Habang siya ay nagsasalita, tumingin si Cheryl kay Darryl pagkatapos ay kay Jewel. “Ang Mysterious Canyon ay punong-puno nang kapahamakan. Pinuno, mayroon ka lamang isang alagad na babae na kasama. Hindi kayo makadadaan sa canyon sa kasalukuyang kalagayan mo.”Ugh! Ang Mysterious Canyon ay ganon kapanganib?Habang iniisip niya ito, huminga nang malalim si Darryl at sinabing, “Hindi mo na ako kailangang isipin kung kaya ko bang malampasan ang canyon. Kailangan mo lang sabihin sakin kung saan ang daan papunta roon.”Kahit anong hirap pa ‘yon, kailangan niya pa ring umalis. Hindi siya pwedeng manatili sa lugar kung nasaan siya habang buhay.Kinuha ni Jewel ang braso ni Darryl at sinabing, “Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Hindi ako natatakot, kahit anong hirap pa ‘yan.”Natigilan si Cheryl. Tapos, ngumiti siya. “Pinuno, kahit na sabihin ko sa’yo ang daan papuntang Mysterious Canyon, hindi ka pa rin makapupunta roon. Ang Mysterious Canyon entrance ay matatagpuan sa bundok likod
Sa Great East Continent, lahat sila ay naglalakbay gamit ang traysikel. Ang mga mayayamang pamilya lamang ang may kayang sumakay sa kotse. Ang kotse nila ay ‘yong mga makaluma.Si Marcus ang nagmaneho at dinala sila sa labas ng siyudad. Ang kanyang mga tao ay nakasunod sa likod ng kotse.Excited si Jewel makasakay sa kotse. Kahit na lumaki siya sa Great East, ‘yon ang unang beses niyang makasakay sa isang makalumang kotse. Siya ay mausisa sa kotse.“Hindi ordinaryo ‘tong kotse na ‘to, Pinuno.” Hindi mapigilan ni Jewel ang kanyang saya. Tinitigan niya ang manibela na hindi kumukurap. “Isang bilog ang nagpapaandar sakanya at umaandar na siya, umaandar ito nang mabilis.”Ang cute ni Jewel!Tumawa si Darryl habang tinatapik niya ang ulo ni Jewel. “Bibilhan kita balang araw. Maaari kang mag-enjoy kapag mayroon ka na.”Mabagal ang pag-andar ng isang makalumang kotse.‘Ipapakita ko sa’yo ang pinakamabilis na kotse sa World Universe kapag balik natin doon, mas mabilis ang kotse na ‘yon.
“Jewel!” natigilan si Darryl. Tumalin siya pababa ng talampas at hinawakan ang kamay ni Jewel na walang pag dadalawang isip.Niyakap siya ni Darryl papunta sa dibdib niya. Tapos, hinabaan niya ang kanyang braso para maabot ang kahit anong bagay na pwede niyang kapitan pero wala siyang ibang makapitan kundi madulas na mga dingding sa talampas.‘Ugh! Hayop na Marcus ‘yon! Tinuro niya samin ang daan papunta sa kamatayan!’Mahigipit na niyakap ni Darryl si Jewel. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang bangin. Nagdasal siya na sana hindi pa ito ang katapusan nila.……Sa World Universe.Sa bahay ng pamilya Lyndon sa Donghai City.Ang bahay ng mga Lyndon ay punong puno ng mga ilaw at dekorasyon. Ang hall ay punong puno ng mga dekorasyong pangcelebrasyon.Nakaupo si Lily sa sofa sa sala at maganda ang kanyang kalagayan. Ang mga mata niya ay punong puno ng kasiyahan.Matapos niyang makasama si Wade nang higit isa ng buwan, masyadong natuwa si Lily sakanya. Siya ay malambing at maalaga
Nang mahulog sila, sinubukan ni Darryl ang kanyang makakaya para protektahan si Jewel, hindi nasaktan si Jewel.Umubo si Darryl nang ilang beses bago siya ngumiti, “Okay lang ako, hindi pa naman ako patay.”Habang nagsasalita siya, galit siya.Hayop na Marcus ‘yon! Anong karapatan niyang paglaruan kami! Maswerte lamang dahil mayroon siyang intense internal energy. Ang pagtama sa dingding ay binawasan ang gravity. Kung hindi man, pareho silang mahuhulog at magpi-piraso.Kahit na hindi pa siya patay, nagkaroon ng matinding shock ang kanyang katawan.Huminga nang malalim si Jewel at napanatag nang marinig niya na okay lang si Darryl.Tumingin sa paligid si Darryl. Madilim pero napagtanto niya na ang mataas na talampas ay napaliligiran ng gubat.‘Hatinggabi na. Kailangan pa naming mag hintay nang umaga kinabukasan bago kami makaalis. Kailangan ko mabawi ang internal energy ko.’Noong iniisp niya ang mga bagay na ‘yon, sinubukan niya pakalmahin si Jewel. “Wag ka na mag-alala. Magpah
Ugh!May tao doon.Nagulat si Darryl pero handa na siyang makipaglaban.Nakita niya ang isang lalaki na may putting buhok na sira-sira ang damit. Ang lalaki ay mukhang pulubi pero ang katawan niya ay malaki at nakakatakot.Mapayat ang kanyang mukha at mayroon siyang mahabang sugat sa kanyang noo. Ang mga mata niya ay alerto at ito ay nagniningning.Isa pang bagay na napansin ni Darryl ay walang binti ang lalaki. Gumamit siya ng itim na espada para silbing saklay niya pag naglalakad. Ang blade ay kulay itim; ang kabilang dulo ng espada ay matulis ang kabila naman ay mapurol.Ang espada na ito ay katulad ng Tang Sword na ginamit ni Sloan. Gayunpaman, noong makita niya itong nang malapitan, mas malapad ito kaysa sa Tang Sword.Napalunok si Darryl. Hindi niya inaasahan na makakita ng pilay sa lambak.Ang ikinagulat ni Darryl ay ang kanyang kapangyarihan. Alam niya kapag ang abilidad ng isang tao ay kayang lampasan ang kanyang inaasahan. Hindi niya naramdaman ang lakas ng lalaki.S
Siya nga ang Sword Devil. Nakamamangha ito!Natigilan si Darryl nang marinig niya ito.Nagulat din si Ford na nakilala siya ni Jewel. Malamig siyang ngumiti at sinabing, “Hindi ko inaasahan na may mga tao pa palang makakakilala sakin matapos kong makulong dito nang higit sampung taon na.”Tiningnan ni Ford nang malapitan si Darryl. “Bata, noong ginamit ko ang espada ko ngayon lang. Nararamdaman ko ang kadalisayan ng internal energy mo. Iba siya sa Four Major Sects. Sino ka ba?”Huminga nang malalim si Darryl. Paano niya mararamdaman ‘yon?Ang lalaki ‘to ay may nakakatakot na kapangyarihan.Habang iniisip niya ito, sabi ni Darryl. “Tao lang ako.”Noong sinabi ni Darryl ‘yon, sabi ni Jewel. “Ang pinuno ko ay isang mabuting tao. Hindi lang siya makapangyarihan pero kaya niya ring sumulat ng tula. Kahit na ang matanda na galing sa Artemis Sect ay natalo niya.”“Ganon siya kalakas? Pero bakit hindi niya kayang labanan ang espada ko?” malamig na sinabi ni Ford.Tumawa si Darryl dahi
Ang pokus ni Ford ay nasa inihaw na isda lamang. Mukha siyang natutuwa at sinabing, “Ang tagal na simula noong nakaamoy ako nang ganito kasarap na pagkain.”Gutom si Ford. Ito ay inaasahan sakanya dahil matagal na siyang nakulong sa gubat, higit sampung taon na.Sa mga taon na ‘yon, ang mga kinakain niya lamang ay kung anong mahuli niya. Kahit na iniihaw niya ang mga isdang nahuhuli niya, wala naman siyang asin at pang-palasa na dala.Nawala siya sa sarili niya noong naamoy niya ang isdang iniihaw.Tiningnan siya ni Jewel at ngumiti. Tapos ay binigyan niya ng inihaw na isda si Ford. “Sa’yo na ‘tong pinakamalaking isda, Manong.”Sabin ang lahat na ang Sword Devil Ford South ay may taglay na kapangyarihan ngunit nakita lamang siya ni Jewel bilang isang pilay na lalaki at naawa siya rito.“Mabuti, mabuti!”Nasurpresa si Ford pero kinuha niya na rin ang inihaw na isda at masaya itong kinain.Maya-maya, kinain na niya ang isda.Mukhang gusto niya pa ng isda dahil hindi matanggal an
Tulad nang inaasahan, hindi naging masaya si Ford. “Anong ibig sabihin mo, bata?” nakakunot na ang kanyang noo habang nagtatanong.Ngumiti si Jewel at sinabing, “Manong Ford, simple lang. Kapag gusto mo ng pagkain, kailangan may dala ka kapalit nito.”Huminga nang malaim si Ford, “Ayaw ko naman na pinagsasamantalahan ang mga tao. Wala na akong ibang pagmamay-ari kundi ito lamang sira kong espada.”Habang nagsasalita siya, kinuha ni Ford ang kanyang espada at tinusok sa lupa.Bang!Isang malakas na tunog ang narinig at nagkaroon ng bitak ang lupa. Ang espada ay matatag na nakadiin sa lupa.Ngumiti si Ford. “Ito ang Great Steel Sword. Ang bigat nito ay 388 pounds. Kapag kaya niyong tanggalin ‘yan sa pagkakadiin, ibibigay ko na sainyo ‘yan.”Sa sandaling ‘yon, ngumiti si Jewel at sinabing, “Wala naman akong sinabi na gusto ko yung espada mo, Manong. Siguro pwede mong turuan ang Pinuno ko ng mga sword techniques? Ang mga technique ang pinakamagaling sa buong mundo. Kapag tinuruan mo