Share

Kabanata 6724

Thump!

Kasunod nito ang direktang pagtama ng pagatake ni Jarn sa braso ni Bosco. Wala ng ibang naramdaman si Bosco kundi ang napakatinding pressure habang nawawalan siya ng balanse bago siya mapaatras at bumagsak sa lupa.

Hinding hindi makakalapit si Jarn kay Bosco kung nasa peak lang ang lakas nito. Pero sa kasamaang palad, ngayong tinanggalan na siya ng kapangyarihan ni Kye, pumapantay na lamang sa isang pangkaraniwang nilalang ang lakas ni Bosco. Kaya natural lang na hindi nito magawang pantayan si Jarn.

Sumabog naman sa katatawa si Jeekam at ang kaniyang mga tauhan sa kanilang nakita.

“Isa ito sa mga elite ng Heaven Deviation Path? Grabe, naiihi na ako sa sobrang takot!”

“Hahaha! Walang kuwenta…”

Habang nagpapatuloy ang mga ito sa kanilang tawanan, hindi na naitago pa ni Jeekam ang kaniyang galit. Grabe, ang lakas din ng loob ng lalaking ito na magpanggap bilang miyembro ng Heaven Deviation path para takutin siya.

‘Buwisit ka!’

Napamura naman sa kaniyang sarili si Jeekam ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status