Ang pokus ni Ford ay nasa inihaw na isda lamang. Mukha siyang natutuwa at sinabing, “Ang tagal na simula noong nakaamoy ako nang ganito kasarap na pagkain.”Gutom si Ford. Ito ay inaasahan sakanya dahil matagal na siyang nakulong sa gubat, higit sampung taon na.Sa mga taon na ‘yon, ang mga kinakain niya lamang ay kung anong mahuli niya. Kahit na iniihaw niya ang mga isdang nahuhuli niya, wala naman siyang asin at pang-palasa na dala.Nawala siya sa sarili niya noong naamoy niya ang isdang iniihaw.Tiningnan siya ni Jewel at ngumiti. Tapos ay binigyan niya ng inihaw na isda si Ford. “Sa’yo na ‘tong pinakamalaking isda, Manong.”Sabin ang lahat na ang Sword Devil Ford South ay may taglay na kapangyarihan ngunit nakita lamang siya ni Jewel bilang isang pilay na lalaki at naawa siya rito.“Mabuti, mabuti!”Nasurpresa si Ford pero kinuha niya na rin ang inihaw na isda at masaya itong kinain.Maya-maya, kinain na niya ang isda.Mukhang gusto niya pa ng isda dahil hindi matanggal an
Tulad nang inaasahan, hindi naging masaya si Ford. “Anong ibig sabihin mo, bata?” nakakunot na ang kanyang noo habang nagtatanong.Ngumiti si Jewel at sinabing, “Manong Ford, simple lang. Kapag gusto mo ng pagkain, kailangan may dala ka kapalit nito.”Huminga nang malaim si Ford, “Ayaw ko naman na pinagsasamantalahan ang mga tao. Wala na akong ibang pagmamay-ari kundi ito lamang sira kong espada.”Habang nagsasalita siya, kinuha ni Ford ang kanyang espada at tinusok sa lupa.Bang!Isang malakas na tunog ang narinig at nagkaroon ng bitak ang lupa. Ang espada ay matatag na nakadiin sa lupa.Ngumiti si Ford. “Ito ang Great Steel Sword. Ang bigat nito ay 388 pounds. Kapag kaya niyong tanggalin ‘yan sa pagkakadiin, ibibigay ko na sainyo ‘yan.”Sa sandaling ‘yon, ngumiti si Jewel at sinabing, “Wala naman akong sinabi na gusto ko yung espada mo, Manong. Siguro pwede mong turuan ang Pinuno ko ng mga sword techniques? Ang mga technique ang pinakamagaling sa buong mundo. Kapag tinuruan mo
Samantala, sa mansyon ng mga Clement sa Donghai City.Kasal na ni Wade at Lily at ang reception nila ay sa mansyon.Ang buong mansyon ay bongga ang dekorasyon, matingkad na pagkapula na dekorasyon, may paputok at mga mamahaling kotse.Mayroong maliit na hardin sa mansyon at punong-puno ito ng mga panauhin at lamesa.Marami sa mga dumalo sa kanilang kasal ay ang mga mayayaman at sikat na pamilya sa siyudad.May mga kaunting upuan sa gilid ng altar sa hardin kung saan ang mga magulang ni Wade at si Samantha ay nakaupo. Silang tatlo ay masayang nakangiti.Natuwa si Samantha. Sa wakas ang anak niya ay nakahanap ng isang mabait na lalaki at masaya siya dahil doon.Halagang bilyones ang pamilya ni Wade at ang kanyang anak ay magkakaroon nang magandang buhay sakanya.May isang libong panauhin ang nakaupo sa kabilang gilid ng lupa. Marami sakanila ay kilalang mukha sa siyudad. Sina William, Zayler at Justin. Kahit na si Grandmother Lyndon ay nasa kasal.Lahat ng panauhin ay nakangiti
Ang host ay ngumiti at tiningnan ang ikakasal, “Ang ganda at ang gwapo naman nang ikakasal ngayong araw… Tara….”Bang!Matapos sabihin ng host ang mga salitang ‘yon ay may narinig siyang malakas na tunog mula sa entrance ng mansyon!Ang lahat ay lumingon at napatingin, isang daang lalaki ang sumira sa pintuan ng mansyon. Isang daan ang nakatayo roon na may hawak na mga sandata at nakasuot ng itim na damit!Ang namumuno sakanila ay isang malamig at masungit na lalaki na may mahabang buhok na mga nasa edad 30s at may suot na hikaw.Ano?Anong nangyari?Agad na nagkagulo sa lugar habang nakatingin ang lahat sa mga dumating na lalaki.Naging magulo ang lugar matapos nilang makilala ang isang lalaki na may suot na hikaw at sinabing, “Hindi ba si Jack Trevor ‘yan ng Trevor Family na nakatira sa Qing City?”Matatagpuan ang Qing City mga tatlong milya kalayo sa Donghai City.Ang pamilya Trevor ay kilala at sikat sa Qing City.“Ang batang pinuno ng pamilya Trevor ay maraming dinalang
Galit na galit si Jack dahil walang sinasabi si Wade na kahit isang salita. Pagkatapos ay sinipa niya ito nang malakas at sinabing, “Ugh! Nakakakilabot ka. Mukhang hindi mo ako kayang bayaran ng dalawang bilyong dolyar kaya tatanggapin ko na ang asawa mo bilang bayad mo!”Habang nagsasalita siya ay naglalakad na rin siya papunta kay Lily, habang ang mga tao ay nakatingin sakanya at masungit ang ngiti.“Haha…”Nagulat si Jack, “Narinig ko noong nakaraan na isang Dyosa si Manang Lily. Mukhang totoo ang mga chismis na ‘yon dahil nakita na kita nang personal ngayon.”Nanginig ang katawan ni Lily nang marinig niya ‘yon. Natatakot siya.“Manang Lily, bakit mo gustong pakasalan ang isang walang kwentang lalaki na katulad ni Wade? Kailangan mo lang mapasakin sa hinaharap at pangako ko sa’yo mamahalin kita nang totoo. Haha!” tumawa si Jack habang tinitingnan niya si Lily bago niya maabot ang kanyang kamay.Kumunot ang noo ni Lily at humakbang patalikod para maiwasan ang kamay ni Jack at m
Ang nangyari sa harapan niya ay parang pamilyar.Parang nangyari na sakanya ito.Bigla nalang bumalik paunti-unti ang ala-ala ni Lily.Ilang buwan ang nakalipas, ang isangg martial arts school owner kung tawagin ay Trent Young ay sinubukan siyang molestyahin bago pa ang pamilya Lyndon pero walang tumulong sakanya para pigilan siya.Ang ala-ala ni Lily ay bumabalik na.Si Darryl, ang kanyang asawa na si Darryl ang bumugbog kay Trent.Nanginig ang katawan ni Lily dahil naalala niya ang ala-ala niya kahit tatlong taon na ang nakalipas.Si Darryl, si Darryl ang asawa niya at hindi si Wade!Sa Mid-Autumn Festival, gumamit si Darryl ng kaunting helicopter para kantahan si Lily sa Atlantic Street.Nag-live broadcast pa siya tungkol dito at milyon ang nakapanood sa ginawa ni Darryl.Nag-away sila ni Darryl na naging dahilan ay si Yvonne at pagkatapos ay nabangga siya ng kotse.Lahat ng ala-ala niya ay bumalik sakanyang isip na para bang umulit na pelikula.Naalala niya ang lahat.
“Lilybud!!!”Sobrang nag-aalala si Samantha at gustong puntahan si Lily pero malayo na ang natakbo niya.Ang lahat ay nagtinginan sa isa’t isa nang makita nila ang nangyari at nagsimula nang chumismis. Hindi nila inaasahan na magtatapos ang kasal nang ganito.Habang ang mga tao ay nagchichismisan, walang nakapansin na umalis din si Justin.Umalis si Justin sa mansyon at nagmaneho para hanapin si Lily. Sa wakas ay nahanap niya si Lily malapit sa Satellite Mall.Umabante siya at tinigil ang kotse bago niya ibaba ang bintana. “Lilybud, sumakay ka na. Hanapin natin si Darryl.”Nagulat pa rin si Justin sa mga nangyari sa kasal kanina. Natuwa siya noong hindi kinasal si Lily kay Wade.Mabilis siyang umalis at hinanap si Lily nang hindi nagdadalawang isip pero nag-aalala rin siya dahil baka mapahamak si Lily sa paghahanap kay Darryl.Gayunpaman, hindi natuwa si Lily sa ginawa ni Justin habang pinupunasan niya ang luha niya. “Hindi na.” Nagpatuloy siyang maglakad.Nag-aalala si Just
Tumango si Lily nang marinig niya ‘yon at sumakay agad sa kotse ni Justin noong banggitin nito na alam niya ang New World. Mahina niyang sinabi, “Tara na. Alis na tayo.”Sobrang saya ni Justin habang tumatakbo siya para pagbuksan ng pintuan si Lily at nagmaneho na sila papuntang baybayin.Makalipas ang kalahating oras.Gumastos si Justin ng isang daang libong dolyar at bumili ng isang New World Army sailboat mula sa mga mangingisda.Naghanda siya nang maraming gamit kasama na roon ang mga pagkain at mga pang araw-araw, napuno niya ang kalahati ng cabinet.Kinailangan niyang ihanda ang lahat dahil aalis siya kasama ang mahal niya na hindi naman nahirapan sa pag-alis nila.Nang matapos na ang lahat, tinaas ni Justin ang sails at umalis na sila. Ang sailboat ay mabagal na naglayag sa dagat.Tumayo si Lily sa taas ng bangka habang tinitingnan ang dagat sa harapan niya. Naeexcite siya at punong puno nang pag-asa.‘Asawa ko, paparating na ako. Dadating na si Lilybud papunta sa’yo. Pi