Napakunot na lang ang noo ni Jeekam at ng kaniyang mga tauhan sa sitwasyong iyon.Nagmula ba talaga sa Heaven Deviation Path ang lalaking ito? Nagawa nila itong bugbugin ng husto… Mapapasok ba talaga sila sa isang malaking gulo?Habang nagpapanic si Jeekam, agad namang nagsalita si Dewey dito. “Babayaran namin ang kinain niya mamaya.”Habang nagsasalita, naging kalmado ang itsura ni Dewey habang bumubuo ito ng isang plano.Napunta sa ganitong estado ang disipulong ito ng Heaven Deviation Path kaya maliit na pabor lang ang kinakailangan niyang ibigay dito kapalit ng dalawang malalaking pabor na maaari niyang mahingi sa isang iyon.Natuwa naman dito si Bosco na yumuko ng walang tigil kay Dewey. “Maraming salamat po, Senior! Maraming salamat po sa inyong kabaitan…”‘Uhh…’Napatigil naman si Jeekam sa kaniyang nakita bago siya pilit na ngumiti habang sinasabi na, “Sige, kung ganoon, dito po!”Habang nagsasalita, umalis si Jeekam kasama ng mga maskulado niyang tauhan.Kahit na masy
Nagpakita ng kaunting pagkamuhi ang paningin ni Dewey nang itanong niya iyon.Kinamumuhian niya ang mga walang kuwentang mangmang na kagaya nito. Masyado ring naging malakas ang loob ng binatang ito para tawagin siyang Sect Master na isang dahilan kung bakit hindi ito ang pinakamagandang tao para pagkatiwalaan.Hindi rin naging maganda ang itsura ni Alice nang marinig niya ang mga salitang iyon sa hangin.‘Grabe, napakawalanghiya ng lalaking ito.’Nakahanda siyang talikuran si Kye nang hindi niya nakikilala si Dewey. Mukhang wala itong prinsipyo sa buhay kaya wala itong mabuting maidudulot sa kanila.Naramdaman ni Bosco ang pagkamuhi sa kaniya ng dalawa kaya agad na tumulo ang pawis sa kaniyang noo. Huminga siya ng malalim bago niya ipaliwanag ang kaniyang sarili. “Nagkakamali kayo riyan, Senior. Hindi ko po pinagtataksilan si Kye.”Maririnig ang kahihiyan sa tono ng boses ni Bosco habang nasa gitna ito ng kaniyang pagsasalita. “Sa totoo lang, pinatalsik ako kahapon ni Kye sa Hea
Nagliwanag ang makamandag na tingin ni Bosco sa sobrang hinanakit nang lumabas ang huling salita sa kaniyang bibig.‘Sinira mo ang lahat pagkatapos mo akong tanggalan ng lakas, Kye Deleon. Dahil dito, magbabayad ka…’Pero walang kahit na sino sa kanila ang nakakaalam na kasalukuyang sugatan ngayon si Kye na malapit ng malagutan ng hininga.Natuwa ng husto si Dewey sa naging asal si Bosco kaya napapatango itong nagsalita ng, “Magaling, magaling.”Habang nagsasalita, naglabas si Dewey ng isang pill na kaniyang ibinigay kay Bosco. “Ito ang Spirit Returning Pill. Matutulungan ka nitong bumalik sa pagpapalakas.”‘Bumalik sa pagpapalakas?’Kinuha ni Bosco ang pill mula kay Dewey, nanginig ang kaniyang boses habang nagtatanong ito ng, “Talaga?”Para kay Bosco, walang kuwenta ang sinumang hindi na mabibigyan pa ng tiyansang makapagpalakas pang muli. Ito ang unang beses niyang narinig ang tungkol sa Spirit Returning Pill.Bahagya namang ngumiti si Dewey nang makita niya ang pagkagulat
Hindi naman nagaksaya ng oras si Darryl, nagmamadali siyang pumunta sa isang kuwarto sa likuran. Pinunasan naman ni Moriri ang luha sa kaniyang mukha habang sumusunod ito kay Darryl.Ibinaba ni Darryl si Kye nang maisara nila ang pinto, mabilis na ibinandage ng dalawa ang mga sugat ni Kye.“Dali!”Huminga ng malalim si Darryl pagkatapos nito bago siya humarap kay Moriri para sabihing, “Dalhin mo sa akin ang lahat ng spirit herb sa lugar na ito. Nangangailangan din ako ng isang pilak na karayom, dali!”Tumango naman si Moriri habang nagmamadali nitong hinanda ang lahat.Hindi nagtagal ay nagawa na ring madala ni Moriri ang lahat ng hinihingi ni Darryl. Tumango naman ang nakukuntentong si Darryl nang makita niya iyon. Sabagay, masyado talagang marami ang mga herb sa kanilang side altar.Pagkatapos ng isang segundo, dahan dahang nagsalita si Darryl, “Sisimulan ko na ang tinatawag nilang Spirithold Pill. Magbantay ka sa pinto at huwag kang magpapapasok ng kahit na sino.”Naging mahi
Nakita ni Edgar ang pilak na karayom sa kamay ni Darryl na siyang gumulat sa kaniya.Dapat nating malaman na walang kaalaman ang buong kontinente ng Keygate sa acupuncture. Kaya para kay Edgar, parang pinapatay ni Darryl si Kye imbes na makita ang ginagawa nitong panggamot sa kanilang Sect Master.“Sino ka? Ang lakas ng loob mong saktan ang aming Sect Master ah?”Malakas na sigaw ni Edgar bago nito itaas ang kaniyang kamay para umatake sa direksyon ni Darryl.Buzz!Isang malakas at bihasang cultivator si Edgar na pumapangalawa kay Kye sa buong Heaven Deviation Path. Kaya nagkaroon ng nakakatakot na lakas ang pagatakeng iyon na sumira sa daloy ng hangin sa dinaraanan nito.“Hindi, Senior Edgar!”Mabilis na nagbago ang itsura ng sumisigaw na si Moriri, gusto niya itong pigilan pero huli na ang lahat.‘Buwisit! Sino naman ang matandang ito?’Nagulat si Darryl nang makita niya ang pagatake. Hindi na siya nakaiwas sa tamang oras kaya wala na siyang nagawa kundi harapin ang pagatake
Whew!Napabuntong hininga si Darryl sa tanong nito, at napangisi. "Octovein Needlework ang tawag dun. Pinipigilan nito ang paglabas ng aura ng Sect Master para mapanatiling syang buhay."Ang Octovein Needlework?Sa saglit din na iyon, nagliwanag ang mga tingin ni Edgar sa pagkagulat dito.Isang kakaibang bagay talaga ang needlework na ito.Malinaw na nararamdaman ni Edgar noon na nasa alanganing sitwasyon pa rin si Kye pero nasa mas mabuting kalagayan kumpara sa ngayon. Namangha siya sa kaniyang nakita.Kasabay nito, medyo naguguluhan din siya.Ilang dekada na siyang naging manggagamot at nalibot ang kabuuan ng Keygate Continent— ngunit hindi pa siya nakakakita ng anumang bagay kagaya nito."Binata!"Makalipas ang ilang segundo, lumambot ng husto ang pag-uugali ni Edgar habang nagtanong siya ng, "Kung pwede ko lang malaman kung saan mo natutunan ang needlework?" Habang nagtatanong, walang iba kundi umaasa ang kaniyang mga tingin.Hindi alam ni Edgar noon na nanggaling sa Nine
Whew!Pagkaalis ni Edgar, huminga ng malalim si Darryl habang nag-iisip sa kaniyang sarili.Maganda sana kung naibalik ng batang emperor ang kapital ng imperyal. Siguradong may mga kayamanan doon. Sayang lang at kontrolado pa ni Paya nun."Darryl!"Habang nag-iisip sa kaniyang sarili si Darryl, hindi maiwasang magtanong ni Moriri ng, "Ano nang gagawin natin pagkatapos nito?"Habang nagsasalita siya, hindi maiwasan ni Moriri na titigan ang walang malay na si Kye ng nag-aalala."Ikaw muna ang magbantay sa Sect Master sa ngayon." Dahan-dahang sabi ni Darryl matapos mag-isip sandali. "Tandaan na wag magpapasok ng sinuman dito bago sya magising. Kelangan ko munang bumalik saglit sa palasyo."Hindi pa rin siya nakakapagbalita sa batang emperor o kay Haring Astro ng matagal na panahon. Siguradong nag-aalala sila ngayon.Sige!Tumango si Moriri sa utos.Binigyan siya ni Darryl ng ilang paalala at tsaka umalis. Sa saglit din na iyon, biglang nanghina si Moriri habang gumegewang ang ka
Magkakaroon ng problema kung hindi niya kagad mahahanap kung saan siya nakagat ng gagamba."Ikaw… ikaw…"Kaagad na bumalik sa kaniyang katinuan si Moriri nung makita ang mga kinikilos ni Darryl, at namula ang kaniyang mukha. "Wag mong gawin yan. Ako na… ako nang gagawa nyan…" Habang nagsasalita siya, halos hindi na makatingin si Moriri sa mga mata ni Darryl sa sobrang hiya.Sobrang nakakahiya ito.Haaay!Napabuntong hininga sa kaniyang sarili si Darryl sa pagmamatigas ni Moriri, at tumango. "Sige. Pwede mong ilabas ang iyong panloob na enerhiya para pilitin na lumabas ang lason, at babantayan kita." Habang nagsasalita siya, tahimik siyang lumipat sa gilid."Sige!" Nanghihinang sagot ni Moriri. Umupo siya ng naka cross-legged ang posisyon bago dahan-dahang inilabas ang kaniyang kapangyarihan para subukang paalisin ang lason.Nang sabay-sabay, tumahimik ang kuwarto"Mmph!"Ngunit masyadong mahina ang kalagayan ni Moriri para magawa ito ng maayos. Kumalat na ang lason sa kaniya