'Masyadong mapanganib ang karanasang iyon.'Pagkatapos marinig ang kuwento ni Darryl, nagtitigan sina Haring Astro, Yankee, at Ellie na para bang naguguluhan.'Kung ibang tao ang nakaranas ng ganung mga pangyayari, ilang beses na dapat namatay ang taong yun. Kaso, nagawang mabaliktad ni Mister Darryl ang kanyang sitwasyon. Hindi sa pagiging swerte, pero naipakita nya na isa syang alamat.'Habang madamdamin, huminga ng malalim si Haring Astro at sinabing, "Pasensya na pero sa tingin ko ikaw lang ang taong kayang dumaan sa ganung sitwasyon at nakaligtas parin."Kaagad na tumingin si Yankee kay Darryl at mukhang sobrang interesado. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili. "Napaka-interesado ng kwento mo. Kelangan kitang sundan para madagdagan ang aking karanasan."Tuwang-tuwa si Yankee noong nagsalita siya.Kahit na anak siya ng langit, masyado pa siyang bata, at sa kaniyang kaloob-looban, mapaglarong bata pa rin siya.Ngumisi si Darryl.Tumingin sina Haring Astro at Ellie kay
Nagalit si Ellie nang maalala niya ang sitwasyon, at nagalit siya sa ngalan ni Darryl. 'Kundi lang ako pinigilan ni Darryl, tuturuan ko sana ng leksyon ang mga walang asal na mga bantay na yun.''Huh?'Napasimangot sina Haring Astro at Yankee, at nagulat sila.'Ano? Muntikan pa syang mapagbintangan na isang mole?'"Ellie!" Mabilis na bumalik sa kaniyang pag-iisip si Haring Astro at tinanong si Ellie ng, "Anong nangyari?"Kaagad na kumaway si Darryl at sinabing, "Kalimutan nyo na yun. Posibleng isang hindi pagkakaunawaan lang yun…" Pagkatapos ng mahabang panahon sa komunidad, maraming nang nakilalang mga walang galang na tao si Darryl at hindi naman siya naabala sa mga ito. Gayunpaman, hindi iyon matanggap ni Ellie. Pagkatapos nun, ipinaliwanag niya kung ano ang mga nangyari.Boom!Pagkatapos malaman ang lahat ng nangyari, galit na galit si Yankee, at hinampas niya ang lamesa. "Napakawalang galang ng mga t*nga na yan. Paano nila naisip na isang mole si Mister…"Nagalit din si
"Heh!" Habang nakikita ang mayor na nagkukunwaring humihingi ng tawad, natawa na lang si Darryl sa kaniyang sarili at hindi naabalang sinabing, "Mayor, huwag kang mag-alala. Inosente ka. Kalimutan na natin tong nangyari.Gumaan ang pakiramdam ng mayor sa narinig at mabilis na tumango. "Mister, mabait ka talagang tao."Pagkatapos nun, nagpapanggap na sinabi ito ng mayor na, "Pero, kung iisipin lang, walang asal ang mga tauhan na iyon, at muntikan pa nilang masira ang isang magandang plano. Kailangan ko silangang parusahan nang matindi."Pagkatapos magsalita ng Mayor, tumingin siya kay Yankee, at nagpapanggap na mukhang tapat sa kaniya. Para sa kaniya, isang bata lamang si Yankee, at makakaya niyang makuha ang tiwala ni Yankee sa pagpapanggap lamang niya.'Wow, nasa karakter parin sya…'Humagikgik si Darryl at tumango. "Ngayon na nagsalita na ang mayor, sige. Naalala ko na may katamtamang taas ang lider, at hindi kalakihan ang kanyang mga mata. Masama din ang kaniyang tono kapag nag
Gayunpaman, hindi gaanog nakapag-isip si Ritchie sa kaniyang sitwasyon. Nahihilo siyang tumayo at lumuhod sa harap nina Yankee at Haring Astro.Pagkatapos nun, lumuhod din si Ritchie sa harap ni Darryl at nagmamadaling sinabing, "Mister, patawarin mo ako. Hindi ko alam ang inyong pagkakakilanlan at naging problema pa sa inyo. "Heh…" Humagikgik si Darryl na hindi man lang nagsalita ng kahit ano pagkatapos marinig ang pagmamakaawa ni Ritchie.Habang tinitingnan ang sitwasyon, hindi na masyadong nag-isip pa ang mayor at sumigaw ng, "Halina, paparusahan si Ritchie ng isang daang baston! Kaagad." Sa katotoohanan, naging tagasunod ng mayor si Ritchie ng halos sampung taon na, at ayaw ng mayor na magpataw ng ganitong kabigat na parusa sa kaniya. Gayunpaman, walang pagpipilian ang mayor dahil hindi siya puwedeng magpakita ng awa kay Ritchie sa harap ng kaniyang Kamahalan."Masusunod!" Pagkatapos marinig ang utos, kumuha ang dalawang bantay ng kahoy na patpat at pumasok.'Ano?'Nagpapani
"Kahit nakakainis yung mga nangyari, ito ay ang Lungsod ng Emerald Cloud. Hindi magiging maganda para sa akin kung iiinit ang ulo ni Mayor.""Ikaw—" naiinis na reaction ni Ellie nang makita niyang kinakampihan pa ni Daryl ang Mayor at sa huli ay bumalik na lang ito sa kanyang upuan.Si Hari Astro ay isang matalinong tao. Matapos makita si Darryl na sumama kay Mayor at pagkatapos ay sumunod upang konsolohin ito, napagtanto niya na ang pangyayari ay hindi gaanong simpleng lamang. "Sige, mabuti pa at hayaan nalang natin ito," ayon sa kanya.Agad na pumalakpak si Mayor at nagsabi kay Hari Astro, "Salamat, aking Hari, sa iyong kabutihan." Bagamat siya ang namumuno sa Lungsod ng Emerald Cloud, hindi siya gaya ng kasuperior ni Hari Astro, kaya't kailangang magpahayag ng respeto.Tumango si Hari Astro at ngumiti. "Mayor, walang anuman. Kung maaari nating maipanalo or matalo sa hukbo ni Paya ay nakasalalay sa hukbong pandagat ng Lungsod ng Emerald Cloud."Naramdaman ng Mayor ang kaluwagan ng ka
Kapansin-pansing hindi maganda awra ni Hari Astro habang nag-iisip."Salamat po, Inyong Kadakilaan."Pinahiran ng Mayor ang kanyang pawis at tumayo. Nakatingin nang galit, kanya itong sinabing "Pinadala ko na po ang aking mga tauhan upang alamin ang kinaroroonan ng mamamatay-tao. At sino naman kaya siya upang maglakas-loob na patayin si Commander Arroyo? Walang kasing sama at hindi dapat patawarin iyon."Tumango si Yankee at hindi nagbigay ng anumang salita.Huminga nang malalim si Darryl. Habang bumabangon mula sa kanyang kalungkutan, bumaba ang kanyang pagkagalit at napansin niyang may mali. Ayon sa kanya, 'ang kakayahan ni Ethan na makarating nang ligtas sa Lungsod ng Emerald Cloud ay nagpapatunay na napakalakas niya. Ngunit may nangyaring hindi tama sa kanya sa post house.'Sa kanyang kakayahan, hindi kayang labanan ng isang ordinaryong mamamatay-tao si Ethan. Maliban na lang kung siya ay hinintay para ambushin…'Itinanong ni Darryl, "Nasaan ang katawan ni Commander Arroyo?" Nakar
"Commander Arroyo, huwag po kayong mag-alala. Huhulihin ko ang salarin at parurusahan ito para sa iyo upang mapayapa at matahimik ka."Ang Mayor ay tunay na nagpapakumbaba. Kahit sina Hari Astro at Yankee ay tumango bilang pagsang-ayon.Gayunpaman...Alam ni Darryl na hindi lamang ito simpleng pagpaslang. Matutok siyang tumingin sa Mayor at napansin niyang tila malungkot ito, ngunit makikita sa kanyang mga mata na may iba siyang iniisip, nagpapakita lamang ito na siya ay nagkasala.'Shit!'Napansin iyon ni Darryl at agad niyang naisip na may kinalaman ang pagkamatay ni Ethan sa Mayor.Hinigpitan nang palihim ni Darryl ang kanyang mga kamao; nais niyang patayin ang Mayor. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang pag-iisip, nagpigil siya.'Ito ang Lungsod ng Emerald Cloud, at ito ang kanilang mga tao. Hindi ito makakabuti para sakin kung magkakaroon ng gulo.'Mas mahalaga pa, kailangan kong isaalang-alang ang kaligtasan nina Hari Astro at ng batang Emperador…'Huminga nang malalim si Darryl at pi
Sa katunayan, nakipaglaban na si Paya kay Ethan noon at lubos na alam niya ang kakayahan ni Ethan. Naaliw siya sa balitang pumanaw na si Ethan.'Ha?'Nakakunot-noo si Paya nang makita ang huling bahagi ng nilalaman.'Ano? Patay na si Lukas, at may bagong reyna ang mga barbaro? At isinulat pa niya ang isang kasunduan sa batang Emperador?'Binuksan ni Paya ang kasunduan at nagmumura-mura sa kanyang sarili, pagkalito ang nararamdaman.'Sh*t! Kung nakipag-ugnayan ang mga barbaro sa batang Emperador, hindi ba ako ang kanilang papatayin kaagad?'Pagkatapos mag-panic nang sandali, mabilis na bumaba ang kanyang kaba. 'Hindi pa siguro nararating ang kasunduang ito sa batang Emperador. May oras pa akong maghanda.'Kung magagapi namin ang Lungsod ng Emerald Cloud at makuha nang buhay ang batang Emperador at si King Astro, walang saysay ang kasunduan na ito.'Sa pansamantalang palasyo ng Lungsod ng Emerald Cloud...Bumalik sina Darryl, King Astro, at Yankee sa pangunahing silid.Umupo si Yankee, a
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito