Mukhang tama ang direksyon na kaniyang tinatahak.Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Darryl nang maramdaman niya ang lamig sa kaniyang paligid, at sa halip ay mas tumindi pa ang kaniyang pananabik.Nabanggit ng dragon na kasing lamig ng yelo ang tubig malapit sa Spinheart Land. Nangangahulugan lang ito na malapit na siya sa kaniyang destinasyon.Pagkatapos ng sampung minuto pa ng paglangoy, nakita ni Darryl ang pagdilim ng tubig sa kaniyang harapan. Makikita rin dito ang isang whirlpool sa kaniyang paligid.Mas tumindi pa ang paglamig ng tubig noong mga sandaling iyon, pumasok ang lamig sa kaniyang mga buto na parang isang libong karayom na gawa sa yelo. Masyado na itong matindi maging para kay Darryl.Pero hindi pa rin nagpanic si Darryl at sa halip ay ginamit niya ang enerhiya ng Red Lotus Fayette para bumuo ng isang protective shield sa kaniyang paligid na naghiwalay sa kanyiang katawan sa napakatinting lamig ng tubig habang lumalangoy.Pagkalipas ng ilang minuto, muli
Hindi ito pinalampas ni Darryl kaya agad niyang itinaas ang kanan niyang kamay para umatake sa direksyon ng matanda.Nakangiti namang umilag ang matanda, hindi ito nakaramdam ng kahit na kaunting galit kay Darryl. “Palaban ka palang bata ka ah. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot.”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, isang napakalakas na enerhiya ang sumabog mula sa matanda habang dinadala nito ang kaniyang sarili papunta kay Darryl, dito na umusbong ang isang mabangis na laban sa pagitan nilang dalawa.Kapansin pansin ang bilis at liksi ng matanda na umatake ng paulit ulit habang iniilagan ang mga pagatake ng mga White Lily Cold Flame sa kaniyang paligid na siyang gumulat kay Darryl.Kailan pa nagkaroon ng ganito kalakas na nilalang sa kontinente ng Keygate?Kahit na ano ang mangyari, hindi hahayaan ni Darryl makuha ng ibang tao ang mahala niyang kayamanan.…Matatagpuan ang dagat dagatang mga bundok daan daang kilometro ang layo sa timog kanluran ng Daim imper
Nagbulungan ang mga tinipong disipulo sa sobrang pagtataka.“Ano ang nangyayari rito?”“Hindi rin ako sigurado eh…”“Mukhang may hindi magandang nangyari sa Sect Master kaya dinala ni Moriri rito ang bagong Sect Master…”Nabalot ng bulungan ang main hall na nagpakalat ng seryoso at tensyonadong hangin sa paligid.…Umupo si Dewey sa trono ng main hall kasama sina Alice at Moriri na umupo sa magkabila niyang tabi. Tahimik namang tumayo sa isang tabi ang ibang mga altar master.Isa sa mga altar master ang umabante at tumingin sa paligid ng main hall bago ito sumigaw ng, “Katahimikan!”Nagngangalang Gale Boetticher ang altar master na ito na isa sa pinakasupportive na altar master kay Dewey.Nang marinig nila ang mga salitang ito sa hangin, natahimik ang lahat ng mga elite na disipulo habang nakatingin ang kanilang mga mata kay Gale.Natutuwa namang tumango rito si Gale na nagayos sa kaniyang lalamunan bago niya buong pagdadalamhati at dahan dahang sabihin na, “Mayroon akong dal
‘Ano…’ Kumabog sa sobrang gulat ang dibdib ng mga disipulo habang hindi sila makapaniwalang tumitingin sa isa’t isa.Naging bayani ng publiko si Darryl nang tulungan nito si Haring Astro na maprotektahan ang Gem City. Kaya bakit niya sasadyaing mapalapit kay Kye?Sa sobrang pagtataka, sinabi ng isa sa mga disipulo na, “Walang kapantay ang respeto ng lahat kay Darryl maging ng mga palasyo kaya sigurado ako na isa siyang bayani. Kaya bakit hindi niya magagawang maging kinakapatid ng ating Sect Master nang dahil lang sa tunay nilang pagkakaibigan?”Tumango ang mga disipulo sa paligid nang marinig nila ang mga salitang ito sa hangin.Naging kalmado ang itsura ni Moriri habang dinedeny nito ang mga sinabi ng disipulo.“Siyempre naman hindi! Isang tusong lalaki si Darryl. Nakalatag na ang kaniyang plano at isa na rito ang pagiging kinakapatid ng atign Sect Master. Sa totoo lang, isa si Darryl sa mga tauhan ni Granny Rafflesia. Sinadya niyang mapalapit sa ating Sect Master para matulun
Buong galang na yumuko si Gale kay Dewey. “Sect Master! Ngayong nasa kontrol na natin ang main altar, wala na tayong dapat pang alalahanin kundi ang mga altar master na ayaw sumunod sa atin.”Tumango naman dito si Dewey bago ito magsalita gamit ang makatotohanang tono ng kaniyang boses. “Oo! Nasa atin na ang kapangyarihan. Hindi na sila makakahindi pa.”Habang nagsasalita, nagisip ng kaunti si Dewey bago maging seryoso ng kaniyang itsura. “Sinabi ng isa sa mga disipulo kanina na buhay at wala lang malay si Kye Deleon. Kinakailangan nating maresolba ito. Ipagkakatiwala ko sa iyo ang bagay na iyan, Alice.”Tumatango namang sumagot si Alice ng, “Opo, Master.”…Sa loob ng Spinheart Land, nagpatuloy ang laban sa pagitan ni Darryl at ng matandang nakasuot ng kulay puting robe.Thump thump thump…Sumayaw ang dalawang mga imahe sa ere na habang naririnig ang dagundong ng kanilang mga pagatake matapos mapuno ng naglalakasan nilang aura ang hangin sa paligid.Naging confident ang matand
Tumango ang Cloud Immortal sa pagpapakumbaba ni Darryl. “Sige! Hahayaan kong makuha mo ito ngayong kapalit nito ang buhay ng isang tao, pero tandan mo ang sinabi mo kanina sa akin. Mayroon ka ng utang na loob sa ginawa kong ito.”Natuwa naman ng husto si Darryl sa naging sagot ng matanda. “Maraming salamat po, Elder.”Hindi naman nagaksaya ng laway si Cloud Immortal, tumango ito bago siya nawala ng biglaan.Nakahinga ng maluwag si Darryl nang makaalis ito. Dito na niya itinaas ang kaniyang mga kamay para kunin ang Water Cloud Crystal bago siya dalidaling umalis sa Spinheart Land.Nang makabalik siya sa kristal na palasyo, nakita niya na naghihintay pa rin doon ang makaliskis na dragon.Hindi na naitago pa ng dragon ang kaniyang tuwa at pagkagulat sa pagbabalik ni Darryl. “Kagalanggalang na Master, nakabalik na po kayo! Grabe, nagalala po ako sa inyo.”Habang nagsasalita, nakita ng dragon ang Water Cloud Crystal sa mga kamay ni Darryl kaya hindi makapaniwala nitong sinabi na. “Kak
Nabalot ng paghanga ang tono ng boses at ang itsura ni Edgar habang nagsasalita.Agad namang nadala si Kye nang malaman niya kung ano ang nangyari habang humaharap ito kay Darryl para sabihing, “Maraming salamat talaga sa ginawa mo, kapatid.”Isa talagang karangalan para sa kaniya ang makilala ang isang lalaki na kagaya nito sa kaniyang buhay.Bahagya namang ngumiti rito si Darryl. “Masyado kang naging mabait dito, Kuya.”Habang nagsasalita, nilabas ni Darryl ang ilang mga pill. “Kagigising gising mo lang, Kuya. Kaya siguradong mahina ka pa. Ito ang mga pill na maaari mong inumin. Sana umayos na ang lagay mo.”Nakangiti namang sumagot dito si Kye. “Sige, maraming salamat!”Kasunod nito ang pagtingin ni Kye sa kaniyang pagligid bago pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan. “Oo nga pala, nasaan na si Moriri?”Parang naging magama na ang dalawa kaya agad siyang nakaramdam ng kakaiba nang hindi niya ito makita sa kaniyang tabi.Nagpalitan naman ng tingin sina Darryl at Shea bago
"Darryl!"Sa saglit din na iyon, walang iba kundi kinakabahan lamang ang ekspresyon ni Shea habang nagsasalita siya, "Nahuli ni Dewey si Moriri. Kelangan natin syang iligtas."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, sinabi ni Edgar sa galit na tonong, "Sumusobra na si Dewey ngayon, kahit si Moriri hinuli nya para lang makuha yung gusto nya."Whew!Huminga ng malalim si Darryl, at dahan-dahang nagsalita. "Syempre, ililigtas natin si Moriri. Yun nga lang... hindi pa gumagaling si Brother Deleon, at kelangan natin maging matalino tungkol dito."Sa katotohanan, hindi naman talaga natatakot si Darryl kay Dewey. Kaya lamang, may kontrol na siya ngayon sa main altar, at malamang na nasa kaniyang awa rin si Moriri, at kailangan niyang maging matalino tungkol dito.Nagpalitan ng tingin sina Shea at Edgar at sasagot na sana.Ngunit sa saglit din na iyon, narinig ang boses ni Kye mula sa kuwarto. "Nahuli ang pinakamahusay kong estudyante. Anong klaseng Master ako para tumayo a