“Hayop na tortoise ito! Tara na!”Nang hindi makapagsalita si Darryl, hindi na naiwasan pang sumigaw ni Lilo. “Ano pang hinihintay mo riyan? Gusto mo bang mamatay?” Nainis ng husto si Lilo noong mga sandaling iyon.Naiisip niya ng patayin ng direkta si Darryl kung wala lang talaga itong pakinabang sa kaniya.Woo!Napahinga naman ng malalim si Darryl. Agad siyang napahawak ng mahigpit kay Lilo habang mabilis siyang tumatakbo papunta sa kakahuyan.Sa totoo lang, nagdadalawang isip siya na pasakayin si Lilo pero kasalukuyang nakaselyo ang kaniyang mga acupoint. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya agad siyang madedehado sa sandaling pumasok siya sa isang laban.At higit sa lahat, hindi na naalis sa kaniyang leeg ang kamay ni Lilo kaya agad siyang mapapatay nito sa sandaling madistract ito ng kahit na kaunti.Kaya hindi na nagawa pang sumugal ni Darryl noong mga sandaling iyon.“Bilisan mong tumakbo. Pakaliwa…”Nakahinga na rin ng maluwag si Lilo nang makita niya
Nang biglang mapatigil si Lilo matapos ang isang segundo. Napakagat siya sa kanyiang labi habang makikita ang magulong emosyon sa kaniyang mukha.Mapapawi ang kaniyang galit sa sandaling patayin niya si Darryl, pero…kasalukuyan pa ring may pilay ang kaniyang mga binti kaya paano na siyang tatakas papunta sa ligtas na lugar ng magisa sa sandaling patayin niya ito?Woo!Agad na pinigilan ni Lilo ang kaniyang galit nang maisip niya iyon habang naiinis nitong sinasabi na, “Sige, hindi na kita uutusan pa ng sobra. Bilisan mo lang sa pagtakbo mo palayo.” Tumingin siya sa kaniyang likuran ng sabihin niya iyon.Nang marinig niya ang mga sinabi ni Lilo, ngumiti naman si Darryl bago niya ito buhatin sa kaniyang likuran at magpatuloy sa pagabante.Habang tumatakbo, nakaramdam si Darryl ng lambot sa kaniyang mga kamay. Hindi na niya naiwasan pang mamangha rito sa kaniyang sarili.Napakaganda ng katawan ng babaeng ito. Napakaganda rin ng kaniyang kutis…Napagtanto rin ni Lilo noong mga sanda
Mabilis na hinabol ng malalakas na tauhan ni Floyd ang dalawa habang sumisigaw.Natural lang na hindi tumigil sa mga ito si Darryl. Habang bitbit niya si Lilo sa kanyiang likuran, mabilis siyang tumakbo paabante.Nabahala naman ng husto si Lilo noong mga sandaling iyon pero hindi pa rin nito nagawang makalimutan ang pagtuturo ng direksyon kay Darryl. “Kumanan ka sa harapan mo at pumasoksa kakahuyan. Dali!”Swoosh!Nang masabi niya iyon, mabilis na kumislap ang imahe ni Darryl papunta sa kakahuyan.Agad namang natigilan si Lilo nang masaksihan niya ang nangyari.‘Nabulag ko na… ang Darryl na ito pero nagawa pa rin niyang tumakbo ng ganito kabilis…’Hmm?Kasunod nito ang pagkunot ng noo ng mga naglalakasang mga tauhan ni Fkiyd nang makita nila ang kakaibang bilis ni Darryl.“Sino ang isang ito? Masyado siyang mabilis!”“Balot na siya ng dugo. Mukhang malalim ang tinamong tama nito pero nagawa pa rin niyang tumakbo ng ganito kabilis.”“Habulin ninyo siya…”Mabilis na hinabot n
Ito na ang katapusan nila. Siguradong mahuhuli na sila sa pagkakataong iyon.Makikita sa kanilang harapan ang isang lugar na punong puno ng hindi bababa sa isang libong mga batong poste. Ang bawat isang poste ay nagkaroon ng diametrong nasa kalahating metro, nagkalat ang mga iyon sa paligid.Nagkaroon ng iba’t ibang taas ang mga batong poste na siguradong nagmula noong unang panahon. Naglabas ang mga ito ng sinauna at abandonadong aura sa malayo.Nagpakita ng desperasyon ang magandang mukha ni Lilo nang makita niya ang mga batong poste.Ito ang natitirang mga bakas ng isang sinaunang sekta. Dahil hindi ito kalayuan sa Goose Landing, nang mamuhay noon ng magisa si Granny Rafflesia sa Goose Landing, nilibot niya ang paligid hanggang sa makita niaa ang lugar na ito. Ang lugar na iyon nap uno ng mga batong poste ay isang formation sa labas ng main altar ng sinaunang sekta. Ilang taon ng sinusubukan ni Granny Rafflesia na lutasin ang formation para makapasok sa main altar pero masyado p
‘Marunong din palang matakot ang mangkukulam na ito.’Habang pasimpleng tumatawa sa kaniyang sarili, nagkunwari si Darryl na walang alam sa mga nangyayari. “Anong mga batong poste? Hindi mo ba narinig na nahabol na tayo ng mga lalaking humahabol sa atin kanina? Mamamatay tayo kung hindi tayo tatakbo mula sa kanila.”Dito na direktang sumugod si Darryl papasok sa mga batong poste.“Ikaw…”Nang maharap siya sa sitwasyong iyon, gusto sana ni Lilo na pigilan siya pero huli na ang lahat. Mangiyak ngiyak na siya sa sobrang pagkabahala noong mga sandaling iyon. “Mangmang ka. Sinusubukan mo ba akong ikulong hanggang sa aking kamatayan?”Hindi na niya naiwasan pang sampalin si Darryl habang sinasabi iyon.Buwisit!Agad namang nagalit dito si Darryl, ‘Sinusubukan lang naman kitang iligtas pero nagawa mo pa rin akong saktan nang hindi alam ang tama at mali.’Nang maisip niya iyon, pinakawalan at ibinaba niya si Lilo. Dito na niya kalmadong sinabi na, “Tumakbo ka magisa mo kung gusto mong
Nagpakita ng matinding pagkagulat si Darryl sa narinig niyang tanong, itinaas niya ang kaniyang ulo habang nagtatanong siya ng, “Na…nakalabas na tayo?”Kasalukuyang nagpapakita ng nagtatakang itsura ang mukha ni Darryl noong mga sandaling iyon na para bang isang bulag.Napakunot na lang ang noo ni Lilo nang makita niya ang mukha ni Darryl, dito na siya inisip sa kaniyang sarili na, “Maaari kayang sinuwerte lang siya sa lahat ng ito?’Sabagay, bulag pa rin si Darryl. Kahit na mayroon pa siyang kaalaman sa mga formation, hinding hindi niya mahahanap ang daan palabas dito nang hindi nakakakita.Kaya wala na siyang ibang naisip kundi sinuwerte itong makalabas sa formation pagkatapos nilang maglibot ng ilang beses sa paligid.Mukhang ganito nga ang nangyari.Napanguso na lang si Lilo nang maisip niya iyon.Sinuwerte si Darryl. Noong una ay nagawa nitong mailagan ang palasao ng elite na humahabol sa kanila at ngayon ay nagawa naman nitong makalabas sa formation.Nang maisip niya iyon
“Mas mabuti siguro kung manatili na lang tayo rito sa labas ngayong ipinagbabawal ng sekta na dating lumalagi rito na pumasok diyan.”Naging seryoso ang mukha ni Darryl habang nagsasalita.Naglalaman ng Fire Kylin powder ang karamihan sa mga bote at garapon sa paligid habang tuyo naman ang buong gusali na gawa sa bato. Masyado itong mapanganib dahil masyado ito ang perpektong kondisyon para magsimula at lumaki ang isang apoy.Sa totoo lang, pinigilan lang ni Darryl si Lilo dahil ayaw niyang madamay sa pagpapadalos dalos nito.Agad namang nagpakita ng inis ang mukha ni Lilo nang marinig niya ang mga sinabi ni Darryl. Dito na niya naiiritang sinabi na, “Anong ipinagbabawal na lugar? Walang kahit na sino ang nanirahan dito ng mahabang panahon. Wala namang mangyayari sa akin sa sandaling pumasok ako rito.”Tumitig si Lilo kay Darryl habang nasa gitna ng kaniyang pagsasalita. “Wala ka na ring pakialam sa gusto kong gawin.”Hindi na nagaksaya pa ng oras si Lilo nang marinig sa paligid
“Haha!”Hindi naman naiwasan ni Darryl na matawa rito.Kakaiba talaga ang batang babae na ito matapos niyang maisip na matututo ito ng kahit na isang bagay mula sa kaniya matapos nito siyang itorture kagabi.Nang maisip niya iyon, kalmadong sumagot si Darryl ng, “Tanging mga kalalakihan lamang ang may kakayahang gumamit ng aking technique. Siguradong ikamamatay ng isang babae ang pagsasanay dito…”Dito na napatigil sa pagsasalita si Lilo, agad na namutla ang kaniyang mukha sa kaniyang narinig.‘Ano? Hindi maaaring gamitin ng kababaihan ang kaniyang technique sa pagpapalakas… Masusunog na lang baa ko hanggang sa aking kamatayan?’Hindi naman naiwasang mapangiti ni Darryl sa naging sagot ni Lilo. Masyadong walang awa at malupit ang babaeng ito na hindi marunong rumespeto sa kahit na sino kaya kinakailangan niya itong turuan ng leksyon.Nagpatuloy sa pagkalat at paglaki ang apoy. Dito na tuluyang nabasag ang shield ni Lilo, maging ang suot nitong dress ay tuluyan na ring nasunog sa