Sa gitna ng kanilang paguusap, sinubukan ni Bosco na banggitin ang pangalan ni Darryl hangga’t maaari. Wala siyang binanggit na kahit ano tungkol sa paninirahan ni Darryl sa pansamantalang palasyo.Kararating rating lang ni Moriri at wala itong ideya sa nangyayayari.Sa hilagang bahagi ng ilog sa may kampo.Kasalukuyang nakaupo si Paya sa kaniyang tent. Mukhang problemado ito matapos niyang basahin ang impormasyong ipinadala ng isang espiya mula sa Emerald Cloud City. Ngumisi siya habang ibinabato ang papel sa apoy na nasa kaniyang tabi. “Walang kwenta ang alkaldeng ito. Sinabi niyang kontrolado niya ang syudad. Hmm… Tingnan mo kung ano ang nangyayari ngayon. Tinanggalan siya ng posisyon bilang Commander-in-chief.”Nadidismaya niyang iniling ang kaniyang ulo. “Isang malaking pagkakamali ang pakikipagtulungan sa kaniya.”“Punong heneral!” Sabi ng isang mapagkakatiwalaang sundalo. “Mukhang hindi naman po siya ganoon kawalang silbi. 10 taon na ang nakalilipas mula noong itatag niya a
Bahagyang nagbuntong hininga ang alkalde habang mabilis itong naglalakad papunta sa platong gawa sa buhangin na nasa harapan ni Paya bago nito sabihing, “Hindi mahusay pagdating sa tubig ang iyong mga heneral at sundalo kaya hinding hindi kayo mananalo gamit ang pangkaraniwang estratehiya na iisipin ng kahit na sino sa labang ito.“Pero sa sadnaling pagkabitkabitin mo ang iyong mga barko gamit ang mga kadena, magiging stable ang mga ito na magpaparamdam sa iyong mga heneral at mga sundalo na para bang nakatungtong sila sa lupa. Dito na nila magagawang makipaglaban ng normal.”Sa huli ay natuwa ang alkalde sa kaniyang sarili habang nagtatanong siya ng, “Punong Heneral, ano sa tingin mo?”Tumitig si Paya sa mga plano habang inaalala ang mga sinabi ng alkalde. Natigilan siya rito. ‘Napakahusay ng istratehiyang ito! Bakit hindi ko ito nagawang maisip?’Samantala, nagtinginan naman ang mga heneral sa sobrang gulat. ‘Napakahusay na ideya ang pagkakabit sa mga barkong pandigma gamit ang m
Ngumiti si Caleb habang sinasabing, “Lumuha ang mga mata ng traydor nang marinig niya ang tungkol sa chain technique. Sinabi pa niya na isa ka raw henyo kaya gagamitin niya ang istratehiyang iyon para mapabagsak ang Emerald Cloud City. Mangarap na lang siya.“Hindi niya alam na kontrolado mo ang lahat ng nangyayari.”Hindi na napigilan pa ni Caleb ang kaniyang pagtawa matapos niyang magsalita. Tumawa rin si Haring Astro at Yankee sa kaniyang tabi.“Kamahalan!” Habang nasa gitna ng kanilang pagtawa, isang bantay ang nasasabik na lumapit habang nasasabik nitong sinasabi na, “Kamahalan, Haring Astro. Nakita po namin ang paggamit ng hukbo ni Paya ng mga kadena para pagkabitkabitin ang mga barkong pandigma ng mga ito.”“Magaling!” Palo ni Darryl sa kaniyang binti. “Mukhang naipadala na ng alkalde ang balita kay Paya. Maghanda kayo sa napakagandang palabas na mapapanood ninyo bukas.”Nakangiti namang tumango sa kaniya si Yankee. “Napakahusay. Dapat na nating matalo si Paya sa pagkakatao
Pagkatapos ni Bosco sa kaniyang pagsasalita, dinala niya si Moriri papunta sa likurang kuwarto.Isang iglap na lumipas ang gabi. Dahan dahang nawala ang hamog habang tumatama ang sinag ng araw sa ilog.Kapansinpansin ang pagod sa sundalong nagbabantay sa naval base sa Emerald Cloud City.Nang biglang marinig niya ang malalakas na tunog ng tambol sa kabilang banda ng ilog. Ito ang gumising sa mga heneral at mga sundalo sa naval base.“Nako, hindi!” Pagkatapos ng isang segundo, nakita nila kung ano ang paparating kaya nababahala silang sumigaw ng, “Umaatake na ang kalaban. Ito ang mga rebelde nating kalaban! Maghanda kayo sa pagharap natin sa kalaban! Maghanda na tayo sa pakikipaglaban!”Maraming mga sundalo ang naglakad palabas para tingnan ang ilog matapos nila itong marinig. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan. Nakita ng gulat nilang mga mata ang ilang mga higanteng bagay na dahan dahang papunta sa kanila.Ang mga naglalakihang bagay na ito ay ang mga magkakadikit na barkong gum
“Hindi ka isang mangmang na lalaki, Darryl. Hindi na katulad ng dati ang Emerald Cloud City kaya sumuko ka na kasama ng batang emperor ngayundin. Maghayag ka ng iyong katapatan sa akin at ipinapangako ko sa iyo na makakatanggap ka ng kayamanang hindi mo mauubos sa buong buhay mo!”Nagpakita ng nanlolokong tingin si Paya habang sumisigaw ito kay Darryl.Sa totoo lang, alam ni Paya na nagsisinungaling ang alkalde nang sabihin nito na siya ang nakaisip ng planong iyon.Sino pa ba bukod kay Darryl ang may kakayahang magisip ng ganito kahusay?Napakalinaw na tumakas ang mga heneral na hawak ni Darryl kaya hindi na nito magagawa pang lumaban. Nalalapit na ang pagbagsak ng Emerald Cloud City habang si Darryl ay isang henyo na may kapakipakinabang na kakayahan sa sandaling mapanatili itong buhay.Pumasok sa isipan ni Paya ang nalalapit na pagkapanalo ni Paya, kaya desidido na siya ngayong kunin ang panig ni Darryl. Kaya nakalimutan na niya ang bagay na ibinilin sa kaniya ni Master Magaera
Ngumiti si Darryl nang maramdaman niya ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga kasama habang sumisigaw siya kay Paya ng, “Tingnan natin kung kaya mo na talaga akong pabagsakin, Paya.”Habang nagsasalita, tumingin si Darryl sa mga bantay na nasa likuran ni Haring Astro bago niya mahinang sabihin na, “Pagkakataon niyo na po para kumilos.”Hindi nakasuot ng pangkaraniwang mga armor ang mga bantay at sa halip ay nakasuot ang mga ito ng uniporme ng mga sea general.Agad na humarap sa mga ito kay Darryl habang sabay sabay silang sumasagot ng, “Huwag po kayong magalala, Sir! Ipinapangako po namin na matatapos namin ang inyong ipinapagawa.”Nang masagot nila si Darryl, nagmamadaling tumakbo ang mga bantay pababa mula sa siyudad. Dito na sila tumakbo papunta sa ilog mula sa kakahuyan para magpunta sa nagliliitang mga bangka na kanilang ihinanda.Nabalot ng mga tangke ng gasoline ang mga bangkang iyon.Swoosh!Nang makita niya na nakaposisyon ang mga bantay, hidni na nagdalawang isip pa si D
Habang nasa gitna ng kanilang pagkagulat, hindi na naiwasan pa ng mga sundalo na mapabuntong hininga habang nagiingat nilang tinitingnan si Darryl.“Mabuhay ka, Mr. Darryl!”“Masyadong kahanga hanga ang pagatakeng iyon…”Sa kabilang banda, gumawa ng sunod sunod na hiyaw at sigaw sina Haring Astro, Yankee at iba pang mga sundalo nang makita nila iyon.Pero masyado silang malayo kaya hindi nila nakita ang pagbagal ni Darryl matapos niyang gamitin ang pagatakeng iyon. Hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang lakas ni Darryl. At nangangailangan din ang Imperial Swordmanship ng napakalaking lakas mula sa sinumang gagamit nito.Swish!Huminga ng malalim si Darryl habang naririnig nito ang hiyawan mula kay Haring Astro at ng mga kasama nito bago siya muling lumipad sa ere. Nanlalamig niyang tinitigan si Paya sa deck ng barko habang nanloloko niyang sinasabi na, “Oh, Paya Kseen. Saan ka pa ba magaling bukod sa pagdadala sa iyong mga tauhan sa kanilang kamatayan?”‘Buwisit ka!’Sumama ng
Hindi na nagkaroon ng oras ang mga nasunog na sundalo para miserableng umiyak bago sila maabo sa loob lang ng ilang segundo.Dito na napabuntong hininga ang lahat kabilang na si Paya at ang mga natitirang sundalo.Ganito ba talaga katindi ang apoy na iyan. Paano ito nangyari?Kasabay nito ang panginginig ng alkalde matapos niyang makita ang nangyari mula sa kaniyang pinagtataguan sa kakahuyan. Dito na nablangko ang kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na gagamit ng apoy si Darryl para umatake sa huling sandali.Pero ang mas gumulat sa kaniya ay ang nakakatakot na lakas ng purple red na apoy ni Darryl.…Mabilis namang nahimasmasan si Paya, malakas siyang sumigaw sa mga natitirang sundalo sa kaniyang paligid ng, “Dalian ninyo! Gumamit kayo ng tubig para apulahin ang apoy.”Bahagyang nagpasalamat si Paya noong mga sandaling iyon. Kahit na masyadong malakas ang apoy ni Darryl, naglalaban sila sa tubig kaya maaari nila itong gamtin para apulahin ang apoy.Pero sa kasamaang palad, n