Ito na ang katapusan nila. Siguradong mahuhuli na sila sa pagkakataong iyon.Makikita sa kanilang harapan ang isang lugar na punong puno ng hindi bababa sa isang libong mga batong poste. Ang bawat isang poste ay nagkaroon ng diametrong nasa kalahating metro, nagkalat ang mga iyon sa paligid.Nagkaroon ng iba’t ibang taas ang mga batong poste na siguradong nagmula noong unang panahon. Naglabas ang mga ito ng sinauna at abandonadong aura sa malayo.Nagpakita ng desperasyon ang magandang mukha ni Lilo nang makita niya ang mga batong poste.Ito ang natitirang mga bakas ng isang sinaunang sekta. Dahil hindi ito kalayuan sa Goose Landing, nang mamuhay noon ng magisa si Granny Rafflesia sa Goose Landing, nilibot niya ang paligid hanggang sa makita niaa ang lugar na ito. Ang lugar na iyon nap uno ng mga batong poste ay isang formation sa labas ng main altar ng sinaunang sekta. Ilang taon ng sinusubukan ni Granny Rafflesia na lutasin ang formation para makapasok sa main altar pero masyado p
‘Marunong din palang matakot ang mangkukulam na ito.’Habang pasimpleng tumatawa sa kaniyang sarili, nagkunwari si Darryl na walang alam sa mga nangyayari. “Anong mga batong poste? Hindi mo ba narinig na nahabol na tayo ng mga lalaking humahabol sa atin kanina? Mamamatay tayo kung hindi tayo tatakbo mula sa kanila.”Dito na direktang sumugod si Darryl papasok sa mga batong poste.“Ikaw…”Nang maharap siya sa sitwasyong iyon, gusto sana ni Lilo na pigilan siya pero huli na ang lahat. Mangiyak ngiyak na siya sa sobrang pagkabahala noong mga sandaling iyon. “Mangmang ka. Sinusubukan mo ba akong ikulong hanggang sa aking kamatayan?”Hindi na niya naiwasan pang sampalin si Darryl habang sinasabi iyon.Buwisit!Agad namang nagalit dito si Darryl, ‘Sinusubukan lang naman kitang iligtas pero nagawa mo pa rin akong saktan nang hindi alam ang tama at mali.’Nang maisip niya iyon, pinakawalan at ibinaba niya si Lilo. Dito na niya kalmadong sinabi na, “Tumakbo ka magisa mo kung gusto mong
Nagpakita ng matinding pagkagulat si Darryl sa narinig niyang tanong, itinaas niya ang kaniyang ulo habang nagtatanong siya ng, “Na…nakalabas na tayo?”Kasalukuyang nagpapakita ng nagtatakang itsura ang mukha ni Darryl noong mga sandaling iyon na para bang isang bulag.Napakunot na lang ang noo ni Lilo nang makita niya ang mukha ni Darryl, dito na siya inisip sa kaniyang sarili na, “Maaari kayang sinuwerte lang siya sa lahat ng ito?’Sabagay, bulag pa rin si Darryl. Kahit na mayroon pa siyang kaalaman sa mga formation, hinding hindi niya mahahanap ang daan palabas dito nang hindi nakakakita.Kaya wala na siyang ibang naisip kundi sinuwerte itong makalabas sa formation pagkatapos nilang maglibot ng ilang beses sa paligid.Mukhang ganito nga ang nangyari.Napanguso na lang si Lilo nang maisip niya iyon.Sinuwerte si Darryl. Noong una ay nagawa nitong mailagan ang palasao ng elite na humahabol sa kanila at ngayon ay nagawa naman nitong makalabas sa formation.Nang maisip niya iyon
“Mas mabuti siguro kung manatili na lang tayo rito sa labas ngayong ipinagbabawal ng sekta na dating lumalagi rito na pumasok diyan.”Naging seryoso ang mukha ni Darryl habang nagsasalita.Naglalaman ng Fire Kylin powder ang karamihan sa mga bote at garapon sa paligid habang tuyo naman ang buong gusali na gawa sa bato. Masyado itong mapanganib dahil masyado ito ang perpektong kondisyon para magsimula at lumaki ang isang apoy.Sa totoo lang, pinigilan lang ni Darryl si Lilo dahil ayaw niyang madamay sa pagpapadalos dalos nito.Agad namang nagpakita ng inis ang mukha ni Lilo nang marinig niya ang mga sinabi ni Darryl. Dito na niya naiiritang sinabi na, “Anong ipinagbabawal na lugar? Walang kahit na sino ang nanirahan dito ng mahabang panahon. Wala namang mangyayari sa akin sa sandaling pumasok ako rito.”Tumitig si Lilo kay Darryl habang nasa gitna ng kaniyang pagsasalita. “Wala ka na ring pakialam sa gusto kong gawin.”Hindi na nagaksaya pa ng oras si Lilo nang marinig sa paligid
“Haha!”Hindi naman naiwasan ni Darryl na matawa rito.Kakaiba talaga ang batang babae na ito matapos niyang maisip na matututo ito ng kahit na isang bagay mula sa kaniya matapos nito siyang itorture kagabi.Nang maisip niya iyon, kalmadong sumagot si Darryl ng, “Tanging mga kalalakihan lamang ang may kakayahang gumamit ng aking technique. Siguradong ikamamatay ng isang babae ang pagsasanay dito…”Dito na napatigil sa pagsasalita si Lilo, agad na namutla ang kaniyang mukha sa kaniyang narinig.‘Ano? Hindi maaaring gamitin ng kababaihan ang kaniyang technique sa pagpapalakas… Masusunog na lang baa ko hanggang sa aking kamatayan?’Hindi naman naiwasang mapangiti ni Darryl sa naging sagot ni Lilo. Masyadong walang awa at malupit ang babaeng ito na hindi marunong rumespeto sa kahit na sino kaya kinakailangan niya itong turuan ng leksyon.Nagpatuloy sa pagkalat at paglaki ang apoy. Dito na tuluyang nabasag ang shield ni Lilo, maging ang suot nitong dress ay tuluyan na ring nasunog sa
Bulag din naman si Darryl at wala ring tao sa kanilang paligid.‘Grabe… Napakasarap ng pakiramdam na ito!’Bumalit sa paligid ang amoy ni Lilo habang napapanganga ang nakayakap na si Darryl nang dumampi sa kaniya ang malambot na katawan nito.Napakaganda nga talaga ng katawan ng dalagang ito.Kasalukuyang nakafocus sa apoy ang atensyon ni Lilo kaya hindi na niya napansin ang pagtitig ni Darryl sa kaniya.Okay talaga ito.Nakayanan na ng katawan ni Lilo ang apoy nang yumakap ito kay Darryl na siya ring naramdaman ng dalaga, dito na siya nakahinga ng maluwag sa kaniyang sarili.Dito na tumalikod si Lilo para hikayatin si Darryl, “Dali! Umalis na tayo rito.”Sumagot naman sa kaniya si Darryl, hinawakan niya ito habang tumatakbo sila sa gitna ng apoy. “Sige!”Agad na pinakawalan ni Darryl si Lilo nang makarating sila sa ligtas na lugar.Hindi naman napigilan ni Lilo na tumingin sa batong gusali sa kaniyang likuran habang napapamura niyang sinasabi na, “Kung minamalas ka nga naman
Nang maisip niya iyon, agad na naging confident si Darryl habang nagmamadali siya sa kaniyang paglalakad.Nakalabas na rin siya sa wakas.Sampung minuto ang lumipas bago nakalabas si Darryl sa lagusan. Nakahinga na rin siya ng maluwag nang makita niya ng gubat sa kaniyang harapan.Pagkatapos nito ay nakakita naman siya ng isang maliit na bakanteng lote kung saan siya humiga ng kumportable. Napagod siya matapos matorture ni Lilo ng buong gabi at habulin ng mga elite kanina.Maaaring nakakulong pa sa lugar na iyon ang dalaga kaya hindi na siya nagalala na baka mahanap siya ntio.Ilang saglit pa ay tuluyan ng nakatulog si Darryl.Thump!Habang nasa gitna siya ng pagtulog, isang bagay ang lumipad mula sa malayo na tumama sa mukha ni Darryl.Naguluhan naman dito si Darryl kaya agad siyang napatingin sa kaniyang paligid habang nagtatanong ng, “Sinong naririyan?”Dito na tumama ang kaniyang paningin sa isang imahe na lumalabas sa lagusan na siyang nakapagpatigil sa kaniya.Wala na s
Para kay Lilo, ang kaniyang Master na si Granny Rafflesia ay isang kilalang nilalang sa mundo ng mga cultivator kaya agad na manginginig sa takot ang sinumang makakarinig sa kaniyang pangalan. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala siyang magtatakbukan ang mga bandidong ito.Natawa naman si Darryl sa kaniyang sarili nang marinig niya ang mga salita ni Lilo.Inakala ni Lilo na malakas siya at matatakot ang lahat sa kaniyang Master. Hindi ba niya masabi na walang kinatatakutan ang mga maskuladong bandido na ito ngayong dalawa lang sila laban sa higit sampung bilang ng mga ito?Kagaya ng kaniyang inaasahan, nasa gitna ng pagiisip si Darryl nang sumabog sa katatawa ang isa sa mga bandido.Tiningnan niya si Lilo mula ulo hanggang paa habang natutuwang nanlalaki ang kaniyang mga mata. “Kakaiba ka talagang babae ka, ganda. Sige, sino ang ipinagmamalaki mong master kung ganoon?”Tila walang pakialam at walang inaalala ang itsura ng bandido nang magsalita ito.Malakas namang tumawa ang iba