Share

Kabanata 6720

Pagkatapos ng isang segundo, isang lalaki ang nagmamadaling sumugod papunta sa kaniya. Nagkaroon ito ng makorte at guwapong mukha. Ito ay walang iba kundi si Darryl.

Hindi na nagsayang ng oras pagkatapos niyang gumaling sa pamamagitan ng Blazing Tiger kaya agad na siyang bumalik sa lugar na iyon sa lalong madaping panahon. At nang makalapit siya sa kaniyang pupuntahan, napansin niya ang nakatayo at hindi gumagalaw na si Moriri habang makikita naman sa katawan nito ang isang nakalalasong gagamba.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na pumulot ng bato para patayin ang gagamba.

Nang makarating, tinanggal niya ang selyo sa mga acupoint ni Moriri bago siya magtanong ng, “Ano ang nangyari? Nasaan na ang nakakatanda kong kinakapatid?”

Napatingin siya sa malamig na lawa pero hindi niya nakita rito si Kye. Napansin niya rin ang bakas sa paligid na nagpakita sa labang naganap sa lugar na iyon.

“Si Granny Rafflesia!”

Hindi niya ipinagdiwang ang muling paggalaw ng kaniyang katawan. At sa halip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status