"Nakipag-kasunduan ako kay Paya para matupad ang hindi nagawa ng iba. Ako'y nangangako ng walang-hanggang kasaganaan at yaman kung susundan niyo ako," sabi ng Mayor.Makikislap ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. Tiyak siya na ang mga heneral na kanyang personal na tinuruan ay hindi siya tatalikuran.'Ano?' Nagpalitan ng tingin ang mga heneral at nagulat sa narinig. 'Si Mayor ay kasabwat ni Paya sa lihim? Ito'y... pagtataksil! Pero kahit na ituloy namin ang pagtrabaho para sa Daim Dynasty, malaki ang tsansang hindi kami pagkakatiwalaan ng batang Emperor dahil kasama namin si Mayor.'Matapos mag-isip, lumuhod ang isang heneral at nagsabi, "Susundan kita hanggang sa aking kamatayan."Pagkatapos niyang magsalita, lumuhod ang iba pang mga heneral at sumigaw, "Susundan kita hanggang kamatayan!"Napakasaya ng Mayor. Tumawa siya at nagsabi, "Mabuti, mabuti, mabuti. Kapag ako'y sumikat na, hindi ko kayo aabuso'n."Tumango ang mga heneral.Mamaya, tinanong ng isang heneral, "Sir,
Tumawa ang Mayor kahit siya'y nabigla. "Darryl, ah, Darryl. Tiyak hindi mo inakala na gagamitin ni Paya ang iyong pamamahagi para salakayin ang lungsod!"Hinaplos niya ang balikat ni Caleb. "Caleb, magaling ang ginawa mo ngayon!"'Ang pamamahagi ng mga kadena ay talagang mabisa at walang kapintasan.' Habang pinagninilay-nilay ito ng Mayor, lalo siyang nae-excite.Matapos ang maraming taon ng pagbabantay sa lungsod, bihasa na siya sa labanan sa tubig. Nang marinig niya ang ideya ni Darryl na pagkakabit ng mga digmaang barko gamit ang kadena, wala siyang maisip na kontra dito.Hindi alam ng Mayor na plano ito ni Darryl sa simula pa lang.Naginhawa ang loob ni Caleb nang makita ang sobrang excitement ng Mayor, at siya rin ay nae-excite. 'Si G. Darryl ay talagang kahanga-hanga. Nahulog na ang lintik na ito sa patibong,' iniisip niya.Kunwari'y nag-aalinlangan siya. "Mayor, ikukwento mo ba kay Paya ang pamamahaging ito?""Siyempre!" Nasa magandang mood ang Mayor. Tumango siya at ngum
‘Buwisit!’ Mas tumindi ang pagkadismaya ni Bosco habang iniisip niya ang tungkol sa bagay na iyon. ‘Ano bang espesyal kay Darryl? Bakit ba dalang dala ang mga dugong bughaw sa kaniya? Isa siyang manloloko!’Dito na niya inutos ng disipulo na, “Bantayan ninyo ang lahat ng nasa pansamantalang palasyo. Humanap kayo ng oportunidad para mahuli siya sa sandaling makita ninyo si Darryl. Patayin ninyo siya sa sandaling lumaban siya sa atin.”“Opo!” Sagot ng disipulo matapos niyang matanggap ang utos bago ito nagmamadaling umalis.Nang makaalis ang disipulo, isang magandang binibini ang nagpakita. Kasalukuyang alerto si Bosco. Nakaramdam siya ng thrill sa kaniyang dibdib. Dito na siya tumayo para sabihing. “Moriri, ikaw nga iyan.”Nagkaroon siya ng perpektong katawan at maselang mukha. Nagpakita ng panlalamig ang kaniyang itsura na naglayo sa kaniyang itsura sa pangkaraniwang mga tao. Ito ay walang iba kundi si Moriri. Kagaya ni Bosco. Nagpunta si Moriri sa Emerald Cloud City sa lalong ma
Sa gitna ng kanilang paguusap, sinubukan ni Bosco na banggitin ang pangalan ni Darryl hangga’t maaari. Wala siyang binanggit na kahit ano tungkol sa paninirahan ni Darryl sa pansamantalang palasyo.Kararating rating lang ni Moriri at wala itong ideya sa nangyayayari.Sa hilagang bahagi ng ilog sa may kampo.Kasalukuyang nakaupo si Paya sa kaniyang tent. Mukhang problemado ito matapos niyang basahin ang impormasyong ipinadala ng isang espiya mula sa Emerald Cloud City. Ngumisi siya habang ibinabato ang papel sa apoy na nasa kaniyang tabi. “Walang kwenta ang alkaldeng ito. Sinabi niyang kontrolado niya ang syudad. Hmm… Tingnan mo kung ano ang nangyayari ngayon. Tinanggalan siya ng posisyon bilang Commander-in-chief.”Nadidismaya niyang iniling ang kaniyang ulo. “Isang malaking pagkakamali ang pakikipagtulungan sa kaniya.”“Punong heneral!” Sabi ng isang mapagkakatiwalaang sundalo. “Mukhang hindi naman po siya ganoon kawalang silbi. 10 taon na ang nakalilipas mula noong itatag niya a
Bahagyang nagbuntong hininga ang alkalde habang mabilis itong naglalakad papunta sa platong gawa sa buhangin na nasa harapan ni Paya bago nito sabihing, “Hindi mahusay pagdating sa tubig ang iyong mga heneral at sundalo kaya hinding hindi kayo mananalo gamit ang pangkaraniwang estratehiya na iisipin ng kahit na sino sa labang ito.“Pero sa sadnaling pagkabitkabitin mo ang iyong mga barko gamit ang mga kadena, magiging stable ang mga ito na magpaparamdam sa iyong mga heneral at mga sundalo na para bang nakatungtong sila sa lupa. Dito na nila magagawang makipaglaban ng normal.”Sa huli ay natuwa ang alkalde sa kaniyang sarili habang nagtatanong siya ng, “Punong Heneral, ano sa tingin mo?”Tumitig si Paya sa mga plano habang inaalala ang mga sinabi ng alkalde. Natigilan siya rito. ‘Napakahusay ng istratehiyang ito! Bakit hindi ko ito nagawang maisip?’Samantala, nagtinginan naman ang mga heneral sa sobrang gulat. ‘Napakahusay na ideya ang pagkakabit sa mga barkong pandigma gamit ang m
Ngumiti si Caleb habang sinasabing, “Lumuha ang mga mata ng traydor nang marinig niya ang tungkol sa chain technique. Sinabi pa niya na isa ka raw henyo kaya gagamitin niya ang istratehiyang iyon para mapabagsak ang Emerald Cloud City. Mangarap na lang siya.“Hindi niya alam na kontrolado mo ang lahat ng nangyayari.”Hindi na napigilan pa ni Caleb ang kaniyang pagtawa matapos niyang magsalita. Tumawa rin si Haring Astro at Yankee sa kaniyang tabi.“Kamahalan!” Habang nasa gitna ng kanilang pagtawa, isang bantay ang nasasabik na lumapit habang nasasabik nitong sinasabi na, “Kamahalan, Haring Astro. Nakita po namin ang paggamit ng hukbo ni Paya ng mga kadena para pagkabitkabitin ang mga barkong pandigma ng mga ito.”“Magaling!” Palo ni Darryl sa kaniyang binti. “Mukhang naipadala na ng alkalde ang balita kay Paya. Maghanda kayo sa napakagandang palabas na mapapanood ninyo bukas.”Nakangiti namang tumango sa kaniya si Yankee. “Napakahusay. Dapat na nating matalo si Paya sa pagkakatao
Pagkatapos ni Bosco sa kaniyang pagsasalita, dinala niya si Moriri papunta sa likurang kuwarto.Isang iglap na lumipas ang gabi. Dahan dahang nawala ang hamog habang tumatama ang sinag ng araw sa ilog.Kapansinpansin ang pagod sa sundalong nagbabantay sa naval base sa Emerald Cloud City.Nang biglang marinig niya ang malalakas na tunog ng tambol sa kabilang banda ng ilog. Ito ang gumising sa mga heneral at mga sundalo sa naval base.“Nako, hindi!” Pagkatapos ng isang segundo, nakita nila kung ano ang paparating kaya nababahala silang sumigaw ng, “Umaatake na ang kalaban. Ito ang mga rebelde nating kalaban! Maghanda kayo sa pagharap natin sa kalaban! Maghanda na tayo sa pakikipaglaban!”Maraming mga sundalo ang naglakad palabas para tingnan ang ilog matapos nila itong marinig. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan. Nakita ng gulat nilang mga mata ang ilang mga higanteng bagay na dahan dahang papunta sa kanila.Ang mga naglalakihang bagay na ito ay ang mga magkakadikit na barkong gum
“Hindi ka isang mangmang na lalaki, Darryl. Hindi na katulad ng dati ang Emerald Cloud City kaya sumuko ka na kasama ng batang emperor ngayundin. Maghayag ka ng iyong katapatan sa akin at ipinapangako ko sa iyo na makakatanggap ka ng kayamanang hindi mo mauubos sa buong buhay mo!”Nagpakita ng nanlolokong tingin si Paya habang sumisigaw ito kay Darryl.Sa totoo lang, alam ni Paya na nagsisinungaling ang alkalde nang sabihin nito na siya ang nakaisip ng planong iyon.Sino pa ba bukod kay Darryl ang may kakayahang magisip ng ganito kahusay?Napakalinaw na tumakas ang mga heneral na hawak ni Darryl kaya hindi na nito magagawa pang lumaban. Nalalapit na ang pagbagsak ng Emerald Cloud City habang si Darryl ay isang henyo na may kapakipakinabang na kakayahan sa sandaling mapanatili itong buhay.Pumasok sa isipan ni Paya ang nalalapit na pagkapanalo ni Paya, kaya desidido na siya ngayong kunin ang panig ni Darryl. Kaya nakalimutan na niya ang bagay na ibinilin sa kaniya ni Master Magaera