Swish swish swish...Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, sumabog sa kanilang mga kapangyarihan ang mga nakapaligid na estudyante habang sumusugod sila patungo kay Romeo.Hindi natakot si Romeo ng kahit kaunti dahil doon, at nagalit sa halip."Sige. Alam ko namang kasabwat nyo yung bastardong yun! Bakit kayo nagmamadaling atakihin ako, binibigyan sya ng oras para makatakas? Wag nyong isiping natatakot ako sa inyong lahat dahil lang sa mas marami kayo!"Sumabog patungo sa ere si Romeo at nagsimula ang isang matinding labanan sa pagitan niya at ng mga estudyante ng Elixir Sect.Nagalit na si Romeo dahil sa panloloko ni Yusof gamit ang water python, at sumabog na sa wakas ang kaniyang galit sa harap ng mga nakapaligid na estudyante ng Elixir Sect.Dahil sa mga ganoong pangyayari, hindi naawa si Romeo sa kanila ng kahit kaunti. Maliit ang kaniyang katawan, ngunit kasing bilis ng kidlat kumilos habang dinadaanan niya ang mga tao. Ang bawat atake na kaniyang binabato ay
Sa katunayan, hindi nais ni Andy na gamitin ang kaniyang mahabang espada kung ikokonsidera ang kaniyang katayuan. Gayunpaman, nang makitang mas makapangyarihan pa si Romeo kaysa sa kaniyang inakala at habang nasa isip ang reputasyon ng Elixir Sect, hindi na siya nakapagpigil dito."Naku, nilalabas na natin ang mga sandata ngayon!"Hindi nagpanic si Romeo ng kahit kaunti, at naging mapaglaro ang kaniyang ngiti. "Sakto. Kakaturo lang sakin ng Master ko ng sword chant nung nakaraang buwan. Mukang magagamit ko na kagad yun ngayon."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, kumuha ng espada si Romeo sa lupa. Marahas na inalog ang kaniyang kamay, at hinampas ang espada sa ere patungo kay Andy.Clang clang clang...Nagkatamaan at nagsagupaan ang mga espada, at nagpakawala ng sunod-sunod na malalakas na tunog. Kumpiyansa si Andy noong una. Ginugol niya ang nakalipas na dalawang taon na nakatuon sa sword skills, at medyo magaling ding magpalakas.Gayunpaman, unti-unti niyang na
Nakita rin ng mga bantay ng Godly Region si Darryl. Bigla silang napatigil, bago sumigaw ng malakas."Darryl Darby?""Nagpadala ng mga utos ang Empress na hulihin ang lalaking to, patay man o buhay!""Dali, hulihin sya!"Habang tumatawag sila, limampung bantay ang nagmamadaling sumugod patungo kay Darryl.'Walanghiya, anong nangyayari dito? Hinuhuli ako sa sandaling makita nila ko...'Napamura sa kaniyang sarili si Darryl sa nakita, hindi nag-alinlangan ng kahit isang segundo bago sumabog sa lakas at tumalikod upang tumakbo."Tumigil ka!""Hulihin sya!"Malakas na sumigaw ang mga sundalo, at hinahabol siya. Medyo mabilis silang kumilos, at mabilis na lumapit ang distansya sa pagitan nila at ni Darryl.'Buwisit!'Nagsimulang mag-panic si Darryl nang makitang malapit na silang makahabol. Nang biglang, nakita niya ang Spirited Fruit Garden. Nakaisip siya ng isang ideya, at binilisan niya bago pumasok dito."Ang lakas ng loob nyang pumasok din sa Spirited Fruit Garden?!""Dyan
Napasimangot si Romeo sa ingay, lumabas upang tingnan ang nangyayari. Bigla siyang napatigil nang makita sina Chester at Dax.Lumabas si Andy sa maraming tao upang batiin silang dalawa. "Pasensya na sa abala, Brother Chester at Brother Dax. Nasan si Brother Darryl?"Sumagot si Chester, "Nasa Legendary Island of Dragons siya at may inaasikasong mga importanteng bagay."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, hindi napigilan ni Dax na sabihing, "Anong nangyayari dito, Master Andy?"Habang nagsasalita siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa kaniyang paligid. Patungo sa dulo nito, nakita ni Dax ang sugatang balikat ni Andy at napasimangot."Pinagsisisihan kong sabihin sa inyo to..."Walang iba kundi nahihiya lamang ang ekspresyon ni Andy habang inilarawan niya ang nangyari. Patungo sa dulo nito, pulang-pula ang mukha ni Andy sa kahihiyan.Nakakahiyang isipin na hindi man lamang matalo ng dakilang Sect Master ang isang maliit na bata. 'Ano?'Agad na nagbago ang mga e
"Bastardo ka!"Habang nakaramdam ng pagkagalit, nawalan ng pasensya si Dax habang pinapagalitan si Romeo, "Hindi ka talaga matuto-tuto sa mga pagkakamali mo at hindi pagrespeto sa mga nakatatanda. Dapat kitang parusahan sa ngalan ni Brother Zhu."Agad na nagmadaling pumasok si Dax sa main hall, at dumeretso patungo kay Romeo.Tinuturing ni Dax si Zhu Bajie bilang isang kapatid at isang elder kay Romeo. Naisip niyang natural lamang sa isang elder na turuan ang mga kabataan. Higit sa lahat, gumawa ng kaguluhan si Romeo sa Elixir Sect. Kung hindi niya paparusahan ito, kailangan niyang sagutin si Andy.Nagalit din si Chester, at kaya hindi niya pinigilan si Dax nang makita niya ang sitwasyon.Nang makitang nagmamadaling sumugod si Dax patungo sa kaniya, nagbago ang mukha ni Romeo. Galit na gailt siya at inilabas ang kaniyang galit habang iniunat ang kaniyang kamay patungo kay Dax.Agad na nagkatamaan ang kanilang mga palad at nakagawa ng isang nakakabinging tunog. Pagkatapos noon, sa
Nang biglang, sumabog ang nagngangalit na apoy, at halos tumama kay Dax.Hindi nakaiwas si Dax sa oras at kinailangang gamitin ang Sky Breaking Axe upang maprotektahan ang kaniyang katawan.Puff puff puff...Kaagad noon, tumama ang nagngangalit na apoy sa Sky Breaking axe at naglaho ito.Kahit na makapangyarihan ang nagngangalit na apoy na dinura ni Romeo, isang ultimate weapon ang Sky Breaking Axe. Hindi ito kayang sunugin kahit ng apoyKahit na nagawang patayin ni Dax ang apoy, mukha pa rin siyang malungkot.Nakahinga nang maluwag sina Chester, Andy, at iba pang nasa labas ng main hall nang masaksihan iyon.Galit na galit si Dax matapos patayin ang apoy. "Bastardo! Sinusubukan mo ba kong patayin? Pinapangako kong paparusahan kita ngayong araw."Kaagad noon, isang gintong liwanag ang lumabas mula sa Sky Breaking Axe patungo kay Romeo.Nang makita ang gintong liwanag na patungo sa kaniya, nagbago ang mukha ni Romeo. Nang walang pag-aalinlangan, mabilis siyang naglagay ng prote
Napakaganda ng kaniyang mukha at katawan.Si Circe iyon.Noon, hinahabol ni Romeo si Yusof at naiwanan niya si Circe. Nagpanic si Circe at pagkatapos maghanap, natagpuan niya ang Elixir Sect sa wakas.'Ano...'Kaagad noon, nakita niya ang sitwasyon sa plaza sa labas ng main hall at nanginig siya.'Anong nangyayari?''Bakit nakikipaglaban si Junior Brother kina Chester at Dax?'"Junior Brother!" Makalipas ang ilang segundo, kumalma sa kaniyang pag-iisip si Circe at sumigaw ng, "Tama na yan! Sect Master Wilson, Sect Master Sander, tumigil na rin kayo." Nakaramdam ng pag-aalala si Circe habang sumisigaw siya.Nakita niya si Romeo na nadidiin at ang ipagtanggol ang kaniyang sarili ang kaya niya lamang gawin at hindi makaatake. Kung magpapatuloy iyon, masasaktan siya.Gayunpaman, nagpatuloy ang tatlo sa kanilang labanan at hindi pinansin ang sinabi ni Circe.Lalong nag-alala si Circe. Tinanong niya si Andy ng, "Sect Master Curtis, anong nangyayari?"Mukhang nahihiya si Andy at hu
Lubhang namomroblema si Romeo nang marinig niya ang sinabi ni Circe.'Bakit?''Bakit ganun din si Senior Sister, pinipilit akong humingi ng tawad?'"Ah..." Sa wakas, nagsimulang humagulgol si Romeo at nawala sa kaniyang katinuan. Namula ang kaniyang mga mata at isang masamang awra ang pumaligid sa kaniya. "Bakit? Bakit pinipilit ng lahat na ako ang mali?"Sa gitna ng iyak, napagana ang Power of the Fiend Soul sa katawan ni Romeo. Pagkatapos noon, isang masamang awra ang bumalot sa main hall at isang itim na ulap ang bumalot sa kaniyang katawan.Nagmukhang baby fiend si Romeo, at mukhang napakademonyo.Sa katunayan, mula nang ipanganak si Romeo, palaging nakatago ang Power of the Fiend Soul sa katawan. Dahil doon, nagkaroon siya ng marahas na personalidad.Gayunpaman, isang bata siya at medyo mabait ng hindi niya namamalayan. Kaya, napigilan lamang ang Power of the Fiend Soul sa loob ng kaniyang katawan.Sa puntong iyon, dahil kay Circe, tuluyang lumabas ang Power of the Fiend S