"Sino 'yan?" Nang marinig ng Mayor ang tunog ng may kumatok sa pinto, siya ay labis na nagingat at malamig na nagtanong, "Sino 'yan? Sino kumakatok?"Dapat sana ay ipinaalam ng mga guwardiya kung isa sa kanila ito.Huminga ng malalim si Caleb at sumagot, "Ako po ito, si Caleb!"Tuwang-tuwa ang Mayor sa pagkakarinig sa boses ni Caleb. Binuksan niya ang pinto, "Guard Caleb, nagpasya ka na ba dahil andito ka ng ganitong oras?"Naghahanap siya ng pagkakataon na makausap si Caleb mag-isa sa umaga. Halos sampung taon nang nagbabantay si Caleb kay King Astro. Siya ang pinakatapat na kasangga ni King Astro. Kung magtatagumpay siya sa kanyang plano kaylangan kumbinsihin si Caleb na sumama sa kanyang panig, mas maganda ang tsansang magtagumpay ang kanyang mga plano kay Paya.Hindi gaanong ka posible na mapapayag niyang sumama kay Caleb. Gayunpaman, naniniwala siyang mayroong kahinaan ang bawat isa. Dahil dito, ipinangako niya kay Caleb ang kasaganaan, kayamanan, ginto, magagandang babae, bahay,
"Anong nangyari, sir?" Tanong ni King Astro habang binabantayan ang sitwasyon sa mga navy at warships.Ang mga warships ay perpektong nakalinya, at ang mga kawal ay nasa magandang posisyon. Si King Astro ay bihirang makipaglaban sa mga digmaan sa tubig kahit na may maraming medalya sa digmaan. Hindi niya malaman kung may mali.Ngumiti si Darryl at itinuro ang ilog. "Mukhang determinadong makipaglaban si Mayor, pero nagbibigay siya ng senyales kay Paya. Malaki ang pagkakaiba sa laban sa lupa at sa tubig."Sa umpisa ng digmaan sa lupa, ang pagsasabay-sabay ng mga kawal sa pagtawag ay nagpapataas ng morale at nagpapadismaya sa kalaban. Pero iba ang nangyayari kapag sa tubig ka makikipaglaban. Binibigyan mo ng sapat na oras ang kalaban mo na maghanda sa pamamagitan ng pagiingay. Oo, malalaki ang warships, pero hindi ito mabibilis. Tatagal muna bago makarating ang mga warship sa kabilang dulo."Baka tapos na ang pagsasanay at depensa ni Paya at ng kanyang mga kawal."Naging mas maligaya pa
Sa panahon ng labanan sa umaga, ang Mayor ay nakipagtulungan kay Paya para magbigay ng isang palabas. Walang kahusay-husay sa laban, at ito'y tiyak na nagsira sa kilalang navy ng Emerald Cloud City. Sa teorya, dapat parusahan ang Mayor.Subalit, hindi ito ginawa ni Yankee. Sa halip, sinadyang pinatawad niya ang Mayor. Ang pinaka layunin ay masakop ang kontrol sa navy.'Ano?' Gulantang ang Mayor habang titig na titig kay Yankee. Hindi siya makahanap ng mga salita para makabuo ng pangungusap. 'Nagbigay ako ng malaking pagsisikap sa pag-train ng navy. Paano ko ito susuko? At pinakamahalaga, kung walang kontrol sa hukbo, paano ako makikipag-cooperate kay Paya?'Nag-panic ang Mayor habang iniisip ito. Pawis na pawis ang kanyang noo.'Anong problema?' Mukhang galit si Yankee nang hindi nagsalita ang Mayor. "Ayaw mo bang sundan ang aking utos at ayaw mong isuko ang iyong kontrol?"Mabilis na nag-react ang Mayor. Agad siyang lumuhod at natakot na nagsabi, "Hindi, hindi ko kayang gawin iyo
Nagbago ang tono ni Darryl habang nagsasalita. Itinuro niya ang mga modelong warship na pinagkabit-kabit. "Subalit, kung itatali nila ang mga warship sa isa't isa, makakalakad ng normal ang mga sundalo at heneral. Maari silang makarating sa timog bahagi kung dahan-dahan silang maglalayag."Natigilan sina King Astro, Yankee, at Caleb sa narinig. Nagulat sila. 'Talagang henyo si G. Darryl. Na-solusyunan niya ang problemang iyon na nagpapahirap kay Paya. Ang pagtatali ng mga warship ay para bang ginawa itong matatag tulad ng lupa. Mapapaboran nito ang mga rebelde.'Gayunpaman, habang sila'y namangha, hindi nila ito naintindihan. Bakit kailangan ni Darryl na gayahin ang laban mula sa panig ni Paya?"Guard Caleb!" Habang naguguluhan sila, ngumiti si Darryl at tumingin kay Caleb. "Kakawalan ng Mayor ang kanyang kapangyarihan sa hukbo. Bukod sa pagkikita kay Paya nang lihim, tatawagin ka rin niya. Sa oras na iyon, ituro mo sa kanya ang solusyon na ito. Kapag nalaman niya ito, agad niyang i
Nagmamadaling lumuhod si Caleb at sinabi, "Hindi kita bibiguin!"Tumango si Darryl ng may kasiyahan. Sinabi niya kay Haring Astro, "Kapag nagsimula na ang labanan, hindi natin dapat pagkatiwalaan ang hukbong-dagat. Kaya kailangan nating magtalaga ng tao mula sa atin para sunugin ang pandigmaang barko.""Tama ka!" Tumango si Haring Astro. Lumingon siya sa paligid at sinabi sa mga guwardiyang naroroon, "Narinig n'yo rin. Sa araw ng labanan, responsibilidad n'yo ang pagsunog sa mga pandigmaang barko."Lumuhod ang mga guwardiya. "Gagawin namin ang aming makakaya."Puno ng pagmamalaki at karangalan si Haring Astro at tumango para ipakita ang kanyang kasiyahan. Tinanong niya si Darryl, "Sir, ano ang susunod nating gagawin?"Ngumiti si Darryl at iwinagayway ang badge ng commander sa kanyang kamay. "Ngayon, samahan mo ako sa base ng hukbong-dagat. Dahil mayroon tayong badge ng commander, magiging kahina-hinala kung hindi tayo magpapakita."Nagtawanan si Darryl at Haring Astro pagkatapos
"Nakipag-kasunduan ako kay Paya para matupad ang hindi nagawa ng iba. Ako'y nangangako ng walang-hanggang kasaganaan at yaman kung susundan niyo ako," sabi ng Mayor.Makikislap ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. Tiyak siya na ang mga heneral na kanyang personal na tinuruan ay hindi siya tatalikuran.'Ano?' Nagpalitan ng tingin ang mga heneral at nagulat sa narinig. 'Si Mayor ay kasabwat ni Paya sa lihim? Ito'y... pagtataksil! Pero kahit na ituloy namin ang pagtrabaho para sa Daim Dynasty, malaki ang tsansang hindi kami pagkakatiwalaan ng batang Emperor dahil kasama namin si Mayor.'Matapos mag-isip, lumuhod ang isang heneral at nagsabi, "Susundan kita hanggang sa aking kamatayan."Pagkatapos niyang magsalita, lumuhod ang iba pang mga heneral at sumigaw, "Susundan kita hanggang kamatayan!"Napakasaya ng Mayor. Tumawa siya at nagsabi, "Mabuti, mabuti, mabuti. Kapag ako'y sumikat na, hindi ko kayo aabuso'n."Tumango ang mga heneral.Mamaya, tinanong ng isang heneral, "Sir,
Tumawa ang Mayor kahit siya'y nabigla. "Darryl, ah, Darryl. Tiyak hindi mo inakala na gagamitin ni Paya ang iyong pamamahagi para salakayin ang lungsod!"Hinaplos niya ang balikat ni Caleb. "Caleb, magaling ang ginawa mo ngayon!"'Ang pamamahagi ng mga kadena ay talagang mabisa at walang kapintasan.' Habang pinagninilay-nilay ito ng Mayor, lalo siyang nae-excite.Matapos ang maraming taon ng pagbabantay sa lungsod, bihasa na siya sa labanan sa tubig. Nang marinig niya ang ideya ni Darryl na pagkakabit ng mga digmaang barko gamit ang kadena, wala siyang maisip na kontra dito.Hindi alam ng Mayor na plano ito ni Darryl sa simula pa lang.Naginhawa ang loob ni Caleb nang makita ang sobrang excitement ng Mayor, at siya rin ay nae-excite. 'Si G. Darryl ay talagang kahanga-hanga. Nahulog na ang lintik na ito sa patibong,' iniisip niya.Kunwari'y nag-aalinlangan siya. "Mayor, ikukwento mo ba kay Paya ang pamamahaging ito?""Siyempre!" Nasa magandang mood ang Mayor. Tumango siya at ngum
‘Buwisit!’ Mas tumindi ang pagkadismaya ni Bosco habang iniisip niya ang tungkol sa bagay na iyon. ‘Ano bang espesyal kay Darryl? Bakit ba dalang dala ang mga dugong bughaw sa kaniya? Isa siyang manloloko!’Dito na niya inutos ng disipulo na, “Bantayan ninyo ang lahat ng nasa pansamantalang palasyo. Humanap kayo ng oportunidad para mahuli siya sa sandaling makita ninyo si Darryl. Patayin ninyo siya sa sandaling lumaban siya sa atin.”“Opo!” Sagot ng disipulo matapos niyang matanggap ang utos bago ito nagmamadaling umalis.Nang makaalis ang disipulo, isang magandang binibini ang nagpakita. Kasalukuyang alerto si Bosco. Nakaramdam siya ng thrill sa kaniyang dibdib. Dito na siya tumayo para sabihing. “Moriri, ikaw nga iyan.”Nagkaroon siya ng perpektong katawan at maselang mukha. Nagpakita ng panlalamig ang kaniyang itsura na naglayo sa kaniyang itsura sa pangkaraniwang mga tao. Ito ay walang iba kundi si Moriri. Kagaya ni Bosco. Nagpunta si Moriri sa Emerald Cloud City sa lalong ma