Sumigaw naman dito si Romeo, “Gusto mong tumakas?! Iniisip mo bang makakatakas ka sa amin?”Sumabog ang lakas ni Romeo papunta kay Yusof na parang isang kidlat habang naririnig ng lahat ang mga salitang iyon sa hangin.Nahuli lang ni Yusof si Romeo sa sinaunang libingan dahil masyado siyang nagpadalos dalos kaya hinintay niya ang pagkakataong ito para makapaghiganti kay Yusof. At ngayong nakuha na niya ang pinakahihintay niyang pagkakataon, hinding hindi na pakakawalan pa ni Romeo si Yusof.Masyadong naging mabilis ang dalawa na nawala sa kakahuyan sa loob lang ng ilang segundo.“Romeo!”Napasigaw si Circe sa kaniyang nakita habang nagmamadali itong humahabol kay Romeo. Pero masyadong masukal ang gubat na iyon kaya agad na nawala sa kaniyang paningin ang imahe ng dalawa.Dito na nakaramdam ng pagkabahala at galit si Circe.Sakit talaga sa ulo itong si Romeo.At higit sa lahat, masyadong bihasa si Yusof sa paggamit ng lason na nakilala rin sa kaniyang pagkatuso. Pero kahit na ma
Ano?Buntong hininga ni Darryl habang nagiisip sa kaniyang sarili.Hindi talaga maaaring banggain ng kahit na sino si Empress Heidi. Maaaring napagdesisyunan na nitong isakamay ang lahat pagkatapos ng matagal na pagkawala ni Master Magaera.Kung ganoon, siguradong sumailalim na sa iba’t ibang pagbabago ang buong Godly Region at darating din sa punto na kung saan kailangan na itong tingnan ni Darryl sa sandaling magpatuloy pa ito.Sa totoo lang, ayaw ng sumali pa ni Darryl sa anumang laban para sa kapangyarihan mula noong bumalik siya galing sa kontinente ng Keygate. Pero naiba pa rin ang Godly Region dahil maaapektuhan nito ang kaligtasan ng mga sibilyan sa mundo.Isang walang awang babae na uhaw sa kapangyarihan si Empress Heidi kaya siguradong pababagsakin nito si Darryl sa sandaling makontrol niya ang Godly Region. Nangangahulugan din ito ng pagbagsak ng Nine Mainlands sa ilalim ng kaniyang pamamahala.Tinambangan si Aurin ni Master Magaera hanggang sa maging bakas na lang ito
Tumusok ang paningin ni Yusof sa kaniyang paligid nang pumasok ang ideyang iyon sa kaniyang isipan. Dito na siya napatigil sa paglalakad sa tabi ng lawa.Kasunod nito ang pagtawag ni Yusof kay Romeo. “Mahusay ka, iho. Hindi na ako makakatakbo pa sa iyo.”Habang nagsasalita, itinago ni Yusof ang kaniyang mga kamay sa likuran para tusukin ang isa sa kaniyang mga darili bago niya ito pigain hanggang sa pumatak ang dugo sa tubig.Napagaralan niya ang move na ito habang nagpapalakas—na kokontrol sa mga ligaw na halimaw. Isa itong uri ng pamamaraan gamit ang kaniyang technique at dugo para mapabagsak ang kaniyang mga kalaban.Bumagal sa paglalakad si Romeo nang makita niyang huminto si Yusof. Dito na siya dahan dahang humakbang ng pagisa isa papunta kay Yusof habang nagpapakita ng panlalamig at pagkaarogante ang kaniyang itsura. “Ayaw mo ng tumakbo? Lumuhod ka na at humanda sa napipinto mong pagkamatay.”Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero hindi pa rin ito makukuwestiyon ng kah
“Tanggapin mo itong bata ka.”Bago pa man maibalik ni Romeo ang kaniyang balanse, galit namang sumigaw si Yusof. Itinaas nito ang kaniyang kamay habang inaatake nito ng husto ang likuran ni Romeo.Nasa water python ang buong atensyon ng bata kaya ito na ang perpektong pagkakataon para umatake siya ng surpresa.Hindi na naitago pa ni Romeo ang kaniyang pagkagulat at galit sa pagatakeng iyon bago siya humarap kay Yusof para sumigaw ng, “Ikaw… ikaw hayop ka…”Kahit na masyado pa siyang bata, naiintindihan ni Romeo na isa lang pagarte ang kabaitan na ipinakita ni Yusof sa kaniya kanina.Gusto sanang yumuko ni Romeo habang galit siyang sumisigaw pero masyado pa ring naging malakas ang pagatake ni Yusof kaya hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong gawin iyon.Thump!Kasunod nito ang malakas na pagtama ng pagatake sa likuran ni Romeo. Gumawa ito ng mababang ingay bago lumipad ang munti niyang katawan sa ere.Sampung metro lang ang inilipad ni Romeo bago ito bumagsak ng malakas sa l
Walang duda na disipulo ang mga ito ng Elixir Sect.Sumugod palapit si Yusof nang mapagtanto niya iyon. Dito na siya kumuha ng putik sa lupa na kaniyang ipinahid sa kaniyang mukha bago siya tumakbo papunta sa mga disipulo.Habang tumatakbo, nagkunwaring takot si Yusof habang sumisigaw ito ng, “Tulong, tulong! Wala na sa sarili ang batang iyon, pumapatay siya ng mga tao na gusto niyang patayin! Tulong, tulong!”Isang tusong lalaki si Yusof at alam niya na balot ng galit si Romeo na magreresulta sa pagiging balimbing nito.Mabilis namang napatingin sa kaniyang direksyon ang mga disipulo ng Elixir Sect.Hindi pa sila nakakalayo sa Elixir Sect at ang mga disipulong ito ay lumabas para manguha ng mga halamang gamot nang makasalubong nila sila Romeo at Yusof.Tumingin ang mga disipulo sa isa’t isa habang papalapit sa kanila si Yusof bago ito magtago sa kanilang likuran. Dito na sila nagsimula sa kanilang mga tanong dito.“Ano ang nangyayari?”“Sino ang pumapatay ng mga tao?”Dahil n
Dumapo ang tingin ni Andy kay Romeo, at nagbago ang kaniyang expression dahil halos hindi na niya mapigilan ang kaniyang galit. "Ikaw pala yan, antipatikong bata."Ginamit ni Yusof ang pangalan ni Chester upang tipunin ang lahat ng mga sekta sa Donghai City para lasunin sila, at isa si Andy sa mga tao roon.Iyon ang dahilan kung bakit nakita ni Andy si Romeo na kinukutya si Darryl.Para kay Andy, hindi lamang bayani ng Nine Continents si Darryl. Isa siyang kapatid. Medyo nagalit si Andy nang makitang kinukutya siya ni Romeo ngunit hindi ito nagsalita dahil sa kaniyang katayuan.Masasabing medyo hindi maganda ang impresyon ni Andy kay Romeo. Hindi niya lamang inaasahan na magiging napakabastos ng antipatikong bata, kumikilos ng ganoon sa Elixir Sect.Whoosh!Pinalibutan si Romeo ng mga estudyante ng Elixir Sect na nakarating doon.Hindi nagpanic si Romeo ng kahit katiting, mayabang na nakatayo roon habang sumigaw kay Andy ng, "San mo sya tinatago? Bigay mo na sya sakin ngayon, ku
Swish swish swish...Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, sumabog sa kanilang mga kapangyarihan ang mga nakapaligid na estudyante habang sumusugod sila patungo kay Romeo.Hindi natakot si Romeo ng kahit kaunti dahil doon, at nagalit sa halip."Sige. Alam ko namang kasabwat nyo yung bastardong yun! Bakit kayo nagmamadaling atakihin ako, binibigyan sya ng oras para makatakas? Wag nyong isiping natatakot ako sa inyong lahat dahil lang sa mas marami kayo!"Sumabog patungo sa ere si Romeo at nagsimula ang isang matinding labanan sa pagitan niya at ng mga estudyante ng Elixir Sect.Nagalit na si Romeo dahil sa panloloko ni Yusof gamit ang water python, at sumabog na sa wakas ang kaniyang galit sa harap ng mga nakapaligid na estudyante ng Elixir Sect.Dahil sa mga ganoong pangyayari, hindi naawa si Romeo sa kanila ng kahit kaunti. Maliit ang kaniyang katawan, ngunit kasing bilis ng kidlat kumilos habang dinadaanan niya ang mga tao. Ang bawat atake na kaniyang binabato ay
Sa katunayan, hindi nais ni Andy na gamitin ang kaniyang mahabang espada kung ikokonsidera ang kaniyang katayuan. Gayunpaman, nang makitang mas makapangyarihan pa si Romeo kaysa sa kaniyang inakala at habang nasa isip ang reputasyon ng Elixir Sect, hindi na siya nakapagpigil dito."Naku, nilalabas na natin ang mga sandata ngayon!"Hindi nagpanic si Romeo ng kahit kaunti, at naging mapaglaro ang kaniyang ngiti. "Sakto. Kakaturo lang sakin ng Master ko ng sword chant nung nakaraang buwan. Mukang magagamit ko na kagad yun ngayon."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, kumuha ng espada si Romeo sa lupa. Marahas na inalog ang kaniyang kamay, at hinampas ang espada sa ere patungo kay Andy.Clang clang clang...Nagkatamaan at nagsagupaan ang mga espada, at nagpakawala ng sunod-sunod na malalakas na tunog. Kumpiyansa si Andy noong una. Ginugol niya ang nakalipas na dalawang taon na nakatuon sa sword skills, at medyo magaling ding magpalakas.Gayunpaman, unti-unti niyang na