Mabilis na kumalma si Bosco.'Masyadong may kumpyansa sa sarili tong si Moriri. Bakit di nya kagad sinara yung acupoint ko pagkatapos nya kong mahuli? Sa tingin nya ba mapapasuko nya ko ng espada lang?"'Oo nga pala. Dati nun, tinanggal ni Kye yung kapangyarihan ko. Malamang iniisip ni Moriri na baldado parin ako.'Habang nag-iisip sa kaniyang sarili, palihim na nakaramdam ng pananabik si Bosco."Haha..."'Kung iniisip ni Moriri na wala akong silbi, baka magkaroon ako na chansa na atakihin sya kapag pinabayaan nya yung depensa nya.'"Yung ilan sa inyo!"Habang palihim na nakakaramdam ng pananabik si Bosco, sinabi ni Moriri sa mga elite na disipulo na, "Ihagis nyo yung mga espada nyo sa sahig tapos umatras kayo ng sampung hakbang."Tama si Bosco. Iniisip ni Moriri na walang kakayahang umatake si Bosco at iilan lamang mga disipulo ang kaya siyang atakihin.'Eto...'Nagkatitigan ang ilang mga elite na disipulo, at nag-aalangan. Hindi nila inaakalang pagbabantaan sila ni Moriri g
"Tingin mo ba walang akong silbi? Ang tanga-tanga mo naman!"Kamanteng si Bosco habang nagsasalita.Nang marinig ito ni Moriri, nanginginig siya at hindi makapaniwala. 'Talagang mahusay si Dewey dahil pinayagan niyang magcultivate ulit si Bosco.'Nagsisisi rin si Moriri.'Masyado akong nagpabaya. Hindi sana nangyayari ito kung mas maingat ako at sinigurado ko na isarado ang mga acupuncture points niya.'Habang iniisip ni Moriri ang mga bagay na iyon, patuloy na kinukutsya siya ni Bosco. "Ano ngayon? Hindi pa huli ang lahat para sumama ka sa amin, Moriri."Habang nagsasalita si Bosco, hindi niya maiwasang suriin si Moriri mula ulo hanggang paa.'Ang sexy talaga ng babaeng ito. Kailangan kong mapaakin siya...'"Umalis ka!" Sigaw ni Moriri na puno ng pandidiri, "Sinasabi ko na, hindi ako makikisabwatan sa'yo." Matikas ang tono niya sa pagkakasabi."Sige, sige..." Alam ni Bosco na tatanggihan siya. Hindi siya nagalit, at sa halip ay ngumisi. "Moriri, kung hindi mo pinahahalagahan
Nabigla si Circe dito.Itinuturing si Circe bilang isang alamat. Noon, sa pamilyang Lange, siya ang pinakamahusay sa lahat ng miyembro. Ngunit kumpara kay Romeo, siya'y pangkaraniwan lamang.Tahimik na sinusuri ni Circe ang ekspresyon sa mukha ni Dongbin habang iniisip ito.Inutusan ni Dongbin si Circe na agad mag-ulat sa kanya kapag matagumpay na nakabuwelo si Romeo sa ikatlong antas ng Elevation Method.'Ano?'Narinig ni Dongbin ang sinabi ni Circe, at siya ay nabigla. Tumingin siya kay Romeo na puno ng pagtataka.'Ang batang ito ay talaga namang alamat.'Ang Elevation Method ay labis na mahirap matutunan. Sa loob ng ilang libong taon, iilang tao lamang sa Holy Saint Sect ang nakapag-cultivate ng ganitong pamamahagi.Nakamit ng batang iyon ang ikatlong antas sa loob lamang ng tatlong buwan.'Ito'y hindi kapani-paniwala.'Bagaman mukhang dalawang taong gulang si Romeo, nagtataglay siya ng kaluluwa ni Archfiend Antigonus, ngunit hindi ito alam ni Dongbin.Subalit, hindi pa n
Tumingin si Circe at Romeo sa isa't isa nang marinig ang sigaw."Ate, mukhang may nangyayari sa harap," sabi ni Romeo habang pinapabilis ang kanyang lakad patungo roon.Sumigaw si Circe, "Dahan-dahan!" Sumunod siya kay Romeo.Mabilis nilang narating ang gubat at natuklasan ang isang babaeng taganayon na umiiyak habang nakasandal sa puno. May basket ng mga gamot sa kanyang tabi. Halatang pag-aari ito ng mga taganayon na lumabas para magtipon ng mga halaman.Ang babae ay nagdadalamhati. Pula ang kanyang mga mata, at may mga dugo sa kanyang katawan. Mukhang dumaan siya sa isang mapanganib na sitwasyon.Kunot-noo si Circe at tinanong, "Ginang, ano ang nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?"Agad na hinampas ni Romeo ang kanyang dibdib, parang matanda. "Huwag kang matakot. Tutulungan ka namin."'Tutulungan ako?'Nagulat ang babae, at ipinaliwanag habang umiiyak. "Kinuha ng malaking ahas ang aking anak."Pagkatapos, itinuloy ni Gillian ang kanyang pag-iyak habang ipinaliwanag ang nangya
Bukod pa doon, ang buong lambak ay may malakas na amoy ng dugo.Naging alerto si Circe pagkakita niya sa sitwasyon at sinabing, "Mukhang dito nakatira ang malaking ahas. Mag-ingat tayo."'Magaling!' Hindi kinakabahan si Romeo. Sa halip, siya'y nasasabik. "Ate, hanapin natin ang malaking ahas. Pagkatapos patayin ito, mayroon tayong inihaw na karne ng ahas!"Nasasabik ang hitsura ni Romeo.Kung may ibang tao na makakarinig ng kanyang sinabi, matitigilan sila. Dalawang taong gulang pa lamang si Romeo, ngunit iba ang kanyang pananalita kumpara sa ibang mga bata.Nabalisa si Circe at sinabi. "Tumigil ka na sa kakulitan at sundin mo ang mga sasabihin ko, ha?""Oo!" Agad na tumango si Romeo, na ikinagulo pa lalo ng loob ni Circe.Pagkatapos, dahan-dahang naglakad ang dalawa patungo sa ikalaliman ng lambak.Biglang tumigil si Romeo at nakinig nang maayos. "Ate, may mga tao malapit." Tapos ay giniling niya ang kanyang ulo at tumingin sa kaliwa.May talento siya; naririnig niya ang ma
Nang makita ng ahas sina Circe at Romeo, tumayo ang katawan nito at nilabas niya ang kayang pangil na may kamandag, miski ito ay mahahalintulad sa kulya ng pulang rosas, habang ito ay gumagawa ng tunog mula sa kanyang bibig."Ahas!" Sigaw ni Tigi na halos himatayin sa takot habang sumisigaw.Nabigla rin si Circe. Una, iniisip niya na karaniwang ahas lang ito, pero mas malakas pala ito kaysa sa inaasahan niya. Naramdaman niyang may mga kakayahan ang ahas na kahit papaano ay nasa huling yugto ng antas ng Martial King.Alam ni Circe na kaya niyang harapin ang ahas, pero hindi siya sigurado kung matitityak niya ang kaligtasan ni Tigi.Pagkatapos, sinabi ni Circe, "Junior Brother, dalhin mo si Tigi at umalis ka. Ako na ang bahala dito. Bilis!" Matapos ang masusing pagsusuri, ito ang naging desisyon niya."Wala kang magagawa!" Gayunpaman, tumangi tugon si Romeo. "Lalabanan ko din ang ahas." Habang nagsasalita, seryoso niyang tinitigan ang ahas.'Pagkatapos ng ilang buwang pag-aaral
Pagkatapos niya itong talunin, nagka pira piraso ng katawan ng ahas at bumagsak ito sa lupa. Tumalsik ang dugo sa buong lambak, na para bang naging slaughterhouse ang anyo at amoy.Si Circe ay labis na nabigla. 'Mukhang wala akong dapat ipag-alala. Nakalimutan ko sandali na sobrang lakas ni Romeo kahit bata pa siya.'Si Tigi ay ganon din, nakatulala. Tinitigan niya si Romeo, na gulat. 'Ang galing niya! Napakadaling niyang pinatay ang malaking ahas.'Si Romeo ay tumawa at nagdiwang. "Lutuin na natin ang karne nito." Pagkatapos, kumuha siya ng mahabang espada, pinutol ang buntot ng ahas, at nagpatong ng apoy para iroast ang karne ng ahas.Pakiramdam ni Romeo ay parang nanggaling sila sa isang pangangaso.Agad-agad, naglabasan ang sebo at ang bango ng karne ng ahas ay kumalat sa buong lambak.Kinagat ni Romeo ang karne at nagputol ng dalawang piraso para kina Circe at Tigi. "Masarap ang lasa ng karne ng ahas. Senior Sister, kumuha ka rin."Tumango si Circe, kinuha ang karne, at k
"Ang Togo Tribe?"Nagtanong si Romeo na may kuryosidad, "Ano 'yung Togo Tribe?" Dalawang taong gulang pa lamang siya. Kaunti lang ang kanyang alam at curious siya sa lahat.Huminga si Circe at ipinaliwanag sa kanya ang tungkol sa Togo Tribe.Pagkatapos, sinabi ni Romeo, "Senior Sister, ang galing mo. Ang dami mong alam.""Naks!" Tinakpan ni Circe ang kanyang bibig habang ngumiti. "Tigil-tigilan mo na ang pagbola. Tingnan ko muna kung ano ang nakasulat dito."Lumapit si Circe sa pader at nagsimulang basahin nang malakas, "Ako, si Marcelli Schrader, ang unang hari ng Togo Tribe, ay nakakita ng mga lihim at mamamatay na. Dito ko ililibing kasama ang mga kayamanan ng Togo Tribe."Sa hinaharap, ang aking mga kababayan ay makikita ang mga kayamanang ito at magpapatuloy sa mga susunod na henerasyon ng Togo Tribe."Kung may taong hindi kabilang sa tribo ang magbubukas ng kayamanan, siya'y mamamatay ng malungkot na kamatayan."Matapos basahin ang nakasulat sa pader, nagmukhang naguguluh