Share

Kabanata 6633

Masama ito.

Napasimangot ang mayor sa kaniyang sarili.

Buwisit, ano ang nangyayari dito? Kakatapos niya lang kay Ethan, at ngayon naman ang biglaang paglitaw ni Darryl. Bukod pa dun, kilala rin ni Darryl si Haring Astro, at nirerespeto rin siya ng batang emperor.

Higit sa lahat, alam dapat ni Darryl ang tungkol sa alyansa tulad noong pagsama niya kay Ethan sa mga Barbaro. Siguradong mabubuking ang alyansa kapag nagkita sila ng batang emperor.

Hindi, kailangan niyang mag-isip ng paraan.

"Mayor!"

Sa saglit din na iyon, napansin ng kapitan ang pagbabago ng ekspresyon ng mayor at maingat niyang tinanong na, "Ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya?"

Whew!

Huminga ng malalim ang mayor, nag-isip saglit bago ito sumagot ng, "Sigurado ka bang sya si Darryl Darby?"

Nagmamadaling inilarawan ng kapitan ang itsura ni Darryl ng detalyado, habang dahan-dahang kumukunot ang kaniyang mga kilay. "Parang maayos naman syang magsalita. Medyo magulo lang ang itsura nya, na para bang tumakas sya s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status