Share

Kabanata 6631

Mabilis na nakarating ang mga bantay kay Ethan. Noong nasigurado nilang patay na siya, doon sila nagsimulang umiyak ng malakas.

"Pakiusap, tulungan nyo kami!"

"Patay na si Heneral Ethan. Hanapin ang mga assassin…"

Umaalingawngaw ang kanilang mga iyak sa tahimik na kalye, mabilis na nakita sila ng grupo ng mga nagpapatrolyang bantay sa malapit. Nung malaman nila ang nangyari, pinautos nila na harangan lahat ng labasan sa Emerald Cloud City.

Sa saglit din na iyon, sa mansyon ng Mayor.

Sumugod kaagad si Everett doon nung makuha niya sa kaniyang mga kamay ang alyansa at kararating lang din niya sa silid aklatan.

Kalmadong nagbabasa ng libro ang mayor habang humihigop ng tsaa.

"Mister Mayor!" Umabante si Everett at magalang na yumuko.

Whew!

Huminga ng malalim ang mayor, at agad na nagtanong ng, "Nagawa mo na ba?"

Ngumiti ng kaunti si Everett, inilabas ang alyansa at inihagis ito sa mesa. "Hindi ko kailanman magagawang magkamali sa utos na galing sa Mayor. Tapos na! Patay na si Eth
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status