Wala gaanong reaksiyon si Ozo at ang mga bandido sa mga sinabi ni Darryl, at kalmado ang kanilang mga ekspresyon.Kung tutuusin, makatarungan para sa isang anak na hilutin ang kaniyang tatay pagkatapos ng mahabang araw.Gayunpaman, nanginig si Lilo sa mga sinabi nito, at namula ang kaniyang mukha sa kahihiyan.Nawawala na sa kontrol si Darryl. Sapat na ang samantalahin niya ito sa salita. At eto siya ngayon, sinusubukang hilutin siya nito? Anong iniisip niya?"Haaay!"Nagpakita ng matinding kalugmokan na ekspresyon si Darryl sa mukha ni Lilo na nag-aalangan. "Parang di parin ako nakikita ng anak ko bilang tatay nya." Habang nagsasalita siya, nagpakita siya ng matinding kalungkutan na ekspresyon.Habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin, napatingin si Ozo at ang mga bandido kay Lilo na may hindi mabasang mga ekspresyon. Naimpluwensyahan sila ng mga salita ni Darryl at naramdaman nila na may hindi pa rin pagkakaintindihan ang dalaga sa kaniyang sariling tatay.Ano...N
"Ikaw..."Halos nanginginig na si Lilo sa galit. Mumurahin na sana niya ito ng malakas ngunit nagawa pa rin niyang mapigilan ang kaniyang sarili sa pinakahuling segundo.Gayunpaman, nakapagdesisyon na siya.Ang lakas ng loob ni Darryl na gamitin ang bawat pagkakataon na meron siya para mapahiya at samantalahin niya ito? Sa susunod na nasa kaniyang awa siya nito, siguradong hindi niya na ito palalampasin.Sa kaniyang pag-iisip, dahan-dahang lumapit si Lilo. Lumuhod siya sa harapan ni Darryl, itinaas ang kaniyang mga kamay at sinimulang hilutin ng mahina ang mga binti nito.Whew...Nakahinga ng maluwag si Darryl noon, at ipinagpatuloy ang pakikipag-inuman at biruan kay Ozo.Makalipas ang isa pang oras, nakita ni Darryl na dumidilim na ang mga kalangitan at bumangon siya para magpaalam kay Ozo. "Kelangan ko nang umalis, Brother. Dahil desidido ka nang di na muling pumasok sa wandering world, di narin ako magbibigay ng kalungkutan sa napagdesisyunan mo.""May mga kelangan pa kong d
Galit na galit si Lilo ngunit hindi niya alam kung ano kaniyang gagawin.Sa katunayan, iniisip lamang ni Lilo na kaunti lamang ang kaalaman ni Darryl sa mga pormasyon noon pa man at kaya inabuso niya ito nang walang anumang pagsisisi. Sa saglit na iyon, narealize niyang isang tagong elite pala ang lalaking iyon. Napabuntong-hininga si Darryl nang makita niyang natulala ito. "Sige. Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Dito na lang tayo maghiwalay ng landas."Agad namang tumalikod si Darryl at umalis.Sa sandaling iyon, pinagmamasdan ni Lilo ang pag-alis ni Darryl, at mukha siyang kinakabahan. Sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng kahihiyan at galit sa kaniyang sarili. Kasabay nito, nakaramdam din siya ng pagkatalo..."Darryl!" Dahan-dahang kumalma si Lilo makalipas ang ilang segundo at sumigaw ng, "Maghintay ka. Pagbabayarin kita sa mga ginawa mo ngayon."...Sa Emerald Cloud City...Sa loob ng isang kuwarto sa side hall ng pansamantalang palasyo, nakahiga roon si K
Gumaan ang kalooban ni Moriri. Tumigil siya sa pagtanggi kay Shea at kinuha ang Firefox.Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam sa isa’t-isa sina Moriri at Shea, at mabilis na umalis si Moriri sa pansamantalang palasyo.Matapos makalabas sa pansamantalang palasyo, tumawid si Moriri sa tubig at nakarating sa hilaga ng pampang. Malinaw niyang naalala pagkatapos lumabas mula sa lihim na landas, na pinamunuan ni Darryl ang mga tao sa kagubatan sa hilagang pampang. Alam ni Moriri na nasa bundok pa rin si Darryl.Gayunpaman, mayroong kumplikadong kapaligiran ang bundok, at napakaraming mga puno. Bukod pa dito, hindi pamilyar si Moriri sa kapaligiran nito. Ilang oras siyang naglibot ngunit wala itong naging resulta.Sa sandaling iyon, nakahanap si Moriri ng damuhan at nagpahinga. Mukha siyang pagod.Kasabay nito, lubos siyang nag-aalala.'Di ko mahanap si Darryl. Ano kayang gagawin ko?''Di kaya... nasa panganib si Darryl?''Di... di naman siguro. Tsaka, malakas naman si Darryl. Halo
"Bakit may palatandaan ng snowflake dito? Tsaka... parang kakaukit lang nito."Kaagad noon, nagmadaling lumapit si Bosco at ang iba pang mga disipulo.Talaga ngang may nakita silang inukit na snowflake sa puno. Malinis ang pagkakaukit dito, at malinaw na inukit ito gamit ang isang matalas na kagamitan.Nagsimulang mag-usap saglit ang ilang mga disipulo."Di naman gaanong nadadaanan yung lugar na to. Bakit magkakaroon ng mga palatandaan dito?""Di kaya may tao kanina dito?"Habang nagdududa ang ilang mga disipulo, tinitigan ni Bosco ang palantaan ng snowflake, at mukhang kalmado. Ngunit sa kaniyang kaloob-looban, nakaramdam siya ng pagkagulat at kasabikan."Haha..." Kumalma sa kaniyang pag-iisip si Bosco, at hindi niya naiwasang matawa. "Meron na tayong ideya ngayon. Mukang sweswertehin tayo ngayon araw."Hindi naintindihan ng iba ang palantandaan na iyon, ngunit agad na naisip ni Bosco si Moriri.Sa lahat ng mga taon na iyon, ilang beses nang nakipagtulungan si Bosco kay Morir
Nang magsalita si Bosco, mukha siyang puno ng pagmamalaki, at kasabay nito, napansin niya ang pagbago sa ekspresyon ng mukha ni Moriri.'Buwisit!'Nang marinig iyon, nanginig si Moriri, at mukha siyang naguguluhan.'Buwisit talaga tong hayop na to. Nakita nya yung mga markang iniwan ko!'"Heh!" Habang nakikita ang pagbago ng mukha ni Moriri, mas lalong nasigurado ni Bosco ang kaniyang akala at napahagikgik. "Ano? Tama ba ko. Moriri, alam mo naman kung ano yung nararamdaman ko para sayo. Bakit di mo ko samahan sa pagsunod sa Sect Master Pebblestone?""Base sa kakayahan mo, siguradong papaboran ka ng Sect Master Pebblestone kung susunod ka sa kanya. Baka gawin ka pa nyang Great Elder."Pagkatapos noon, tumingin si Bosco kay Moriri na may inaasahan.Nang marinig iyon, naging seryoso ang mukha ni Moriri. Hindi niya napigilang pasigaw na sabihing, "Walanghiya kang lalaki ka. Dati nun, naawa yung Master sa buhay mo, tapos ngayon babayaran mo ng kasamaan yung ginawa nya para sayo. Nagi
Mabilis na kumalma si Bosco.'Masyadong may kumpyansa sa sarili tong si Moriri. Bakit di nya kagad sinara yung acupoint ko pagkatapos nya kong mahuli? Sa tingin nya ba mapapasuko nya ko ng espada lang?"'Oo nga pala. Dati nun, tinanggal ni Kye yung kapangyarihan ko. Malamang iniisip ni Moriri na baldado parin ako.'Habang nag-iisip sa kaniyang sarili, palihim na nakaramdam ng pananabik si Bosco."Haha..."'Kung iniisip ni Moriri na wala akong silbi, baka magkaroon ako na chansa na atakihin sya kapag pinabayaan nya yung depensa nya.'"Yung ilan sa inyo!"Habang palihim na nakakaramdam ng pananabik si Bosco, sinabi ni Moriri sa mga elite na disipulo na, "Ihagis nyo yung mga espada nyo sa sahig tapos umatras kayo ng sampung hakbang."Tama si Bosco. Iniisip ni Moriri na walang kakayahang umatake si Bosco at iilan lamang mga disipulo ang kaya siyang atakihin.'Eto...'Nagkatitigan ang ilang mga elite na disipulo, at nag-aalangan. Hindi nila inaakalang pagbabantaan sila ni Moriri g
"Tingin mo ba walang akong silbi? Ang tanga-tanga mo naman!"Kamanteng si Bosco habang nagsasalita.Nang marinig ito ni Moriri, nanginginig siya at hindi makapaniwala. 'Talagang mahusay si Dewey dahil pinayagan niyang magcultivate ulit si Bosco.'Nagsisisi rin si Moriri.'Masyado akong nagpabaya. Hindi sana nangyayari ito kung mas maingat ako at sinigurado ko na isarado ang mga acupuncture points niya.'Habang iniisip ni Moriri ang mga bagay na iyon, patuloy na kinukutsya siya ni Bosco. "Ano ngayon? Hindi pa huli ang lahat para sumama ka sa amin, Moriri."Habang nagsasalita si Bosco, hindi niya maiwasang suriin si Moriri mula ulo hanggang paa.'Ang sexy talaga ng babaeng ito. Kailangan kong mapaakin siya...'"Umalis ka!" Sigaw ni Moriri na puno ng pandidiri, "Sinasabi ko na, hindi ako makikisabwatan sa'yo." Matikas ang tono niya sa pagkakasabi."Sige, sige..." Alam ni Bosco na tatanggihan siya. Hindi siya nagalit, at sa halip ay ngumisi. "Moriri, kung hindi mo pinahahalagahan