Nabalot ng paghanga ang tono ng boses at ang itsura ni Edgar habang nagsasalita.Agad namang nadala si Kye nang malaman niya kung ano ang nangyari habang humaharap ito kay Darryl para sabihing, “Maraming salamat talaga sa ginawa mo, kapatid.”Isa talagang karangalan para sa kaniya ang makilala ang isang lalaki na kagaya nito sa kaniyang buhay.Bahagya namang ngumiti rito si Darryl. “Masyado kang naging mabait dito, Kuya.”Habang nagsasalita, nilabas ni Darryl ang ilang mga pill. “Kagigising gising mo lang, Kuya. Kaya siguradong mahina ka pa. Ito ang mga pill na maaari mong inumin. Sana umayos na ang lagay mo.”Nakangiti namang sumagot dito si Kye. “Sige, maraming salamat!”Kasunod nito ang pagtingin ni Kye sa kaniyang pagligid bago pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan. “Oo nga pala, nasaan na si Moriri?”Parang naging magama na ang dalawa kaya agad siyang nakaramdam ng kakaiba nang hindi niya ito makita sa kaniyang tabi.Nagpalitan naman ng tingin sina Darryl at Shea bago
"Darryl!"Sa saglit din na iyon, walang iba kundi kinakabahan lamang ang ekspresyon ni Shea habang nagsasalita siya, "Nahuli ni Dewey si Moriri. Kelangan natin syang iligtas."Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, sinabi ni Edgar sa galit na tonong, "Sumusobra na si Dewey ngayon, kahit si Moriri hinuli nya para lang makuha yung gusto nya."Whew!Huminga ng malalim si Darryl, at dahan-dahang nagsalita. "Syempre, ililigtas natin si Moriri. Yun nga lang... hindi pa gumagaling si Brother Deleon, at kelangan natin maging matalino tungkol dito."Sa katotohanan, hindi naman talaga natatakot si Darryl kay Dewey. Kaya lamang, may kontrol na siya ngayon sa main altar, at malamang na nasa kaniyang awa rin si Moriri, at kailangan niyang maging matalino tungkol dito.Nagpalitan ng tingin sina Shea at Edgar at sasagot na sana.Ngunit sa saglit din na iyon, narinig ang boses ni Kye mula sa kuwarto. "Nahuli ang pinakamahusay kong estudyante. Anong klaseng Master ako para tumayo a
Nakaupo si Dewey sa loob ng main hall, at nag-memeditate."Master!"Sa saglit din na iyon, mabilis na lumapit si Alice habang tumatawag, at hindi maitago ang pananabik sa kaniyang ekespresyon.Iminulat ni Dewey ang kaniyang mga mata na nakasimangot. "Sabi ko sayo wag mo kong guguluhin kapag nag-memeditate ako. Hindi magandang ugali yan alam mo ba?"Nagsisising napabelat si Alice. "Pasensya na, masyado akong nasabik. Mag-iingat na ko sa susunod."Umiling si Dewey, at napangiti sa itsura ng mukha nito. "Ano ba yang kinasasabikan mo?"Nasasabik na humakbang paharap si Alice. "Nahanap ko na kung nasan si Kye Deleon. Niloko talaga tayo, Master. Buhay pa si Kye Deleon." Bahagyang hindi mabasa ang ekspresyon ni Alice habang nagsasalita siya.Buhay pa?Lumakas ang kabog ng dibdib ni Dewey sa mga sinabi nito, at agad na napatayo. "Sigurado ka ba?"Tumango si Alice. "Kakatanggap ko lang ng balita mula sa Emerald Cloud City na may nakakita Kye, Darryl Darby, Edgar, at Shea na umalis sa
Ngunit nang makita ang seryosong tingin sa mukha ni Darryl, wala sa kanila ang nagduda sa kaniya ng kahit kaunti.Agad namang bumangon sina Edgar at Shea, at nakabantay sa pintuan.Sa saglit din na iyon, nagmasid si Darryl sa malayo mula sa kinaroroonan niya sa bubong. Nakita niya ang isang kaakit-akit na pigura na papalapit sa kanila nang napakabilis.Kahit na napakalayo upang makita ang mukha nito, nakikita pa rin ang mga kurba ng katawan nito dahil sa liwanag ng buwan.Nakita rin ni Darryl na parang nagmamadali ang babaeng ito, na para bang... tumatakbo siya mula sa kung saan man.Whew!Hindi napigilan ni Darryl na mapasimangot sa nakita.Gabing-gabi na, at sa totoo lamang, medyo kahina-hinala para sa isang babae na nasa labas mag-isa.Sa kaniyang pag-iisip, nakita ni Darryl na nakarating na ang babae sa loob ng mas mababa sa isang daang metro ng templo. Nalaman na rin niya sa wakas kung sino ang taong ito, at kumabog ang kaniyang dibdib sa gulat at saya.May katangi-tangin
Sa saglit din na iyon, ngumiti rin si Darryl.Ngayong nasa maayos na si Moriri, hindi na niya kailangang mag-alala pa dito.Sa saglit din na iyon, tumingin si Moriri sa kaniyang likuran. "Nakita ako ng ilang nagpapatrolyang mga estudyante nung tumatakas ako. Sa palagay ko, siguradong susundan nila ko. Dapat umalis na tayong lahat dito."Sige!Tumango si Kye sa mga sinabi nito.Sa katotohanan, ang iligtas si Moriri ang tanging pinunta niya lamang upang gawin sa main altar. Ngayong natagpuan na siya, hindi na kailangang sumugal pa dito.Pinag-isipan ni Kye ito. Hihintayin niyang bumalik ng buo ang kaniyang kapangyarihan, at babalik upang pabagsakin si Dewey pagkatapos.Tumango si Shea bilang pagsang-ayon. "Hindi naman tayo masyadong malayo sa side altar ng imperial capital. Pumunta muna tayo dun." Sa kabila ng pagkasira ng side altar sa apoy, maaari pa rin silang magpahinga roon."Tama!"Itinaas ni Edgar ang kaniyang hinlalaki. "Tara na sa imperial capital!"Ngunit habang umaal
"Patay na si Kye Deleon, at si Dewey ang hinirang bilang bagong Sect Master. Ang lakas ng loob nyong kumuha ng impostor para magpanggap na sya?"Habang nagsasalita siya, walang iba kundi galit lamang ang ekspresyon ni Gale, kahit na masama ang kaniyang tingin.Sa katunayan, isinaayos ni Dewey na mangyari ang lahat ng ito. Nagpadala siya ng balita na nakahanap si Darryl ng isang taong magpapanggap bilang Kye.Halos hindi na mapigilan ni Kye ang kaniyang galit at gulat sa mga sinabi nito, at masamang tumingin kay Gale. "Hindi mo ba talaga mapansing ako to, Gale?"Napakahangal talaga ni Gale, pinagtaksilan ang kaniyang sariling sekta at inaakusahang peke ang kaniyang Sect Master.Ho ho!Biglang kinabahan si Gale sa pagtitig ni Kye bago muling inayos ang katayuan nang maalala niyang nandiyan si Dewey para suportahan siya. "Tignan mo nga naman yan? Sinusubukang akong utusan ng impostor! Humanda ka sakin."Malinaw niyang nararamdaman na hindi pa gumagaling si Kye, at mas nabawasan ang
Gayunpaman, nararamdaman ni Gale na mahina si Edgar at hindi pa gumagaling mula sa mga pinsala, tulad ni Kye.Dahil dito, hindi na kailangang mag-alala ni Gale."Walanghiya!" Nang makitang pasugod si Gale patungo sa kanila, nagalit si Edgar, at sinabing, "Ang lakas ng loob ng isang alagad na kumilos na may pagmamataas sa harap ko?"Gayunpaman, bago pa makagalaw si Edgar, pinigilan siya ni Darryl."Senior Cornish, ako na ang bahala sa isang maliit na tao tulad nya."Matapos seryosong sabihin iyon, sumugod si Darryl patungo kay Gale.Habang nakatayo sa harapan ni Gale, pinagana ni Darryl ang kaniyang fairy soul power at hinampas ang kaniyang kanang palad sa mahabang espada ni Gale.Sa isang mahinang tunog, nanginig si Gale, at nakaramdam siya ng nakakatakot na alon ng eneryhiya. Tumalsik ang kaniyang mahabang espada mula sa kaniyang kamay, at napaungol siya habang napatilapon.Boom!Matapos mapatilapon sa loob ng isang dosenang metro, tumama si Gale sa isang batong pader. Napadu
"Hmm!" Sagot nina Moriri at Shea at mabilis na tumabi kay Kye.Mukhang pinoprotektahan ni Moriri si Kye, ngunit nakatingin siya ng mabuti kina Darryl at Edgar sa larangan ng digmaan.Hinihintay niyang maipit sina Darryl at Edgar upang atakihin si Kye.Nakatutok din sina Kye at Shea sa larangan ng digmaan at hindi napansing kakaiba ang kinikilos ni Moriri.Boom boom boom...Sa larangan ng digmaan, magkadikit na nakikipaglaban sina Darryl at Edgar, at kasing bilis ng kidlat silang pabalik-balik sa mga kalaban. Sa loob ng ilang segundo, maraming disipulo ang natalo.Sa katunayan, alam nina Darryl at Edgar na pansamantalang nalinlang ang mga disipulo, kaya hindi nila pinatay ito.Sa kadahilanang iyon, silang dalawa ang nakakalamang, ngunit patuloy silang naiipit."Sect Master!" Nataranta si Shea, at kita sa kaniyang maselang mukha ang pag-aalala. "Anong dapat nating gawin ngayon? Bakit hindi muna tayo umatras?"Medyo makapangyarihan sina Darryl at Edgar.Ang dalhin na ligtas ang