Medyo nakakagulat ang kuwentong ito ngunit may kabuluhan kung iisipin.Buwisit talaga...Nanginginig sa galit si Lilo sa nakaka-kumbinsidong tunog ni Darryl, at lalong lamang niya itong ikinagagalit.Gumagawa ng isang buong kuwento ang bastardong ito para samantalahin ang sitwasyon...Sa kaniyang pag-iisip, galit na tinitigan ni Lilo si Darryl.Oh?Hindi napigilan ni Darryl ang mapahagikgik sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang kamandag sa titig ni Lilo. Malinaw na tinutulungan niya ang antipatikong batang ito, ngunit eto pa rin siya at nagsusungit.Sa kaniyang pag-iisip, kinawayan ni Darryl si Lilo. "Mahal kong anak, wag kang mag-alala! Mga kaibigan ko silang lahat. Si Ozo ang lalaking to, at nagkakilala na kami nun.""Kasalanan ko lahat to kung bakit di kita kagad nakita bago to mangyari. Pakiusap wag ka nang magalit sa matandang tulad ko. Dali na, tanggapin mo na ko bilang tatay mo bago pa matawa si Uncle Ozo."Todo ngiti lamang si Darryl habang nagsasalita, at may pa
Sige!Walang pag-aalinlangang tumango si Darryl, at sabay-sabay na nagsimulang maglakad ang lahat patungo sa lugar kung saan sila nagpapahinga. Wala nang ibang gusto si Lilo kundi ang umalis ngunit wala siyang pagpipiliian kundi ang sumunod.Whew!Agad na nakarating sila sa isang malawak na kuweba, kung saan napabuntong hininga si Ozo at ngumiti kay Darryl. "Nandito na tayo, Sir."Tumango si Darryl, pasulyap-sulyap sa paligid at namamangha sa kaniyang sarili.Kailangang masabi na marunong talagang tumingin si Ozo ng mga lokasyon. Matatagpuan ang kuweba sa kalagitnaan pa lamang ng bundok, at mayroon itong malawak na tanawin. Medyo maluwag din sa loob, at kayang humawak ng mahigit-kumulang sa isaang daang tao.Sa saglit din na iyon, kinawayan ni Ozo sina Darryl at Lilo bago ito tumalikod para utusan ang isa sa kaniyang mga tauhan, "Kuhanan mo kami ng pagkain. Dalin mo narin dito ang pinakamasarap nating alak!""Siguradong magiging masaya ang gabi na to kasama si Mister Darryl, h
Whew!Natahimik si Darryl sa pagbanggit kay Ethan, at bumibigat ang kaniyang damdamin.Sa saglit din na iyon, nagsalin si Ozo ng isa pang mangkok ng alak. Inubos niya ito bago nagpatuloy sa kaniyang sinasabing, "Alam ko sa sandaling marinig ko ang pagkamatay ng Heneral na may taksil sa loob ng Emerald Cloud City, at kaya naman mas lalo akong naging maingat sa bawat galaw ko. Pinatago ko ang mga tauhan ko sa labas ng lungsod, at nagdala ako ng ilan para samahan akong imbestigahan ang katotohanan.""Napaka-mapagbigay na tao lang sakin ng heneral. Di ko kayang hayaan na namatay lang siya sa wala."Hindi napigilan ni Darryl ang mapatango sa mga sinabi nito. "Tama ka, sobrang di patas ang pagkamatay ni General Ethan."Tumango si Ozo, at pinagpatuloy ang kaniyang sinasabing, "Sigurado ako na isang taksil ang pumatay sa Heneral, kaya patago akong pumasok sa loob ng Emerald Cloud City kasama ang ilan kong mga tauhan bago ko nalaman na ang Mayor pala ang nasa likod ng lahat ng to."Napahi
Wala gaanong reaksiyon si Ozo at ang mga bandido sa mga sinabi ni Darryl, at kalmado ang kanilang mga ekspresyon.Kung tutuusin, makatarungan para sa isang anak na hilutin ang kaniyang tatay pagkatapos ng mahabang araw.Gayunpaman, nanginig si Lilo sa mga sinabi nito, at namula ang kaniyang mukha sa kahihiyan.Nawawala na sa kontrol si Darryl. Sapat na ang samantalahin niya ito sa salita. At eto siya ngayon, sinusubukang hilutin siya nito? Anong iniisip niya?"Haaay!"Nagpakita ng matinding kalugmokan na ekspresyon si Darryl sa mukha ni Lilo na nag-aalangan. "Parang di parin ako nakikita ng anak ko bilang tatay nya." Habang nagsasalita siya, nagpakita siya ng matinding kalungkutan na ekspresyon.Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, napatingin si Ozo at ang mga bandido kay Lilo na may hindi mabasang mga ekspresyon. Naimpluwensyahan sila ng mga salita ni Darryl at naramdaman nila na may hindi pa rin pagkakaintindihan ang dalaga sa kaniyang sariling tatay.Ano...N
"Ikaw..."Halos nanginginig na si Lilo sa galit. Mumurahin na sana niya ito ng malakas ngunit nagawa pa rin niyang mapigilan ang kaniyang sarili sa pinakahuling segundo.Gayunpaman, nakapagdesisyon na siya.Ang lakas ng loob ni Darryl na gamitin ang bawat pagkakataon na meron siya para mapahiya at samantalahin niya ito? Sa susunod na nasa kaniyang awa siya nito, siguradong hindi niya na ito palalampasin.Sa kaniyang pag-iisip, dahan-dahang lumapit si Lilo. Lumuhod siya sa harapan ni Darryl, itinaas ang kaniyang mga kamay at sinimulang hilutin ng mahina ang mga binti nito.Whew...Nakahinga ng maluwag si Darryl noon, at ipinagpatuloy ang pakikipag-inuman at biruan kay Ozo.Makalipas ang isa pang oras, nakita ni Darryl na dumidilim na ang mga kalangitan at bumangon siya para magpaalam kay Ozo. "Kelangan ko nang umalis, Brother. Dahil desidido ka nang di na muling pumasok sa wandering world, di narin ako magbibigay ng kalungkutan sa napagdesisyunan mo.""May mga kelangan pa kong d
Galit na galit si Lilo ngunit hindi niya alam kung ano kaniyang gagawin.Sa katunayan, iniisip lamang ni Lilo na kaunti lamang ang kaalaman ni Darryl sa mga pormasyon noon pa man at kaya inabuso niya ito nang walang anumang pagsisisi. Sa saglit na iyon, narealize niyang isang tagong elite pala ang lalaking iyon. Napabuntong-hininga si Darryl nang makita niyang natulala ito. "Sige. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Dito na lang tayo maghiwalay ng landas."Agad namang tumalikod si Darryl at umalis.Sa sandaling iyon, pinagmamasdan ni Lilo ang pag-alis ni Darryl, at mukha siyang kinakabahan. Sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng kahihiyan at galit sa kaniyang sarili. Kasabay nito, nakaramdam din siya ng pagkatalo..."Darryl!" Dahan-dahang kumalma si Lilo makalipas ang ilang segundo at sumigaw ng, "Maghintay ka. Pagbabayarin kita sa mga ginawa mo ngayon."...Sa Emerald Cloud City...Sa loob ng isang kuwarto sa side hall ng pansamantalang palasyo, nakahiga roon si K
Gumaan ang kalooban ni Moriri. Tumigil siya sa pagtanggi kay Shea at kinuha ang Firefox.Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam sa isa’t-isa sina Moriri at Shea, at mabilis na umalis si Moriri sa pansamantalang palasyo.Matapos makalabas sa pansamantalang palasyo, tumawid si Moriri sa tubig at nakarating sa hilaga ng pampang. Malinaw niyang naalala pagkatapos lumabas mula sa lihim na landas, na pinamunuan ni Darryl ang mga tao sa kagubatan sa hilagang pampang. Alam ni Moriri na nasa bundok pa rin si Darryl.Gayunpaman, mayroong kumplikadong kapaligiran ang bundok, at napakaraming mga puno. Bukod pa dito, hindi pamilyar si Moriri sa kapaligiran nito. Ilang oras siyang naglibot ngunit wala itong naging resulta.Sa sandaling iyon, nakahanap si Moriri ng damuhan at nagpahinga. Mukha siyang pagod.Kasabay nito, lubos siyang nag-aalala.'Di ko mahanap si Darryl. Ano kayang gagawin ko?''Di kaya... nasa panganib si Darryl?''Di... di naman siguro. Tsaka, malakas naman si Darryl. Halo
"Bakit may palatandaan ng snowflake dito? Tsaka... parang kakaukit lang nito."Kaagad noon, nagmadaling lumapit si Bosco at ang iba pang mga disipulo.Talaga ngang may nakita silang inukit na snowflake sa puno. Malinis ang pagkakaukit dito, at malinaw na inukit ito gamit ang isang matalas na kagamitan.Nagsimulang mag-usap saglit ang ilang mga disipulo."Di naman gaanong nadadaanan yung lugar na to. Bakit magkakaroon ng mga palatandaan dito?""Di kaya may tao kanina dito?"Habang nagdududa ang ilang mga disipulo, tinitigan ni Bosco ang palantaan ng snowflake, at mukhang kalmado. Ngunit sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng pagkagulat at kasabikan."Haha..." Kumalma sa kaniyang pag-iisip si Bosco, at hindi niya naiwasang matawa. "Meron na tayong ideya ngayon. Mukang sweswertehin tayo ngayon araw."Hindi naintindihan ng iba ang palantandaan na iyon, ngunit agad na naisip ni Bosco si Moriri.Sa lahat ng mga taon na iyon, ilang beses nang nakipagtulungan si Bosco kay Morir