Ngumiti si Darryl nang maramdaman niya ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga kasama habang sumisigaw siya kay Paya ng, “Tingnan natin kung kaya mo na talaga akong pabagsakin, Paya.”Habang nagsasalita, tumingin si Darryl sa mga bantay na nasa likuran ni Haring Astro bago niya mahinang sabihin na, “Pagkakataon niyo na po para kumilos.”Hindi nakasuot ng pangkaraniwang mga armor ang mga bantay at sa halip ay nakasuot ang mga ito ng uniporme ng mga sea general.Agad na humarap sa mga ito kay Darryl habang sabay sabay silang sumasagot ng, “Huwag po kayong magalala, Sir! Ipinapangako po namin na matatapos namin ang inyong ipinapagawa.”Nang masagot nila si Darryl, nagmamadaling tumakbo ang mga bantay pababa mula sa siyudad. Dito na sila tumakbo papunta sa ilog mula sa kakahuyan para magpunta sa nagliliitang mga bangka na kanilang ihinanda.Nabalot ng mga tangke ng gasoline ang mga bangkang iyon.Swoosh!Nang makita niya na nakaposisyon ang mga bantay, hidni na nagdalawang isip pa si D
Habang nasa gitna ng kanilang pagkagulat, hindi na naiwasan pa ng mga sundalo na mapabuntong hininga habang nagiingat nilang tinitingnan si Darryl.“Mabuhay ka, Mr. Darryl!”“Masyadong kahanga hanga ang pagatakeng iyon…”Sa kabilang banda, gumawa ng sunod sunod na hiyaw at sigaw sina Haring Astro, Yankee at iba pang mga sundalo nang makita nila iyon.Pero masyado silang malayo kaya hindi nila nakita ang pagbagal ni Darryl matapos niyang gamitin ang pagatakeng iyon. Hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang lakas ni Darryl. At nangangailangan din ang Imperial Swordmanship ng napakalaking lakas mula sa sinumang gagamit nito.Swish!Huminga ng malalim si Darryl habang naririnig nito ang hiyawan mula kay Haring Astro at ng mga kasama nito bago siya muling lumipad sa ere. Nanlalamig niyang tinitigan si Paya sa deck ng barko habang nanloloko niyang sinasabi na, “Oh, Paya Kseen. Saan ka pa ba magaling bukod sa pagdadala sa iyong mga tauhan sa kanilang kamatayan?”‘Buwisit ka!’Sumama ng
Hindi na nagkaroon ng oras ang mga nasunog na sundalo para miserableng umiyak bago sila maabo sa loob lang ng ilang segundo.Dito na napabuntong hininga ang lahat kabilang na si Paya at ang mga natitirang sundalo.Ganito ba talaga katindi ang apoy na iyan. Paano ito nangyari?Kasabay nito ang panginginig ng alkalde matapos niyang makita ang nangyari mula sa kaniyang pinagtataguan sa kakahuyan. Dito na nablangko ang kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na gagamit ng apoy si Darryl para umatake sa huling sandali.Pero ang mas gumulat sa kaniya ay ang nakakatakot na lakas ng purple red na apoy ni Darryl.…Mabilis namang nahimasmasan si Paya, malakas siyang sumigaw sa mga natitirang sundalo sa kaniyang paligid ng, “Dalian ninyo! Gumamit kayo ng tubig para apulahin ang apoy.”Bahagyang nagpasalamat si Paya noong mga sandaling iyon. Kahit na masyadong malakas ang apoy ni Darryl, naglalaban sila sa tubig kaya maaari nila itong gamtin para apulahin ang apoy.Pero sa kasamaang palad, n
Mabilis ang ginawang pagkilos ng mga bantay kaya isang iglap lang ang kinailangan bago nila magawang sindihan ang mga natitirang barko. Gawa lang sa kahoy ang mga ito at masyado ring malakas ang hangin sa paligid kaya mabilis na nabalot ng apoy ang mga ito.“Sunog! Mayroong sunog!”Takot na isinigaw ng maraming mga sundalo nang makita nila ang sitwasyon. Agad na tumalon sa tubig ang karamihan sa kanila nang makita nila iyon.Inakala ng mga sundalo na ginawa muli ni Darryl ang pagatakeng tumakot sa kanilang lahat kanina.Ngayong nabigo sila sa pagaapula sa apoy ni Darryl gamit ang tubig, inakala ng mga sundalo na hindi maaapula ng tubig ang apoy na sumunog sa mga natitirang barko.Kaya natural lang para sa mga itong tumalon na lamang sa tubig para mailigtas ang kanikanilang mga sarili.Namutla ang mukha ni Paya nang makita niya ang mga apoy habang nabablangko ang kaniyang isipan.“Paano… paano itong nangyari?’Babagsak ng ganoon ganoon na lang ang hukbo niya na binubuo ng daan d
Mahinang nagbuntong hininga si Darryl habang nakangiti nitong sinasagbi na, “Masyado po kayong naging mabait, Kamahalan. Wala ng ginawa si Paya kundi maghasik ng lagim at manira ng inosenteng mga buhay. Kaya kahit na hindi ninyo ako lapitan, ako na mismo ang magpapabagsak sa kaniya.”Habang nagsasalita, dahan dahang naglakad ang mga sea general papunta sa pampang habang nagpapakita ng takot na itsura sa kanilang mga mukha.Isang gabi na ang nakalilipas mula noong makatanggap ng utos ang mga sundalo mula sa alkalde na magkunwaring tumakas habang nasa gitna sila ng laban. At ngayong natalo si Paya, wala na silang magagawa kundi bumalik sa gate para humarap sa batang emperor.Hindi na naitago ng lahat ang kanilang galit, kabilang na sina Yankee at Haring Astro nang makita nila ang mga sundalong iyon.Tumakas ang mga heneral ng hukbong dagat sa unang sagupaan nila ng panig ni Paya na nagpahiya ng husto sa kanila, pero nagawa pa rin ng mga itong bumalik sa kanila.Dito na nanlalamig na
Nabalot ng pagkabagsak ang itsura ng heneral habang nagsasalita.Walang kahit na sino ang makakatanggap sa pagkawala ng ganito karami niyang mga tauhan sa loob lang ng isang laban.’50,000 na lang ang natitira sa mga ito…’Sumama ang nagpupurple na itsura ni Paya sa narinig niyang mga salita, agad na naglagablab ang galit sa kaniyang dibdib habang nagngingitngit siyang sumisigaw sa direksyon ng Emerald Cloud City. “Tatandaan ko ang araw na ito, Darryl Darby.”Dito na sila nakarinig ng sunod sunod na tunog mula sa tubig. Napatingin ang lahat hanggang sa makita nila ang eksena na ikinagulat nilang lahat.Nakita nila ang nasa higit 50 mga barkong pandigma ng Emerald Cloud City. Napuno ang bawat isang barko ng mga sundalo na nagpakita ng determinadong mga itsura.Taas noo namang tumayo ang mga heneral ng hukbong dagat sa layag ng mga barko. Desperado na ang mga itong makabawi sa nagawa nilang pagatras kaya wala na silang ibang gusto kundi ang mahuli si Paya.Tumitig ang mata ng mga
Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, nagmamadaling nagpunta si Paya at ang kaniyang mga sundalo sa lumulutang na tulay.Nagresulta ang utos niyang ito sa pagsugod ng mga sundalo paabante, desperado silang tumakbo papunta sa lumulutang na tulay. Sa kasamaang palad, maraming mga sundalo ang hindi umabot sa kanilang pagtawid habang ang ilang daang sundalo naman ay napatay ng hukbong dagat ng Emerald Cloud City.“Dalian niyo na, sindihan niyo na ang apoy!”Sa wakas ay sumigaw na rin si Paya nang makatawid na ang mga sundalo sa lumulutang na tulay.Nagbato ang mga suindalo ng mga firestick na kanilang hinanda sa tulay nang marinig nila ang utos. Dito na nagliyab at nagliwanag ang tulay na kanilang tinawiran.Sa loob ng ilang saglit, tuluyan ng naabo ng apoy ang lumulutang na tulay na siyang sumira rito.Buwisit, nakatakas ang mga ito!Napahinga ng malalim si Paya nang makita niya ang nasusunod na tulay habang nagliliwanag ang kaniyang mood noong mga sandaling iyon.…“Tig
Habang nagsasalita, humarap si Yankee sa mga heneral. “Sige. Masasabi ko naman na ginawa ninyo ang buo ninyong makakaya.”Agad na napaluhod ang mga heneral nang marinig nila iyon habang malakas nilang sinasabi na, “Maraming salamat po sa walang kapantay ninyong kabaitan, Kamahalan!”Habang nagsasalita, nakahinga na rin ang mga ito ng maluwag sa kanilang dibdib.Gumawa silang lahat ng kataksilan kaya ginawa nila ang lahat para mahuli si Paya na siyang babawi sa kanilang nagawa. Pero nagawa pa rin nitong makatakas na nagiwan ng panic sa puso ng mga heneral. Agad na nawala ang takot sa kanilang mga puso nang marinig nila na hindi sila ipapapatay ni Yankee.Tumango naman dito si Yankee. Kahit na hindi niya nahuli si Paya, nagawa niya naman itong pabagsakin, at masyado na itong maganda para sa araw na iyon.Dito na tumingin sa kaniyang paigid si Yankee bago nito nakangiting sabihin na, “Dapat nating pasalamatan si Mr. Darryl sa tagumpay natin ngayong araw. Maghanda kayo ng isang banque