Para kay Lilo, ang kaniyang Master na si Granny Rafflesia ay isang kilalang nilalang sa mundo ng mga cultivator kaya agad na manginginig sa takot ang sinumang makakarinig sa kaniyang pangalan. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala siyang magtatakbukan ang mga bandidong ito.Natawa naman si Darryl sa kaniyang sarili nang marinig niya ang mga salita ni Lilo.Inakala ni Lilo na malakas siya at matatakot ang lahat sa kaniyang Master. Hindi ba niya masabi na walang kinatatakutan ang mga maskuladong bandido na ito ngayong dalawa lang sila laban sa higit sampung bilang ng mga ito?Kagaya ng kaniyang inaasahan, nasa gitna ng pagiisip si Darryl nang sumabog sa katatawa ang isa sa mga bandido.Tiningnan niya si Lilo mula ulo hanggang paa habang natutuwang nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Kakaiba ka talagang babae ka, ganda. Sige, sino ang ipinagmamalaki mong master kung ganoon?”Tila walang pakialam at walang inaalala ang itsura ng bandido nang magsalita ito.Malakas namang tumawa ang iba
“Sa kabilang banda, mayroon ka namang itsura. Maganda rin ang katawan mo. Haha! Nagkataon na naghahanap ng asawa ang boss naming si Ozo! Sumama ka sa amin kung gusto mo pang mabuhay at tatratuhin ka namin ng maayos. Dahil kung hindi, huwag mo kaming sisihin sa mga susunod naming gagawin sa iyo.”Masyadong nakakagalit ang mga salitang binitawan ng mga bandido.“Oo nga!”“Mayroon ka ngang itsura. Bagay kayo ng aming boss na si Ozo…”Dito na nagbigay ng komento ang iba pang mga bandido kay Lilo na sumangayon sa suhestiyon ng isa’t isa.Napasimangot naman si Darryl nang marinig nyia ng mga sinabi nito.‘Ozo? Bakit pamilyar para sa akin ang pangalang ito?’Habang nagiisip si Darryl sa kaniyang sarili, nanginig sa sobrang galit si Lilo habang sumisigaw ito ng, “Dadalhin ko kayo sa impyerno mga walang hiyang hayop kayo!”Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, malakas na pinulot ni Lilo ang bato sa kaniyang kamay na kaniyang ipinangbato sa pinuno ng mga bandido.Kahit na kalaha
Nabalot ng galit si Lilo nang marinig niya ang mga sinabi ni Juno, dito na siya sumigaw sa mga bandido ng, “Mga walanghiya kay! Walang kahit na anong halaga ang pangalan mo sa akin! Papatayin ko kayong lahat!”Hinawakan ng maigi ni Lilo ang kaniyang kutsilyo habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere bago niya ito itusok sa dibdib ni Juno.“Oh, sinusubukan niya tayong patayin dito!”Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti rito si Juno. Malakas itong tumawa habang hawak ang mahaba niyang espada na kaniyang ginamit para salagin ang kutsilyo ni Lilo sa pamamagitan ng isang napakabilis na paggalaw.Kasunod nito ang pagtusok ni Kuno sa ere bago siya magpatuloy sa pagatake kay Lilo.Kasabay nito ang pagatake ng iba pang mga bandido mula sa iba’t ibang mga direksyon.Clang clang clang…Walang tigil na tumama sa isa’t isa ang espada at kutsilyo pero malinaw na nakita ng lahat ang muling pagatras ni Lilo. Hindi pa ito nakakahabol sa kaniyang hininga nang bigla siyang atakihin ng isang
“Itigil mo ang ginagawa mo!” Sa huling sandali, isang sigaw mula sa loobang bahagi ng kagubatan ang narinig ng lahat habang paparating ang mas maraming bilang ng mga bandido.Pinamunuan ito ng isang maskuladong lalaki na nagpakawala ng aura na puno ng lakas at awtoridad.Ito ay walang iba kundi si Ozo na siyang nakilala na noon ni Darryl.‘Ha, siya nga iyon!’Napangiti si Darryl nang makita niya si Ozo. Napagtanto niya sa mga sinabi ni Juno kanina na ang ‘boss Ozo’ na sinasabi nito ay ang Ozo na kaniyang kilala, at hindi nga siya nagkamali rito.Sabagay, masyadong pambihira ang pangalang Ozo. At ang kilalang Ozo ni Darryl ay isa ring bandido. Hindi niya ito nagawang nakita noon sa Emerald Cloud City.Mabilis na naging magalang ang mga bandido nang makita nila si Ozo habang magkakasabay na sumisigaw ang mga ito.“Boss Ozo!”Dito na nasasabik na tumuro si Juno kay Lilo habang sinasabi na, “Nakakita po kami ng isang dalaga na may pambihirang ganda, Boss, dadalhin na sana namin s
Mangiyakngiyak si Juno noong mga sandaling iyon.Malinaw sa kaniya kung gaano nirerespeto ni Ozo si Darryl kaya sigurado si Juno na ito na ang kaniyang katapusan sa sandaling hindi siya mapatawad ni Darryl.Huminga naman ng maluwag si Darryl nang makita niya ang mukha ng nagpapanic na si Juno, ngumiti siya habang sinasabi na, “Hindi mo sinadya ang mga ginawa mo kanina. Hindi mo lang ako nakilala kaya halika na. Tumayo ka na riyan!”Ilang beses ng naranasan ni Darryl ang ganitong pangyayari kaya wala na siyang pakialam pa rito.Naramdaman naman ni Juno na ang biglang pag gaan ng kaniyang dibdib habang walang tigil siyang yumuyuko sa harapan ni Darryl. “Maraming salamat po, Sir! Maraming salamat po!”Ngumiti naman si Darryl bago siya tumingin kay Ozo. “Hindi ko inasahang makikita kita rito, Kuya Ozo.”Tumawa naman si Ozo habang nakangiti itong tumatango sa harapan ni Darryl. “Itinadhana talagang magkita tayo rito.”Habang nagsasalita, tumingin si Ozo kay Darryl mula ulo hanggang p
Medyo nakakagulat ang kuwentong ito ngunit may kabuluhan kung iisipin.Buwisit talaga...Nanginginig sa galit si Lilo sa nakaka-kumbinsidong tunog ni Darryl, at lalong lamang niya itong ikinagagalit.Gumagawa ng isang buong kuwento ang bastardong ito para samantalahin ang sitwasyon...Sa kaniyang pag-iisip, galit na tinitigan ni Lilo si Darryl.Oh?Hindi napigilan ni Darryl ang mapahagikgik sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang kamandag sa titig ni Lilo. Malinaw na tinutulungan niya ang antipatikong batang ito, ngunit eto pa rin siya at nagsusungit.Sa kaniyang pag-iisip, kinawayan ni Darryl si Lilo. "Mahal kong anak, wag kang mag-alala! Mga kaibigan ko silang lahat. Si Ozo ang lalaking to, at nagkakilala na kami nun.""Kasalanan ko lahat to kung bakit di kita kagad nakita bago to mangyari. Pakiusap wag ka nang magalit sa matandang tulad ko. Dali na, tanggapin mo na ko bilang tatay mo bago pa matawa si Uncle Ozo."Todo ngiti lamang si Darryl habang nagsasalita, at may pa
Sige!Walang pag-aalinlangang tumango si Darryl, at sabay-sabay na nagsimulang maglakad ang lahat patungo sa lugar kung saan sila nagpapahinga. Wala nang ibang gusto si Lilo kundi ang umalis ngunit wala siyang pagpipiliian kundi ang sumunod.Whew!Agad na nakarating sila sa isang malawak na kuweba, kung saan napabuntong hininga si Ozo at ngumiti kay Darryl. "Nandito na tayo, Sir."Tumango si Darryl, pasulyap-sulyap sa paligid at namamangha sa kaniyang sarili.Kailangang masabi na marunong talagang tumingin si Ozo ng mga lokasyon. Matatagpuan ang kuweba sa kalagitnaan pa lamang ng bundok, at mayroon itong malawak na tanawin. Medyo maluwag din sa loob, at kayang humawak ng mahigit-kumulang sa isaang daang tao.Sa saglit din na iyon, kinawayan ni Ozo sina Darryl at Lilo bago ito tumalikod para utusan ang isa sa kaniyang mga tauhan, "Kuhanan mo kami ng pagkain. Dalin mo narin dito ang pinakamasarap nating alak!""Siguradong magiging masaya ang gabi na to kasama si Mister Darryl, h
Whew!Natahimik si Darryl sa pagbanggit kay Ethan, at bumibigat ang kaniyang damdamin.Sa saglit din na iyon, nagsalin si Ozo ng isa pang mangkok ng alak. Inubos niya ito bago nagpatuloy sa kaniyang sinasabing, "Alam ko sa sandaling marinig ko ang pagkamatay ng Heneral na may taksil sa loob ng Emerald Cloud City, at kaya naman mas lalo akong naging maingat sa bawat galaw ko. Pinatago ko ang mga tauhan ko sa labas ng lungsod, at nagdala ako ng ilan para samahan akong imbestigahan ang katotohanan.""Napaka-mapagbigay na tao lang sakin ng heneral. Di ko kayang hayaan na namatay lang siya sa wala."Hindi napigilan ni Darryl ang mapatango sa mga sinabi nito. "Tama ka, sobrang di patas ang pagkamatay ni General Ethan."Tumango si Ozo, at pinagpatuloy ang kaniyang sinasabing, "Sigurado ako na isang taksil ang pumatay sa Heneral, kaya patago akong pumasok sa loob ng Emerald Cloud City kasama ang ilan kong mga tauhan bago ko nalaman na ang Mayor pala ang nasa likod ng lahat ng to."Napahi