Share

Kabanata 759

Tulad nang inaasahan, hindi naging masaya si Ford. “Anong ibig sabihin mo, bata?” nakakunot na ang kanyang noo habang nagtatanong.

Ngumiti si Jewel at sinabing, “Manong Ford, simple lang. Kapag gusto mo ng pagkain, kailangan may dala ka kapalit nito.”

Huminga nang malaim si Ford, “Ayaw ko naman na pinagsasamantalahan ang mga tao. Wala na akong ibang pagmamay-ari kundi ito lamang sira kong espada.”

Habang nagsasalita siya, kinuha ni Ford ang kanyang espada at tinusok sa lupa.

Bang!

Isang malakas na tunog ang narinig at nagkaroon ng bitak ang lupa. Ang espada ay matatag na nakadiin sa lupa.

Ngumiti si Ford. “Ito ang Great Steel Sword. Ang bigat nito ay 388 pounds. Kapag kaya niyong tanggalin ‘yan sa pagkakadiin, ibibigay ko na sainyo ‘yan.”

Sa sandaling ‘yon, ngumiti si Jewel at sinabing, “Wala naman akong sinabi na gusto ko yung espada mo, Manong. Siguro pwede mong turuan ang Pinuno ko ng mga sword techniques? Ang mga technique ang pinakamagaling sa buong mundo. Kapag tinuruan mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status