Share

Kabanata 6933

Sa katunayan, hindi nais ni Andy na gamitin ang kaniyang mahabang espada kung ikokonsidera ang kaniyang katayuan. Gayunpaman, nang makitang mas makapangyarihan pa si Romeo kaysa sa kaniyang inakala at habang nasa isip ang reputasyon ng Elixir Sect, hindi na siya nakapagpigil dito.

"Naku, nilalabas na natin ang mga sandata ngayon!"

Hindi nagpanic si Romeo ng kahit kaunti, at naging mapaglaro ang kaniyang ngiti. "Sakto. Kakaturo lang sakin ng Master ko ng sword chant nung nakaraang buwan. Mukang magagamit ko na kagad yun ngayon."

Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, kumuha ng espada si Romeo sa lupa. Marahas na inalog ang kaniyang kamay, at hinampas ang espada sa ere patungo kay Andy.

Clang clang clang...

Nagkatamaan at nagsagupaan ang mga espada, at nagpakawala ng sunod-sunod na malalakas na tunog. Kumpiyansa si Andy noong una. Ginugol niya ang nakalipas na dalawang taon na nakatuon sa sword skills, at medyo magaling ding magpalakas.

Gayunpaman, unti-unti niyang na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status