscus Scholar! Dapat niyong malaman na ang titulong ito ay ang pinakamataas na parangal na matatanggap ng mga scholar at literati sa buong New World!”Tumingin si Penny sa kanilang paligid at sinabing. “Nasa gitna na tayo ngayon ng taglagas kaya ang magiging tema ng Poetry League ngayong taon ay tungkol sa Taglagas. Ang sinumang makakagawa ng pinakamagandang poem ang tatanghaling panalo!”“Mayroon na akong poem!”Isang mataba at middle aged na lalaki ang nagpakita mula sa maraming tao at naglakad papunta sa stage.Dito na tumingin sa kaniya ang lahat habang nagpapakita ng pagkasurpresa sa kanilang mga mukha. Kaaanunsyo pa lang ng th