Hindi naman nagaksaya ng oras si Darryl, nagmamadali siyang pumunta sa isang kuwarto sa likuran. Pinunasan naman ni Moriri ang luha sa kaniyang mukha habang sumusunod ito kay Darryl.Ibinaba ni Darryl si Kye nang maisara nila ang pinto, mabilis na ibinandage ng dalawa ang mga sugat ni Kye.“Dali!”Huminga ng malalim si Darryl pagkatapos nito bago siya humarap kay Moriri para sabihing, “Dalhin mo sa akin ang lahat ng spirit herb sa lugar na ito. Nangangailangan din ako ng isang pilak na karayom, dali!”Tumango naman si Moriri habang nagmamadali nitong hinanda ang lahat.Hindi nagtagal ay nagawa na ring madala ni Moriri ang lahat ng hinihingi ni Darryl. Tumango naman ang nakukuntentong si Darryl nang makita niya iyon. Sabagay, masyado talagang marami ang mga herb sa kanilang side altar.Pagkatapos ng isang segundo, dahan dahang nagsalita si Darryl, “Sisimulan ko na ang tinatawag nilang Spirithold Pill. Magbantay ka sa pinto at huwag kang magpapapasok ng kahit na sino.”Naging mahi
Nakita ni Edgar ang pilak na karayom sa kamay ni Darryl na siyang gumulat sa kaniya.Dapat nating malaman na walang kaalaman ang buong kontinente ng Keygate sa acupuncture. Kaya para kay Edgar, parang pinapatay ni Darryl si Kye imbes na makita ang ginagawa nitong panggamot sa kanilang Sect Master.“Sino ka? Ang lakas ng loob mong saktan ang aming Sect Master ah?”Malakas na sigaw ni Edgar bago nito itaas ang kaniyang kamay para umatake sa direksyon ni Darryl.Buzz!Isang malakas at bihasang cultivator si Edgar na pumapangalawa kay Kye sa buong Heaven Deviation Path. Kaya nagkaroon ng nakakatakot na lakas ang pagatakeng iyon na sumira sa daloy ng hangin sa dinaraanan nito.“Hindi, Senior Edgar!”Mabilis na nagbago ang itsura ng sumisigaw na si Moriri, gusto niya itong pigilan pero huli na ang lahat.‘Buwisit! Sino naman ang matandang ito?’Nagulat si Darryl nang makita niya ang pagatake. Hindi na siya nakaiwas sa tamang oras kaya wala na siyang nagawa kundi harapin ang pagatake
Whew!Napabuntong hininga si Darryl sa tanong nito, at napangisi. "Octovein Needlework ang tawag dun. Pinipigilan nito ang paglabas ng aura ng Sect Master para mapanatiling syang buhay."Ang Octovein Needlework?Sa saglit din na iyon, nagliwanag ang mga tingin ni Edgar sa pagkagulat dito.Isang kakaibang bagay talaga ang needlework na ito.Malinaw na nararamdaman ni Edgar noon na nasa alanganing sitwasyon pa rin si Kye pero nasa mas mabuting kalagayan kumpara sa ngayon. Namangha siya sa kaniyang nakita.Kasabay nito, medyo naguguluhan din siya.Ilang dekada na siyang naging manggagamot at nalibot ang kabuuan ng Keygate Continent— ngunit hindi pa siya nakakakita ng anumang bagay kagaya nito."Binata!"Makalipas ang ilang segundo, lumambot ng husto ang pag-uugali ni Edgar habang nagtanong siya ng, "Kung pwede ko lang malaman kung saan mo natutunan ang needlework?" Habang nagtatanong, walang iba kundi umaasa ang kaniyang mga tingin.Hindi alam ni Edgar noon na nanggaling sa Nine
Whew!Pagkaalis ni Edgar, huminga ng malalim si Darryl habang nag-iisip sa kaniyang sarili.Maganda sana kung naibalik ng batang emperor ang kapital ng imperyal. Siguradong may mga kayamanan doon. Sayang lang at kontrolado pa ni Paya nun."Darryl!"Habang nag-iisip sa kaniyang sarili si Darryl, hindi maiwasang magtanong ni Moriri ng, "Ano nang gagawin natin pagkatapos nito?"Habang nagsasalita siya, hindi maiwasan ni Moriri na titigan ang walang malay na si Kye ng nag-aalala."Ikaw muna ang magbantay sa Sect Master sa ngayon." Dahan-dahang sabi ni Darryl matapos mag-isip sandali. "Tandaan na wag magpapasok ng sinuman dito bago sya magising. Kelangan ko munang bumalik saglit sa palasyo."Hindi pa rin siya nakakapagbalita sa batang emperor o kay Haring Astro ng matagal na panahon. Siguradong nag-aalala sila ngayon.Sige!Tumango si Moriri sa utos.Binigyan siya ni Darryl ng ilang paalala at tsaka umalis. Sa saglit din na iyon, biglang nanghina si Moriri habang gumegewang ang ka
Magkakaroon ng problema kung hindi niya kagad mahahanap kung saan siya nakagat ng gagamba."Ikaw… ikaw…"Kaagad na bumalik sa kaniyang katinuan si Moriri nung makita ang mga kinikilos ni Darryl, at namula ang kaniyang mukha. "Wag mong gawin yan. Ako na… ako nang gagawa nyan…" Habang nagsasalita siya, halos hindi na makatingin si Moriri sa mga mata ni Darryl sa sobrang hiya.Sobrang nakakahiya ito.Haaay!Napabuntong hininga sa kaniyang sarili si Darryl sa pagmamatigas ni Moriri, at tumango. "Sige. Pwede mong ilabas ang iyong panloob na enerhiya para pilitin na lumabas ang lason, at babantayan kita." Habang nagsasalita siya, tahimik siyang lumipat sa gilid."Sige!" Nanghihinang sagot ni Moriri. Umupo siya ng naka cross-legged ang posisyon bago dahan-dahang inilabas ang kaniyang kapangyarihan para subukang paalisin ang lason.Nang sabay-sabay, tumahimik ang kuwarto"Mmph!"Ngunit masyadong mahina ang kalagayan ni Moriri para magawa ito ng maayos. Kumalat na ang lason sa kaniya
Whew!Sa kaniyang pag-iisip, huminga ng malalim si Moriri habang pinapakalma ang sarili bago inayos ang kaniyang palda.Kaagad lamang nun, isang sigaw ang naririnig mula sa labas. "Sect Master, kamusta ang Sect Master?"Thump!Sa sumunod na segundo, bumukas ng malakas ang pinto sa kuwarto habang papasok ang isang kaakit-akit na pigura.Nakasuot siya ng masikip na itim na damit na nagpapakita lalo sa kaniyang perpektong mga kurba sa katawan. Ngunit nagpapakawala ng pagmamataas sa hangin ang kaniyang ekspresyon, na nagpapahiwatig na hindi siya dapat pakialaman.Si Shea iyon.Kahit hindi siya naging isa sa mga estudyante ni Kye, isa si Shea sa mga pinagkakatiwalaang estudyante ni Kye dahil sa kaniyang mga kasanayan at katalinuhang taglay. Bumalik siya sa pangunahing sekta matapos mabigong patayin si Paya, at bumalik din saglit para magpahinga.Noong nakaraang araw lamang, kakalabas lang ni Shea galing sa pangunahing altar bago marinig na lubhang nasugatan si Kye. Sobrang nataranta
Ha ha!Habang naguguluhan ang mga tao sa nangyayari, isang malakas na tawa ang nagmumula sa mala ulap na alikabok. Sinundan ito ng isang pigura ng isang taong may kayabangan ang lakad palabas.Walang iba kundi kasamaan ang makikita sa kaniyang ekspresyon, at may mapagmataas na kilos.Walang iba kundi si Bosco iyon.Nataranta ang lahat sa gulat at galit nung makita siya."Sya? Ang lakas ng loob nyang bumalik dito!""Pinatalsik na sya mula sa Heaven Deviation Path di ba? Anong ginagawa nya dito?""Ang lakas ng loob nyang sirain ang bakuran natin ng ganito."Napuno ng ingay ng mga tao ang paligid, ngunit walang pakialam si Bosco sa kanila habang mayabang na tumitingin sa paligid. "Pustahan di nyo inaasahan ang pagbalik ko dito."Mas lalong sumabog sa galit ang mga salita ng mga estudyante dahil dito."Bakit ka nandito, Bosco?""Hindi ka na miyembro ng Heaven Deviation Path!"Habang umaalingawngaw ang mga salita ng mga tao sa hangin, seryoso lamang ang ekspresyon ni Shea haba
Wow!Nagulat ang mga disipulo nung makita sina Dewey at Alice. Nakatatak pa rin sa kanilang mga isipan ang eksena ng away nina Dewey at Kye sa Branch Altar.'Napakalakas ni Dewey. Ngayon na nasa panganib ang Sect Master, pasensya na pero walang sinuman dito ang karapat-dapat na makipaglaban sa kanya.''Buwisit!'Kasabay nito, sina Darryl at Moriri, na nasa loob ng kuwarto, nakita ang nangyari sa labas, at palihim silang nagulat, lalo na si Darryl.Napasimangot siya, at habang kinikilabutan siya, natataranta din siya. 'Matinding kaguluhan to. Bakit ngayon pa nagpakita si Dewey?'Habang nagiisip sa kaniyang sarili, hindi maiwasan ni Darryl ang mapatingin kay Bosco.'Kaya pala nakakapagtaka kung bakit ganyan sya kayabang kumilos. Mukang nakahanap sya ng mga bagong nyang kakampi.''Itong taong to...'Sa sandaling iyon, nakaramdam ng takot si Shea nung maramdaman niya ang malakas na awra na galing kay Dewey. Kasabay nito, narealize niyang si Dewey pala ang nagpatalsik ng kaniyang m