Galit na galit si Lilo ngunit hindi niya alam kung ano kaniyang gagawin.Sa katunayan, iniisip lamang ni Lilo na kaunti lamang ang kaalaman ni Darryl sa mga pormasyon noon pa man at kaya inabuso niya ito nang walang anumang pagsisisi. Sa saglit na iyon, narealize niyang isang tagong elite pala ang lalaking iyon. Napabuntong-hininga si Darryl nang makita niyang natulala ito. "Sige. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Dito na lang tayo maghiwalay ng landas."Agad namang tumalikod si Darryl at umalis.Sa sandaling iyon, pinagmamasdan ni Lilo ang pag-alis ni Darryl, at mukha siyang kinakabahan. Sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng kahihiyan at galit sa kaniyang sarili. Kasabay nito, nakaramdam din siya ng pagkatalo..."Darryl!" Dahan-dahang kumalma si Lilo makalipas ang ilang segundo at sumigaw ng, "Maghintay ka. Pagbabayarin kita sa mga ginawa mo ngayon."...Sa Emerald Cloud City...Sa loob ng isang kuwarto sa side hall ng pansamantalang palasyo, nakahiga roon si K
Gumaan ang kalooban ni Moriri. Tumigil siya sa pagtanggi kay Shea at kinuha ang Firefox.Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam sa isa’t-isa sina Moriri at Shea, at mabilis na umalis si Moriri sa pansamantalang palasyo.Matapos makalabas sa pansamantalang palasyo, tumawid si Moriri sa tubig at nakarating sa hilaga ng pampang. Malinaw niyang naalala pagkatapos lumabas mula sa lihim na landas, na pinamunuan ni Darryl ang mga tao sa kagubatan sa hilagang pampang. Alam ni Moriri na nasa bundok pa rin si Darryl.Gayunpaman, mayroong kumplikadong kapaligiran ang bundok, at napakaraming mga puno. Bukod pa dito, hindi pamilyar si Moriri sa kapaligiran nito. Ilang oras siyang naglibot ngunit wala itong naging resulta.Sa sandaling iyon, nakahanap si Moriri ng damuhan at nagpahinga. Mukha siyang pagod.Kasabay nito, lubos siyang nag-aalala.'Di ko mahanap si Darryl. Ano kayang gagawin ko?''Di kaya... nasa panganib si Darryl?''Di... di naman siguro. Tsaka, malakas naman si Darryl. Halo
"Bakit may palatandaan ng snowflake dito? Tsaka... parang kakaukit lang nito."Kaagad noon, nagmadaling lumapit si Bosco at ang iba pang mga disipulo.Talaga ngang may nakita silang inukit na snowflake sa puno. Malinis ang pagkakaukit dito, at malinaw na inukit ito gamit ang isang matalas na kagamitan.Nagsimulang mag-usap saglit ang ilang mga disipulo."Di naman gaanong nadadaanan yung lugar na to. Bakit magkakaroon ng mga palatandaan dito?""Di kaya may tao kanina dito?"Habang nagdududa ang ilang mga disipulo, tinitigan ni Bosco ang palantaan ng snowflake, at mukhang kalmado. Ngunit sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng pagkagulat at kasabikan."Haha..." Kumalma sa kaniyang pag-iisip si Bosco, at hindi niya naiwasang matawa. "Meron na tayong ideya ngayon. Mukang sweswertehin tayo ngayon araw."Hindi naintindihan ng iba ang palantandaan na iyon, ngunit agad na naisip ni Bosco si Moriri.Sa lahat ng mga taon na iyon, ilang beses nang nakipagtulungan si Bosco kay Morir
Nang magsalita si Bosco, mukha siyang puno ng pagmamalaki, at kasabay nito, napansin niya ang pagbago sa ekspresyon ng mukha ni Moriri.'Buwisit!'Nang marinig iyon, nanginig si Moriri, at mukha siyang naguguluhan.'Buwisit talaga tong hayop na to. Nakita nya yung mga markang iniwan ko!'"Heh!" Habang nakikita ang pagbago ng mukha ni Moriri, mas lalong nasigurado ni Bosco ang kaniyang akala at napahagikgik. "Ano? Tama ba ko. Moriri, alam mo naman kung ano yung nararamdaman ko para sayo. Bakit di mo ko samahan sa pagsunod sa Sect Master Pebblestone?""Base sa kakayahan mo, siguradong papaboran ka ng Sect Master Pebblestone kung susunod ka sa kanya. Baka gawin ka pa nyang Great Elder."Pagkatapos noon, tumingin si Bosco kay Moriri na may inaasahan.Nang marinig iyon, naging seryoso ang mukha ni Moriri. Hindi niya napigilang pasigaw na sabihing, "Walanghiya kang lalaki ka. Dati nun, naawa yung Master sa buhay mo, tapos ngayon babayaran mo ng kasamaan yung ginawa nya para sayo. Nagi
Mabilis na kumalma si Bosco.'Masyadong may kumpyansa sa sarili tong si Moriri. Bakit di nya kagad sinara yung acupoint ko pagkatapos nya kong mahuli? Sa tingin nya ba mapapasuko nya ko ng espada lang?"'Oo nga pala. Dati nun, tinanggal ni Kye yung kapangyarihan ko. Malamang iniisip ni Moriri na baldado parin ako.'Habang nag-iisip sa kaniyang sarili, palihim na nakaramdam ng pananabik si Bosco."Haha..."'Kung iniisip ni Moriri na wala akong silbi, baka magkaroon ako na chansa na atakihin sya kapag pinabayaan nya yung depensa nya.'"Yung ilan sa inyo!"Habang palihim na nakakaramdam ng pananabik si Bosco, sinabi ni Moriri sa mga elite na disipulo na, "Ihagis nyo yung mga espada nyo sa sahig tapos umatras kayo ng sampung hakbang."Tama si Bosco. Iniisip ni Moriri na walang kakayahang umatake si Bosco at iilan lamang mga disipulo ang kaya siyang atakihin.'Eto...'Nagkatitigan ang ilang mga elite na disipulo, at nag-aalangan. Hindi nila inaakalang pagbabantaan sila ni Moriri g
"Tingin mo ba walang akong silbi? Ang tanga-tanga mo naman!"Kamanteng si Bosco habang nagsasalita.Nang marinig ito ni Moriri, nanginginig siya at hindi makapaniwala. 'Talagang mahusay si Dewey dahil pinayagan niyang magcultivate ulit si Bosco.'Nagsisisi rin si Moriri.'Masyado akong nagpabaya. Hindi sana nangyayari ito kung mas maingat ako at sinigurado ko na isarado ang mga acupuncture points niya.'Habang iniisip ni Moriri ang mga bagay na iyon, patuloy na kinukutsya siya ni Bosco. "Ano ngayon? Hindi pa huli ang lahat para sumama ka sa amin, Moriri."Habang nagsasalita si Bosco, hindi niya maiwasang suriin si Moriri mula ulo hanggang paa.'Ang sexy talaga ng babaeng ito. Kailangan kong mapaakin siya...'"Umalis ka!" Sigaw ni Moriri na puno ng pandidiri, "Sinasabi ko na, hindi ako makikisabwatan sa'yo." Matikas ang tono niya sa pagkakasabi."Sige, sige..." Alam ni Bosco na tatanggihan siya. Hindi siya nagalit, at sa halip ay ngumisi. "Moriri, kung hindi mo pinahahalagahan
Nabigla si Circe dito.Itinuturing si Circe bilang isang alamat. Noon, sa pamilyang Lange, siya ang pinakamahusay sa lahat ng miyembro. Ngunit kumpara kay Romeo, siya'y pangkaraniwan lamang.Tahimik na sinusuri ni Circe ang ekspresyon sa mukha ni Dongbin habang iniisip ito.Inutusan ni Dongbin si Circe na agad mag-ulat sa kanya kapag matagumpay na nakabuwelo si Romeo sa ikatlong antas ng Elevation Method.'Ano?'Narinig ni Dongbin ang sinabi ni Circe, at siya ay nabigla. Tumingin siya kay Romeo na puno ng pagtataka.'Ang batang ito ay talaga namang alamat.'Ang Elevation Method ay labis na mahirap matutunan. Sa loob ng ilang libong taon, iilang tao lamang sa Holy Saint Sect ang nakapag-cultivate ng ganitong pamamahagi.Nakamit ng batang iyon ang ikatlong antas sa loob lamang ng tatlong buwan.'Ito'y hindi kapani-paniwala.'Bagaman mukhang dalawang taong gulang si Romeo, nagtataglay siya ng kaluluwa ni Archfiend Antigonus, ngunit hindi ito alam ni Dongbin.Subalit, hindi pa n
Tumingin si Circe at Romeo sa isa't isa nang marinig ang sigaw."Ate, mukhang may nangyayari sa harap," sabi ni Romeo habang pinapabilis ang kanyang lakad patungo roon.Sumigaw si Circe, "Dahan-dahan!" Sumunod siya kay Romeo.Mabilis nilang narating ang gubat at natuklasan ang isang babaeng taganayon na umiiyak habang nakasandal sa puno. May basket ng mga gamot sa kanyang tabi. Halatang pag-aari ito ng mga taganayon na lumabas para magtipon ng mga halaman.Ang babae ay nagdadalamhati. Pula ang kanyang mga mata, at may mga dugo sa kanyang katawan. Mukhang dumaan siya sa isang mapanganib na sitwasyon.Kunot-noo si Circe at tinanong, "Ginang, ano ang nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?"Agad na hinampas ni Romeo ang kanyang dibdib, parang matanda. "Huwag kang matakot. Tutulungan ka namin."'Tutulungan ako?'Nagulat ang babae, at ipinaliwanag habang umiiyak. "Kinuha ng malaking ahas ang aking anak."Pagkatapos, itinuloy ni Gillian ang kanyang pag-iyak habang ipinaliwanag ang nangya