Tama ang lalaking may balbas—hindi kalaban ni Lilo si Floyd Macina.Sa sandaling iyon, nagmula sa loob ng Camellia ang boses ni Lola Rafflesia. "Isa kang matanda sa mundo ng mga taga-cultivate. Dapat mong ikahiya ang pagbully sa isang bata."Biglang sumabog ang isang makapangyarihang aura mula sa struktura pagkasambit ng huling salita. Lumipad si Lola Rafflesia at bumagsak sa may pintuan.Tuwing makita si Lola Rafflesia, tuwang-tuwa si Lilo. "Master!"Matalim siyang sumilay sa lalaking may balbas at sa iba. "Mamamatay kayong lahat. Putulin ko ang inyong mga kamay at paa!" Kasing yabang pa rin siya tulad ng dati.Iniisip niya na si Lola Rafflesia ang pinakamalakas. Walang makakatalo sa kanya, kahit pa marami ang kanyang kaaway.Naglaan ng pansin ang lalaking may balbas at ang iba kay Lola Rafflesia, at wala sa kanila ang nag-alintana kay Lilo, lalo na ang lalaking may balbas. Punong-puno ng galit at pagkapoot ang kanyang mga mata. Para bang nais niyang kainin si Lola Rafflesia.T
Si Granny Rafflesia ay umirap at nagsalita nang may pagmamaliit. "Nakakatakot na wala kang kakayahang patayin ako. Papadala kita sa impyerno upang magkasama kayo ng iyong kapatid."Gumawa siya ng hakbang at muli siyang nakipaglaban kay Floyd.Matibay si Floyd, ngunit hindi siya kasing lakas ni Granny Rafflesia. Ang kanilang mga katawan ay muling nagbanggaan sa kalangitan. Pagkatapos ng ilang beses, maliwanag na pinipigilan siya ni Granny Rafflesia."Floyd, kapatid ko, darating kami upang tulungan ka!""Mamamatay ka, matandang bruha!"Agad na kumilos ang mga kasamahan ni Floyd at inatake si Granny Rafflesia.Malakas din sila. Habang sila'y lumalaban, ang kalangitan sa gabi ay napilipit, ipinapakita ang kanilang kapangyarihan.Agad silang nagtipon-tipon at kinulong si Granny Rafflesia.'Lalong nagiging kawili-wili ito.' Si Darryl ay lubos na na-excite sa nakita. Kinihimas-himas niya ang kanyang kamao. Muntik nang mamatay ang kanyang sinumpaang kapatid, at si Granny Rafflesia ang
"Master, mag-ingat po kayo!" Sigaw ni Lilo habang dumudulong si Floyd. Mukha siyang nababahala.Huminga nang malalim si Granny Rafflesia at sumigaw, "Huwag mo akong alalahanin. Tumakbo. Pumunta ka sa iyong ate. Bilis!"Itinuloy niya ang laban kay Floyd at sa iba pa.Bagaman tahimik ang kanyang itsura, ramdam niya ang kaba. Hindi siya nababahala para sa kanyang sarili. Sa halip, si Lilo ang kanyang iniintindi.Maganda ang teamwork ni Floyd at ng kanyang mga kasama. Hindi mataas ang tsansa niyang manalo, at kailangan niyang alalahanin ang kaligtasan ni Lilo. Kung makakalabas si Lilo, hindi na siya mag-aalala."Hindi!" Umayaw si Lilo habang umaalog ang kanyang ulo. "Hindi ako aalis. Gusto kong manatili rito at lumaban kasama mo."Kinuha niya ang mahabang espada mula sa lupa at tumulong muli sa kanyang guro."Hinto!" Bago pa marating ni Lilo ang lugar ng labanan, pinagalitan siya ni Granny Rafflesia. "Paano mo ako hindi susundin? Umalis ka! Kung hindi, itatakwil kita!"Mahigpit at
“Hayop na tortoise ito! Tara na!”Nang hindi makapagsalita si Darryl, hindi na naiwasan pang sumigaw ni Lilo. “Ano pang hinihintay mo riyan? Gusto mo bang mamatay?” Nainis ng husto si Lilo noong mga sandaling iyon.Naiisip niya ng patayin ng direkta si Darryl kung wala lang talaga itong pakinabang sa kaniya.Woo!Napahinga naman ng malalim si Darryl. Agad siyang napahawak ng mahigpit kay Lilo habang mabilis siyang tumatakbo papunta sa kakahuyan.Sa totoo lang, nagdadalawang isip siya na pasakayin si Lilo pero kasalukuyang nakaselyo ang kaniyang mga acupoint. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya agad siyang madedehado sa sandaling pumasok siya sa isang laban.At higit sa lahat, hindi na naalis sa kaniyang leeg ang kamay ni Lilo kaya agad siyang mapapatay nito sa sandaling madistract ito ng kahit na kaunti.Kaya hindi na nagawa pang sumugal ni Darryl noong mga sandaling iyon.“Bilisan mong tumakbo. Pakaliwa…”Nakahinga na rin ng maluwag si Lilo nang makita niya
Nang biglang mapatigil si Lilo matapos ang isang segundo. Napakagat siya sa kanyiang labi habang makikita ang magulong emosyon sa kaniyang mukha.Mapapawi ang kaniyang galit sa sandaling patayin niya si Darryl, pero…kasalukuyan pa ring may pilay ang kaniyang mga binti kaya paano na siyang tatakas papunta sa ligtas na lugar ng magisa sa sandaling patayin niya ito?Woo!Agad na pinigilan ni Lilo ang kaniyang galit nang maisip niya iyon habang naiinis nitong sinasabi na, “Sige, hindi na kita uutusan pa ng sobra. Bilisan mo lang sa pagtakbo mo palayo.” Tumingin siya sa kaniyang likuran ng sabihin niya iyon.Nang marinig niya ang mga sinabi ni Lilo, ngumiti naman si Darryl bago niya ito buhatin sa kaniyang likuran at magpatuloy sa pagabante.Habang tumatakbo, nakaramdam si Darryl ng lambot sa kaniyang mga kamay. Hindi na niya naiwasan pang mamangha rito sa kaniyang sarili.Napakaganda ng katawan ng babaeng ito. Napakaganda rin ng kaniyang kutis…Napagtanto rin ni Lilo noong mga sanda
Mabilis na hinabol ng malalakas na tauhan ni Floyd ang dalawa habang sumisigaw.Natural lang na hindi tumigil sa mga ito si Darryl. Habang bitbit niya si Lilo sa kanyiang likuran, mabilis siyang tumakbo paabante.Nabahala naman ng husto si Lilo noong mga sandaling iyon pero hindi pa rin nito nagawang makalimutan ang pagtuturo ng direksyon kay Darryl. “Kumanan ka sa harapan mo at pumasoksa kakahuyan. Dali!”Swoosh!Nang masabi niya iyon, mabilis na kumislap ang imahe ni Darryl papunta sa kakahuyan.Agad namang natigilan si Lilo nang masaksihan niya ang nangyari.‘Nabulag ko na… ang Darryl na ito pero nagawa pa rin niyang tumakbo ng ganito kabilis…’Hmm?Kasunod nito ang pagkunot ng noo ng mga naglalakasang mga tauhan ni Fkiyd nang makita nila ang kakaibang bilis ni Darryl.“Sino ang isang ito? Masyado siyang mabilis!”“Balot na siya ng dugo. Mukhang malalim ang tinamong tama nito pero nagawa pa rin niyang tumakbo ng ganito kabilis.”“Habulin ninyo siya…”Mabilis na hinabot n
Ito na ang katapusan nila. Siguradong mahuhuli na sila sa pagkakataong iyon.Makikita sa kanilang harapan ang isang lugar na punong puno ng hindi bababa sa isang libong mga batong poste. Ang bawat isang poste ay nagkaroon ng diametrong nasa kalahating metro, nagkalat ang mga iyon sa paligid.Nagkaroon ng iba’t ibang taas ang mga batong poste na siguradong nagmula noong unang panahon. Naglabas ang mga ito ng sinauna at abandonadong aura sa malayo.Nagpakita ng desperasyon ang magandang mukha ni Lilo nang makita niya ang mga batong poste.Ito ang natitirang mga bakas ng isang sinaunang sekta. Dahil hindi ito kalayuan sa Goose Landing, nang mamuhay noon ng magisa si Granny Rafflesia sa Goose Landing, nilibot niya ang paligid hanggang sa makita niaa ang lugar na ito. Ang lugar na iyon nap uno ng mga batong poste ay isang formation sa labas ng main altar ng sinaunang sekta. Ilang taon ng sinusubukan ni Granny Rafflesia na lutasin ang formation para makapasok sa main altar pero masyado p
‘Marunong din palang matakot ang mangkukulam na ito.’Habang pasimpleng tumatawa sa kaniyang sarili, nagkunwari si Darryl na walang alam sa mga nangyayari. “Anong mga batong poste? Hindi mo ba narinig na nahabol na tayo ng mga lalaking humahabol sa atin kanina? Mamamatay tayo kung hindi tayo tatakbo mula sa kanila.”Dito na direktang sumugod si Darryl papasok sa mga batong poste.“Ikaw…”Nang maharap siya sa sitwasyong iyon, gusto sana ni Lilo na pigilan siya pero huli na ang lahat. Mangiyak ngiyak na siya sa sobrang pagkabahala noong mga sandaling iyon. “Mangmang ka. Sinusubukan mo ba akong ikulong hanggang sa aking kamatayan?”Hindi na niya naiwasan pang sampalin si Darryl habang sinasabi iyon.Buwisit!Agad namang nagalit dito si Darryl, ‘Sinusubukan lang naman kitang iligtas pero nagawa mo pa rin akong saktan nang hindi alam ang tama at mali.’Nang maisip niya iyon, pinakawalan at ibinaba niya si Lilo. Dito na niya kalmadong sinabi na, “Tumakbo ka magisa mo kung gusto mong