Clang clang clang...Agad na nagbanggaan ang pareho nilang mahabang espada, at umalingawngaw ang tunog ng bakal na nagkakatamaan.Maraming lalaking mga disipulo ang natulala sa kanilang nakita.Parehong magandang babae sina Alice at Shea. Nung naglaban sila, maraming mga mata ang nakadikit sa kanilang magagandang kurba sa katawan.Boom!Sa isang pikit lamang, nakailang laban na ang dalawa, at napaatras sila nang magtama ang kanilang mga palad.Matapos makatayo ng maayos sa kanilang mga sarili, huminga ng malalim si Alice at gustong sumugod, ngunit pinigilan siya ni Dewey."Babae!" Hinarap ni Dewey si Shea at tinawag ito sa mahinahon ngunit mabagsik na boses, "Isang bagay ito na hindi na kaya ng kontrol mo. Sabihin mo kay Kye na lumabas sya dito. Kundi, wawasakin ko ang lugar na to."Hindi malakas ang kaniyang boses, ngunit nakakatakot.Agad na napakagat ng mahigpit si Shea sa kaniyang labi at hindi siya sumagot ngunit sa kaniyang kaloob-looban, kinakabahan siya.'Anong gagaw
"Patay na?" Kumalma sa pag-iisip si Dewey at napasimangot kay Darryl. "Pano sya namatay?"Habang nagsasalita si Dewey, lumakad siya ng ilang hakbang paharap at tumingin sa loob ng bahay. Nakita niya si Kye na tahimik na nakahiga na may maputlang mukha at nakapikit ang mga mata. Mayroong isang madugong sugat sa kaniyang dibdib...Nagulat si Dewey, at naguguluhan din siya sa mga oras na iyon.'Sino ang taong yun na may kakayahang atakihin si Kye Deleon...'Huminga ng malalim si Darryl at mahinahong sinabing, "Si Granny Rafflesia yun." Pagkatapos nun, bahagyang ipinaliwanag ni Darryl ang nangyari.'Granny Rafflesia...' Hindi napigilan ni Dewey ang mapabulong sa kaniyang sarili, 'Sya pala yung kakaibang matandang babae na nakabangga ko nun.'Habang nag-iisp sa kaniyang sarili, nadurog ang puso ni Dewey.Dalawampung taon...'Napanatili kong maitago ang sarili ko, tumira at nakisama sa malalim na parte ng kabundukan sa loob ng halos dalawampung taon, naghihintay sa araw kung saan map
Pagkatapos nun, dinagdag ni Alice na, "Sinabi mo na ikaw ang hinirang ni Kye bilang Sect Master. Sino naman ang mga nakasaksi nun? Pano kami maniniwala sa mga sinasabi mo?"Hindi siya nakukuntento sa mga sinabi nito.Kaagad nun, sumigaw din si Bosco ng, "Tama sya. Puro salita lang na wala namang katunayan. Pano mo nasabing ikaw ang magiging Sect Master, dahil sa sinabi mo lang?" Sa sandaling iyon, lumingon ang mga disipulo na nandoon kay Darryl.Hindin rin kumbinsido ang mga disipulo sa mga sinabi ni Darryl.Sa saglit na iyon, naging tahimik ang kapaligiran."Saksi ako!" Biglang hindi na makapaghintay ng isa pang minuto si Moriri at naglakad palabas ng kuwarto, at sumigaw siya ng, "Nandun ako nung binigay ng Sect Master yung susi sa kanya."Tumingin si Moriri kay Darryl na may madiin na titig at dinagdag na, "Sinabi ng Sect Master na si Darryl ang papalit sa kanyang pwesto bilang Sect Master."Agad namang nagulat ang lahat. Walang kamalay-malay na tumango ang karamihan sa mga
"Peyton Stoll!" Biglang tawag ni Dewey at sinabing, "Patay na si Kye, at nangangailangan ng isang bagong Sect Master ang Heaven Deviation Path. Nasa akin ang jade sword ng Sect Master, at kung iisipin, ako dapat ang maging Sect Master. Ano sa tingin mo?"Habang nagsasalita siya, tumingin siya kay Peyton at umaasa.'Medyo mataas ang pwesto ni Peyton sa Heaven Deviation Path. Sa kanyang pagsuporta, magiging malapit na ang pagtagumpay ko.'Huminga ng malalim si Peyton at tumingin kay Dewey. "Mahigit dalawampung taon ka nang wala sa Heaven Deviation Path. Pano ka magiging Sect Master?"Lumungkot ang mukha ni Dewey. "Parang wala kang balak suportahan ako?"Humagikgik si Peyton at gustong sagutin si Dewey, ngunit pinutol siya ni Moriri."Second Elder!" Napakagat ng madiin sa kaniyang labi si Moriri at tinuro si Darryl. "Bago namatay ang Sect Master, hinirang na nya si Darryl na pumalit sa pwesto nya. Tsaka, binigay pa sa kanya ng Sect Master yung susi sa vault." 'Darryl?'Nang marin
Nagumpisa na ding uminit ang ulo ni Daryl. 'Tangina! Walang hiya talaga itong si Bosco Chazo. Gagawin niya ang lahat para lang maging sect master si Dewey. Pinaratangan pa niya si Moriri tungkol sa kanyang kalinisan sa harap ng lahat.'*Walanghiya ang isang katulad niya, hindi dapat yan pinapatawad.'Matapos pagalitan ni Darryl, inirapan siya ni Bosco at sinabi ng may painsulto, "Sino ba ang tunay na walang hiya sa inyong dalawa? Bakit hindi ninyo aminin ang mga ginawa ninyo?"Tumayo si Bosco sa kanila, pero sa loob-loob niya, naiinggit siya.'Walang hiya si Daryl, nagawa pa niya makipag siping sa babaeng minamahal ko? Kailangan kong sirain ang reputasyon niya.''Gago!'Mumurahin ni Darryl ito sa kanyang isip, at gusto niyang sumagot. Pero hindi na rin nakapagpigil pa si Shea."Bosco Chazo, kalokohan 'yan." Sabay sabi ni Shea na malamig, "Ikaw ang may kasalanan, pero ikaw pa ang nagtuturo sa iba."Pagkatapos, lumingon si Shea sa paligid at sinabi sa mga disipulo, "Nalason si Mo
Hindi nila inaasahan na ang dalawang Elder ay agad na magbabago ang isip at susuporta kay Dewey."Kayong dalawa!" Sa wakas, nakapag-isip si Peyton, at siya'y nabigo nang makita ang dalawang Elder na lumuhod sa lupa. "Ano ba ang ginagawa ninyo? Mabait si Sect Master Deleon sa inyong dalawa. Kakamatay lang niya, at agad na kayo bumaliktad—"Alam ni Peyton na may mga hindi pagkakaintindihan ang dalawang matatanda kay Kye Deleon, pero akala niya ay personal lang ito. Hindi matanggap ni Peyton na isinantabi nila ang mas malaking larawan dahil sa personal na galit."Mabait?" Inirapan ni Corey at sumagot, "Peyton Stoll, paano mo nasabi iyon? Oo, mabait si Kye Deleon sa iyo. Pero sa amin—."Agad na sumagot si Thomas, "Sa lahat ng mga taon, lagi kaming inaapi at iniwasan ni Kye Deleon. Matuwid ba siya? Isa siyang ipokrito!""Si Senior Dewey dati ay Deputy Sect Master. Siya ang nararapat maging Sect Master ngayon. Ano bang masama doon?"Mukhang galit si Thomas, na nagpapahiwatig na mataga
Tiningnan ni Darryl si Peyton at pinahintulutan ito.'Mabuti na lang at matuwid ang Second Elder at malakas siya. Kung hindi, masama ang magiging kahihinatnan nito.'Pero walang puso si Dewey. Dapat ay maghanda na rin ako.'Malalim na huminga si Darryl at tahimik na pumasok sa kwarto habang abala ang lahat sa ibang bagay.Pagkatapos ay tahimik niyang tinanong si Moriri papasok sa kwarto."Anong nangyari?" malambing na tanong ni Moriri.Seryosong seryoso, sinabi ni Darryl, "Kahit malakas ang Second Elder, mahirap baligtarin ang sitwasyon kung siya lang mag-isa ang lalaban. Kahit pagtulungan pa namin ito ng tatlo, natatakot akong wala kaming laban kay Dewey. Kaya, kailangan nating ilipat si Brother Deleon sa lalong madaling panahon."Nagmumukha nababahala si Darryl.'Nandito si Dewey sa labas ng kwarto, at puwede namin siyang lokohin tungkol sa pagkamatay ni Kye. Paano kung kumalma na ang sitwasyon at pumasok siya para tingnan si Kye? Mahuhuli tayo noon.'Pagkatapos ng ilang sag
Sabi ni Peyton na may pagkadesmaya, "Bosco Chazo, isa kang traydor, at wala kang karapatang magsalita. Haharapin kita pagkatapos ko dito."Pagkatapos ay tumingin si Peyton kay Dewey. "Inagaw mo ang posisyon bilang Sekta Master at nagdulot ng gulo sa Heaven Deviation Path. Masama ka! Mapunta ka sa impiyerno!"Agad, higpit na hinawakan ni Peyton ang kanyang espada at sumugod.Biglang pinakawalan ni Peyton ang lahat ng kanyang lakas at itinutok ang espada patungo sa dibdib ni Dewey. Kumislap ang kanyang espada, anupa't ito'y nagningning nang husto.Ang espada ay nagpapalit ng hangin; ito'y nakakatakot."Pinapalaki mo lang ang sarili mo!"Hindi nabahala si Dewey nang makitang si Peyton ng papalapit sa kanya, at malamig nitong sinabi, "Hinahanap mo ang iyong kamatayan, tutulungan kita."Agad, inangat ni Dewey ang kanyang kamay sa volley. Nalaglag ang espada mula sa kamay ni Corey at lumipad papunta sa kamay ni Dewey.'Sh*t! Kayang-kaya niyang kumuha ng bagay mula sa volley?'Nagula