"Sect Master, umiwas ka!" Kasabay nito, nagulat at napasigaw si Shea na nagbabantay kay Kye sa kaniyang tabi. Pagkatapos noon, mahigpit na kinagat ni Shea ang kaniyang labi at nagmadaling sumugod. Tumayo siya sa harapan ni Kye at hinarap si Dewey.Naging maingat si Shea, at ginamit niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan.Boom!Pagkatapos noon, nagkatamaan ang kanilang dalawang palad, at naramdaman ni Shea ang isang masamang alon ng enerhiya. Na may malalim na ungol, sumuray-suray siya ng isang dosenang hakbang paatras.Matapos huminto, namutla ang mukha ni Shea, at nagkagulo-gulo ang enerhiya at dugo sa loob ng kaniyang katawan.'Napakalakas niya!'Mahigpit na kinagat ni Shea ang kaniyang labi, at gulat na gulat siyang tumingin kay Dewey.'Napakalakas ni Dewey! Kinailangan kong gamitin ang lahat ng kapangyarihan ko para madepensahan ang hampas ng palad nya.'"Shea!" Sa sandaling iyon, napasigaw sina Darryl at Edgar, at nag-aalala sila para kay Shea.Huminga ng malalim si S
"Lahat kayo, alis!" Sa sandaling iyon, nagalit si Darryl. Napasigaw siya at pinilit ang ilang mga disipulo na umatras gamit ang kaniyang palad. Pagkatapos noon, bigla niyang sinabing, "Dewey, kung gusto mong lumaban, nandito lang ako."Kaagad noon, sumabog si Darryl at tumakbo patungo kay Dewey."Buwisit!"Nagbago ang mukha ni Dewey nang makita niya si Darryl na sumusugod sa kaniya, at nagalit siya. "Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, pero inaalay mo ang sarili mo.""Sinusubukan mo bang magligtas ng mga buhay? Mamatay ka na!"Kaagad noon, naglabas ng malakas na awra si Dewey at itinaas ang kaniyang kanang palad, at nilabanan si Darryl.Pagkatapos noon, nagtama ang dalawang palad, na nagdulot ng malakas na pagsabog at isang alon ng panloob na enerhiya ang umaagos sa buong lugar.Na may malalim na ungol, sabay na napaatras ng ilang hakbang pabalik sina Darryl at Dewey.Maliwanag noon, na wala sa kanila ang nakalamang mula sa pag-atake ng palad.Gayunpaman, nagulat si Dewey. Mata
'Ano?'Nang makita iyon, nagbago ang mukha ni Dewey. Tumingin siya ng masama kay Darryl dahil sa gulat.'Pano... pano nangyari yun...''Ginamit ko na ang lahat ng kapangyarihan ko para sa Thousand Sword Rays, at walang sinuman sa buong Keygate Continent ang may kayang kayanin yun. Kahit na nasa pinakamahusay na kondisyon si Kye, hindi nya rin kakayanin yun.''At napigilan lang ni Darryl ang lahat ng yun gamit lang ang isang protective shield?''Pano nangyari yun?'Kasabay nito, natigilan din ang mag disipulo sa paligid, at tumingin sila kay Darryl na hindi makapaniwala.'Napigilan nya lahat yun.''Nakakatakot ang kapangyarihan nya...'"Haha..." Kaagad noon, bumalik sa kaniyang katinuan si Edgar at nasasabik na sinigaw na, "Haha, tama nga si Sect Master. Kahanga-hanga si Darryl."Pagkatapos noon, kinutya ni Edgar si Dewey ng, "Dewey, hindi mo kaya si Darryl, at iniisip mong maging isang Sect Master? Hindi ba kalokohan yun?"Lubhang mapagmataas ang kaniyang tunog.Nang marini
"Moriri?""Ano ang ginagawa mo?"Nagulat din sina Kye at Edgar. Napasigaw sila at gusto sanang lumapit. Ngunit malayo sila, at hindi nila ito naabutan sa oras.Ngumiti si Dewey at sinabi, "Tiyak hindi mo ito inaasahan. Akala mo tumakas si Moriri mula sa Altar. Pero sasama na siya sa akin."Habang nagsasalita si Dewey, tinitignan niya si Moriri ng may pag-apruba.'Ano?''Kasama ni Dewey si Moriri?'Lahat, kasama na sina Darryl, Kye, at Edgar, ay nagulat, lalo na si Darryl.Pumukaw siya at sa wakas, naunawaan niya ang lahat.'Yun pala, plano ito lahat ni Dewey. Pinadala niya si Moriri para makipagkita sa amin at dalhin kami sa embuskadang ito.'Pero…'Tapat si Moriri kay Kye. Bakit siya mag lilinkod sa iba?'May lihim dito.'Sabi ni Darryl, "Moriri, kumalma ka."Ngunit ayaw makinig ni Moriri. Wala siyang ekspresyon at malamig na sinabi, "Ang sinumang lalaban sa aking amo ay tiyak walang na mapapahamak."Agad na sumabog si Moriri."Amo?" Nang marinig iyon, nanginig si Darr
Pagkatapos, nilapitan ni Dewey si Kye at sinabi ng nakakutya, "Tingnan natin kung sino pa ang makakaprotekta sayo. Kung ikaw nga si Kye Deleon, patunayan mo sa lahat ng mga disipulo."Agad, binilisan ni Dewey ang kanyang hakbang at ipinakpak ang kanyang palad patungo kay Kye.Kompiyansa si Dewey. Alam niyang malubha paring ang sugat ni Kye, at hindi ito magiging mas makapangyarihan kaysa sa kahit na sino. Kayang-kaya niya itong patayin ng isang haplos lang."Walanghiya!" Mura ni Edgar at gusto sanang tumulong, ngunit huli na.Walang mapuntahan si Kye nang makitang sumusugod si Dewey. Wala siyang magawa kundi kagatin ang kanyang labi at sumalungat.Pagkatapos, nagbanggaan ang kanilang mga palad. Umungol si Kye at natumba. Sa wakas, bumagsak siya sa lupa, at naging maputla ang kanyang mukha.Tama si Dewey. Bagamat nainom na ni Kye ang elixir, hindi pa ito ganap na naumeepekto, at ang kanyang kapangyarihan ay nasa unang antas lamang, walang laban kay Dewey.Mayabang si Dewey habang
Ginamit ni Edgar ang lahat ng kanyang lakas sa pagpalong ng kanyang palad, na nagpabago sa daloy ng hangin.Subalit, tiningnan lamang siya ni Dewey nang may pag-alipusta at malamig na binalik, "Pumunta ka sa impyerno!"Agad, umikot si Dewey at hinarap si Edgar gamit ang kanyang palad.Boom!Nagtagpo ang kanilang mga palad, na nagdulot ng malakas na ingay. Nanginginig ang katawan ni Dewey at mabilis na tumayo.Umayos at paurong na naglakad si Edgar ng mga doseng hakbang. Sa wakas, naibalik niya ang kanyang balanse ngunit siya ay namumutla at mahina ang kanyang mukha.Kaunti lang ang lamang ni Dewey kay Edgar sa lakas. Ngunit, naubos na ang malaking bahagi ng kanyang enerhiya matapos makipaglaban sa mga alagad. Kaya, hindi na niya kayang labanan pa si Dewey na nasa kanyang rurok ng lakas."Pinagyayabang mo ang iyong sarili!" Malamig at mapanlait na sinabi ni Dewey kay Edgar, "Sa palagay mo ba ay maaari mong iligtas sila?"Galit na galit si Edgar at kinagat ang kanyang mga ngipin.
Pak!Patagal ng patagal ang pambubugbog, at natakot ang mga tao sa paligid.Si Edgar ay labis na nag-aalala sa sitwasyon kaya't halos mawalan na siya ng malay."Moriri!" Hindi na nakatiis pa si Darryl at sumigaw, "Tingnan mong mabuti! Iyan ang iyong guro. Pinalad ka niyang lumaki mula pagkabata. Paano mo siya hindi makilala?"Mukhang desperado at galit si Darryl.'Shit. Walang hiya ka Dewey. Paano niya magagawang pahirapan ni Moriri si Kye? Mas brutal pa ito kaysa pagpatay.'Biglang napahinto si Moriri matapos marinig ang sigaw ni Darryl. Tiningnan niya si Kye at nagsimulang mag-alinlangan.'Talaga bang ito ang Master?'Hindi… Kung sabi ng Master ay impersonator ito, impersonator nga ito. Hindi magkakamali ang Master…'Mabilis na lumapit si Alice at sumigaw kay Darryl, "Bakit ang daldal ng walanghiyang scum na ito? Papatayin kita ngayon."Agad na hinugot ni Alice ang kanyang longsword at itinutok ito kay Darryl."Alice, tigil!" Biglaang sumigaw si Dewey, "Pabayaan mo muna si
"Magaling!" Hindi napansin ni Magaera ang pagbabago sa ekspresyon ni Paya at tumango nang marinig ang balita. "Maghanda tayo at tutungo sa Emerald Cloud City."Habang nagsasalita si Magaera, kumikislap ang kanyang mga mata ng kaalitan.'Darryl Darby! Oras na para tapusin ito.''Magaling!'Hinihintay ni Paya na sabihin ito niya. Nagagalak siyang tumango at sinabi sa tapat na sundalo sa likod niya, "Sabihin sa lahat na umalis patungo sa Emerald Cloud City."Excited si Paya. Kasama si Magaera, hindi na niya kailangang matakot kay Darryl."Opo, Dakilang Heneral!" Nang marinig ang utos, sabay-sabay na sumagot ang ilang mga sundalo.Isinama ni Paya ang daan-daang libong mga sundalo palabas ng Gem City at papunta sa Emerald Cloud City kalahating oras mamaya.Sa kabilang banda…Nag dahan-dahang marso ang daan-daang libong mga sundalo patungo sa Gem City sa pamamagitan ng opisyal na daan, na higit sa isang daang kilometro timog-silangan ng kabisera. Makikita mula sa malayo ang mga maha