"Ang sama mo talaga."Biglang nahiya at nainis si Lilo nang mapansin niyang patuloy siyang tinitingnan ni Darryl. "Paano siya makakatingin sa'kin ng ganun habang nasa panganib siya?"Galit na galit si Lilo, pero hindi siya pumutok sa galit. Sa halip, inirap niya si Darryl, "Maganda ba ako?"Nagising si Darryl at sabi na medyo nahihiya, "Ipinanganak kang maganda. Siyempre, maganda ka."Hindi niya maiwasang bulong sa kanyang sarili.Kakaiba ito, hindi siya nagalit. Nakakuha na ba siya ng konsensiya?May ngiti ng kasiyahan sa mukha ni Lilo, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng walang-kasabi-sabing pagkadismaya. Malamig niyang sinabi, "Mas mainam na tignan mo na ngayon, dahil wala ka nang pagkakataon sa hinaharap."Umiwas siya at naglakad patungo sa Camellia Loft."Tangina! Hindi maganda ang mga pangyayari."Nagkaroon ng masamang kutob si Darryl.'Akala ko nagbago siya. Mukhang masyado akong nag-isip. Kasing-tindi pa rin niya ng ugali ni Lola Rafflesia. Hindi ko alam kung paano
"Gusto mong buksan ang iyong mga acupoints?"Pinagmamasdan niya si Darryl. Tumuya siya nang mapansin na sinusubukan nitong buksan ang kanyang mga acupoints. Tapos, mabilis siyang tumayo at itinaas ang kanyang kamay para takpan ang iba't ibang acupoints sa katawan ni Darryl.Nanginig ang katawan nito; hindi na siya makagalaw.Tila galit na galit si Darryl habang minumura ito sa kanyang isipan. 'Anong klaseng babae ito! Gagamitin mo ba ang mga taktika mo sa akin?'Pumalakpak si Lilo at sinabi, "Nahulog ka sa aking mga kamay, gusto mo pa bang tumakas? Kayang-kaya mo ba 'yun? Dito ka na lang at maging aso kong bantay."Bigla na lamang nagbago ang tono ni Lilo. "Hindi, mas tapat ang mga aso. Ikaw, makasarili at walang hiya, paano ka matatawag na aso? Para kang ipis."Huminga nang malalim si Darryl at sinabi, "Hindi rin mas maganda ang pag-uugali mo kesa sa akin. Maganda ka sa panlabas, pero ang puso mo parang ahas o skorpyon. Sa palagay ko, hindi ang gamot ng iyong guro ang tumaboy sa
Nangibabaw ang galit kay Darryl. Nabulag ang kanyang mga mata, at kinailangan niyang tiisin ang tortyur—walang sinuman ang makakatiis nito.Makamandag ang kanyang mukha habang minumura siya. Kinakain ng antidote ang kanyang mukha. Nagdilim ang kanyang paningin, at pula ang kanyang mga mata. Nakakatakot siyang tingnan."Bakit mo ba ako sinisigawan—"Malapit nang sumabog si Lilo sa tuloy-tuloy na pagmumura sakanya ni Darryl. Sa galit niya, pinaghahampas niya ito ng sobrang lakas.Sa loob ng ilang saglit, puno ng sugat ang katawan ni Darryl. Natapyas ang kanyang mga damit. Ang dugo ay nagkalat at bumalot sa buong katawan niya. Gayunpaman, mayabang pa rin siyang tingnan.'Sira-ulo ang lalaking ito!' Nagulat si Lilo. 'Bakit hindi siya sumusuko kahit gaano siya ka-grabe na pinahirapan?'Sa wakas, napagod na rin si Lilo sa pamamalo kay Darryl, ngunit walang nakakaalam kung gaano katagal iyon. Pawis na pawis siya. Masakit ang kanyang mga braso. May dugo sa latigo. Itinapon niya ito sa is
Nang ilagay ang bilog na tabla ng kahoy sa likod ni Darryl,humakbang siya paatras para tignan ang kanyang obra maestra.Pumalakpak siya habang tumatawa. "Mabahong pagong, para ka talagang totoo!"Sinadya niyang asarin si Darryl. "Ano sa palagay mo? Sa tingin ko, saktong sakto ang shell na napili ko para sayo. Hindi ka karapat-dapat maging aso. Karapat-dapat ka maging pagong."Pagkatapos niyon, tumalon siya sa tabla ng kahoy at sinadyang tinapakan ito.'Put*ng ina mo!' Galit na galit si Darryl. 'Kaya pala dinala niya ito rito para lang kutyain ako. Pero kailangan kong aminin, marami siyang ideya.'"Hindi na ako magtatanong ulit!" Patuloy na tinatapakan ni Lilo ang tabla habang galit na nagtatanong, "Mabahong pagong ka! Susuko ka na ba o hindi?"'Put*ng ina!' Nagliyab ang apoy sa puso ni Darryl. Gusto niyang sumagot, pero naisip niya na aamin siyang pagong kung sasagot siya.Pinili niyang wag pansinin ito.Matapos ang ilang sandali, nainip siya dahil walang reaksyon si Darryl. Pa
Tinanong ni Haring Astro ang dalawang babae na may malalim na interes sa kanyang mga mata.Si Yankee ay pinapanood ang dalawang babae habang naghihintay ng kanilang sagot.Mabilis na sumagot si Shea, "Upang sagutin ang iyong tanong, Mahal na Hari. Binigay sa amin ni Darryl ang token. Kami ay mga kasapi ng Heaven Deviation Path ..."'Heaven Deviation Path?' Nagulat sina Haring Astro at Yankee.Hindi maganda ang impresyon ng Daim Dynasty sa Heaven Deviation Path. Bagaman mas mabuti ang sitwasyon sa mga nakaraang taon, itinuturing pa rin ng royal family ang Heaven Deviation Path bilang kalaban."Kadakilaan, Haring Astro!" Biglang naglakad pasulong si Moriri at lumuhod sa sahig. "Mangyaring iligtas ang aming sektang Master."Kwento niya ang mga nangyari sa kanilang altar ng sektang ito sa lungsod at sumagot sa kanilang mga tanong. Hindi niya binanggit na sina Kye at Darryl ay magkaibang magkapatid.Matalino si Shea. Alam niya na ilalagay niya sa mahirap na sitwasyon si Darryl kung b
Nahiga si Lilo sa platapormang bato. Hinubad niya ang kanyang pantulog at ipinakita ang kanyang perpektong kurba sa ilalim ng liwanag ng buwan. Ang liwanag ng buwan ay kumislap sa kanyang katawan at lumikha ng magandang halo.Isinara niya ang kanyang mga mata habang itinaas ang kanyang kamay para tamasahin ang paliligo sa ilalim ng buwan.'Anong kalokohan 'to!' Gumulong ang isipan ni Darryl. 'Ano ang ginagawa niya sa platapormang bato sa oras na dapat ay natutulog siya? At…hubo’t hubad siya...'Habang nagugulat si Darryl, may butas na lumitaw sa paligid ni Lilo. Sumunod, nagsimulang tumipon ang esensya ng buwan at pumasok sa kanyang katawan.Tahimik na namangha si Darryl habang tinitingnan siya. Agad niyang naunawaan ang nangyayari. Sumisipsip si Lilo ng esensya ng buwan para mapabuti ang kanyang "cultivation."Mayroong trilyun-trilyong pamamahagi ng "cultivation" sa mundo. Marami ang unti-unting umuusad, samantalang ilan ay nangangailangan ng pagsipsip ng hangin ng Langit at Lupa
Mabilis ang mga kalalakihan. Sa isang kisapmata, nasa itaas na sila ni Darryl.Ang lider ay nasa apatnapu't isang taon ang gulang. May balbas siya, at ang kanyang mga mata ay kumikinang ng talim na nagpapalayo sa mga tao sa pagtingin sa kanya. Namumutawi rin ang kanyang malakas na aura. Hindi rin mahina ang kanyang mga kasamahan. Lahat sila ay nasa ika-walong baitang, sa average.'Tangina!' Gulat na gulat si Darryl nang makita ang dami ng mga elitistang nanduon. 'Kasama rin ba sila ni Granny Rafflesia?' naisip niya ng may awa.Kung ganun nga, wala siyang laban. Kahit na na-unseal niya ang lahat ng kanyang acupoints, kalahating bawi lang ang kanyang fairy soul power. Hindi sila ang katapat niya.Nadama ni Lilo ang panganib at agad na binuksan ang kanyang mga mata. Mukha siyang apektado nang makita ang dami ng mga elitistang nandun. Tumayo siya, mabilis na sinuot ang kanyang panggabi, at sinermunan ang lider na may balbas. "Sino ka? Paano mo nasilayan ang Goose Landing? Dito ka ba pa
Tama ang lalaking may balbas—hindi kalaban ni Lilo si Floyd Macina.Sa sandaling iyon, nagmula sa loob ng Camellia ang boses ni Lola Rafflesia. "Isa kang matanda sa mundo ng mga taga-cultivate. Dapat mong ikahiya ang pagbully sa isang bata."Biglang sumabog ang isang makapangyarihang aura mula sa struktura pagkasambit ng huling salita. Lumipad si Lola Rafflesia at bumagsak sa may pintuan.Tuwing makita si Lola Rafflesia, tuwang-tuwa si Lilo. "Master!"Matalim siyang sumilay sa lalaking may balbas at sa iba. "Mamamatay kayong lahat. Putulin ko ang inyong mga kamay at paa!" Kasing yabang pa rin siya tulad ng dati.Iniisip niya na si Lola Rafflesia ang pinakamalakas. Walang makakatalo sa kanya, kahit pa marami ang kanyang kaaway.Naglaan ng pansin ang lalaking may balbas at ang iba kay Lola Rafflesia, at wala sa kanila ang nag-alintana kay Lilo, lalo na ang lalaking may balbas. Punong-puno ng galit at pagkapoot ang kanyang mga mata. Para bang nais niyang kainin si Lola Rafflesia.T