“Ano pang hinihintay hintay ninyo riyan?” Simangot ni Granny Rafflesia nang mapansin niya na hindi magawang patayin ng mga mamamatay tao si Kye ngayong napaligiran na nila ito. “Isa siyang palaso na malapit ng matapos sa kaniyang paglipad. Isang tigre na walang mga pangil at kuko. Patayin niyo na siya ngayundin!”Ginamit ni Granny Rafflesia ang kanyiang lakas at gumalaw na parang isang kidlat para atakihin si Kye nang mabanggit niya ang huling salita sa kaniyang bibig. Hidni naman nagdalawang isip ang mga mamamatay tao nang makita nilang umatake ang matanda. Agad silang umatake kay Kye.“Gusto ninyo akong patayin? Halikayo rito!” Nabalot ng napakalakas na determinasyon si Kye na lumaban. Iwinagayway niya ang mahaba niyang espada habang nakikipaglaban kay Granny Rafflesia at sa mga kasama nitong mamamatay tao.Pero hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya agad niyang naramdaman ang kaniyang limitasyon sa pakikipaglaban. Mas humirap pa ito para kay Kye nang sumali n
Pagkatapos ng isang segundo, isang lalaki ang nagmamadaling sumugod papunta sa kaniya. Nagkaroon ito ng makorte at guwapong mukha. Ito ay walang iba kundi si Darryl.Hindi na nagsayang ng oras pagkatapos niyang gumaling sa pamamagitan ng Blazing Tiger kaya agad na siyang bumalik sa lugar na iyon sa lalong madaping panahon. At nang makalapit siya sa kaniyang pupuntahan, napansin niya ang nakatayo at hindi gumagalaw na si Moriri habang makikita naman sa katawan nito ang isang nakalalasong gagamba.Hindi na siya nagdalawang isip pa na pumulot ng bato para patayin ang gagamba.Nang makarating, tinanggal niya ang selyo sa mga acupoint ni Moriri bago siya magtanong ng, “Ano ang nangyari? Nasaan na ang nakakatanda kong kinakapatid?”Napatingin siya sa malamig na lawa pero hindi niya nakita rito si Kye. Napansin niya rin ang bakas sa paligid na nagpakita sa labang naganap sa lugar na iyon.“Si Granny Rafflesia!”Hindi niya ipinagdiwang ang muling paggalaw ng kaniyang katawan. At sa halip
“Hindi!”Nasasaktang iyak ni Moriri, hindi na maipapakita pa ng kaniyang luha ang pagdadalamhati na kaniyang nararamdaman. “Huwag mo akong iwan dito, Master. Huwag niyo po akong iwan dito!”Sumikip din ang dibdib ni Darryl noong mga sandaling iyon.Huminga naman ng malalim si Kye habang ginagamit ang buo niyang lakas para hawakan ang kamay ni Darryl. “Mayroon akong gustong ibilin sa iyo, aking disipulo. Huwag mo sana akong tanggihan sa kagustuhan kong ito.”Nagpakita ng matinding desperasyon at pagasa ang mga mata ni Kye habang nagsasalita.Pinigilan ni Darryl ang sakit na kaniyang nararamdaman habang walang pagaalinlangan itong tumatango, “Sige. Ano iyon, Kuya? Gagawin ko ang lahat para sa iyo.”Dito na ngumiti si Kye sa naging sagot ni Darryl na para bang nawala ang bigat sa kaniyang mga balikat bago niya dahan dahang sabihin na, “Umaasa ako na ikaw ang magpapatuloy sa iiwan kong posisyon ng Sect Master sa Heaven Deviation Path sa sandaling mawala na ako.”Habang nagsasalita,
Hindi inasahan ni Darryl na aatakihin si Kye ng kanilang mga kalaban bago pa man matupad ang pangaral niyang iyon.“Huwag niyo po akong iwan, Master…”Nakahiga pa rin si Moriri sa katawan ni Kye habang bumabaha ang luha mula sa kaniyang mga mata.Huminga naman ng malalim si Darryl para pakalmahin ang kaniyang sarili bago niya simulang asikasuhin si Kye. Pero kahahawak pa lang niya sa katawan ni Kye nang mapatigil ito sa kaniyang natuklasan.Hindi pa patay si Kye… buhay pa ito.Malinaw na naramdaman ni Darryl ang mahinang paghinga ni Kye matapos matusok ng ugat nito sa puso—masyado itong mahina kaya hindi na ito naramdman ni Moriri.Nagkaroon ng sage na katawan at kaluluwa ng diwata si Darryl kaya mas naging sensitibo ang kaniyang pakiramdan kaysa kay Moriri. Ito ang dahilan kung bakit niya naramdaman ang paghinga ni Kye.‘Magaling!’Nasabik ng husto si Darryl habang humaharap siya kay Moriri para sabihing, “Huwag ka ng umiyak, Moriri! Hindi pa patay ang master mo.”Nanginig na
Thump!Nang marinig ng lahat sinabi ng waiter sa ere, binunot ni Bosco ang mahaba niyang espada na kaniyang ihinampas sa lamesa. “Ang espadang ito ang aking ipambabayad sa aking kinain.”Ngayong pinatalsik na siya ni Kye sa Heaven Deviation Path, wala ng kahit na singko sa bulsa si Bosco para maipangbayad sa kaniyang kinain kaya wala na siyang nagawa kundi ibenta ang kaniyang mga kagamitan.‘Ano…’Napatigil ang waiter nang makita niya ang mahabang espada bago ito pilit na ngumiti habang sinasabi na, “Mu…mukhang hindi po ito ang nararapat na ipangbayad ninyo, sir.”Sumigaw naman si Bosco bilang sagot sa waiter habang humahampas ang kaniyang kamao sa lamesa. “Anong hindi tama rito? Alam mo ba kung magkano ang espada ko? Napakasuwerte na para sa iyo ang pagbibigay ko nito sa inyo.”Kahit na wala na siyang kapangyarihan, nasanay pa rin si Bosco sa arogante niyang kinalakihan kaya hindi naging problema para sa kaniya ang waiter na ito.“Ako…”Agad na nagpanic ang waiter nang maramda
Thump!Kasunod nito ang direktang pagtama ng pagatake ni Jarn sa braso ni Bosco. Wala ng ibang naramdaman si Bosco kundi ang napakatinding pressure habang nawawalan siya ng balanse bago siya mapaatras at bumagsak sa lupa.Hinding hindi makakalapit si Jarn kay Bosco kung nasa peak lang ang lakas nito. Pero sa kasamaang palad, ngayong tinanggalan na siya ng kapangyarihan ni Kye, pumapantay na lamang sa isang pangkaraniwang nilalang ang lakas ni Bosco. Kaya natural lang na hindi nito magawang pantayan si Jarn.Sumabog naman sa katatawa si Jeekam at ang kaniyang mga tauhan sa kanilang nakita.“Isa ito sa mga elite ng Heaven Deviation Path? Grabe, naiihi na ako sa sobrang takot!”“Hahaha! Walang kuwenta…”Habang nagpapatuloy ang mga ito sa kanilang tawanan, hindi na naitago pa ni Jeekam ang kaniyang galit. Grabe, ang lakas din ng loob ng lalaking ito na magpanggap bilang miyembro ng Heaven Deviation path para takutin siya.‘Buwisit ka!’Napamura naman sa kaniyang sarili si Jeekam ha
Nacurious si Bosconang makita niya sina Alice at Dewey.Sino ang dalawang ito? Ano ang ginagawa nila sa jade na espada ng Heaven Deviation Path na 20 taon ng nawawala sa aming sekta?Habang nagiisip si Bosco sa kaniyang sarili, pinulot ni Alice ang jade na espada habang naiinis itong sumisinghal, “Ugh! Ano bang mayroon sa lugar na ito? Bakit may nagaaway dito? Napakagulo.”Mabilis na lumapit si Jeekam kasama ng kaniyang mga tauhan nang marinig nila ang mga salitang iyon sa ere.“Nako hindi.”Nabalot ng ngiti si Jeekam habang nagpapasensya itong nagsasalita kay Alice. “Pasensya na kayo, mga kagalang galang naming mga bisita. Tinuturuan lang namin ng leksyon ang lalaking ito matapos nitong kumain ng libre rito. Ipagpaumanhin po ninyo ang abalang idinulot nito sa inyo.”Hindi naiwasang mapatingin ni Jeekam kay Alice mula ulo hanggang paa habang nagsasalita. Tiningnan niya ang maganda nitong itsura at katawan habang napapalunok sa kaniyang sarili.‘Napakaganda… napakaperpekto.’Hin
Napakunot na lang ang noo ni Jeekam at ng kaniyang mga tauhan sa sitwasyong iyon.Nagmula ba talaga sa Heaven Deviation Path ang lalaking ito? Nagawa nila itong bugbugin ng husto… Mapapasok ba talaga sila sa isang malaking gulo?Habang nagpapanic si Jeekam, agad namang nagsalita si Dewey dito. “Babayaran namin ang kinain niya mamaya.”Habang nagsasalita, naging kalmado ang itsura ni Dewey habang bumubuo ito ng isang plano.Napunta sa ganitong estado ang disipulong ito ng Heaven Deviation Path kaya maliit na pabor lang ang kinakailangan niyang ibigay dito kapalit ng dalawang malalaking pabor na maaari niyang mahingi sa isang iyon.Natuwa naman dito si Bosco na yumuko ng walang tigil kay Dewey. “Maraming salamat po, Senior! Maraming salamat po sa inyong kabaitan…”‘Uhh…’Napatigil naman si Jeekam sa kaniyang nakita bago siya pilit na ngumiti habang sinasabi na, “Sige, kung ganoon, dito po!”Habang nagsasalita, umalis si Jeekam kasama ng mga maskulado niyang tauhan.Kahit na masy